(30)

***30***

Nakatingin lang si Chester sa akin. Tama ba yung ginawa ko? Parang hindi eh. Lalo lang yatang sasama yung pakiramdam ko. Kawawa namn si Chester kung ganun.

"I know what you think, sorry Chester ha. Never mind." napaka-unfair ko naman kasi sa kanya.

"No.. no, it's ok. Naiintindihan ko na. You love him. You can use me. I'm willing to do it."

Umatras naman ako umiling-iling sa kanya.

"Hindi.. hindi pwede. Ang unfair naman nun sa part mo.." kaya lang nag-sink sa utak ko yung sinabi niya, "I DON'T LOVE HIM!!!" napalakas yata yung pag-deny ko kaya hininaan ko, "I don't."

"Halata naman na eh. Hindi mo lang inaamin sa sarili mo. Chris," humawak siya sa balikat ko, "Sinabi sa akin ng grandmother ko dati, 'Mas mabuting mabuhay ka ng nakilala mo yung sarili mo, kaysa mabuhay ka ng nagtatanggi.' Bakit hindi niyo subukang dalawa? Malay niyo mag work-out para sa inyo."

Umupo ako doon sa isa sa mga upuan.

"Hindi pwede eh. It's complicated. I can't tell you why."

"Ok lang sa akin kung hindi mo kayang sabihin, pero isipin mo lang, nandito ako para samahan ka. I'll be your date sa Prom. No hurt feelings."

Kung hindi ko lang siguro... oh well umamin ka na, kung hindi ko lang siguro mahal si Ash sa ngayon, baka kay Chester pa rin ako may gusto. Pero ang problema nga, si Ash nakilala ko.

Chester's right. It's better to live knowing yourself than without knowing your true self at all. Does that make sense?

***

Another boing day. Nasa English Class kami ngayon. Nakaupo kami doon sa usual na mga upuan namin at dinidiscuss yung librong 'The Little Prince by Antoine De Saint-Exupery'. Naguguluhan na nga yung utak ko eh.

Nagbabasa nun si Camille, yung isa sa classmates namin.

"... And he went back to meet the fox. 'Good bye.' he said. 'Good bye,' said the fox."huminto ng kaunti si Camille then tinuloy na niya, " 'And here is my secret, a very simple secret: It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' "

"Camille, ihihinto muna kita diyan. 'It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' Ngayon, anong ibig sabihin ni Antoine De Saint-Exupery diyan? Bakit niya yun sinulat?" walang nagtataas ng kamay, "Opinions? Anyone?"

Ang tahimik pa rin sa buong klase nun at walang gustong mag-share ng opinion. Ano nga bang ibig sabihin nun?

Nilaro-laro ko na lang yung libro ko. Nakakatamad naman kasi eh.

"Orellana! Ano sa tingin mo yung ibig sabihin nung quotation na yun na sinabi ng fox?"

"Err.. uh.." Ano ba yan, hindi ko naman talaga alam, "Ibig sabihin eh, tanging sa puso mo lang makikita kung ano ang tama para sa iyo.. para sa lahat. Nasa iyo na yun... walang taong pwedeng magdikta sa iyo... ikaw lang ang nakakaalam. Minsan tanging yung nakikita lang natin ang pinapahalagahan natin. Pero ang hindi natin alam, ang pinakamahalagang bagay sa buhay ay yung hindi natin nakikita. Sa mga makamundong bagay umiikot ang buhay natin, pero sa bagay na mahalaga at tunay na dahilan ng buhay tayo nagbubulagbulagan."

Nyak.. tama kaya yun???

Nagtawanan naman yung grupo ni Shalyna sa gilid. Napatingin pa nga ako sa kanila.

"Amen!" tinaas pa niya yung kamay niya.

"May gusto kang sabihin Ms. Salinas?"

"Uhmmm... wala po. What she said.." tapos tinuro niya ako.

Buti nga. Akala mo naman kasi kung sinong magaling wla naman palang sasabihin.

Laking pasasalamat ko talaga nung natapos yung klase namin. Medyo inaantok na nga ako. Dumaan yung teacher namin at sinabihan pa nga ako ng goog job kahit na alam kong pampalakas lang loob yun. Alam naman natin pare-parehas na hinugot ko lang kung saan yung sinabi ko.

Tinawag ko uli yung teacher ko at gusto kong hiramin yung libro.  Sa unang tingin, mukha siyang children's book. More like a fairytale. Pero kapag binuksan mo at sinimulan mong basahin, may mga laman na kahit ako eh hindi ko maipaliwanag.

Si Shalyna naman eh tinaasan yung pitch nung boses niya. Pinarinig pa niya talaga sa akin.

"Ibig sabihin eh, tanging sa puso mo lang makikita kung ano ang tama para sa iyo.. para sa lahat. Nasa iyo na yun... walang taong pwedeng magdikta sa iyo...  OH PLEASE!" sabi niya tapos nagtawanan na naman, "Pwede ka nang maging madre Chris.

"Sorry Shalyna, hindi siya pwedeng mag-madre. She'll get married, someday. Right Chris?"

Ayoko na ng away nun kaya hindi ko na lang pinansin. Lumabas naman si Ash at may hawak din siyang libro. Pagtingin ko, hiniram din pala niya yung The Little Prince.

"Don't worry, your voice doesn't sound like that. It's.. different."

"I don't care. Sanayan na lang din yan. Pero minsan may mga sinasabi siya na napupuno rin ako kaya hindi ko rin mapigilan yung sarili ko."

Hindi ko siya tinignan nun, hawak ko pa rin yung libro. Binuksan-buksan ko yung pages pero hindi ko naman binasa.

"Chris, sasabihin ko sa iyo yun tungkol sa damit mo sa pageant."

Sa wakas, tinignan ko rin siya.

"Hindi ako worried doon." nag-smile ako ng kaunti at napatingin na naman ako sa back pocket niya, "Nandiyan na naman yang connecting chain mo. Kapag ikaw nahuli, magkaka-dentention ka."

Tinignan naman niya yung back pocket niya at mabilis niyang tinago sa bulsa niya.

"Nasanay na kasi ako. T-tapos binawal nila."

Tumayo na ako nun. Uuwi naman na ako. Wala naman akong gagawin sa school eh.

"Una na pala ako." nagsimula na akong maglakad nun.

"Ch--.." narinig kong sinipa niya yung bakal, "Chris!"

Nilingon ko naman siya. Ang gulo niya no. Kung may gusto naman siyang sabihin hindi pa niya sabihin. Tumatagal pa tuloy.

"So, you're going with Chester?"

Tumango naman ako sa kanya.

"You?" kahit na ayokong itanong yun.

"Shalyna."

Nag-nod lang ako pero hindi masyado.

"We're cool with that?"

"Yeah." tapos nag-punch kaming dalawa fist-to-fist.

Naglakad na ako nun papunta ng gate. Lalakad naman ako pauwi ng bahay namin. Yung hangin ngayon, parang ang lungkot yata.

Hindi pa ko nakakahakbang ng meydo malayu-layo sa school eh may tumawag na naman sa akin.

"Chris? Chrisandra?"

Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag sa akin. Oh great! Sa dami-rami naman si Mrs. Salinas pa.

"Hi Mrs. Salinas!" yun na lang ang nasabi ko. "Himala po yata at nadalaw kayo sa school."

Niyakap niya uli ako at humalik sa pisngi ko. Ngumti naman siya.

"Naku ang bait-bait mo namang bata ka. Ang tangkad mo pa." sabi niya sa akin, I felt uncomfortable, "Ayaw kasi ni Shalyna na pumunta ako sa school at sunduin siya. Nakakahiya daw na pumunta ako."

Sinabi niya yun sa Mommy niya?

"Bakit naman niya sinasabi yun? I mean, we're teenagers. Normal nga lang siguro na mahiya kapag dumadalaw ang parents sa school kasi iisipin nila Daddy's girl o Mommy's girl ka. Honestly, I would die to have a Mom visiting me at school. Dapat nga magpasalamat pa siya eh." napansin ko naman na medyo naluluha na siya, "Naku Mrs. Salinas! Hindi ko po sinsadya. May nasabi po ba ako?"

"Wala naman hija. Naikwento lang kasi sa akin ni Ash yung mga ginagawa sa iyo ng anak ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin pa iyon eh pwede naman kayong maging mag-bestfriend."

Na-choke naman ako doon.

"B-bestfriend? Malabo po iyon sa ngayon."

"Saan ka nga pala papunta?""Pauwi na po."

Pinunasan naman niya ng panyo niya yung mata niya.

"Pasensya ka na at emosyonal lang ako. Madalas lang mangyari sa akin yun. Alam mo na, may hypertenshion, sakit sa puso.." natigilan naman ako.

"May sakit po kayo sa puso?"

"Oo hija. Kumusta naman pala ang tatay mo at yung mga Kuya mo? Nabanggit din kasi ni Ash sa akin na ikaw lang daw ang babae sa pamilya. Hindi ka ba nahirapan?"

Ang daldal naman pala ni Ash. Kung magkwento eh history na yata ng buhay. No wonder pati si Lawrence eh kilala na ako nung nakita ako. Baka ganito rin pinagku-kuwento.

"Ayos lang naman po. Tatay ko pumapasada. Yung panganay po, si Kuya Christopher, nagtratrabaho na. Si Kuya Christian, college. Ako naman po. eto.." ngumiti lang ako.

"Mabuti naman pala."

"Paano po Mrs. Salinas, uuwi na ako. Medyo pagod eh." kailangan ko na rin naman nang umalis.

"O sige pala hija, mag-iingat ka sa pag-uwi." sabi niya sa akin.

Akala ko yun lang ang gagawin niya, pero kung paano niya ako winelcome kanina eh ganun din. Kiss and hug. Parang may hispanic blood nga itong si Mrs. Salinas. Ganun kasi sa mga may lahing espanyol, mahilig humalik at yumakap.

"Kumusta na lang sa lahat."

Nung nakapag-bye na ako eh binilisan ko na yung paglakad ko at baka mahinto na naman ako. Gosh, si Mrs. Salinas madaldal din!

Nakalayu-layo na rin naman na ako. Narinig ko pa ngang lumabas na si Shalyna sa gate eh. 'Sabi ko naman sa iyo huwag kang pupunta dito 'di ba! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!'

She is so rude. Ni-hindi ko nga kayang kausapin yung tatay ko ng ganun. Pero siya...

"Alam ko na kung anong iniisip mo. Bakit siya ganun sa Mommy niya?!?" sino yung nagsalita?

"Nasaan ka?"

"I'm here.. way up here."

Tumingala naman ako. Nandun siya nakaupo sa may gate sa mag bleachers.

"Kanina lang nasa room ka 'di ba? Ang bilis mo naman?" nagtaka naman ako sa kanya.

"Huminto ka doon at nakipag-usap, tingin mo 'di kita maabutan?"

Oo nga naman, may point siya doon.

"As I was saying, alam ko iniisip mo. Bakit ganun na lang niya ituring yung Mommy niya?"

"Well.. YEAH!" obvious ba?

"Yan din inisip ko. Pero malay natin, there's more Shalyna than we expected."

Inirapan ko naman siya. Hindi dahil date niya si Shalyna kailangan na niya ipagtanggol.

"Like.. mabait pala siya in disguise.." nagsimula na akong maglakad, "Bye na ako Ash. Narinig ko na yung story na yan."

"Who knows?" sabi naman niya, "You used to be friends with her. Something happened kaya nagbago lahat. She's not treating you like that dahil gusto niya."

"Ginagawa niya yun dahil gusto niya! Hindi pa ba maliwanag yun?"

"Ok sige, siguro nga dahil gusto niya. Maybe there's a reason."

Napagisip-isip ko rin naman. He's right. Dati-rati, ok naman kami. As ok talaga. Pero ngayon, hindi mo kami mapagdikit na dalawa dahil baka magkaroon lang ng giyera.

"Right. Thanks." nag-wave lang ako sa kanya dahil hindi naman siya makakasabay sa akin at nasa loob pa siya, "Uwi na talaga ako."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Wait Chris, may ibibigay ako sa iyo. Nalimutan ko kasi kaninang umaga. Baka nga nasira na sa bag ko eh.." tapos may hinalungkat siya doon.

Hinihintay ko naman siya at may nilabas din siya sa bag niya. A rose. A pink rose.

Binato naman niya sa akin at sinalo ko naman. Napatingin naman ako.

" ''It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' " nag-close fist siya at tinapat niya sa puso niya, "Listen to you heart Chris."

Tinignan ko lang siya nun at wala akong sinabi. A pink rose? Again?

"It's appropriate kung sabihin kong... 'Just letting you know I'm always here for you.' " huminto siya at nag-isip, "or... 'Good day Chris' instead of the usual 'Good Morning.'"ngumiti siya uli. "Bye Chris. Ingat."

Bumaba na siya nun sa bleachers at hindi ko na siya nakita.

"Ash!" tinawag ko siya pero hindi na siya umakyat uli.

'Good Morning'... it sounds.. familiar. So all this time.. yung rose sa desk... it's from him? Not from Chester.

How stupid can you get.

Ngumiti ako sa sarili ko na parang ewan. Tama.. sa pageant. Sa pageant na lang.

Nagclose-fist din ako gaya ng ginawa niya. Naalala ko yung kwento niya tungkol doon sa guy na nagsabi ng feelings niya for the girl. Pero hindi niya alam yung sagot nung babae.

It's like this. Right now he's holding his own heart, I'm holding my own. Ganun yung iniisip namin parehas. But deep inside, he's holding mine.

Tinapat ko sa puso ko yung kamay ko.

Sa pageant... Ash..

You'll know the ending...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top