(29)
***29***
Nagulat din siya sa ginawa niya. Umatras pa nga siya nun eh.
"Sorry." yun na lang yung sinabi niya at niyaya na niya ako doon sa loob para kumain.
Siguro nga kung nasa tamang pag-iisip ako nung mga oras na iyon eh nasuntok ko na siya. Ano bang nangyari sa akin? Wala man lang akong sinabi? Bakit niya ko hinalikan?
Para akong sira doon na hinihila niya at sumusunod lang sa kanya. Siguro nga, na-shock lang din ako. Pero para maging ok ito lahat, dapat siguro umarte na lang ako ng walang nangyari. Tama, ganun siguro. Uuwi ako mamaya, papasok uli next Monday... parang walang nangyari. May choice ba ko?
Hindi ko nga namalayan na nakaupo na pala kami uli sa diner. Nagulat na naman uli ako nung nag-lean siya sa table.
"Ok ka lang?" napansin niyang tinitignan ko lang siya, "Look, I'm sorry ok? Hindi ko talaga sinasadya. Nadala lang siguro ako.."
"Beef pasta." sabi ko sa kanya.
"Huh?!?"
"Order ko beef pasta."
"Oh.. right."
Ayoko muna pag-usapan yun. Hello? Anong sasabihin ko? Na first kiss yun? Alam mo naman na ang mga tao ngayon, kapag wala kang experience sa ganun geek ka na. But then, I can still say that I'm old fashioned. It's still important to me.
Habang tumatagal nun, medyo nawawala na yung pagkahiya ko. Nakikitawa na rin ako. Hindi ko pa nga alam kung para saan yung mga sobrang tnidor doon pero ang sabi sa akin ni Ash eh mag-start daw ako sa outer, then work through the inside. Kasi naman, pwede namang isa lang pinadami pa.
Medyo nabubusog na rin ako nun kaya huminto ako dahil ayoko ng pakiramdam ng bloated. Bigla na lang nilang pinatay yung ilaw at may disco ball pa sa gitna. May babaeng umakyat sa stage at tumugtog naman yung banda.
Binaba ni Ash yung tinidor niya saka yung kutsilyo at tumayo. At syempre ano pa, nagyaya sumayaw. Sabi ko nga 'di ako marunong.
I could lose my heart tonight
If you don't turn and walk away
'Cause the way I feel I might
"Hindi ka marunong sumayaw? Ako rin eh. Sabi nila left-right-left-right lang. Pero umattend ako sa Prom. Paano ka sumayaw last year?"
"Hindi ako umattend ng Prom." halata kong nagtataka siya, "Ineexpect mo ba na pupunta ako sa Prom at magsusuot na gown? Eew. Never."
Lose control and let you stay
'Cause I could take you in my arms
and never let go
Parang narinig ko na yung kanta na yan? Saan nga ba?
"Yeah. I think you look great." nakangiti pa siya nun.
I could fall in love (--in love--) with you
I could fall in love (--in love--) with you (--you, baby--)
Nang-aasar yata yung tugtog eh! Awayin ko kaya yung kumakanta!
Hindi pa ako sumayaw ng ganito before. Dati kasi nung sumali ako nun sa Dance contest, sinama nila ako sa Hiphop dance craze ng school. Kaya yung ganitong bagay, bago pa talaga sa akin.
Sumayaw lang kami doon, naging disco pa nga eh. Pati yung ibang crew doon nakisali na rin. Hindi rin pala ako makakaligtas nun dahil pinakanta rin nila ako. Ang dami kong excuse nun na 'di ako marunong, o kaya naman walang organ. Meron pala kaya hindi rin ako nakaligtas.
"Making my way downtown
Walking fast
Faces pass
And I'm home bound
Staring blankly ahead
Just making my way
Making a way
Through the crowd
And I need you
And I miss you
And now I wonder...." nagpapatawa si Ash nun kaya, "Ash!"
Tumawa siya ng tumawa nun kaya sa microphone eh tumatawa na rin ako. Ok lang naman, nakikisama rin naman ang audience.
"If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could
Just see you
Tonight"
After an eventful night and a one of a kind date, hinatid din ako ni Ash sa bahay namin.
"Good night Chris, this is the best night ever." parang lagi na lang best night?!?
This time, he kissed me on my cheeks. Masyado na yan ah!
Hinintay kong umalis yung kotse (provided doon sa golf course), at pumasok na rin ako sa loob. Eksakto namang pagbukas ko ng pinto, may tinamaan akong matigas at may sumigaw ng.. 'Aray ko!' ng sobrang lakas.
Dahil madilim sa loob, binukas ko yung ilaw.
"Anong ginagawa niyong dalawa?" nandun yung dalawa kong Kuya sa sahig at hawak-hawak yung tenga nila.
Si Kuya Christopher eh tahimik lang at ngumiti. Si Kuya Christian naman ang sumagot.
"Eavesdropping." at natuwa pa siya nun!
"Ha-ha.. sobra nakakatawa." sabi ko naman sa kanila at binatukan ko sila parehas."Sa susunod nga, huwag kayong papahuli ha."
Papakyat na ako doon sa hagdan nung nag-asar naman silang dalawa. Tumayo si Kuya Christopher at si Kuya Christian. Mas matangkad kasi si Kuya Christian kahit na ang pinakamatanda eh si Kuya Christopher.
"Good night Chris, this is the best night ever!" sabi ni Kuya Christian kay Kuya Christopher.
Nagkunwaring kikiss din si Kuya Christian kaya lang tinulak siya.
"Hoy dugyot ka Christian! May pagnanasa ka sa akin!" tapos tumingin siya sa akin,"Naks Chris, nagdadalaga ka na!"
"TTTTTAAAAAAAAYYYYYYYYYY!!!!!"
***
Monday na nga pala ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magpapakita kay Ash after nung Friday. Ngayon yata ako inatake ng matinding pagkahiya. Nahiya nga siguro ako nun pero hindi masyado.
Hinahanap ko yung homework ko nun sa drawer ko at isang papel naman yung bumungad sa akin. Dito ko nga pala nilagay ito. Yung contract.
Gumawa pa ng rules hindi rin naman pala susundin. Totally pointless. Bakit ko nga ba tinatabi pa ito? Ewan.
Binalik ko na lang uli yung contract ng deal. Nahanap ko rin naman yung homework ko at pumasok na ako sa school.
Kakapasok ko pa lang doon sa room eh lumapit naman yung iba sa akin. 'Anong nangyari?' 'Kwento naman diyan?' 'Sweet ba siya?' Akala ko kung ano yung tinutukoy nila. Na-realize ko lang nung sinabi nilang, 'Alam naman ng lahat na date niyo nung Friday eh.'
"Mind your own business." masungit nga siguro yung dating ko, pero hindi naman na nila kailangang malaman kung anong nangyari nung araw na iyon.
That night was between me and Ash. And the golf course crew. And the band. Nyak, ang dami rin pala. Ah basta, at least walang nakakaalam sa school.
Lumapit naman si Shalyna sa akin.
"Masaya ka na ba ngayon?" sabi niya sa akin at nakataas yung isang kilay niya.
"Anong ibig mong sabihin?" naupo ako doon sa desk ko.
"Akala mo hindi ko napapansin? You're trying to take everything away from me. You're taking over my life!" dinuro-duro pa niya ako sa dibdib ko, "Sa attention. Kay Ash, kay Chester... classmates.. sa lahat! Now what? Yung pageant? Dahil nangunguna ka sa votes masaya ka na? What's next? Sabihin mo lang!" napaatras naman ako, "Kaya ka lang sumikat dahil para kang linta na nakadikit kay Ash at alam mong mahahatak ka niya!"
"Unang-una, wala akong pakialam sa attention. Hindi ko sila sinabihan na pansinin nila ako o makilala nila ako! Hindi ko rin alam na pwesto mo pala yung pagiging pageant Queen. Iyong-iyo na! Hindi ko inaagaw sa iyo! At huwag na huwag mong isisisi sa lintang si Chris na kinukuha ko yung buhay mo, there's nothing special about it! I have my own, why would I want yours! My life is better that yours inthe first place.. so don't tell me I'm taking over your life!" dinuro-duro ko din siya sa dibdib niya, "At kung gusto mo si Ash, sabihin mo sa kanya! Go on! Hindi naman kami eh! Anong problema mo? Why don't you make your own move!"
Pagkatapos kong sinabi yun eh walang nakapagsalita kahit sino man doon sa loob ng room. Yung alarm lang ang ingay at naupo uli ako. Saka ko lang napansin nun na nasa labas pala si Ash at nakatingin sa bintana.
I felt horrible.
Hindi nga niya ako kinausap nung nagklase kami. Ako rin, hindi na lang nagsalita. Tama naman yung sinabi ko 'di ba? Teka..
tama nga ba?
As usual, hindi ako nakinig. Nawala na ako sa mood nun hanggang breaktime at lumabas lang si Ash ng hindi nagyayaya tulad ng dati. May umupo naman doon sa upuan niya. Pagtingin ko, si Chester lang pala.
"Chris, pwedeng magtanong?" sabi niya sa akin kaya inangat ko yung ulo ko.
"Sure. Fire it."
Kinamot naman niya yung ulo niya na akala mo eh nag-aalangan na naman. Hindi talaga bagay kay Chester ang mukhang nag-aalangan.
"Naisip ko lang kasi... uh.. sa pageant.. I know it's too early to ask. Can you be my date?"
What? Pageant may date pa? What kind of contest is that?
Nahalata niya siguro yung expression ng mukha ko.
"Tradition. Bawat contestant na nominated eh required na magkaroon ng date. Pwedeng yung hindi kasali sa program mismo, or pwedeng ring kayo-kayo na lang. Pwede ba ikaw na lang?"
Ang gulu-gulo ng utak ko nun at hindi ko na kaya pang isiksik ito ngayon pa.
"Ok lang ba kung pag-isipan ko muna? Magulo kasi utak ko ngayon eh. I'll tell you.. tomorrow.. o kung kailan convenient para sa akin."
"Ok lang, take your time." ngumiti siya nun at umalis na rin siya.
Hindi pa rin masyadong nagbabago yung mood ko hanggang parctice period. Chester's a nice guy. Sus, para pageant lang. Matagal-tagal pa naman yun. Marami pang preparation na magaganap.
Sumabay ako kay Chester kumain sa cafeteria. Actually, ako yung nakiupo sa kanya nung makita ko siya. Mag-isa lang kasi siya nun at yung tropa niya eh hindi ko alam kung nasaan. Nagkwentuhan lang idn naman kami. Ewan ko ba kung bakit ko yun ginagawa, siguro para makagaanan ko lang din siya ng loob. Pero sa ngayon parang maliwanag na sa akin ang lahat. I used to like him. I even tried things to impress him. Pero ngayon ang idea na ma-impress si Chester kay Chris eh parang idea ko pa nung year 1880's. It's like history, an idea of the past. Right now, I can see him as my friend, not more than that.
Hindi masyadong nagbago yung mood ko hanggang practice period. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako umoo kaagad kay Chester. O baka naman nagde-deny na naman ako. Hinihintay ko ba si Ash na magtanong sa akin?
Bakit ba lagi na lang kailangang nasa topic si Ash?
May lumapit na naman na babae sa akin.
"Is it true?"
Inaayos ko yung knee pads ko nun.
"Is WHAT true?"
"Tinanong ka ni Chester kung pwede bang ikaw ang maging date niya sa Pageant?"
Ni-roll ko naman yung mata ko.
"I'm on practice. Wala akong time sa ganyan ngayon. Sorry." binaba ko na yung skateboard ko nun at nag-slide ako mag-isa sa ramp.
Nagsialisan din naman na yung mga babae nung sinabihan sila ni Ash na bawal doon. Kadarating nga lang din niya eh. Mukhang ok naman siya ngayon. Hindi masyadong makatngin ng diretso sa akin.
"Chris, pwede kang kausapin?" malayo ako sa kanya nun kaya napahinto na lang ako."Privately?"
Nag back-off naman si Kian. Siya lang kasi ang nandun ngayon maliban sa amin ni Ash.
Naglakad naman na ako nun papunta sa direksiyon ni Ash at hawak-hawak ko yung skateboard ko. Nandun kami sa pinakgilid para walang makarinig.
"Kung tungkol sa skateboard, I'm working on it ok? Medyo nakukuha ko na.." medyo irritated pa rin ako nun.
"No, not that. It's about the pageant."
Of all topics na pag-uusapan na naman ito pa?
"Sinabi ko sa 'yo sa deal na tutulungan kita sa pageant. You did your part already. They believed us. Ako ang gagastos sa damit mo. Gowns, casual wear, sports wear.. everything. Just like I promised you before.." ito lang pala yung sasabihin niya.. akala ko pa naman...
Akala ko pa naman ano?
"Ok." yun lang ang sinabi ko at tumalikod na ako. Kaya lang hinawakan niya ako sa kamay ko.
"There's more. Narinig-rinig kong tinanong ka na ni Chester, pero hindi ko narinig sa kanila na umoo ka na. I'm asking you to be my date too."
Bigla ko na lang nabitawan yung skateboard ko at bumagsak sa paa ni Ash. Inangat niya yung paa niya.
"Ouch! Mabuti na lang athletic shoes 'to kaya hindi masyadong masakit." hawak niya yung paa niya, "Ano?"
Isa pa sa napansin ko nitong mga huling araw eh may malakng pagbabago. Nung may crush ako kay Chester, lagi akong palpak sa harap niya. Meron at merong nangyayaring ikapapahiya ko. Kay Ash nun, normal ako. Pero ngayon, kay Chester ako normal, kay Ash ako pumapalpak.
Does that mean..?
Now he's asking me to be his date too. Dalawa na yung nagtanong sa akin. Kahit na gusto kong sumagot ng Oo sa kanya, hindi ko ginawa. Fair lang naman siguro kung sabihin kong...
"Pag-iisipan ko muna. Ok lang?"
Tumango lang siya sa akin nun.
Habang nag-skateboard kami eh lagi akong natutumba. Mabuti na lang hindi nila ako tinatawanan. Wala kasi ako sa concentration. Si Chester ang unang nagtanong sa akin, kaya kapag sinabihan ko siya na may magiging date na ko... hindi ba masama yun sa lagay niya? Hindi naman niya alam na wala pang nagyayaya sa akin. Pero... si Chris ako. Obvious ba na walang magyayaya.
Si Ash kanina feeling ko pwede na akong umoo sa kanya. Yun nga lang pangalawa siya. Hindi ko naman pwedeng sabihing OO kaagad habang ang sinagot ko kay Chester eh pag-iisipan ko. Lumalabas na hinihintay ko nga lang siya. Hindi nga ba?
"Arrrgggghhhhh!" binato ko yung skateboard ko at nagtinginan sila lahat sa akin,"Ah.." wala akong maisip na sabihin nun kaya ngumiti na lang ako.
Natapos yung practice period namin at babalik na kami sa classroom. Halos kasabay ko lang yung dalwang ka-team ko at naglakad na kami sa corridor. Eksakto nga namang nandun yung grupo ni Shalyna. Wala naman siyang sinabi nung dumaan ako pero tumayo siya doon sa bench at siya naman ang parag linta kung makahawak kay Ash.
"Hi Ash! Kumusta ang practice?" hawak niya yung braso ni Ash.
"Err.. ok lang Shalyna." parang naiirita si Ash nun.
Nakatingin lang ako sa kanila nun at tinaasan ko lang sila ng kilay ko. Si Chester naman ang humila sa akin sa loob ng room at walang tao doon na makakakita sa amin. Hindi na ba matatapos ang hilahan nito?
"Sorry Chris... about sa pageant..."
"Me first." sabi ko naman na at nabuo na yung desisyon ko, "You're one great guy Chester. But I think..." tumingin ako sa direksiyon ni Ash na nakadikit pa rin kay Shalyna, "I'm going with somebody else. Sana ok lang sa 'yo."
"Ooh. Sure. Ok lang. It's you're choice. Whatever makes you happy, I'm all for it."
Na-touch naman ako sa sinabi ni Chester kaya tumalon ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
"You're awesome Chester." ang higpit pa rin ng yakap ko, "Thanks. Don't ask me, basta.. thanks."
Lalabas na sana ako para tawagin si Ash at sasabihin ko sa kanya na siya na ang magiging date ko. Kaya lang nandun pa rin si Shalyna, ayoko namang tawagin siya ng ganun-ganun na lang. Nasa likod ko pa rin si Chester.
Naangiti pa ako nun sa sobrang saya ko. Kaya lang narinig ko...
'Sure Ash, date mo na ko sa pageant.'
Hey.. hey.. what? Tinanong niya si Shalyna?
Ouch.
Hindi ko na tinuloy yung paglabas ko ng pinto nun. Naiiyak na ko. Para yun lang ang babaw ko naman! Hindi ako iiyak.
"Bakit? May problema ba?" sabi ni Chester nung napansin niya ako.
Humarap naman ako sa kanya.
"Actually Chester, I changed my mind."
Nagsalubong yung dalawang kilay niya.
"I'll be your date sa pageant."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top