(26)
***26***
Para akong sira doon na ayaw tumayo siya harapan nung drainage. Nakaluhod lang ako doon at parang natanim na yung dalawang tuhod ko sa lupa. Si Ash eh sinamahan lang ako doon at hinihimas-himas niya ako sa likod ko. Si Shalyna eh mukhang wala naman nang magagawa at hindi naman siya papansinin ni Ash kaya umalis na lang siya. Hindi ko alam kung anong itsura ko na nung mga oras na iyon. Siguro eh namumula na nga yung mga mata ko. Inioffer naman niya yung puting panyo niya sa akin at hindi ko siya pinansin. Pero ano pa nga bang magagawa ko, si Ash siya. Kailangang sundin mo kung ano yung gusto niyang mangyari.
"You know what Chris, you're welcome to lean on my shoulders."
Hindi ko pa rin siya pinansin nun. Napagod na yata siya sa akin kaya ang ginawa niya eh nakiluhod na rin siya sa akin.
"Kung wala kang balak umalis dito, luluhod din ako kasama mo."
Tinotoo nga niya yung sinabi niya. Saglit lang din eh nakiluhod na siya sa akin doon sa harap nung drainage. Hindi pa rin ako makapagsalita.
Kung may makakakita nga sa amin doon, siguro eh para kaming sira na nakaluhod doon. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko naman mapigilan. Saka ko lang na-realized.. ano ba si Ash sa akin?
"W-wala na yung libro!" yun na lang yung nasabi ko sa kanya.
Hindi ko naman inaasahan na yayakap siya sa akin.
"Alam mo kung anong natutunan ko nitong mga huling araw?" tinignan ko naman siya at sa drainage din siya nakatingin, "Kapag ginagawa mong miserable ang buhay ng isang tao, hindi naman yun nakakapagpagaan ng buhay mo. I mean, you'll find it amusing on yuor part, but your life won't be any better. Isn't it?"
Tama naman siya. Wala namang magbabago kung gagawin mong miserable ang buhay ng isang tao.
Naisipan ko rin naman ng tumayo. Kakaibang-kakaiba na yung pakiramdam ko nun. Inalalayan lang ako ni Ash at hindi rin nagtagal eh nag-alarm naman na at tapos na yung breaktime.
Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng room eh ang daming nakatingin sa amin. Pero wala talaga akong pakialam. BUmuka naman na yung bibig ng iba naming classmate para magsalita.. pero pinigilan sila ni Ash.
"Not a word!" binigyan naman niya ng warning.
"Uh... eh... tatanong ko lang sana kung tuloy ba kayo doon sa date niyo? Kung totoo ba yung presentation?"
Crap. Naalala ko na naman yun.
Tumingin si Ash sa akin at nahalata kong nag-blush siya. Iniwas niya ung tingin niya sa akin.
"I.. don't--"
"Of course!" sinabi ko sa kanya, "Tuloy kami bukas." sinabi ko sa kanya kahit na humihikbi pa ako nun. "A date is a date! What can I say?"
"Really?" sabi niya na mukhang nagulat sa akin.
"Make sure on time ka ha!" dinaan ko na lang sa ngiti kahit nalulungkot ako.
Kahit na malungkot pala ako.. meron pa palang ganitong bagay na nakakapagpasaya sa akin.
"Thanks.. CHRIS!" bigla na lang niya ako hinalikan sa pisngi ko.
Nag-asaran naman doon yung mga classmate namin. Sabi pa nung isa...
"Naks naman, nagthank you lang si Ash may kiss pa!"
Tumingin si Ash sa kanya na nakatodo-ngiti.
"Sinong maysabi na nag-kiss ako para sa thank you? What can I say?" ginaya niya yung sinabi ko kanina, "I have my own reasons."
I think I know what it is. Hindi kaya yun yung sinabi niya sa akin kagabi sa gym?
Wala nang atrasan Chris... sabi mo nga... a date is a date.
Hindi talaga ako nakinig doon sa klase namin. Ang ginawa ko lang eh sumandal sa desk ko buong maghapon at wala akong pakialam kung ano man yung dinidiscuss sa harapan. Si Ash ng eh panay ang tingin sa akin at tapos titingin uli sa board. Mukhang siya nga rin eh hindi rin mapakali sa kinauupuan niya. Bigla na lang niyang nilapag yung ballpen niya at lumuhod siya sa harapan ko. Wala nga siyang pakialam kahit na nagsasalita yung teacher namin nun sa harap.
"Chris, kung hindi ka ok, ilalabas na kita dito. Sabihin mo lang. Kanina ka pa lumuluha diyan eh."
Hindi ko naman siya sinagot. Basta nakatitig lang ako doon sa baba.
Hindi ko naman siya masyado tinignan pero alam kong tinaas niya yung kamay niya dahil narinig ko yng teacher na tinanong siya kung anong kailangan niya.
"Mam, pwede po bang umuwi na? Ihahatid ko lang po si Chris, mukhang 'di maganda yung pakiramdam niya eh."
Dahil hindi ko na alam yung naririnig ko, naramdaman ko na lang na inaalalayan niya na akong tumayo. Pero siguro nga iniisip na nung mga tao na sobrang arte ko na ngayon. Ako rin hindi ko ma-explain kung anong nangyayari sa akin. Masyado lang sigurong mahalaga sa akin yung libro.. pati yung bracelet. Ngayon, wala pa parehas. Nakakapanghina.
Si Ash na ang nagdala ng bag ko. Inikot nga niya yung kamay niya sa likod ko hanggang sa waist ko para maalalayan niya ako lalo. Hindi ko pa rin siya kinakausap hanggang sa makalabas kami ng room. Nagsalita lang ako nung nasa gate na kami.
"A-ash.. w-wala na yung libro. P-paano ko pa.. paano ko pa makikita yung nanay ko? N-nag-iisa na nga lang yun para makilala niya ko. W-wala na.." nanginginig pa rin yung boses ko. "P-pati yung bracelet... w-wala na."
Hinigpitan niya yung hawak niya sa akin. Yung polo niya nun eh nabasa na dahil sa kakaiyak ko. Nakakahiya na nga sa kanya eh. Pero ganun pa rin, hawak-hawak pa rin niya ako ng mahigpit.
"Chris, alam kong mahalagang-mahalaga sa iyo yung libro na yun. Someday.. you'll meet her. Don't mind the bracelet..."
Sasagot pa sana ako nun pero hindi ko na tinuloy.
Iniuwi na lang niya ako doon sa bahay namin. Nagulat na naman yung tatay ko sa akin nung umuwi ako ng maaga. Kanina lang nandito ako, ngayon naman bumalik na ako. Hindi naman niya ako tinanong kung anong nangyari, instead, umakyat na lang ako sa taas at doon ko na tinuloy yung pag-iyak ko. Dumapa ako doon sa kama ko.
Sa sobrang pagod na rin siguro.. nakatulog na ako.
***
Narinig ko na lang na may kumakatok sa pintuan ko. Dinilat ko naman yung mata ko at nakita kong naka-uniform pa rin ako. Yuck, hindi ako nakapagpalit kahapon. ANg sakit-sakit pa ng mata ko. Tumingin ako doon sa salamin, medyo maga pa rin siya pero hindi naman ganun ka-worse kaysa kahapon.
Pagkabukas ko ng pintuan ko, nakatayo sa labas si Kuya Christian. Kung pansin niyo, mas close ako sa Kuya Christian ko kaysa kay Kuya Christopher. O baka hindi niyo napansin, dahil parehas Chris. Yung ba nga naliliro na sa amin.
"Bakit?"
"Pinapagising ka na ni Tatay, may pasok ka pa."
Oo nga pala, nakalimutan ko na yun. Friday na nga pala ngayon. Thank goodness last day ng week. And it's...
IT'S FRIDAY... AAAAHHHHHHH!!!!
"Bakit ganyan yang itsura mo? Kumilos ka na nga 6:15 na."
Nagsimula na akong lumakad nun papunta ng banyo. Narinig ko lang si Kuya nagsabi ng..
"Oo nga pala, iniwan ni Ash yung damit mo." sabi niya nung malapit na siyang bumaba ng hagdan.
"Damit? Anong damit?"
"Susuotin mo yata ngayon sa school. Dinala niya yata kagabi eh. Umakyat siya sa kwarto mo ah. Akala ko nga nagkausap kayo kasi nakangiti pa nung bumaba. Ang weird niyo parehas."
Actually, wala namang nangyaring kakaiba nun. Napaka-uneasy nga ng feeling ko eh habang nagka-klase kami. Unang-una, mukhang namamaga yung mata ko. Pangalawa, nalaman ko na umakyat si Ash sa kwarto ko nung tulog ako. At pangatlo, it's Friday! And you know what that means?
"Saan tayo pupunta?" yeah.. it's our date today.
"Actually... I don't know." ngumiti siya sa akin, "But I want you to meet my Dad. So bago tayo umalis siguro, dadaan muna tayo sa hospital. On duty kasi yun."
Napalunok na lang ako nun. Imi-meet yung Dad niya?
"Your Dad? You mean... the doctor? I mean.." ano ba yan ang gulo ko, "Si Dr. Valdez?"
"Yeah. That's the one."
Oh no. Parang ayoko na yata. Baka kapag kaharap ko na yun, umurong lang dila ko. Naku naman!
Nagklase naman kami. Nagno-notes nga ako nun habang nagsasalita yung teacher namin kaya lang chicken scratch talaga yung kinalabasan. Wala kasi ako sa sarili ko. Tumingin ako sa relo nung hapon, 4:45 na nun. Iurong ang oras.. please!!!
Ok, baka nagtataka rin kayo. Ano ba yung iniwan ni Ash na damit? Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kanya at dinala niya yun sa bahay namin. It's just my plain uniform. XL na jogging pants at Large na Shirt. Other than that, bagong ball cap. Kaya ngayon, suot ko yun. Hindi lang yung cap kasi bawal sa school.
Nag-alarm naman na nun. Bumilis na yung tibok ng puso ko nun. Tumayo na si Ash sa harapan ko at siya na naman nagdala ng bag ko. HInihila na niya ako nun.
"Alam mo Ash.. gutom na ko eh!" nagkunwari naman ako, "Pwede ka kumain muna tayo? Tapos pagkatapos natin sa resto.. punta tayo sa mall. Mga ganun! Ang saya nun 'di ba?"
"No Chris.. pupunta muna tayo sa Daddy ko."
Nung makalabas na kami ng school, sumakay na kami sa jeep at may kalayuan naman ang hospital sa school. Hanggang doon sa jeep eh kinukulit ko siya na maganda yung bilihan doon sa labas.. mga ganun.. para magbago yung isip niya na huwag muna sa hospital. Sa totoo lang, natatakot kasi ako ma-meet yung Daddy niya. Ewan ko ba.
Saglit lang din, nasa harap na kami ng gate sa may hospital. Kabababa lang namin kaya lang napatigil ako at hindi na ako makakilos. Talagang hindi ako makakilos. Hinila na naman niya ako pero ayoko talaga.
"Chris tara na! Ok lang yan.." hinihila pa rin niya ako.
Hinigpitan niya lalo yung pagkakahawak niya sa wrist ko.
"Papasok tayo? Sure ka bang walang ambulance dito?"
"This is a hospital Chris. What do you expect?" sabi niya na nakukunsumi na sa akin.
"Meron? Ayoko na pala." umatras ako.
Hinila pa rin niya ako kaya napaharap ako sa kanya.
"Ano bang problema? Don't tell me takot ka sa ambulansiya?" ngumiti siya doon at tumawa ng kaunti.
Seryoso ko naman siyang tinignan nun. Hindi ako tumatawa. Parang naintindihan na niya yung reaksiyon ko.
"Are you serious?!?" sabi niya sa akin.
"Yeah. Kung may takot ka sa bike... takot ako makakita ng ambulance."
"No offense Chris, but.. that's weird. I mean, bihira lang ang may takot sa ambulance." sabi niya at seryoso na rin siya.
"Alam ko. Pero kung ang kaso mo naman eh makakita ka ng lalaking duguan tapos hindi mo tinulungan at makarinig ka ng ambulansiya?? That still haunts me."
Saka ko lang naalala. Si Lawrence nga pala yun. Ano kayang magiging reaksiyon niya? Hindi niya alam na alam ko na yung tungkol sa bagay na yun.
"That. Who knows, maybe he's alive.. and happy." nakangiti siya sa akin at tinapik niya yung balikat ko.
Nginitian ko lang din siya nun.
"Come on, sa likod naman yung mga ambulance eh... hindi ka makakakita."
Pumasok kami doon sa glass door ng hospital. Syempre, ang dami ring tao doon at may mga nurse din na nagkalat at kung saan-saan papunta. Huminto kami doon sa front desk.
"Uhmm.. pupunta lang kami sa Daddy ko. Nasa taas ba siya?""Nasa taas na po si Dr. Valdez.""Thanks."
Hindi talaga binitawan ni Ash yung kamay ko habang umaakyat kami sa hagdan. Hinihingal-hingal na nga ako eh. Bukod sa mataas na nga yung hagdan nila, ang bilis pa niyang umakyat. Parang kabayo nga eh.
Finally nung nasa kung saang floor na kami, huminto kami. May isang pintuan doon na kulay puti at may window lang na maliit at kita mo sa loob. Sa may taas eh nakalagay,Jericho Valdez.
Bago pa kami pumasok, hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko. Tumingin lang siya sa akin mula ulo hanggang paa. Asus, tinignan pa niya eh alam naman niya na mukha akong lalaki. Malaki na yung jogging pants, malaki pa yung shirt.
Nagthumbs up siya sa akin. Abnormal?
"Isa na lang ang kulang.." sabi niya sa akin. Kinuha niya yung ball cap sa kamay ko at sinuot niya sa akin. "There. Perfect."
"Why do I have this feeling that you are acting... weird. Perfect.. perfect ka pang nalalaman.. tingnan mo nga ako! Alam ko na sasabihin ng Dad mo.. Hi Mr!" umarte pa ako kunwari na nagwa-wave.
Tumawa lang siya ng malakas.
"Nah. I just want you to be.. Chris." nilagay niya yung kamay niya sa ulo ko, "And.. hindi lang naman si Daddy ang mami-meet mo. Malaki ang possibility na nandito rin si Mrs. Salinas. Minomonitor kasi ni Daddy blood pressure niya."
Hahawakan na sana niya yung door knob kaya lang hinawakan ko siya sa kamay niya.
"Kailangan ba talaga natin 'tong gawin?"
Tumigin lang siya at bago niya binuksan eh kumatok muna siya. Nakayuko na ako nun. Pagkabukas na pagkabukas niya eh ang lamig kaagad sa loob. May nakaupo doon sa may table na nakaputi at isang babae. Sila na nga siguro ito.
"Hi Dad!" tapos tumingin si Ash doon sa babae, "Kumusta Mrs. Salinas.." tapos nag-kiss siya sa cheeks niya.
"Ok naman.. mabuti ang pakiramdam."
Mrs. Salinas?
Tumingin si Ash sa akin. Bago pa siya nagsalita, yung Daddy naman niya ang sumagot.
"Hi Miss, anong pangalan mo?"
Miss. He called me Miss too!
"Chris po. Chrisandra Orellana."
Lumapit naman siya sa akin. Makikipagkamay na sana ako kaya lang kiniss din niya ako sa pisngi ko.
"Ikaw si Chris?" tinuro naman niya ako, "Nice to meet you. Carmen Salinas, mommy ni Shalyna."
Kiniss din niya ako sa pisngi ko. Honestly, for Shalyna's Mom... she's nice. Niyakap naman niya ako. Nung humiwalay siya, umatras ako.
"Nice to meet you po."
"Ilang taon ka na?"
"15 po. Mag-16 sa September." sabi ko na lang.
"Ooh. Magkasing-edad lang pala kayo ng anak ko."
Oo nga eh.. unfortunately.
"Pagpasensyahan mo na yung anak ko ha." nagulat naman ako sa kanya, "Alam kong medyo binibigyan ka niya ng hard time..." medyo?!? "Pero hindi naman niya siguro sinasadya yun." Hindi sinasadya? "Minsan kasi nadadala lang siya ng emosyon niya."
Excuse me? Nadadala ng emosyon? Emosyon ba iyon na maituturing?
Pero dahil siya naman ang humihingi ng sorry para sa anak niya, might as well accept it.
"Ok lang po yun."
"Anyways Dad, dumaan lang kami dahil nga gusto kong makilala mo si Chris. May pupuntahan pa kami eh.""Ahh ganun ba? Mabuti dumaan kayo. Eric nga pala Chris. Pinaikling Jericho. Tito na lang itawag mo sa akin."
Nginitian ko lang siya. Matapos ang pag-bye namin lumabas na kami doon sa office nung daddy ni Ash. Saka lang niya ako kinausap uli.
"So what do you think?" tinanong naman niya ako.
"You're Dad's nice. He called me Miss."
Ngumiti lang siya sa akin.
"Of course you're a girl. Ano pala dapat, Mr.?" sabi niya sa akin.
"Pero.. look at me. I'm.. me. I look like a guy. It's just.. unusual."
"Oh come on Chris!" sabi niya sa akin, "Every guy who has eyes can see that you're a girl."
"Not everyone."
Nakiayon na lang siya sa akin. Alam niyang ipipilit ko rin naman yung sasabihin ko. Not everyone. But I'll count Ash in those guys who noticed that I'm a girl. Oh.. and his dad too.
"Eh si Mrs. Salinas?"
"She's okay." sabi ko na lang.
"Okay? Not like... really nice? I thnk she's nice." dinagdag pa niya. Hinawakan niya yung strap ng bag ko.
"Yeah.. I know.. she's nice. Pero.. hello? She's Shalyna's Mom. Hindi mo naman siguro ineexpect na magustuhan ko siya ng ganun-ganon. Kakaiba pa rin yung pakiramdam ko sa kanya. Parang yung pag-aaway namin ni Shalyna, barrier."
"Yeah.. may point ka doon."
Nakababa na kami doon sa pinakababang-baba. Papalabas na kami ng hospital nung mag-bye na si Ash doon sa nurse na nakausap niya kanina.
"Saan tayo pupunta?" tumingin siya sa akin, "Siguro naman may idea ka na."
"Yeah meron na. Saan tayo pupunta? Hmmm..." tumingin siya nun ng nakakaloko..
"Ayoko yung tingin na yan.."
"Don't mind me." sabi niya sa akin, "Nakwento ko na ba sa iyo yung tungkol sa babae na kasama yung date niya?"
"Err no. Ano yun?"
Nagkwento naman siya habang nagpapara siya ng jeep.
"Malungkot kasi yung girl. Syempre, marami siyang problema. Yung guy naman sinamahan siya para pasayahin siya." teka, parang familiar ah.
Tinaas ko yung kilay ko. Parehas sa akin ah.
"It's a story right? Let me finish." sabi niya sa akin. "Then.. nakasakay na sila nun sa jeep papunta sa pupuntahan nila. Mahal kasi nung guy yung girl, pero hindi alam nung girl."
"Eh bakit hindi niya sabihin?" sabi ko naman at inabot ko yung bayad namin sa driver.
Seryoso pa rin si Ash nun.
"Hindi niya masabi dahil hindi niya alam kung tama ba yun. Pero nung araw na nakasakay sila sa jeep at tipong naguumapaw na yung pakiramdam nung guy, makita lang niyang nakaupo yung girl doon at relax na relax na ineenjoy yung hangin sa jeep.. parang naisipan na niyang magtapat. So ang ginawa niya.. hinawakan niya yung kamay nung girl.. like this..."
Inexample naman niya sa akin kung paano yung pagkakahawak nung guy sa kwento niya. Yung isa eh nasa puso ko, at yung isa nasa puso niya.
"Sabi niya eh ganito." huminga siya ng malalim, "Maswerte nga siguro yung lalaking unang mamahalin mo... pero mas magiging maswerte ako kung ikaw ang huling mamahalin ko."
"Ooh.. he said that? Wow." sabi ko naman. "Anong sinagot nung girl?"
"Actually... hindi ko alam kung anong sinagot nung girl. You tell me.." what?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top