(25)

***25***

Nag-stay ako doon sa kabilang dulo ng gym. Aba napakalaki ng tutulugan naming tatlo ha. Hindi namin kailangang magsiksikan sa iisang sulok. Ewan ko ba, medyo naiinis talaga ako sa kanila ngayong araw na ito. Abnormal kasi kumilos eh.

Nung tinignan ko sila, nakahiga na si Chester doon sa side niya pero nasa kabilang side siya nakaharap kaya hindi ko makita yung mukha niya kung tulog na ba. Si Ash naman eh lumipat na yata sa bandang taas at kitang-kita mula dito na nakaupo lang siya at nakataas yung isang paa.

Ako naman ano bang posisyon ko? Eto, nakasandal yung ulo sa pader. Badtrip naman oh.

Mabuti na lang talaga eh hindi mainit dito sa gym. Usually kasi eh binubuksan nila yung aircon kapag may mga tao.. pinapatay kung wala na. Sarado ngayon dahil hindi naman nila alam na nandito kami. Pero dahil bukas yung mga bintana sa taas, malamig pa rin.

Dumilim na nun sa loob ng gym. Kahit papaano eh may ilaw pa rin na nanggagaling sa labas kaya nakikita-kita mo pa rin yung bagay-bagay sa loob. Dahil nga ang tahimik doon sa loob, narinig ko kaagad nung may gumalaw doon sa kabilang side. Nakatalikod naman ako doon kaya hindi ko alam kung sino.

Hindi ko na lang pinansin. Nag-pretend ako na natutulog na ako dahil ang tagal na rin naman na namin sa loob. Yung position ko kasi eh nakaharap doon sa bleachers at nakababa yung paa ko doon sa pagitan. Nakayuko lang ako doon sa upuan na parang kaparehas sa desk namin sa school. Hindi rin nagtagal, dumating na kung sino man yung nandun.

"Alam ko natutulog ka.. at alam kong hindi mo ko naririnig." I should have known it's Ash, narinig kong umupo siya doon sa gilid ko, "Sana lang 'di ba masabi ko sa 'yo kapag alam mo? Pero ano pa nga ba? Unfair ako eh. Nasasabi ko lang lahat kapag iisipin na hindi totoo yun, pabiro, o kaya naman hindi mo alam."

Kinakausap niya ko?

Obvious ba Chris, wala nang ibang tao dito.

"I know you hate me.. and Chester too." Buti naman alam mo! "We're acting like jerks this past few days. Hindi mo lang napapansin noon... pero ngayon hindi na namin maitago. Pero napagisip-isip ko na, it's ok if you hate me. You hate pink too.. so as operas, musicals..and theater plays. You hate alot of stuff.."

Napangiti na lang ako doon na parang ewan. Mabuti na lang talaga hindi niya ko nakikita.

"Tinanong kita sa room kanina nung nagulat ka. What bugs me alot? Chester. I don't know.. I don't trust him. I just don't. Pero ano namang laban ko 'di ba? Siya yung gusto mo. Gustung-gusto kong sabihin sa iyo na huwag kang magpapaloko sa kanya."huminga siya ng malalim, "Nakipagbasketball ako kanina for what? I don't care about my stupid name in this curriculum. I did it because... uh.." nahihirapan pa siyang magsalita nun, tapos narinig kong, 'Ash.. say it! She can't hear you!' he's talking to himself? "I.. I love you Chris. I realized I do."

Nagulat ako doon sa sinabi niya kaya nahulog yung braso ko doon sa sinasandalan ko. Nahalata kong nagulat siya dahil bigla na lang siyang nanahimik, pero tuloy pa rin ako sa pag-pretend na gumalaw lang ako sa pagtulog ko.

"Hindi ko masabi sa iyo ng totohanan kasi iisipin mo rule breaker ako. At alam kong ayaw mo. But I'm not a rule breaker. I know I'm not. Bakit ba hindi ko masabi sa iyo?" sinuntok niya yung semento sa gilid, "Tapos nitong mga huling araw pa naguguluhan na ako. Ang dami-dami ko nang iniisip. Si Lawrence... he's still sick. Ngayon dito pa sa school. Si Chester.. si Shalyna.. everyone." alam kong tinaas niya yung paa niya dahil hindi ko na makita yung rubber shoes niya, "Dumugo na naman yung braso ko kanina. She tried to get something in your bag, kaya lang nakita ko siya. She scratched me... that's why I'm bleeding. After so many years... it's bleeding again."

Shalyna's going to feel the pain!

Kung pwede lang sana akong tumayo doon at subukan kong i-comfort siya ginawa ko na. Pero hindi eh.. hindi ko kaya sa ngayon.

"Sa tuwing magsha-share ka ng bagay-bagay tungkol sa 'yo, may natutuklasan ako. Pakiramdam ko nga minsan, we have this certain connection in the past. The day you told me that you saw a guy at the park, nag-pretend ako na wala lang sa akin lahat. That guy was my brother."

Hey.. what? Isa lang ang brother niya.. si Lawrence. Teka... naguguluhan na ko.

Narinig kong tumayo na siya doon. Gustung-gusto ko siyang tanungin ng kung anu-ano... pero hindi ko rin ginawa. Hindi niya alam na nakikinig ako sa kanya kanina pa. Ngayon naman na may tanong ako, hindi ko naman pwedeng itanong sa kanya.

Naramdaman ko na may nilagay siya sa balikat ko. Hindi ko muna tinignan hanggang sa bumaba siya. Nung nakatalikod na siya, pasimple kong hinawakan sa gilid ko. Yung polo niya to ah!

"Take care Chris."

Bakit naman ganyan ka Ash? Hindi ka rin ba katulad nung iba na napansin lang ako simula nung nagbago lang ako ng damit? Hindi ba yun naman yung sinabi ni Shalyna? Hindi ba yun din yung sinabi mo kay Chester? He's only attracted to me 'coz I changed. Dati rati naman isa lang ako sa mga guys. Mr. nga ang tawag sa akin sa unang tingin 'di ba? Hindi ka ba ganun?

Saka ko naalala yung unang araw na nakilala ko siya. Nung araw na nagkakilala kami dahil sa skateboarding team.

"Late na yung Chris na yun, kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"

Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to.

"Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.

"Pinapunta-punta niya ako dito ng 3 o' clock sharp tapos pinapaalis mo ako? Ang gulo talaga ng mga lalaki!" tumalikod ako para lumabas ng pinto.

Hinwakan naman niya ako sa braso ko.

"I'm sorry?" tinignan niya ako ng nagtataka, "Bakit ka naman namin papupuntahin dito?""Eh kasi po, yung mga kasamahan mo sinabi nila pumunta daw ako dito dahil pasok daw ako from try-outs pero kailangan ka pa kausapin.""Teka-teka, isa lang yung nakapasok from try-outs. At ang pangalan eh Chris. You're not Chris."

Ooh... parang alam ko na yung iniisip nito.

"Chris nga pala." inextend ko yung kamay ko pero hindi niya tinanggap.

Pigilan niyo ko!! Tinalikuran ba naman ako.

"A girl? Skateboarding? No way!" aba-aba, anong masama kung babae ka! "Kung hindi ko lang alam, nilagay mo lang na Chris yung pangalan mo para makuha ka dahil alam mong hindi kami tatanggap ng babae."

Sasampalin ko ito eh.

Oh my God. He called me Miss the first time he saw me. Not Mr. Nung unang beses niya ako tinignan kahit hindi niya pa ko kilala nun.. Miss ang tinawag niya sa akin. He noticed me as a girl.. kaya ayaw niya akong tanggapin sa team. Not like any other guys or whoever who always call me Mr. the first time and Miss the second time.

Ash is... different.

***

Nagising ako nung may tumatama na sa araw sa mata ko at mukhang maliwanag na. Sinasabi ko na nga ba, nightmare lang lahat. Gigising ako at makikita ko yung exact same white roof ng kwarto ko... then magreready na ko for school.

Napatingin ako doon sa nasa itaas ko. It's... brown.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" tumili ako ng malakas at nag-echo doon sa buong gym.

Nahulog naman si Ash doon sa pagkakahiga niya sa taas. Si Chester, tumayo lang naman. Tumakbo naman sila sa direksiyon ko.

"Chris ok ka lang?""Guys.. nasa gym tayo." sabi ko nun ng wala ako sa sarili ko.

"Yeah.. we know. We got locked in yesterday.""AAAAAAAHHHHHHHHHHH!"

Tinakpan nila parehas yung tenga nila at nabingi yata sila sa akin.

"Anong oras na?""It's 7:30. Actually, nag-time na kanina pa."

Sisigaw sana ako uli kaya lang nagbago na yung isip ko. Tumakbo ako doon sa pintuan at inalog ko ng inalog yun. May mga teacher naman na nagkalat sa labas.

Nag-ingay ako ng nag-ingay doon pero parang walang nakakarinig sa akin. Tinignan ko ng masama yung dalawa at nakangiti lang sila sa akin.

"I need help here?!?"

Nawala yata sila sa sarili nila pero pagkatapos nun eh nagsabay-sabay kaming sumigaw para marinig nila. Sumakit nga yung lalamunan ko eh. Saglit lang din eh narinig kami nung isang teacher pero hindi niya alam kung nasaan nanggagaling yung ingay. Lalo pa kaming nagingay ng nag-ingay. Finally, napatingin siya doon sa pintuan ng gym. Gulat na gulat siya at hinawakan pa niya yung dibdib niya.

"Diyos ko! Anong ginagawa niyo diyan sa loob?"

Umalis yung teacher at alam naming tinawag niya kung sno man ang may susi ng gym para makalabas na kami doong tatlo. Ang tagal nga eh at mukhang hinanap pa nila kung sino ang meron. Nung nabuksan naman na, tinanong lang niya kami kung ano daw ang ginagawa namin sa loob. Sinabi nga namin na na-lock kami sa loob at doon na kami nakatulog na lahat. At nung matapos kami kakakwento, sinabi niya na hindi daw kaming tatlo ang unang na-lock doon. Meron na rin daw dati pa.

Sinabihan niya kami na pwede daw kaming umuwi at kakausapin na lang daw yung homeroom teacher namin at ipaalam sa kanila. Dahil nga total wreck ang itsura ko, hindi na ko bumalik sa room para kunin yung bag ko. Hello? maya-maya lang baka alam na nila na si Chris Orellana kasama ng dalawang lalaki eh natulog sa gym. Wow! Whatta' news.

Sinabayan lang ako ni Ash magalakad nun dahil magkalapit nga lang ang bahay namin. Pero dahil mauuna siyang lumiko, sinabihan ko na siya na hindi na niya ako kailangang ihatid. Naglakad lang ako ng mabilis at nakauwi rin naman ako sa bahay namin.

Ano pa nga bang ineexpect ko kundi ganito???

"AT SAAN KA NANGGALING NA BATA KA HA! HINDI KA UMUWI KAGABI! HINDI KA MAN LANG TUMAWAG! HINDI MO INIISIP KUNG MAY NAGAALALA BA SA IYO O KUNG MAY NAGHIHINTAY MAN LANG! TUMAWAG PA KAMI SA PULIS PARA LANG IPAHANAP KA! ANO BANG INIISIP MO NA BATA KA!" yan ang tatay ko, hindi yan pumasada ngayon.

"Tay! Aksidente pong na-lock kami sa loob ng gym dahil may laro ng basketball kahapon. Nasa bathroom ako nun kaya hindi ako narinig ni Manong Guard. Hindi kami makalabas tapos yung gamit pa namin nasa room kaya hindi kami makatawag. Sorry talaga... hindi naman namin sinasadya."

Tumingin lang siya sa akin nun at yung galit niya eh parang nawala.

"Ganun ba anak?!?" lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Pasensya ka na sa tatay at nag-alala lang. Hindi namin alam kung anong nangyari sa iyo. Pero ang mahalaga ok ka naman pala. Tatawag na lang ako sa pulis na nakauwi ka na." sinabi niya sa akin at humiwalay din siya at pumunta sa telepono.

Nung napatingin ako sa dalawang kuya ko, parehas silang nakatingin ng nakakaloko sa akin. Katulad ng tatay ko, hindi rin sila pumasok. Tingnan mo nga naman, concern talaga pamilya ko sa akin eh!

"Hindi KAMI makalabas???" sabi ni Kuya Christopher.

"Hindi KAMI makatawag?" sabi naman ni Kuya Christian.

"Shut up! Aakyat na ko at may pasok pa ko sa school."

Nahligo naman ako nun at syempre nagpalit ng fresh clean uniform. Grabe, kagabi lang kakaiba pakiramdam ko dahil hindi ako nakapagpalit ng pantulog.

Pagkababang-pagkababa ko eh naka-ready na yung almusal ko na niluto talaga ng tatay ko. May hotdog doon at itlog at syempre may fried rice. Masyado nga yata siyang nag-alala kaya tignan mo ngayon, may fiesta. Kahit na konti lang yung pagkain sa harapan ko, fiesta pa ring maituturing.

Nag-toothbrush na rin ako nun. Pagkatapos ng ilang pag-aayos sa sarili ko eh nagpaalam na ako sa kanila at papasok na rin ako sa school. Mukhang hindi pa ready si Ash nun dahil hindi ko siya nakita.

Mabilis din akong nakarating sa school at laking pasasalama ko talaga at breaktime na yung naabutan ko. Ayoko namang mag walk-in ng may klase at super duper nakakahiya yun. Tiyak eh mang-iintriga lang yung mga classmate namin sa amin.

Nandun pa rin yung bag ko sa upuan ko kaya mabuti na lang talaga at walang gumalaw. Syempre eh tinanong-tanong nila ako kung ano daw ba ang nangyari at narinig daw nila yung mga teacher na naguusap-usap dahil sa aming tatlo. At dahil ayokong pinaguusapan kami, sinabi kong no comment ako.

Sumandal lang ako doon sa upuan. Hindi naman ako gutom at kakakain ko lang ng almusal sa bahay. Narinig ko na lang...

"Chris! Tara dito!" sabi nung babae kahapon na nakatabi ko sa gym.

"Bakit?" mukhang hinihingal-hingal pa siya.

"Si... uh.. Shalyna. Yung uh.. libro.."

Paputul-putol yung sinasabi niya pero saka ko lang na-realize. Mabilis kong binuksan yung bag ko at hinanap ko yung nag-iisang remembrance ng nanay ko sa akin. Yung fairytale book. Wala na rin doon.

Tumakbo ako palabas doon ng sobrang bilis at wala na akong pakialam kung madapa man ako o ano. Sinabayan lang ako nung babae at eksakto namang nandun na ako sa garden eh may mga tao doon at nandun din si Shalyna. Nasa harapan niya yung fairytale book ng nanay ko.

"Give that back!" sabi ko sa kanya at galit na galit na ko.

Yung itsura ng mukha ni Shalyna eh nang-aasar.

"Alin? Itong lumang libro na ito? Everyone!" tinawag niya yung mga tao sa gilid, "Can you imagine Chris Orellana reading a fairytale book?" nagtawanan naman sila.

"I don't care if you can imagine it or not. Give it back! That's mine!""Eh paano kung ayoko?!?""Ibabalik mo sa akin yan Shalyna!!!" please God.. please God.. sana wala siyang gawin doon sa libro na yun... please God..

"Oo nga no! Kasi naalala ko sinabi mo dati.. this filthy stuff means alot to me than anything in this room. How noble."

Gusto ko sanag sugurin siya at agawin sa kanya ng malakas pero hindi ko pwedeng gawin yun. Luma na yug libro at malaki yung possibility na mapunit na yung kung aagawin ko pa.

"Gusto mo itong makuha uli?" inangat niya yung libro, "O baka naman mas gusto mo itong isa???" tinaas naman niya yung isa.

Nung makita ko yung nasa kaliwang kamay niya, hawak-hawak niya yung bracelet na galing kay Ash. Yung bracelet na binili ni Ash sa fair para sa akin nun at may kaparehas sa kanya.

"Those are mine! Ibalik mo sa akin!""Nah.. ayoko. Naisip ko lang... ibabalik ko ito sa iyo. Pero hindi pwedeng dalawa. You have to pick. Yung libro.. o yung bracelet."

Susugurin ko na sana siya kaya lang hinawakan ako nung isang babae sa likod. Alam niyang away lang ang magaganap.

"Ano bang problema mo? Sa akin parehas yan! Tama lang na ibalik mo sa akin!"

Tinapat ni Shalyna yung kamay niya doon sa drainage. Isang bitaw lang niya doon sa libro at doon sa bracelet, mahuhulog na yun sa drainage na panay dumi at hindi ko na yun makukuha.

"Hindi ka makapili? E di ihuhulog ko parehas."

Mukhang balak talaga niyang ihulog yung bracelet at yung libro doon sa drainage. Naiiyak na ako nun pero ayokong ipakita sa lahat. Kahit mahirap para sa akin.. kailangan kong pumili. Hindi ko makuhang tumingin ng diretso sa kanya.

"Y-yung L-libro." nanginginig na ako nun.

Ang hirap-hirap pumili nun. Pero kailangang kong gawin. Mas mabuti nang meron, kaysa wala.

"Oh! Good girl!" sabi niya tapos pumalakpak pa siya. "Does that mean Ash doesn't mean to you that much?" nag-step forward siya ng kaunti papunta sa akin. "Here, you can have your book now." inaabot niya sa akin yung libro.

Nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kanya. Ang sama-sama niya talaga. Bakit ba niya ginagawa 'to?

Ini-stretch ko na yung kamay ko para abutin yung libro. At least... after all, I have my mom's book. Kahit yung kay Ash... wala na.

Kaya lang nung kukunin ko na sa kanya, bigla niyang bintawan ng sabay yung bracelet at libro.

"Oooppss.. sorry. Nag-slip sa kamay ko eh." tinakpan pa niya yung bibig niya.

Nahulog na parehas doon sa drainage.

"What's the matter with you! Mahal na mahal ko yung mga bagay na yon! Hindi mo lang alam kung gaano yun kahalaga sa akin!" tinulak o siya ng malakas.

Lumuhod ako doon sa drainage pero wala naman akong magagawa kundi tignan na lang doon. 

Kahit na gaano kadumi yun... kaya ko sigurong gawin makuha lang parehas.

"Chris huwag na! Tiyak sira na rin parehas yun! Saka delikado!"

Umiyak na lang ako ng umiyak habang nakaluhod ako doon. Hindi talaga ako umalis doon sa spot na yun. May nag-comment pa nga doon sa gilid na lalaki.. "Ang baho-baho diyan may balak ka pang kunin yun?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Blurry na yung paningin ko.

Nakaluhod pa rin ako doon at tuluy-tuloy pa rin yung luha ko. Nag-iisang bagay lang yun na nagpapaalala sa akin sa nanay ko nawala pa ngayon!

Maya-maya lang narinig kong umingay yung mga nasa gilid! Bigla na lang tumumba yung lalaki na nang-aasar kanina at sinuntok siya ni...

"Kung wala kayong magawang mabuti, huwag kayong magpakita sa akin! Alis na!"napaatras naman yung iba, "Umalis na kayong lahat!"

Nagsialisan naman sila isa't isa doon at si Shalyna na lang na nandun sa damuhan an hindi pa tumatayo.

"Ash, hindi mo man lang ba ako itatayo?""Hindi." tapos lumapit siya sa akin at ini-offer niya yung kamay niya.

"Ayoko! Ayokong umalis dito! Ayoko!" for the first time, nakita na ng mga tao na umiiyak ako.

"Tara na chris." mahinahon na siya magsalita nun, "Wala na nga siguro sa iyo yung libro, but then.. she'll stay inside of you. here.." tinuro niya yung puso ko.

"What are you two talking about?"

Hindi naman siya pinansin ni Ash.

"God has better plans for you.. I promise." tapos nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko, "I told you I'll take care of you."

Tumayo na ako nun kahit umiiyak pa rin ako. NUng papalabas na kami ng garden sinabi ni Ash...

"Thanks to you Shalyna.." sarcastic yung pagkakasabi niya..

"That book's her only remembrance from her Mom."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top