(23)

***23***

Hindi ako gumalaw nung mga oras na iyon. Narinig ko na lang sinabi niya na 'Thanks'tapos humiwalay na rin siya at umalis na talaga. Ngumiti lang siya sa akin at ako naman eh napangiti na lang din sa sarili ko.

What's wrong with me? Nitong mga huling araw... I was acting kinda', odd?

Pumasok na ako sa bahay namin at syempre eh ginawa ko na yung mga ritwal ko kapag gabi. Sinabihan pa nga ako ni Kuya Christian na mukha daw akong ewan at nakangiti daw ako mag-isa. Sabi ko naman sa kanya, uso na ngayon yun kaya huwag siyang makialam.

Maaga akong nagising kinabukasan at dahil nga doon eh maaga rin akong nakaalis ng bahay at nakapasok ng school. Hindi ko alam kung dumaan ba si Ash sa bahay dahil hindi ko na siya hinintay at nauna na akong pumasok sa school.

Nung nasa corridor na ako ng room curriculum namin, napansin ko na makakasalubong ko si Chester kaya ang ginawa ko eh tumalikod ako para hindi ko siya makasalubong.

Kaya lang..

"Hey! Chrissy! Wait!"

Huminto ako nun at humarap sa kanya. Napataas yung kilay ko nung tinawag niya ako Chrissy.

Parang napansin niya siguro na naghihintay ako ng explanation, kaya nagsalita na rin siya.

"Everyone is calling you... Chris. Naisip ko lang para maiba naman, I'll call you Chrissy. Ok lang naman na tawagin kitang Chrissy 'di ba?"

Ayoko! Ayoko ng Chrissy because it's too girly?

Naks, rhyme yun ah!

"Sure!" wow, irony is everywhere!

"Great! Papunta ka na ba ng room?" tinuro niya yung nasa likod niya, "Pwede kitang sabayan."

Papunta naman na talaga ako sa room..

"Actually pupunta ako sa library, kasi may naiwan ako." sabi ko lang yun! Hindi nga ako nagpupunta ng library eh.

"Really? Dala ko yung library book ni Shalyna. Pinapasoli na niya sa akin. Nalimutan ko na nga na dala ko pala.""Nakalimutan ko rin! Pupunta nga pala ako sa cafeteria. Parang narinig ko si Mrs. Valderama kanina.. sinasabi niya sa akin na may cafeteria duty yata ako.""Tutulungan kita kung gusto mo."

Ano ba naman itong lalaking ito? Hindi ba siya nakakahalata na umiiwas ako?

"Thanks.. pero... pupunta muna ako sa CR ng BABAE." ngayon ewan ko lang kung makasama ka pa sa akin sa loob.

"Sige pala.. hintayin kita sa labas."

Grrrr! Sabi nga nila, may own ways daw ang guys. I guessed it's proven.

Nagpakatagal talaga ako doon sa loob ng CR para naman mapagod siya sa kakahintay. Kaya lang nag-alarm naman na at kailangan ko rin namang lumabas.

Pagsilip ko at ulo ko lang ang nilabas ko, wala na siya doon. Aba, napagod yata! Yehey!

"Are you looking for me?" kinalabit niya ako sa likod ko.

"Yes.. uhm.. no.. yes.." nakakainis naman!

Ngumiti lang siya sa akin at sinabayan nga niya akong maglakad hanggang sa classroom namin. Nagkatinginan pa nga yung mga classmates namin dahil kasama ko ang nag-iisang CHESTER ng Sports Curriculum. May mga meaning nga yung mga tingin eh. Hindi ko lang mawari kung ano.

Laking pasasalamat ko talaga nung humiwalay din siya sa akin para umupo siya sa desk niya at ako naman eh sa bandang likuran. Si Ash eh  nakatingin lang sa akin pero walang sinabi.

After that... nagklase na kami.

Hindi naman dumating yung Physics teacher namin nung second period at wala ring substitute na dumating kaya may free period kami. Breaktime naman na ang next dito kaya didiretso na lang ako sa cafeteria. Pero katulad nga ng dati, niyaya naman ako ni Ash.

Naglalakad na kami doon sa corridor nung may tumabi naman sa left side ko.

"Oh hey, kakain ka na sa cafeteria?"

Parang sa lahat ng lugar nandun siya ah!

"Yeah." ganun kaikli lang yung sinabi ko.

"Pwede sumabay?" naman!

Pero may nag-react naman na nakatayo sa bandang kanan ko.

"Actually, we're eating together.""Malalaki naman yung mga table sa cafeteria,  e 'di sabay tayong tatlo."

Hindi ko alam kung kaya ko pang ngumiti ng mga oras na yun kaya sinabayan ko na lang din sila sa paglakad. Hindi pala, sila nga pala ang sumabay sa akin. At syempre, kung pwede ko lang sila paalisin sa tabi ko, ginawa ko na.

Pinili ba naman ni Chester yung table doon sa bandang gitna kaya doon kami napaupo. Tatayo na sana ako para umorder kaya lang hinawakan ako ni Ash sa balikat at pinaupo ako uli.

"Anong gusto mo?" tinanong naman niya ako.

"Ako na lang bibili.""Hindi ako na. Anong gusto mo?""Cheeseburger." sabi ko na lang.

Humirit naman si Chester.

"Anong inumin ang gusto mo?" nilabas na niya yung wallet niya.

"Ito yung pera.." inaabot ko sa kanya kasi kung siya naman ang bibili, "Coke."

Nakataas lang yung kamay ko sa hangin at tinalikuran naman na niya ako para bumili ng iinumin. Sabi ko nga eh mapapahiya ako.

Dahil may mga nakatingin pa rin nun, nilabas ko yung fairytale book ng nanay ko at binasa ko na naman. Mahal na mahal ko pa man din yun.

Hindi rin nagtagal, nakabalik na kaagad si Chester dala-dala yung inumin. Sumunod naman si Ash na dala-dala yung Burger ko.

Kinuhanan pa nga nila ako ng plato at kung anu-anong pagkain na hindi ko naman kayang ubusin.

Kakagat na sana ako nung burger ko kaya lang napansin ko na nakatingin silang dalawa sa akin. Nasa tapat ko kasi sila parehas at sila ang magkatabi. Nailang tuloy ako.

"Hindi ba kayo kakain na dalawa?" hindi ko tinuloy yung pagkagat ko.

"Go ahead, hindi naman ako gutom.""Papanoorin ka na lang namin."

Sana lang hindi niya sinabi yun 'di ba? Ayoko nang tinititigan ako habang kumakain.

"Chrissy, you should try this. Hindi ko alam kung anong straw ang gamit mo, kaya dalawa na yung kinuha ko. Yung spiral ba, o yung plain?"

Tumingin naman si Ash sa kanya. Alam ko na kung bakit.. narinig niya kasi yung 'Chrissy' part.

"Yung plain na lang. I am not into spiral straws."

Iinom na sana ako, kaya lang si Ash naman ang nanggulo.

"Chris, kumuha ako ng plato mo. I know you don't like plates that has designs on it.. pero kinuha ko na yung dalawa. Ano bang gusto mo, red or pink? i'm sure it's RED."inabot naman niya sa akin at kinuha ko.

"Thanks Ash."

Tumayo naman yung dalawa at mukhang may kinuha na naman doon sa bilihan. Ewan ko ba kung ano na yun.

"Bumili ako ng pudding, vanilla pudding." wow! Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng vanilla pudding ah!

"Ako rin bumili ng pudding, chocolate pudding." my favorite! 

Kumuha ako ng tig-isang sandok nung pudding at tinikman ko rin naman. Nilagay ko pa nga sa bowl ko eh.

"Masarap 'di ba?" tanong naman ni Chester sa akin.

"Yeah.. masarap.""Ubusin mo na pala itong vanilla pudding oh.. CHRISSY." sinandok niya yung vanilla pudding at nilagay niya sa bowl ko.

"Favorite mo yung chocolate 'di ba.. CHRIS?" sinandok din iya yung chocolate pudding at nilagay niya sa bowl ko.

"Thanks guys."

Medyo nabubusog na rin naman na ako nun kaya nung naubos ko yung pudding eh konti na lang yung kagat ko sa cheesburger at lalung-lalo na hindi na rin ako makainom. Yung dalawa talaga eh nakatingin pa rin sa akin.

"Mahilig ka ba sa basketball Chrissy?"

I can honestly say that Chester's cute.. but the whole Chrissy thing? I'm getting annoyed.

Sasagot na sana ako kaya lang si Ash ang sumagot.

"Hindi siya mahilig. She loves skateboarding more than basketball."

Tama naman si Ash.

"Yeah.. pero naglalaro rin ako ng basketball. Minsan nakikipag one-on-one pa nga ako sa mga guys eh." sabi ko naman at sumandal na ako.

"Talaga? One-on-one tayo sa gym mamayang practice period!"

May sound na narinig ako galing kay Ash pero hindi ko alam kung ano yun.

"She's a girl! Hindi kayo match!" sabi ni Ash sa kanya.

"Great idea. One-on-one tayo mamaya!"

Nanahimik na lang ako doon sa upuan ko. Yung dalawa eh magkaharap na at magkalapit yung mukha.

"Kayang-kaya naman kitang talunin sa basketball eh.""Says who?" sabi naman ni Ash at tinaas niya yung isang kilay niya, "Even though your a varsity, kayang-kaya kita.""Oh yeah? You seemed to have a problem with me kapag may kinalaman si Chrissy?"bakit na naman ako nasama diyan! "Huwag kang selfish Ash!"

Tumingin si Ash sa direksiyon ko pero binalik niya uli kay Chester.

"Yeah, I have a problem with you when it comes to Chris. Ikaw rin naman sa akin ah. You treat girls as a property.. as possession.. not as a person!" sabi ni Ash.

Bigla na lang tumayo si Chester at hinawakan niya si Ash sa collar ng polo niya.

"I am.. but I'm not anymore. Chrissy's different!" mukhang galit na rin siya nun, "At ikaw? Anong tingin mo? Dahil ba sa pegeant King ka at ikaw yung captain ng skateboarding team feeling mo lahat ng babae head over heels sa 'yo? Well, guess what? You are going down!"

Tumayo naman si Ash at tinulak niya si Chester.

"First of, huwag na huwag mong hahawakan ng ganyan yung polo ko. Second, I totally agree with you that Chris is different. Third, I don't care about those girls. I don't even know them! Fourth, I don't like you. I don't even like you near her. And fifth..."tumingin siya uli sa akin then kay Chester uli, "You're on!"

Nakatingin na yung mga tao sa cafeteria sa amin. Pinipilit kong itago yung yung mukha ko pero sino pa bang Chris ang tinutukoy? Ngayon naaapreciate ko yung pagtawag sa akin ng Chrissy ni Chester. At least, it's more of a disguise.

Gosh.. I'm dead.

"Will you two shut up?!?" yun na lang ang nasabi ko at tumingin sila sa akin, "Ewan ko ba kung bakit sumabay ako sa inyo kumain. Mas gusto ko nga mag-isa eh. I don't care about your stupid game!" sinabi ko kay Chester, "and your stupid opinion on his game either!" sabi ko kay Ash.

Saka lang ako naging mahinahon nun.

"Now... if you'll excuse me.. I'm going out."

Nakanganga yata yung mga tao sa amin nun at dumaan ako sa gilid. Wala na akong pakialam sa kanila. Nakakainis naman kasi.

"Chrissy!"

Narinig ko pang sinabi ni Ash.. 'Chrissy?! Hey Chris!'

Hindi pa ako nakakalabas ng cafeteria nun, humabol naman yung dalawa sa akin.

Gustung-gusto ko silang kalbuhin! Bwisit!!! Asar na asar na ko.

"LEAVE ME ALONE!""Leave her alone daw." sabi ni Chester kay Ash.

"She's talking about you." tnuro niya si Chester.

"I'm talking about both of you!!!"

Bubuksan ko na sana yung glass door ng cafeteria, kaya lang hinila ni Chester kaya hindi ko mabuksan.

"Look Chrissy, I like you." may mga nag-gasp pa doon sa likuran niya, "Yeah I do. Kaya nga gusto kita kasama eh." tumingin siya kay Ash. "Now what's your excuse?!?"

Kinabahan din ako nun. Na-corner naman masyado si Ash. Kahit wala naman siyang sabihin ok lang sa akin. Alam naman niya na deal lang lahat. Kahit hindi niya pangatawan yun.. ayos lang. Lalabas na ako.

Bubuksan ko na sana yung glass door uli para lumabas na ako. Para ma-save na rin si Ash sa pagsagot. Pero this time, siya naman ang humila para hindi ko mabuksan.

"Oh come on! You're only attracted to her! There's a big difference between the word 'Like' and the word 'Love'. Hindi ko ito ginagamit na excuse Chris.. not like this guy just to soften you up. As for my answer...""I didn't break R-13." ouch!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top