(21)

***21***

Ang weird talaga niya no? Pero parang may napapansin na rin ako sa kanya. Hindi naman ako innocent sa ganitong bagay. Pakiramdam ko nga may malaking possibility na ma-break niya yung Rule-13.

Teka teka.. ma-break yung rule 13? sa akin? Ang kapal ko naman siguro. Kung anu-ano na naman iniisip ko.

Nung hapon din nung araw na iyon eh nagpunta ako sa bahay nila para mag-practice kami nung presentation namin about Marriage. Umakyat naman siya sa hagdan nila at magpapalit daw siya ng shirt dahil naiinitan na siya. 

Sakto namang lumabas si Lawrence nun na mukhang kagigising lang yata. Hindi nga niya ako napansin na nakaupo doon dahil nagdire-diretso siya sa paglalakad niya at hawak-hawak pa niya yung ulo niya na akala mo eh nagkakamot ng ulo.

"Ash! Nakita mo ba yung pain reliever? Masakit yung ulo ko ngayon." sumigaw siya doon nung nasa dining table siya.

"Nasa drawer! Kunin mo na lang!"

Tumayo naman si Lawrence at naghanap ng pain reliever daw.

"Saang drawer?" sabi niya tapos binuksan niya yung isa.

Saka lang niya ako nakita nun.

"Hi Chris. Nandito ka pala, hindi kita nakita." ngumiti pa siya sa akin.

"Hello."

Lumabas naman na si Ash nun at binuksan niya yung kabilang drawer kaya naiabot na niya kay Lawrence. Saglit lang din eh umupo na siya sa sofa kasama ko.

"Hindi yan pumasok ngayon eh.. kanina pang umaga masakit yung ulo." sabi niya tapos inalis niya yung papel. "So.. simulan na natin?"

"Sure." sabi ko naman sa kanya, "Doon na muna tayo sa script natin. Yung Powerpoint naman madali na yun dahil ilalagay lang naman natin bawat slide yung 10 Marriage facts."

"Ok ok. Sige simulan na lang natin yung script."

Tumayo naman kami parehas nun at hindi ko pa alam kung anong script ang gagawin namin.

"O sige ganito. Ang simula natin eh papasok ako ng classroom. Ikaw kunwari eh naka-apron nung dumating ako. Magpo-polo na lang ako nun para kunwari galing ako sa trabaho. Lalabas doon sa projector, Couple have to show their intimacy to each other. Then ang mangyayari, sasalubungin mo ako at kunwari eh yayakapin mo ako."

Tinignan ko siya ng masama nun. Pero kailangan eh. Mas mabuti nang yakap, kaysa maiba pa.

"O sige.. yayakapin kita at sasabihin ko na kumusta ang trabaho chuvaness. Ok I got that part." sabi ko naman at tinignan ko yung papel niya. "Decisions yung next."

"The same thing sa second one. Lalabas sa projector yung Decisions. Syempre kunwari magpapahinga ako at uupo ako sa harapan. Magsasabi ako tungkol sa bahay at lupa na gusto kunwari nating bilihin sa kabilang town. Ikaw naman, mag-disagree ka sa akin. Sasabihin mo mas gusto mo na sa tinitirahan natin. But in the end, ako na yung mag-give way na papayag na mag-stay na tayo sa bahay natin." grabe, planado na nga niya talaga ito. Alam na alam na niya kasi yung sasabihin niya eh.

Nakaisip naman ako ng idea doon sa number 3. Yung one can't work out without the other.

"Sa number 3 naman, ganito na lang. Sasabihin mo sa akin na masarap kunwari yung niluto ko. Syempre, matutuwa naman ako kunwari. Papasok yung idea mo na, 'Your the best wife thing.' Then I'll say something na rin. Parang sinasabi natin na wife duties ako, husband duties ka naman. Na ngwo-work tayo ng tama according sa nature natin."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Ok ok wife."

Inapakan ko nga siya nun ng malakas kaya nasaktan naman. Nag-proceed na kami sa number 4. Napag-usapan namin sa Money na kunwari eh magsasabi ako tungkol sa bills ng bahay. At syempre, sasabihin ko na kulang na yung pera namin sa pangbahay. Mag-disagree ng kaunti, then marerealize namin na dapat mag-share kami ng pera at huwag magsumbatan kung kanino nanggagaling yun.

Sa number 5 naman, Kids, magsasabi na lang kami ng kung ano na kunwari eh tulog na yung dalawang anak namin. In short, naipapakita na may girft yung family namin.

"Sa number 6, kunwari papagalitan mo ako dahil napapadalas yung pag-inom ko, pag-smoke at kunwari eh nagseselos ka sa kasamahan kong babae sa trabaho. Magagalit din ako sa 'yo dahil maingay ka masyado," nanlisik yung mata ko nun,"Pumasok na rin yung number 7. Then, we'll sort it out. Sasabihin ko na hindi na ko iinom.. mga ganung bagay."

"At ako naman eh sasabihin ko na maninigurado muna ako bago magsasalita. Ok fine!!!"

Tinignan niya uli yung papel niya. Number 8 eh Honesty. Kunwari eh aaminna ako sa kanya sa script namin na nangutang nga ako doon sa kapitbahay namin para sa pambili ko ng make-up. Magagalit siya uli, pero magkakaayos. Lagi namang ganun!

Sa number 9, Trust, papayagan ko siya sa party na pupuntahan niya sa bar kasama nung mga kasamahan niya sa trabaho. Trust dahil hindi mo iisipin na mambababae siya doon.

Finally nung umabot kami ng 10 at hindi pa kami umaabot ng 15 minutes sa discussion, may yakapan na naman na mangyayari (sabi niya kasi), at sasabihin namin na mahal namin ang isa't isa at hinding-hindi namin hahayaang magkahiwalay kami. Dahil nga, letting go is the hardest part of all.

Nag-practice lang din kami ng kaunti, ginawa yung Powerpoint Presentation.. at ready na kami sa Tuesday. Planado na namin yung script.

***

Dumating din naman ang Tuesday at umaga pa lang eh dala na ni Ash yung projector at yung laptop niyang sarili galing sa bahay nila. Hindi naman na ako masyadong kinakabahan at tiyak ko rin eh siya dahil ready naman na kami.

Sa 'di mo malamang dahilan, umagang-umaga pa lang eh mukhang masayang-masaya na siya. Nung tinanong ko naman siya kung bakit, sabi ba naman niya eh hindi daw bawal maging masaya.

Last period namin yung Religion class. Yung ibang classmates namin eh may dala-dalang mga cartolina at kung anu-anong mga bagay-bagay para sa presentation nila. Yung mga binili ko nga sa National na kung anu-ano eh useless din pala dahil hindi rin namin nagamit. Pera nga ni Ash ginamit ko doon eh, ayaw kasi niya pabayaran. In the end, binigay niya rin sa akin lahat. Extra art materials daw kung kakailanganin.

Panay ang practice nung iba naming classmae doon. Kanya-kanyang style naman kasi ng presentation. Yung isa ko ngang classmate eh hinawakan pa ako sa kamay at ang lamig-lamig talaga ng palad niya. Pasmado nga yata siya eh sa sobrang kaba.

Nilagay ko na yung apron ko nung pumasok yung religion teacher namin at si Ash eh nakabihis na rin ng polo niya kanina pa. Ang gwapo nga niya tignan nun eh. Ang haba pa nung sleeves niya kaya pinatupi pa niya sa akin kaya naman yung ibang classmates namin eh inasar pa kami at kinakarir na raw namin yung Marriage thing. Sa isip-isip ko naman, para tinupi ko lang yung sleeves niya may malisya na kaagad???

"Ok class, opening prayer muna tayo tapos sisimulan na natin yung presentation niyo. Mukhang ready kayong lahat ah.."

Nagdasal nga kami pare-parehas at syempre eh sinimulan din kaagad yung presentation. Dahil nasa bandang unahan si Shalyna, siya at yung patner niya na si Chester ang unang-unang tumayo.

May malaking illustration board sila na may drawing ng simbahan. Kunwari eh ikakasal pa lang sila nun. Kaya pala nakaputi ang bruha.

Syempre pagkatapos nun, inisa-isa nila yung vows ng mag-asawa. Dapat ganito, dapat ganyan. Binuhat pa nga siya ni Chester nun at kunwari eh mag-honeymoon na sila. Doon natapos yung presentation nila. Maganda rin naman, pero mas maganda yung sa amin. Akala nila ha!

Yung sumunod na mga presentation eh wala namang kwenta. May nagbasa lang sa harapan at super boring talaga. Hindi pa kami tinatawag ni Ash nun. Sa bagay nasa likuran naman kami.

May nag-present naman ng card. Ang ginawa eh papabasa sa klase yung nakasulat gaya ng LOVE...CARE at kung anu-ano pa na kailangan daw sa Marriage. Nauubos na silang lahat at syempre eh nauubos na rin yung oras nun hindi pa kami nakakapag-perform.

Finally nung last 15 minutes na lang yata ng time eh kami na ni Ash. Huling-huli sa nag-perform.

Ni-ready na namin yung projector at naka-automatic na yun para dire-diretso yung slide. Nagpunta ako sa kabilang dulo sa left side, at siya naman eh lumabas dahil kunwari eh papasok nga siya, According sa script namin. Sinara pa niya yung pinto ng room.

Maya-maya lang, kumatok na siya. Kunwari eh pinunas ko yung kamay ko sa apron ko at binuksan ko yung pinto para sa kanya.

"Hello honey..." kunwari eh papagpagin niya yung sapatos niya, "Kumusta ang araw mo?"

Alam ko medyo corny itong presentation namin, pero ika-nga, sa corny nakakakuha ng mataas na grade.

"Mabuti naman." sabi ko at lumapit ako sa kanya.

Lumabas na yung slide na nakalagay eh COUPLES HAVE TO SHOW THEIR INTMACY TO EACH OTHER. I hate this part. Ito na yung time na kunwari eh yayakapin ko siya at tatanungin ko yung araw niya sa trabaho. Inalis niya yung polo niya at lumapit din siya sa akin. Naka puting shirt na lang siya ngayon at pagkatapos..

hinalikan niya ako sa pisngi ko.

Nang-asar naman ng kaunti yung audience namin pero tumahimik din kaagad.

Now, why did he do that? Sa script namin eh yakap.. hindi kiss.

"Uhmm.. uh.. kumusta naman ang trabaho mo?" binigyan ko siya ng masamang tingin at nakangiti lang siya.

Mukhang sinadya nga yata niya yun.

"It's great. Maraming clients ngayon.." sabi niya sa akin.

Nakita ko na lumabas na yung DECISIONS sa slide. Naisipan ko nang simulan yung tungkol doon sa bahay na pagdidis-agreehan namin.

"Oo nga pala sa Friday.." sabi naman niya.

Sumagot namana ko.

"Yung bah--?" 

Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya. Ano ba naman 'tong tao na ito? Nag-practice kami 'di ba?

"Sa Friday.. may date tayo. Anniversary natin 'di ba?"

The heck? That's not on the script either. Date? What date?

"Hindi tayo magda-date. Tungkol doon sa bahay--"

"Magda-date tayo. Friday nga 'di ba?" wolf look na naman yung pinapakita niya.

Ang tagal kong nakipagtalo sa kanya na walang date, siya naman eh sinasabi niyang meron. Mabuti na lang angkop pa yung pinagsasasabi niya sa script. Minsan nagle-lead to arguments.. kagaya ngayon. This isn't a script at all... this is real!!! So I have to give way for him???

"Ok.. it's a date. Friday."

Binigyan ko na naman siya ng anong-pinaggagagawa-mo look pero parang wala lang sa kanya. Nakaupo pa rin siya doon sa upuan niya.

"You know what honey? I'm lucky to have you as my wife. Who knows hindi ako magiging ganito kung wala ka?"

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Wala talaga ito sa script. Lumabas na sa slide yung ONE CAN'T WORK OUT WITHOUT THE OTHER.

"Kung hindi siguro kita makikilala, I wouldn't function well. I mean, I'm not the same Ash. I'm a better Ash. I work out pretty well 'coz you're here with me."

Wala akong maisipang isagot sa kanya kung hindi.

"Really? Ako rin eh."

Lagot talaga sa akin itong lalaki na ito. Iniiba niya lahat!!!

"Oo nga pala, yung bill natin sa.."

"Sa date natin? Never mind that. Ako nang bahala doon."

Grrrr! Nasa Money part na kami ng presentation. At ang sasabihin ko sana eh bill namin sa kuryente.. tubig at telepono. Pero ngayon naman..

Bill daw sa date?

Natatakot na akong magsalita tungkol doon sa number 5, KIDS. Baka kasi kung ano na naman yung sabihin niya.

"Alam mo ba, WIFE" talagang inemphasize niya pa yun, "yung gift na pinakamagpapakasaya sa akin eh yung magiging anak natin. 'Di bale, within 6 months naman manganganak ka na. Anong ipapangalan natin?

Gusto ko sana siyang sigawan ng 'You fiend!' pero hindi ko ginawa. Sa script namin may anak na kami, hindi ako buntis. Ang sarap niyang sakalin! 

Naiinis na talaga ako nung mga oras na yun. Hindi ko lang maipahalata dahil nasa harapan pa kami.

"Oo nga pala HONEY.." medyo sarcastic na yun, "It's about your drinking, smoking--"

"What about it? I don't drink. I don't smoke." sabi niya sa akin. Nawalan na naman ako ng line na sasabihin, "And definitely I won't cheat on you. Bakit pa?" akala ko tapos na siya magsalita eh.

Lumabas na sa slide yung.. GIRLS TALK TO MUCH.

"Ok lang din kung magdaldal ka sa akin ngayon. I totally understand. Moody talaga ang mga naglilihi.."

I swear I need a gun and I'll shoot this guy!

"TALAGA??? Actually magdadaldal nga ako eh.. MAMAYA."

Alam ko medyo nakukuha na niya yung sinasabi ko. Ano bang nangyari at binabago niya?

Tumayo na siya doon sa pagkakaupo niya. Mabuti na lang talaga last 3 na lang kami. Honesty muna ngayon...

"Oo nga pala, nangutang ako sa kapitbahay natin kanina pinambili ko ng make-up. Yung pera kasi natin pambili ng ulam nagastos ko eh.." sabi ko naman at for the first time.. may nasabi ako na on the script.

"Ayos lang yun. I love the fact that your honest with me. Pero masasabi ko lang, you don't need make-up to make yourself beautiful.. you already are.."

Nanukso na naman yung audience. Nag-iinit na ng kaunti yung mukha ko nun. Nakuha pa niyang tumayo sa harapan ko. Susuntukin ko talaga siya pagkatapos nito!!!! Arrrgggghhh!

Nawala na ako sa sarili ko nun. Lumabas na yung TRUST sa slide.

"Trust me, I'll take care of you." sa script namin, ako yung mag-tatrust sa kanya for the reason na pupunta siya sa bar. Pero ngayon, iba pa rin.

Yumakap na naman siya sa akin. For the first time, nasa script yun. ANg higpit nga eh.

"It's really hard to let you go.. so I won't. I love you Chris."

Pagkatapos nun, lumabas na sa slide yung The END.

Nagpalakpakan naman yung mga classmates namin including yung Religion teacher namin.

Saka lang umalis si Ash sa pagkakayakap niya.

"Very good. Ms. Orellana, and Mr. Valdez, FULL MARKS."

Whoa! Nakuha namin yung highest grade! Nagtatatalon ako doon at hinawakan ko yung kamay ni Ash sa sobrang tuwa. Saka ko naalala na malaki pala yung atraso niya kaya binitawan ko rin kaagad ng malakas.

Nag-alarm na rin nun. Kanya-kanyang alisan na ng classroom. Dahil nga naka-plug pa yung mga ginamit namin, hindi rin siya umalis doon. Tumayo ako doon sa gilid niya.

"What's up with all the drama? Iniba mo yung script natin!"

"I know. Isn't it great?!?"

"Anong great great ka diyan? It's terrible. Hindi ko alam yung sasabihin ko in most parts!!"

Humarap siya sa akin nun ng seryoso.

"Dapat bang alam mo? Hindi naman 'di ba? you should speak for yourself... what you feel.. what you think. That's what makes a good script... SPECIAL."

Medyo asar pa rin ako nun. Kailangan ba siya lagi ang tama.

"You made the whole thing up? Kulang na lang suntukin kita kanina!"

"I made the whole thing up? Probably. I didn't plan it, to be honest with you. Yung mga sinabi ko kanina.. hindi ko yun pinag-isipan."

"So what's that? Lumabas na lang out of thin air!??"

Binaba niya yung laptop niya saka yung prjector. Dahil nakaupo ako doon sa lamesa, lumapit siya sa akin. Humawak siya sa dalawang balikat ko, at seryoso na talaga siya ngayon.

"Hindi yun lumabas sa hangin! Ewan ko kung saan nanggaling! Alam mo kung anong problema sa 'yo? You don't know the difference between fantasy and reality. Tingin mo yung mga sinabi ko eh nahugot ko sa isang fairytale book? You want to know something? This is not a fairytale..."

Lumayo siya sa akin. Kinuha na niya yung gamit niya at tinalikurana ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Hindi na rin ako makakilos.

"This time, it's for real."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top