(19)
***19***
Para akong lumilipad nun. Basta, parang ganun yung nangyari.
Unfortunately nung nakababa kami doon, medyo hilo pa ako at wala ako sa sarili. Weird pala talaga sa pakiramdam kapag nag bungee jumping ka. Bukod sa parang naiwan yung puso mo sa taas at bumagsak ka ng pabaligtad na pakiramdam mo eh hindi tumitigil sa pag-spin ang mundo... worth it naman lahat. Tinanggal nga nila yung strap namin kaya nahulog kami doon sa malaking balloon sa baba. Hindi naman masakit. Tawa lang kami ng tawa ni Ash nun.
Nagpahinga lang kami ng kaunti at narinig namin na lumapit si Nathalie at si Lawrence. Panay ang sigaw ni Nathalie sa amin.
"Ano ba kayo?!? Nakakainis naman kayong dalawa! Bakit niyo ginawa yun? Aatakihin pa ko niyan sa puso! Ang taas-taas nun! Ano bang nasa utak niyo?"
Inakbayan naman siya ni Lawrence.
"Nathalie, tama na. Tapos na nga eh. Nakatalon na sila.. and they're both fine. So what's the fuzz all about?"
Medyo kakaiba pa yung pakiramdam ko sa tiyan ko at inalalayan ako ni Lawrence na tumayo since si Ash eh hawak-hawak yung ulo niya. Kung ano siguro pakiramdam ko ngayon, ganun din sa kanya.
"You should try that Nathalie... one time."
"Ako?!? Hindi ko ita-try yan! Ano ba yan?!?"
"Flying!" sabi ni Ash.
See? He felt it. Pakiramdam niya lumilipad din siya siguro. Kahit na hindi ko siguro tanungin, parehas kami ng naramdaman.. parehas kami ng iniisip.
Teka, may inisip nga ba ako nun? Wala eh. Basta ang alam ko, blank yung utak ko at kung ang alam ko lang eh weird ng pakiramdam ko.
Inabot nila sa akin yung hotdog sandwich na inorder namin kanina. Pero ako naman, panay lang ang sabi na wala na akong gana.
Well... sino ba?
Nag-rides na nga kami doon. At yun nga, prang yung kaba ko sa heights kanina eh nawala na. Ganun pala yun no? Kapag na-try mo na yung isang bagay na iniisip mong nakakatakot at nasubukan...pakiramdam mo kaya mo na lahat.
Nag-ferris Wheel nga kaming apat eh. Two-some. Pero unlike sa bungee-jumping, so-so na ang ang pakiramdam ko. Naeenjoy ko na yung hangin.
"Grabe.. hindi ako makapaniwala na tinalon natin yun!" sabi ko sa kanya na naka-todo ngiti pa ako.
"Yeah.. me too." sabi naman niya. "Yung sumbrero mo nga nawala eh."
Napahawak naman ako sa ulo ko. Oo nga pala, nalimutan ko na yung sumbrero ko. Kailan pa ba ako walang suot? Sayang yun ah! Binili ko pa man din yun sa SM.
Sumakay din kami nung rollercoaster nila. Actually nakakatakot nga kasi feeling mo baka masira na lang yun. Alam mo naman kapag perya, hindi ganun ka-safe. Pero so far, wala namang nangyaring masama sa amin nung bumaba kami.
Dahil masyado kaming nag-eenjoy lahat, sinubukan naming tumaya doon sa perya. Tawa ako ng tawa kay Lawrence paano nanonood siya nung color game.. sumunod na lang na nakita namin eh naglagay ng isang buong P100. Pipigilan sana namin dahil sayang yun kapag natalo siya. Pero lumabas na triple yung color niya... kaya pagbalik niya eh may P400 na siya. Grabe.. tsamba? O nag-observe? Siguro nga lucky pick. Nung nanalo siya nun, umalis na kami at nag-rides uli.
Para kaming mga bata nun na naghihilahan sa rides. Kami ni Nathalie eh pabili lang ng pabili sa dalawang lalaki... yaya ng yaya kung saan o kaya naman eh uutusan namin gawin ang isang bagay.
Overall... masaya lahat. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito. First time na naramdaman ko na... may mga kaibigan ako. Kahit na malaki yung possibility, one-night time lang ang lahat.
"Horror House tayo!" narinig kong sinabi ni Lawrence kay Ash.
"Oo nga! Doon tayo!"
Naglalakad kami ng isang line nun. Kaming dalawang babae eh nasa gitna at nasa gilid naman namin yung dalawang lalaki. Nag-appear pa nga sila sa taas namin. Para kasing Twin Tower yung dalawa. Akala mo eh laging may stock ng growth hormones sa katawan.
Hindi naman ako takot sa Horror House. Sus para yun lang!
Nagbayad pa kami ng tumataginting na P30 bawat isa. Pumasok kaming apat doon at syempre.. kanya-kanyang lakad na. Dahil si Nathalie eh nasa kanan ko, sigaw siya ng sigaw. May mga bagay din doon sa loob na ikinagulat ko.
May mga coffins, may mananaggal pa nga eh, may puno doon na may kapre, duwende, may vampire, at kung anu-ano pa. May kung ano ngang mabalahibo na humawak sa paanan ko kaya nagulat ako at napatalon ako bigla. Sa totoo lang, may nahawakan akong braso ng may braso. Hindi ko alam kung kanino. May mga lalaki pa nga na sumisigaw ng... 'Yung mga nanghahawak nga diyan, pwede pakialis yung kamay niyo?!?'
Excuse me? Kung siya man yung nahawakan ko, hindi ko siya hinihipuan. Ang kapal naman ng mukha niya kahit hindi ko siya makita!
Wala ngang masyadong kwenta yung horror house. Pero sa simpleng perya, napabilib din nila ako kahit konti sa effects nila. Nung nakakita na naman kami ng maraming ilaw, tawa ng tawa yung dalawang magkapatid sa amin. Lalung-lalo na si Lawrence na hawak pa niya yung tiyan niya saka yung tuhod niya.
"Nakakatawa ka Nathalie!" sabi niya na namumula na yung mukha niya kakatawa, "Sigaw ka ng sigaw!"
Nananahimik lang ako doon. Tumingin ako kay Ash at siya naman eh halatang nagpipigil ng tawa niya. Iniwas niya yung tingin niya sa akin.
"Bakit, may nakakatawa ba?"
Hindi naman ako sumigaw eh. At least alam kong hindi.
Teka, hindi nga ba?
"Hindi naman ako sumigaw 'di ba?" ako sisigaw? That is so not me.
"Bro, kailangan kong bumili ng hearing aid." sabi niya sa kapatid niya saka tumingin siya sa akin, "And a cast for my left arm."
Hinampas sila parehas ni Nathalie ng purse niya. Yun sagot niya, isa lang ang ibig sabihin nun... sumigaw nga ako. At higit sa lahat, siya yung nahawakan ko. Oh well, fair enough.
Nung gabi na rin nun at syempre eh napagod na rin kaming lahat kakalakad at kaka-try ng mga rides, naisipan na rin naming umuwi at tiyak eh puyat na rin kami kinabukasan. May pasok pa man din kami.
Inaantok-antok na rin ako nun pero pinigilan ko. Nakita na namin yung kotse ni Lawrence at isa-isa na naman kaming sumakay doon. At parang airplane nga kung magpaandar... saglit lang eh nasa tapat na ako ng bahay namin.
Nag-goodnight lang ako sa kanila.. at pumasok na ako ng bahay namin.
***
Pumipikit-pikit pa yung mata ko nung makarating ako sa school kinabukasan. Ikaw ba naman eh umuwi na ng almost 12 tapos gigising ka ng 5 o' clock! Tama ba naman yun? Pero at least, ok naman yung araw na iyon.
Pumasok ako sa Ladies Restroom at naiihi na ako nung mga oras na iyon. Nung natapos ako eh nag-flush na ako. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang may narinig akong pumasok.
"Ilang beses ko bang sasabihin hindi ko nga alam kung sino ang may gawa nun!" sabi ni Shalyna at naririnig ko yung crew niya sa gilid. "Nung nalaman ko nga na nasa bag pala niya, akala ko nga si Chris talaga yung nagnakaw."
Narinig kong may mga kung anu-anong bagay silang nilabas.
"Tingin mo si Ash nagnakaw talaga nun?" sabi nung isang girl na hindi ko naman mabosesan kung sino.
"Of course not! Si Ash magnanakaw? I really like Ash! He's super hot. I can't believe I dumped him last year." " But he's still stupid. If I know, sinalo lang niya yung kasalanan ni Chris! Pero tingin ko hindi rin si Chris ang may gawa nun. Magkasama silang nagpa-practice buong maghapon eh. Sinadya ko lang na isisi sa kanya para ma-disqualify siya sa contest. Hello? Humahabol na siya sa votes ko." makasarili talaga yung bruha na ito, "Ang gusto ko ngang malaman eh sino naman yung galit sa kanya para iset-up siya 'di ba?" ikaw lang naman ang galit na galit sa akin, "It's the kind of thing that I will do, But I didn't."
Narinig kong sinabi nung isa na naiihi siya. Nagsisibukasan na yung pintuan kaya kinabahan ako at baka makita nila ako na nandidito. Mabuti na lang at nagyaya si Shalyna na lumabas na kaya sumunod na yung mga kasama niya.
Saka lang ako lumabas ng stall nun. Kung hindi si Shalyna ang may gawa nun... sino?!?
Lumakad na ako nun pabalik sa classroom namin. Saglit lang din at nagtitingin-tingin ako sa mga classrooms, may humarang na naman sa haapan ko at parang na-blind ako sa flash ng camera.
"What?!?" sabi ko na lang at kinuhanan na naman ako ng picture, "Para saan yan?"
"School paper. Alam mo yung movie na Wrongfully Accused? May article kasi kami tungkol doon. At syempre, mali yung ikaw yung napagbintangan. Ano nga pala masasabi mo kay Ash dahil nanliligaw siya ngayon 'di ba? Turn-on ba na sinabi niya yung totoo, o turn-off dahil nagnakaw siya?"
Tinulak ko naman yung lalaki na yun. Susuntukin ko na talaga siya.
"Ooh!" narinig kong may nagsalita sa likuran ko, "Chris Orellana making a new scene again?"
Dahil wala akong panahon sa ganyang bagay ngayon, tinalikuran ko lang siya.
"Naduduwag?!?"
Dahil ayoko ng tinatawag ako na naduduwag, humarap ako sa kanya.
"What's your problem?" nakataas na yung kilay ko nun.
Ginaya naman niya yung position ko.
"The problem is, I don't like you. At ayokong nandito ka!"
"Well, kung ayaw mo ko, e di mag-transfer ka sa ibang curriculum!"
"Hey girls.. tama na nga! Lagi na lang kayong nag-aaway na dalawa!" dumating na naman si Chester.
"Sabihan mo nga yang babae na yan! Sa dami naman kasi ng maka-crushan yung pangit pa na yan!"
Lalo akong hindi makakilos nun. Si Chester?
"Simula naman ng dumating siya dito, trouble na siya eh. I bet she inherited it from her Dad!" sabi ni Shalyna.
"Huwag mo ngang idadamay yung tatay ko dito!" dahil napikon ako, tinulak ko talaga siya ng malakas at nasampal ko pa nga siya.
In return, sinampal din niya ako.
Walang sabunutan na nagyari sa amin. Pure sampalan lang talaga. Usually kasi ang ginagawa ko, nanununtok ako. Ewan ko kung anong nangyari sa akin ngayon.
Saglit lang din, may umawat na sa likuran ko at may umawat din kay Shalyna. Si Chester ang may hawak sa kamay ko, at Ash naman eh hawak-hawak si Shalyna.
"Ano na naman 'to?" sabi niya na mukhang naiinis rin.
"Why don't you ask that freaky girl! Warfreak!"
Ako pa ngayon ang warfreak?!? Hindi ko na nga siya pinansin, ako pa ngayon ang mapapasama!
Umiyak na si Shalyna doon sa shirt ni Ash. Tinaas pa nga ni Ash yung dalawang kamay niya na akala mo eh, nandidiri.
"Tinulak niya ko.. then she slapped me!"
Tumingin si Ash sa akin.
"You did?!?"
"I was just..." ikukuwento ko sana yung nangyari, kaya lang naisip ko.. why bother? "Yeah I did!" tinanggal ko yung pagkakahawak ni Chester sa kamay ko.
Hindi talaga ako umiyak 'di gaya ni Shalyna. Tinigasan ko pa lalo yung mukha ko. Hindi ako papatalo sa kanya.
At that very moment, parang stunned si Ash sa akin na hindi ko maintindihan. Titingin siya sa akin, tapos kay Shalyna. Sa akin, then kay Shalyna.
Para saan naman yun?
Inalis ko yung pagkakahawak ni Chester sa kamay ko at tumalikod na ako para umalis. Ang aga-aga, sira na naman yun araw ko. Mabuti na lang walang teachers at nasa teacher's lounge pa sila.. dahil kung hindi, baka may detention na ako ngayon.
Binilisan ko yung lakad ko. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Pero saglit lang din, may humawak na sa braso ko.
"Anong palabas yun?" sabi niya sa akin.
"Anong palabas? Wala. Warfreak nga ako 'di ba?" dire-diretso pa rin ako maglakad, "Bakit hindi ka na lang bumalik doon?!?Alam mo ba kung anong narinig ko na sinabi ni Shalyna kaninang umaga? She thinks you're super HOT! Wow, I'm happy for you. The deal's working isn't it? The deal's working on your part!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko sa kanya.
Nagisip-isip naman siya. Hindi siya nakatingin sa akin. Hindi siya mapakali nun. Ewan ko ba.
Bigla na lang siyang yumakap sa akin. Tinutulak ko siya nun.
"Keep your distance will you? Baka nakakalimutan mo yung Rule-13!!!"
Hindi pa rin niya ako binitawan nun.
"Bakit ba lagi mong pinaniniwalaan yung Rule-13 na sinabi mo? Huh?" narinig ko na lang na sinabi niya, "The deal's not working on my part if you keep believing that!"
"Hindi ako rule breaker! Please... let me GO!!!"
Ang higpit talaga niyang yumakap nun. Naguguluhan na ako sa kanya nung mga oras na yun. Kagabi lang ok kami, ngayon naman inaaway ko siya.
Ano ba talaga?
"Our deal's on paper!"
"Sinabi ko na yung rule-13! At umagree ka!" tinulak ko na talaga siya nun at tumayo lang siya sa harapan ko.
"I know your not a rule breaker. Your not. The deal's in that paper I gave you. You know that!" sabi niya sa akin tapos tumalikod na siya, "At gusto ko lang liwanagin lahat... sana maalala mo yung araw na sinabi mo yung rule-13..."
"I don’t remember I said YES to it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top