(18)

***18***

"Anong sabi mo?!?" nagulat ako sa kanya.

"Sabi ko... I care about you."

Gustung-gusto ko sana siyang saktan para matauhan siya. Hindi ba siya nag-iisip? Siguro nga magkakaroon ako ng record sa Guidance pero hindi pa naman nila napo-prove na ako nga ang may gawa nun at malaki yng chance na lumabas na set-up lang lahat. Pero ngayon? Umamin siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Wala nang reason yung office para alamin pa kung siya nga kundi bigyan siya ng record.

Sinuntok-suntok ko siya sa dibdib niya pero hindi malakas.

"Bakit ba hindi ka nag-iisip? Nakakainis ka na!"

Nung tumingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin. Parang walang nangyari. Mukhang ok lang siya.

"Siguro nga may record ako... but it was worth it." umakbay siya sa akin, "Tara na nga, uwi na tayo."

Habang naglalakad kami nun, hindi mo rin maiwasan na may nakatingin sa amin. Siguro kahit sila, hindi rin naniniwala na si Ash yung nagnakaw nun. Mas iisipin pa nga nila na ako yun.

Wala naman kay Ash kung may nakatingin sa kanya. May tumawag pa nga sa kanya kaya nag-excuse siya sa akin.

"Oh Hi!" seryoso pa rin siya nun, "He's not good at that?!?" narinig kong sinabi niya, "Hindi ko alam kung paano niya ginawa, lucky guess?"

Nakipag-usap lang siya doon. Kahit papaano, ngumingiti na rin siya. Binaba rin naman niya hindi rin nagtagal.

"Nathalie." nilagay na niya sa bulsan niya yung phone niya, "Nabingi yata ako sa kanya. Sigaw ng sigaw eh."

"Bakit naman?"

"Masyado lang siyang masaya." ibubuka na niya sana yung bibig niya para magkwento, kaya lang natigilan siya.

Iba pa rin yung pakiramdam ko nung mga oras na iyon. Feeling ko kasi, ako yung dapat sisihin. Kasi ang lumalabas eh ikaw dapat ang nabagsakan ng sisi, napunta pa sa iba. Ang nangyayari ngayon, ikaw yung nakokonsensya.

Parang ngayon..

"Are you going?!?"

Huh?!? May tinatanong siya?

"Ano yun? Sorry, hindi ko narinig." nawala na naman ako sa sarili ko.

"Sabi ko, dahil maraming nangyari nitong araw na ito.. bakit hindi na lang tayo mag-enjoy. Niyaya kasi ako ni Nathalie na sumama daw tayo sa kanila ni Kuya. May fair kasi sa kabilang town. Like, night market.. and may rides and all those."

"Ooh.." saka lang pumasok sa utak ko, "Are you going?"

Ngumiti lang siya sa akin.

"Kung sasama ka.. oo."

"Sure."

Umuwi lang ako doon sa amin. Medyo nanghihina pa ang pakiramdam ko nun eh. Magpapakasaya kami kahit na masama yung naging araw namin! At magpapakasaya kami kahit na wala pa kaming nasisimulan sa project.

Ok lang. Mas mabuti na rin siguro yun. Nagpaalam na ako sa tatay ko na maaga namang umuwi. Pumayag naman siya. Hindi naman yan yung tipong strict sa akin. May tiwala naman yan.

Hinintay lang ako ni Ash sa labas. Nag-blouse lang ako na isa sa binili niya at boot-cut na pants. Nag-shoes na rin ako at tiyak eh maglalakad kami ng maglalakad doon at wala akong balak na mag-heels.

Paglabas ko, kinuha ko yung sumbrero ko at sinuot ko. This time, hindi ball cap yung suot ko kaya nilabas ko yung buhok ko sa butas.

Nag-salute lang siya sa akin. Ngayon naman, papunta kami sa bahay nila at siya naman ang magbibihis. Tiyak din eh nandun na si Nathalie. Pagdating namin doon sa bahay nila, hindi na kinailangang magsalita ni Ash doon sa gate nila 'di gaya ng dati dahil bukas na at may naka-park na pulang kotse sa harapan nila. Niyaya lang niya ako sa loob at pinaupo niya ako doon sa sofa nila.

Hindi nga ako nagkamali. Kauupo ko pa lang eh bumaba na sa hagdan si Nathalie at open arms ba naman akong niyakap. Ang bait talaga nitong babae na ito sa akin.

"Mabuti naman kasama ka sa amin!!!" ang higpit-higpit talaga ng yakap niya sa akin.

"Oo nga eh.." sabi ko na lang.

May nilabas naman siyang kung ano sa likuran niya.

"Tingnan mo!" niyakap naman niya yun, "Ang cute-cute 'di ba! Ang galing talaga niyang pumili ng regalo!"

Huh? Nino? Saka.. nakita ko na yung bear na yun ah!

"Oo nga.. ang galing ko talagang pumili ng regalo.." tapos nag-wink siya sa akin.

Wait... am I missing anything? Bakit nandito yung guy na nakita ko sa National?

Bumaba naman siya sa hagdan.

"Lawrence Valdez nga pala Miss Chrisandra Orellana.. older bro ni Ash."

Ooh.. I can't believe it. Kilala nga niya ako. Kaya pala sinabihan niya ako na familiar ako.. and.. alam niya yung buong pangalan ko.

Pero.. hindi pa kami nag-meet before.

"Hi!" speechless ako kaya Hi na lang sinagot ko.

"Nabanggit ka na ni Ash sa akin before. And.. he's right." about what?

Lumabas na si Ash nun at syempre nagkayayayaan na umalis ng bahay nila. Hapon na nun at almost 6 na rin. Malakas na yung kutob ko na gabing-gabi na naman kaming makakauwi nito.

Yung Kuya ni Ash ang nasa driver's seat, at si Ash ang umupo sa harapan. Kaming dalawang babae ang pinaupo nila sa likuran.

"Seatbelts gals..." sabi ni Ash na lumingon sa amin sa likuran.

Sabi ko nga, safety first.

Hindi naman pala kalayuan yung sinasabi nilang 'other town'. Siguro 15 minutes away lang namin nag-drive. Siguro nga hindi ko pansin na malayo, parang eroplano kung magpaandar ng kotse yung Kuya ni Ash eh. Lawrence.. yeah, Lawrence ang name. Kaya pala pinagseat-belt kami.

Malayo pa lang kami doon sa fair, ang dami nang ilaw na nakikita mo. Ang dami ring tao. Nagkalat ang mga stands, at kitang-kita mo rin yung mga rides na nasa gilid.

"Chris.." bumulong si Ash sa akin nung nasa tabi ko siya, "Did I mention this is our project?"

"Ano?"

"About Marriage. Dito natin malalaman ang ideas natin sa Project."

Nagtaka naman ako sa kanya.

"How is that possible?"

"You'll see."

Nasa likuran kami nila Nathalie at Lawrence nun at silang dalawa ang nangunguna. Holding hands pa nga eh. Nakatingin ako doon sa kamay nila, tapos pagtingin ko kay Ash, nakatingin din siya sa akin.

Iniwas ko nga yung tingin ko. Baka magkaroon pa ng idea yan na di maganda.

"Marriage fact number 1." tumingin uli ako sa kanya, "Couples have to show their intimacy to each other. Like that.." tinuro niya yung kamay nung Kuya niya at ni Nathalie, "They are not married couples, but the same thing. Dapat hindi ka takot na ipakita mo kung gaano mo siya kamahal. Actions.. or words... either way."

Wow. Sabi ko nga may ieexpect ka sa simpleng pagbisita sa Fair. Nandito nga siguro yung project namin.

Nag-stop si Lawrence at Nathalie at lumingon doon sa amin. Kami rin eh huminto.

"Saan tayo?"

"Let's go shopping!" sumagot naman si Nathalie.

"Nathalie, pwede tayong mag-shopping mamaya. Mag-rides kaya tayo?"

"Shopping muna bago rides."

Nagtinginan kami ni Ash nun. Sa unang tingin, parang mag-aaway yung dalawa ah. Bumulong na naman si Ash sa akin.

"Marriage fact number 2. Decisions."

Nagtatalo pa rin yung dalawa pero hindi naman yung tipong sigawan na.

"Kapag may gusto kang isang bagay, so as the other party at hindi kayo makapag-desisyon kung anong gagawin niyo.. it leads to.. arguments. In short, the other one should.."

Natigilan naman siya. Narinig ko si Lawrence nagsalita.

"O sige na nga, shopping na muna."

Nag-yehey naman si Nathalie na parang bata. Ako naman nagtapos nung statement na sinasabi ni Ash.

"The other one should give way for the other."

"Right."

Ganun pa rin kami, pasunud-sunod doon sa dalawa. Habang tumatagal kahit na palakad-lakad lang din kami doon, naeenjoy ko na rin yung sinasabi nilang 'shopping.' Hindi kasi ako matiyaga sa ganito noon, unlike any other girls. Ang daming binili ni Nathalie na accessories para sa kanya at para kay Lawrence. Tawa lang kami ng tawa.

Si Ash naman eh nagpunta doon sa gilid sa may matanda. Mamaya lang, may dala-dala na siyang plastic na may laman ding kung ano.

"Bracelet." sabi niya tapos nilabas niya, inabot niya sa akin.

"Binilihan mo na naman ako ng bracelet?"

"Nah.. yung last one anklet yun remember? Not bracelet."

Ganun na rin yun. Basta binilihan din niya ako.

Nung nilabas niya, dalawa pala yun. Isa sa kanya, isa sa akin. Napansin ko naman na may design yung kanya, a key. Yung sa akin naman, parang maliit na lock. Otherwise, hindi naman siya de-lock. Design lang talaga.

"Marriage fact number 3. One can't work out without the other."

Grabe, saan niya kinukuha yung mga sinasabi niya sa akin?

Pero parang alam ko na yung sinasabi niya.

"Ang ibig mong sabihin, sa marriage.. para mag-work smoothly.. the wife needs her husband.. and vice versa. Parang sa lock, it won't open kung wala yung key." sabi ko naman.

"No. Actually.. binili ko lang ito. More yet, a symbol. I got the key to someone's heart."

Tinaasan ko naman siya ng kilay ko tapos ngumiti siya.

"I'm just kidding. Tama ka."

Nung nag-iikot kami at panay na rin ang bili namin, may nakita naman akong cap na naging sanhin ng pag-ikot ng mata sa akin ni Ash pero pabiro lang. Kulang yung pera ko, so dinagdagan niya. Nalaman ko na rin ang Marriage fact number 4. Money daw. Dapat daw eh marunong mag-manage at mag-share ng pera ang couples. In that way, walang sumbatan na nangyayari.

Naupo kami doon sa benches at sumakit daw yung paa ni Nathalie. May mga bata pa nga doon sa gilid. Hindi rin nagtagal, natutunan ko na rin yung Marriage fact number 5, which is.. Kids. Ang kids daw kasi eh magandang result ng marriage. It's like.. a gift. Well.. not 'like' .. it's really a gift.

Nung nakapamili na kami ng kaunti, napunta kami doon sa part na panay tayaan na. Perya nga eh no?!? May mga matatanda pa nga doon na umiinom eh. At syempre.. may mga pera na involved.

"Marriage fact number 6, Drinking.. gambling.. and girls."

Narinig naman ako ni Lawrence.

"Ginagawa niyo pala project niyo ah. Tama yan."

Tumingin si Ash sa akin.

"Ok, your right. Mas madalas kasi magkaroon ng bisyo yung mga lalaki.. drinking, gambling.. and alright.. girls. Pero take note, hindi naman lahat."

Sabi nga nila, maganda pala na nakikita mo sa sarili mong observation yung mga bagay-bagay. Mukhang naniniwala na ako. This fair thing, although masama yung start ng araw, maganda rin pala ang maidudulot sa amin.

May mga tindera naman doon sa gilid na panay ang daldal para may customers na bumili sa kanila. Yung tingin ni Ash sa akin nun ng nakakaloko. Parang alam ko na yung Marriage fact number 7. It's about girls... who love to talk.

Nagpunta kami doon sa hotdog stand sa may gilid para kumain ng kaunti. Nung hinihintay namin yung inorder namin, may sumisigaw naman sa taas namin. Pagtingin namin...

"Oh my god! Tatalon siya?!?" naunahan ako ni Nathalie mag-react.

"That's bungee jumping. Tatalian ka nila sa waist mo... some body protection.. then tatalon ka. Yung iba ginagawa nila yan sa bridge.. pero dito.. platform eh. About 250 ft."

Parang tumatatak sa isip ko yung sinasabi ni Lawrence. Napatingala ako doon sa tumalon. Ang taas nun.

"You can't do that!" sabi ni Ash sa akin na nakatingalan din sa taas.

"Kaya ko no! Hindi ako takot!"

"No.. you don't."

Sinusubukan nga yata niya ako eh no? Oh well, para tatalon ka lang ng ganyan ka taas! Kaya ko yan. Tapos tipong... babaliktad yung buong katawan mo? Sus!

Binilisan ko yung lakad ko. Walang pila doon kasi konti lang yung nagta-try. Narinig ko naman na sumisigaw si Ash.

"Chris! Huwag na! I'm telling you!" dire-diretso pa rin ako. "Hindi kita dina-dare na gawin mo! CCCHHHRRRIIISSS!!!"

Lumapit ako doon sa lalaki na nagaassist doon sa mga nagtatry. Tinanong ko kung magkano.. sabi niya P35 lang daw. Kaya ayun, nagbayad naman ako at syempre.. sinimulan niya ako lagyan ng strap.

Sa totoo lang, medyo nanginginig na rin ako nun. Kaya lang, minsan nga yung mga kinatatakutan mo eh pinakamagandang adventure sa lahat. Isa na siguro ito.

After ilang minutes ng paglalagay ng strap sa akin at pagse-secure nila... ready na rin ako. Hihintayin ko na lang yun tamang signal nila... tatalon ako.

Nung sinabi ko na ok na ako.. bigla ba namang may lumapit sa akin at ini-strap niya yung tali niya sa akin.

"Ash!" magkaharap na kami nun at siya rin eh naka-strap.

"Hindi ka tatalon ng wala ako."

"Kaya ko na 'to!"

Nag-signal siya doon sa lalaki na magkasama daw kaming tatalon. Magkaharap na kami nun. Tumaas na ng tumaas yung platform.. at syempre.. kabado na ako.

Tumataas na at tipong.. ang liit na nung mga tao sa baba. Huminga ako ng malalim.

"Marriage fact 8, 9 and 10."

"Hanggang nagyon ba naman yan pa rin ang iniisip mo?" sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

"Number 8, Honesty. Sana sinabi mo sa akin na natatakot ka.. hindi mo tinatago yung emotions mo. Pwede pa tayong mag back-out kung gusto mo."

"Hindi tayo magba-back-out." humawak ako sa braso niya dahil kaharap ko lang naman siya. "Tatalon tayo. Scary stuffs are usually one great adventure."

"Pero kung natatakot ka... dito lang ako. Kumpait ka lang. That's number 9.. Trust." yumakap siya sa akin. "Ilagay mo yung kamay mo sa likod ko.." ginawa ko naman, huminga rin siya ng malalim, "Remember.. humawak ka lang sa akin. Huwag kang magdududa... Trust me.. I'll hold you."

Hinihintay na kami nung lalaki na tumalon. Dahil open yun.. pwedeng-pwede na. Sa pinakababa.. may malaking balloon na pwedeng sumalo sa amin. Mukhang malambot naman.

Nag-step forward na kami ni Ash. Ito na yun.

"This is the hardest part among all. Number 10."

"Inaamin ko na.. kinakabahan na talaga ako." humawak na ako ng mahigpit sa kanya.

Nag-incline na kami at kung may tumulak man sa amin ngayon.. eh mahuhulog na kami.

"In marriage you'll realized.. when everything's seemed to fall apart.. the hardest part is to let your love one to.." humawak siya sa akin ng mahigpit.. "GO."

That same moment he said go... doon kami tumalon. It sounds crazy but...

It was the weirdest feeling ever!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top