(17)

***17***

Matapos yung klase namin nun, sinabihan ko si Ash na pupunta ako sa National Book Store para bumili ng mga Art materials na pwede naming gamitin para sa Project namin sa Marriage thingy. Sabi pa nga niya sasama daw siya, sabi ko eh kaya ko na iyon.

Pumunta ako sa mall nun. Nasa harapan naman yung National kaya pumasok na ako kaagad. Nung dumaan ako doon sa mga colored papers, kumuha ako ng iba't ibang kulay. Kung tutuusin, wala pa kaming idea ni Ash kung papaano namin gagawin yung project namin pero bili na ako ng bili ng art materials. Kumuha ako ng mga tela.. at kung anu-ano pa. Pati nga iba't ibang markers nakuha ko na yata.

Nakakita naman ako ng mga libro doon sa gilid. Binabasa ko naman at naghahanap din ako ng magandang message kaya lang may narinig akong nagsasalita.

'Ito bang bear.. o yung pig? Ayos naman yung bear, cute yung pig? Alin sa dalawa?'

Lumingon ako kung sino yung nagsasalita. Pagtingin ko, may lalaki na nakatayo doon sa stuff toy section ng National at may hawak na dalawang stuff toys. Ang tangkad nga niya eh.

Tumingin lang ako doon sa hawak niya tapos nakialam naman ako..

"Kung ako tatanungin mo, mas pipiliin ko yung bear."

Hindi naman siya lumingon sa akin. Nakatingin pa rin siya doon sa dalawang stuff toys.

"Tingin mo?" tinaas niya yung bear at binalik niya yung baboy, "Bear it is."

Bumalik na ako doon sa pagtitingin ng libro kaya lang narinig kong may naglalakad. Siya pala uli. Nginitian ko lang siya nung nakatayo na siya doon sa dulo.

"Hey, thanks. Hindi talaga ako makapag-decide kanina pa eh. Mabuti na lang may babae dito, kung hindi ewan ko na talaga."

Nilingon ko naman na siya ng diretso.

"Your welcome. Ang cute naman tignan na may lalaki pala na hindi makapili kung anong stuff toy ang bibilihin niya.."binalik ko yung libro na kinuha ko sa shelf.

Mukhang nagulat siya sa akin, pero ngumiti lang.

"Sa girlfriend ko kasi." tinitigan naman niya ako kaya nailang ako ng kaunti, "You look familiar."

"Ganun? Itong ganito ang mukha?" inikot ko yung daliri ko sa mukha ko, "Common. Kaya familiar. Baka kamukha ko yung nagtitinda ng isda sa suki niyo sa palengke."

Tumawa naman siya sa akin. Dinala ko na yung basket na pinaglagyan ko ng art materials at sumabay na siya sa akin.

"Ang dami niyan ah.." napansin niya yung basket ko.

"Oo, may project kasi kami nung partner ko. About Marriage. Wala pa nga kaming idea eh."

Binayaran naman namin isa-isa yung kanya-kanya naming binili. Actually, marami yung akin, pen lang at stuff toy yung kanya. Nung makalabas na nga kami, nakisabay pa uli siya sa akin.

"Gusto mong kumain?" sabi niya sa akin, "Don't worry.. it's not a date. Just, a friendly remark. More like.. an encounter at the mall." nagtataka ako sa kanya tapos dinagdag niya, "Hindi pa kasi ako kumakain kanina pang tanghali. Treat ko."

Hindi bagay sa akin na makisabay sa stranger lalo ka kung kumain. Pero dahil mukhang harmless naman siya at naghahanap nga ng stuff toy sa National, sumabay na rin ako. Kung tutuusin, nakakahiya nga umorder pero siya pa rin yung nagbayad.

Halata ngang gutom siya kasi nung kumain kami sa Jollibee.. naubos niya kaagad yung buger niya. Natatawa nga ako kasi mukhang ang sarap-sarap niyang kumain. Eh ako isang kagat pa lang nun.

Nag-ring naman yung phone niya. Kinuha pa niya sa bulsa niya at sinagot din naman niya.

"Hello?" tapos nagsalubong yung kilay niya, "Oo nakabili na ako sa National! Shut up!" binaba naman niya kaagad.

Kakagulat naman siya. That's not the right way to talk to his girlfriend? Oh well, ayoko nang makialam.

"How come ikaw lang ang bumibili ng project niyo eh 'di ba dapat sinasamahan ka ng partner mo?"

Kumagat naman ako.

"Ako yung nag-insist na kaya ko na.. so hindi na siya sumama."

"Pero kung ako sa kanya, sasama pa rin ako."

Mabuti na lang talaga hindi ikaw siya.

"Anong year mo na?" naubos na niya yung spaghetti niya. Grabe... ang bilis niya.

"4th year high school. Ikaw?"

"2nd year college." ngumiti siya sa akin.

Nakitawa na lang din ako sa kanya. Kung tutuusin, hindi ko alam ang ikukuwento ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya kilala eh.

Hindi rin kami nagtagal doon, lumabas na kami. Ok lang daw sa kanya maghatid, pero sinabi ko na huwag na.

"O sige, ikaw bahala." nagsimula na akong maglakad nun, "Hey Miss! Anong pangalan mo?"

Lumingon ko sa kanya.

"It's Chris!"

"Chris?!?" alam ko magtataka yan.. kasi panlalaki. 

"Chrisandra."

"Ooh.." parang may na-realize siya, "Nice to meet you Chrisandra Orellana!"

Nag-wave na lang din ako sa kanya.

Dahil nga may jeep kaagad na dumaan, sumakay na ako dala-dala ko yung mga pinagbibibili ko. Grabe, nabusog ako doon sa kinain ko ah.

Naisip ko naman yung itsura nung lalaki kanina. Teka lang...

Tinawag niya ako sa buo kong pangalan???

***

"Ano 'tong mga pinagbibibili mo?" kinuha niya yung mga art materials sa plastic, "May idea ka na ba? Kasi kung ako ang tatanungin mo, tatayo lang talaga ako sa harap sa Tuesday."

Hindi naman ako nakikinig sa sinasabi ni Ash nun. Ewan ko ba, kahapon pa ako wala sa sarili ko. Nag-snap naman siya sa harapan ko.

"How did you know that?!?" yun na lang yung nasabi ko kaya tinakpan ko yung bibig ko.

"How did I know WHAT?"

"Wala. Nag-daydream ako." nagpalusot na lang ako.

"Sabi mo eh."

Breaktime namin nun. Lumapit naman si Shalyna sa amin at siya yata ang Mrs. Chester sa project. Panay pa ang swing niya ng buhok niya.

"I love your watch Shalyna!" sumigaw ako nung malapit na siya.

"I know!" tinaas niya yung kilay niya, "Mas mahal pa ito sa iyo."

Pigilan niyo ko sisipain ko itong babaeng 'to!

Medyo nainis lang ako kay Shalyna nun at pumasok na kami sa classroom namin. Ayun nga, nagklase lang din kami.

Nung hapon naman na at practice period namin, dinala ako ni Ash sa hagdanan. Pero yun yung steps sa may malapit sa garden namin. Doon daw kami mag-practice. Nagtaka naman ako...

"Gagawin natin yung kickflip. Ngayon, ganito ang gagawin mo.."

Nag-step siya pa-forward sa akin at ginawa naman na niya. Nag-buwelo pa nga siya sa malayo at umikot pa yung skateboard niya nung tumama na sa stairs. Simple, yet cool.

Pinasubok naman niya sa akin. Unlike yung 900 trick na complicated, nakuha ko naman ito mga sampung try lang naman. Mahirap din siya, pero ayos lang. Habang tumatagal, napapamahal na ako sa skateboarding.

Tawa lang ng tawa si Ash sa akin dahil ilang beses din akong natumba. Pero ganun talaga eh. Sumakit nga yung.. braso ko kasi patalikod lagi ang bagsak ko.

Nung pinagpapawisan na ako medyo at sinusubukan kong gawin yung trick uli, bigla na lang akong hinila ni Ash at sinandal niya yung likod ko sa pader. Nag-lean siya sa akin kaya akala mo yung position niya eh... alam niyo na. Ang lapit talaga ng mukha niya sa akin. Hindi na ako makakilos nun at mukha lang niya yung nakikita ko.

Biglang may nag-flash.

"Umalis ka na dito... kilala kita." sabi niya na seryosong-seryoso yung mukha niya.

Hindi naman ako yung kausap niya.

"Kukuhanan ko lang siya ng picture."

"UMALIS KA NA DITO!!!"

Natakot yata yung kung sino man yun at tumakbo na. Saka lang umalis si Ash sa harapan ko. Grabe, kinabahan naman ako sa kanya. Akala ko kung anong gagawin niya.

"Ano yun?" hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari.

"A jackass newspaper staffer." staffer? "Gusto kang kuhanan ng picture."

Bakit naman niya ako gustong kuhanan ng picture?

"Kunin mo yung gamit mo, babalik tayo sa room."

Nung nakuha ko yung skateboard ko, nakaramdam na ako ng kaba. Kakaiba kasi yung pagkaseryoso ni Ash. Nung malapit na kami sa classroom, ang daming tao kaagad na sumalubong sa amin. Si Shalyna eh umiiyak pa nga.

What's happening?

"I can't believe you! Thief!" tinulak ako ng malakas ni Shalyna.

"What's wrong with you?"

"What's wrong with me? What's wrong with you?!" sabi niya sa akin. "You stole my watch!"

"Ako? Bakit ko naman nanakawin yun?!"

Gumilid naman yung iba at pinadaan kami ni Ash.

"Nakita namin sa pocket ng bag mo yun! Kaninang umaga lang nagagandahan ka! Tapos ngayon.." umiyak-iyak siya uli doon.

Tinignan ko yung pocket ng bag ko. Bukas nga yun at nandun na.

Ako nanakawin ko yun? I didn't do it.

Gusto kong umiyak nun pero hindi ko magawa. Lahat sila nakatingin sa akin as if.. ako nga yung magnanakaw dito. Pumasok naman yung guidance counselor at hindi rin siya makapaniwala sa akin.

"Chris, uhmm.. we need to take your picture."

"But I didn't do it!"

Yung iba naman eh sinagot pa ako kung paano daw yun napunta sa bag ko. Sinabihan pa nga nila ako ng magnanakaw.

Yun pala ang ibig sabihin nung pagtakip ni Ash sa akin kanina. Ayaw niyang makuhanan ako ng picture.

Lalakad na sana ako kasma nung Guidance Counselor. Bakit naman pagbibintangan ako?

"Hold it!" sabi ni Ash na nakayuko na. "Wala siyang kasalanan."

"May alam ka Mr. Valdez?"

Hindi siya tumitingin sa akin nun.

"Wala siyang ginawa. I did it."

Nagulat naman kaming lahat. Tama, kaming lahat.

"Eveyone knows I'm courting her. Nung sinabi niya kaninang umaga na maganda yung relo ni Shalyna, naisipan kong nakawin para sa kanya. Nilagay ko sa bag niya para ma-surprise siya.. thinking na wala namang makakaalam." Tumingin siya sa akin pero saglit lang, "Kung may picture ninuman na dapat kayong kunin, ako dapat."

Siya yung may gawa?

"Ash... i-ikaw?" humawak si Shalyna sa braso niya.

Tinanggal naman ni Ash.

"It's me."

"Ok Mr. Valdez, I think you should come with me."

Nung lumabas si Ash nun sa room namin kasama yung Guidance counselor, hindi ako makahinga nun. Dahil ayokong may makakita na naluluha na ako, tumakbo ako sa bathroom namin.

Humarap ako doon sa salamin at doon ako nag-iiiyak. I don't think so.. hindi niya yun ginawa. He wouldn't steal someone else's stuff.

Nag-alarm naman na. Uwian na rin kung saka-sakali. PInakinggan ko kung wala nang mga tao doon sa room at ayokong makita nila na namumula yung mata ko. Ayokong makita nila na.. si Chris? Si Chris Orellana umiiyak?

Paglabas ko nun, may nakatayo doon sa pintuan. Inabot niya sa akin yung panyo niya.

"Ok ka lang?"

Lalo lang akong naluha nun.

"Hindi! Tingin mo ok ako?!?" gnamit ko naman yung panyo niya. "Hindi mo ginawa yun 'di ba?"

"Ako gumawa nun. Nilagay ko sa bag mo."

Sinuntok ko siya sa braso niya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Sinungaling!"

"Paano mo malalaman kung nagsisinungaling ako?" sinabi niya yun pero seryoso siya.

"Hindi ko alam.. pero alam ko hindi mo ginawa. May tiwala naman ako sa 'yo eh. Ikaw magnanakaw?"

HInawakan niya ako sa dalawang balikat ko nun at hinarap niya ako.

"Fine. Promise you won't tell anyone." inangat niya yung ulo ko. "I didn't do it. Alam kong hindi rin ikaw. Sinalo ko lang dahil ayokong masama ka sa may mga records dito. Ma-disqualify ka pa sa pageant kapag may record ka."

"You jerk!" hinampas-hampas ko siya, "Sasabihin ko sa kanila na ako yung may gawa! Siraulo ka! I don't care about that stupid pageant! Why did you do that?"

"Why did I do that? Kasi ayokong sa 'yo napupunta yung sisi kahit wala kang ginawa! Why? Dahil mag-iiba yung tingin ng tao sa 'yo. Why? Kasi ayokong nasasaktan ka.." huminto siya. "And you know why?"

"Because I care about you!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top