(15)
***15***
At that very moment, walang makakilos sa aming dalawa. Walang nagsasalita rin sa amin. Ang ginawa lang namin eh nagtitigan lang doon at parang nagulat kami sa mga nangyari. Ka-birthday ko siya?
Mabuti na lang naisipan din niyang gumalaw at sinandal niya yung dalawang kamay niya doon sa desk. Nakatingin siya sa dalawang kamay niya kaya ang itsura niya eh medyo nakayuko.
"Is this some kind of a joke? Kasi kung OO, you got me really bad." seryoso naman niyang sinabi yun.
Yun din ang iniisip ko. Kung joke man niya ito sa akin, nahuli niya rin ako kasi maniniwala na ako ano mang oras kapag hindi niya yun babawiin. Pero sabay kaming nagsalita, hindi naman pwedeng ginaya niya ako. Alangan namang nagbabasa siya ng isip.. imposible.
"Hindi ako nagbibiro, September 20 talaga ang birthday ko." yun na lang yung sinagot ko sa kanya.
Sa totoo lang, paran kinilabutan ako. Teka, tama ba yung word sa naramdaman ko???
Tumayo na rin siya ng maayos. Tumingin siya sa akin.
"Uh.. well.. ayos pala eh. Ngayon hindi na natin makakalimutan ang birthday ng isa't isa in case na tanungin man tayo."iniwas niya yung tingin niya pero binalik din... "Mag-16 ka na this September?"
"Yeah."
Kinuha niya yung bag niya doon sa upuan niya at kinuha niya rin yung bag ko at nilagay niya sa isang balikat niya.
"That's what I thought.. me too." nagsimula na siyang maglakad, "Uuwi na tayo."
Normal lang siguro sa akin na makipagtalo sa kanya kapag sinasabi niyang sasabay siya sa aking umuwi. Pero ngayon, parang umurong yung dila ko at hindi ko makuhang makipagtalo sa kanya.
Hinatid nga niya ako sa bahay namin. Ewan ko ba kung bakit parang nailang na lang ako nung nalaman ko na parehas kami ng birthday. Siguro, na-shock lang ako kasi hindi ko naman inaasahan. Sa dami naman ng makakaparehas ko ng birthday... siya pa.
Nung nakarating kami ng tapat ng bahay namin, siya na rin ang nagsabi na hindi na raw siya papasok. Nung kukunin ko na yung bag ko sa kanya, ini-slide niya kaya medyo naalis yung shirt niya sa shoulder niya. Kaya lang may napansin akong line..
"What's that?!?" tinuro ko naman kaya lang tinakpan niya, nahiya siguro "Scar?"
Tumango lang siya. Hindi ko alam na may scar pala siya sa braso niya. Parang line kasi eh.
Nag-bye na lang ako sa kanya at umalis na rin siya. Tama nga siguro yung nangyari, bakit ko ba iniisip. Coincidence lang yun... ano pa nga ba?
Pumasok na ako sa kwarto ko nun. Nung nag-aayos ako ng bag, kinuha ko yung fairytale book na naman ng nanay ko. May nahulog nga eh. Yung rules pala na ginawa ni Ash na pinimahan ko eh doon ko pala inipit. Hindi ko na nga alam kung saan napadpad yun.. nandito lang pala.
Nilagay ko na lang yung papel na yun sa drawer ko, baka kasi mawala eh. Mabuti nang may proof in case na may suwayin si Ash doon.
***
"Right Chris.. right Chris?!!!" ang lakas ng boses ni Ash nun kaya napatingin ako.
Kakapasok ko pa lang ng classroom at nasa harapan niya si Shalyna.
"Tama ka saan?" sabi ko naman at hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya.
"It's September 20 right?!?" ay sus, birthday lang pala.
Nakangiti pa talaga siya nun.
"Oo na po."
Tumingin lang si Shalyna sa akin, pero walang sinabi.
Nung papaupo ako, may rose na naman sa desk ko. Nung lumingon nga ako sa gilid ko, nagkatinginan kami ni Chester. Kumaway lang din siya.
Ok lang naman yung naging klase namin. Sumabay na naman si Ash sa akin kumain at nagtanungan na kami kung saka-sakaling maisipang magtanong ni Shalyna sa amin. Mabuti na yung tama ang sasabihin namin.
Nalaman na ni Ash yung mga interest ko. Kung anong kind ng movie yung pinapanood ko, anong songs, libro.. at kung anu-ano pa. Nalaman ko naman yung hilig niyang panoorin. Hindi daw madalas pero minsan nanonood siya ng mga horror, mystery, cop shows and detective stuffs. Parang isa lang yung pinupunto ng mga gusto niyang panoorin.
Laking pasasalamat ko nung huling klase na namin sa hapon at uwian na rin naman. Kaya lang ibang teacher yung pumasok sa room namin.
"Good afternoon class, I'm Miss Lalaine and I will be you religion teacher."
Religion teacher? Oh yeah.. ganun naman parati. Sa loob ng isang linggo, 4 days nun Values teacher namin ang magtuturo. Pero isang araw sa isang linggo, religion day. At sa pagkakaalam ko sa ngayon, tuesday ang araw na iyon.
Syempre dahil religion nga, pinagdasal kami bago magsimula yung klase. Yung iba naman na Protestant ang religion eh libreng lumabas in case na ayaw nilang makisali sa discussion. So yung iba, nag-stay doon sa bench sa garden.
"The Seven Sacraments.." sabi nung Miss Lalaine at nagsulat doon sa board, "Ano nga ba ang Seven Sacraments?"
Walang nagtaas ng kamay kahit isa sa klase. Napaghahalataang relihiyoso kaming lahat dito ah.
"Anyone? Opinion niyo lang.. walang maling sagot."
Nung sinabi niya yun, nagdalawang isip ako na magtaas ng kamay. Opinion naman daw eh... so ok lang na mag-taas. At ginawa ko nga.
"Ok.. Miss?" anak ng tinapay.. Miss na ako ngayon ah! dati Mr...
"Chris, Chris Orellana." ngumiti yung teacher sa akin, "Para sa akin, yung sacraments eh.. sign. Binigay sa atin yun ni Jesus para... para uh.. maging parte ng buhay natin. Kung paano natin tinatanggap yung mga turo niya."
Alam ko naman na hindi yun ganoon ka tama. Kasalanan ko ba kung yun ang alam ko tungkol doon?
"That's right." akalain mo yun? "Sacrament is an outward sign given to us by Christ. It is based upon a Scripture.."hanggang sa marami pa siyang sinabi.
Sabi nga nila kapag may kinalaman daw sa church or religion ang topic, walang panahon ang mga teenagers. Usually, naboboring daw sila. I guess it's right. Yung mga classmates ko eh mga nakasandal na sa desk nila pero hindi naman natutulog. Pero kapag nasa mall yung mga yan, active na active.
Bakit kaya ganun no?
Interesado naman ako nun sa topic. Aaminin ko, minsan nabobore din ako kapag ganito yung usapan. Siguro nga in nature na yun. Pero sa ngayon, interesadong-interesado ako sa topic.
Dinisscuss namin yung 5 sacraments. Baptism, Confirmation, Eucharist, Recociliation, Anointing the sick.. at ngayon eh nasa dalawang last sacraments na kami.
Pang-6 na kami ngayon. Which is.. Marriage.
"Ano naman ang Marriage?"
Ngayon naman, may mga nagtaas na rin ng mga kamay nila para sumagot. Sinabi nila na ang marriage daw eh union ng babae at lalaki para mag-share ng responsibilities at i-fulfill daw ang mission kay GOD. Kaya lang kapag ganito yung topic.. medyo umiinit. May nag-comment kasi na classmate namin na babae.
"Oo nga Mam. Dapat share ng responsibilities pero usually yung mga babae ang mas mahirap ang ginagawa kaysa sa lalaki."
Syempre naman, may mga umangal na mga lalaki. Nakangiti lang yung teacher namin sa amin, pinatayo kaming lahat at pinaghiwalay ang babae sa lalaki. Sa left side kaming mga babae at sa right side naman yung mga lalaki.
Yung simpleng discussion namin, napunta sa debate.
"Mas mahirap maging lalaki no. Kasi kami naman yung nagtratrabaho kadalasan para may pagkain sa bahay."
"Actually, yung mga babae ngayon, even single moms, eh kaya na nilang mag-work para sa mga anak nila and at the same time, nagagawa rin nila yung House chores nila. Kadalasan sa mga guys ngayon, pero hindi ko naman sinasabi lahat, hindi marunog gumawa ng gawaing-bahay."
"Marunong ako no!" syempre yung iba rin kunwari marunong sila.
I wonder kung totoo.
"Pero kung iisa-isahin natin yung mga gawain ng babae, kami yung nagluluto, naglalaba, namamalantsa, naglilinis ng bahay, tagahugas ng plato.. at marami pa. Eh kayo usually pupunta kayo sa trabaho niyo, uuwi tapos maghihintay ng pagkain."
Nagtawanan naman yung mga babae.
"Well, that's the point. Babae kayo. Your nature is to help us and vice-versa. Pero ginawa tayo with certain responsibilities.. and wives.. will always be wives."
Napaisip naman ako doon sa sinabi nila.
"Wives will always be wives.. ok.. but the same thing.. husbands will always be husbands. Big deal." sabi ko naman tapos umupo ako. "But when it comes to kids, mas marami kaming alam at mas marunong kaming mag-alaga kaysa sa inyo. Mas naipapakita namin yung gusto naming iparating sa kanila. We know how to express our emotions.. as wives.. by doing stuffs that you guys can't do."
Ewan ko ba, pero si Ash naman ang sumagot sa side ng guys.
"First of all, lalaki nga siguro kami. We know how to express our emotions.. or even our love to our family. HIndi nga lang siguro madalas na makikita kaming umiiyak, but we do. Kids are our way of expressing our love for each other. Nandito ba sila kung wala kami?"
Nung sinabi niya yun.. nagtawanan talaga kaming lahat. Good point.
"Tingin ko naman mas essential ang babae sa marriage. Kapag wala namang babae minsan, magulo yung bahay.. mga ganun. So kadiri talaga."
Napataas lang yung kilay ko kay Shalyna. Pero ok na rin yun, this time, we're on the same ship.
"Isa pa nga pala kung bakit nagkakaroon ng leak ang marriage... guys tend to cheat. Sa mga asawa nila."
"Mga babae rin naman ah!"
"Well, hindi naman kasing common 'di gaya ng sa inyo. Marriage is more than what you call.. 'SEX'. Kaya ng may union na sinasabi. It's just a part of it. Kapag nagkaroon ng cheating, ang reason ng guys.. nasa nature na namin yun. Pero bakit kapag sa babae... parang lumalabas na masama kami?"
Nag-cheer naman yung iba sa akin. Eh kung tumutulong na lang kaya sila eh no?
"Isa rin naman sa problema ng mga babae kaya nagkakaroon ng leak ang marriage.. girls love to talk and talk and talk and talk. Kahit na wala namang issure whether it's a co-worker or a friend, nagiging biggy na sa kanila. Wives should know when to stop."
"Of course! Hindi naman kami magsasalita kung wala kaming nakikitang butas sa inyo! It's like saying do nothing and hear nothing."
Ngumiti si Ash sa akin nun. Ngumiti rin ako at nag-incline yung ulo ko.
"At kung wala namang cheating... at napapag-usapan lahat 'di gaya ng mga lalaki na panay ang excuses.. e di dapat nagkakaintindihan at nagwo-work ang marriage. There will be no separation or divorce!!!"
"Yeah. Lahat naman nadadaan sa usapan! Bakit kailangan pa mag-away?!?"
On-fire ako nun. So may idadagdag pa sana ako..
"Isa pa, dapat once in a while magkusa naman yung mga lalaki na tumulong---" may narealize ako, "Wait up, so.. we're agreeing here?"
Saka naman nag-step yung teacher namin nung napansin niya na nagkaroon ng agreement. That is so odd. Hindi siya nagsalita, kundi nakinig lang siya.
"Since we run out of time, that's your homework. You can pick your partner, whichever way basta babae at lalaki, and you two will pretend that you are married. Tell something that you will do, in case you are on that stage already. How will marriage work? Kahit anong style niyo.. to be presented or reported in front of the class." kinuha niya yung gamit niya. "Oh and by the way, with exception.."
Nag-alarm na nun kaya umalis na yung iba. Kinuha ko na yung bag ko pero tinuro ako nung teacher namin. Si Ash din eh huminto.
"I want you two to be partners." the heck why?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top