(13)

***13***

Pinipigilan kong tumawa nun. Grabe naman kaseryoso si Ash. Konti na lang talaga maniniwala na ako eh! Ang galing mag-joke.

"Ayos ka tsong! Pwede ka na sa Theater. Konting-konti na lang talaga muntik na kong maniwala.." nagsimula na rin akong maglakad nun.

"But... never mind." sumabay na lang din siya sa akin.

Nakita ko naman si Shalyna na mag-isa sa graden. Kasama niya rin yung ibang kabarkada niya kaya lang hindi rin naman siya kinaausap.

"Dapat mag-sorry ka sa kanya," sabi ko kay Ash nung dumadaan kami, "Personal items niya yun, kahit ako naman mapapahiya."

"Ako magso-sorry? Sa kanya? Hindi no. Ayoko nga! Tingnan mo nga yung ginawa niya sa 'yo???"

Tinignan ko naman siya. Huminto rin.

"Yeah, ok.. may ginawa nga siya. Nangyari na yun hindi na mababalik. BIG DEAL! Pero mag-sorry ka pa rin.."

Mukhang ayaw pa rin niya pero tinulak ko siya. Nag-lean siya doon sa railings at bigla na lang tinaas ni Shalyna yung ulo niya. Namumula na nga yung ilong niya nun eh.

"Shalyna.. err... I uh... I'm sorry. Halos lahat ng nangyari sa araw na ito ako yung may gawa. I don't know what I'm thinking.. I'm really sorry."

Nakita kong medyo ngumiti siya kahit na umiiyak pa rin.

"Thanks Ash, you're so sweet." tapos tumingin siya sa akin dahil nasa likod ako ni Ash, "Pero kung nag-sorry ka dahil sinabi niya, bawiin mo na lang."

"Actually, sinabi nga niya.. pero hindi ko babawiin. Magagalit siya sa akin kapag hindi ako nag-sorry."

Inirapan lang ako ni Shalyna at tumalikod na rin. Si Ash naman eh humarap na sa akin at tinaas yung dalawang balikat niya na para bang sinasabing.. 'I tried!'

May naisip naman akong ewan ko kung saan nanggaling...

"Shalyna.." tama siguro yun, "Alam ko maraming nangyari sa iyo para sa simpleng pagbato mo sa akin.."

Tinignan ko ng masama si Ash nung nag-comment ba naman ng 'Simple?!?'

"Kung gusto mo..." lumingon ako kay Ash pero hindi siya nakatingin, "Sumama ka sa amin sa Saturday. Double-date. Ayoko rin naman ng three-some."

Narinig yata ni Ash eh..

"WHAT?!?" humawak siya sa wrist ko, "Tell me you didn't invite her!"

Hindi ko pinansin si Ash. Ang OA talaga niya no?

"Ikaw na pumili kung sino. Chester or Ash."

Sa wakas, lumingon uli si Shalyna sa direksiyon namin. Mukhang mas ok na ang expression ng mukha niya ngayon.

"Ash."

Halata kong asar na asar na si Ash. Wala na siyang magagawa. Binulungan ko siya ng.. 'Makisakay ka na lang. 'Di ba ang gusto mo eh magkagusto siya sa 'yo para ikaw naman ang gagawa nun sa kanya? Mukhang interesado naman eh!'

Isang masamang tingin galing kay Ash, tapos sinabi niyang.

"Saturday night Shalyna, susunduin kita sa inyo."

***

The next few days, medyo ok na yung pakiramdam ko sa ulo ko. Medyo masakita pa rin at nahilo ako ng isang beses pero wala naman na yun. Siguro dahil sa kakahawak ko lang.

Pinayagan na rin akong maki-practice ni Ash sa kanila pero yung mga simple lang ang pinagagawa niya sa akin. Ayaw daw niya na mag-practice ako ng mga complicated hanggang may bandage pa ako sa ulo. Kapag wala na yun, sisimulan na uli namin yung 900.

Nung Thursday/Friday, nagsuot na ako ng mahiwagang damit na binili ni Ash. No choice din naman ako dahil tiyak may gagawin at gagawin siyang paraan para magsuot ako nun. Remember last time? Sinadya ba naman niyang tapunan ng ice tea yung uniform ko magpalit lang ako. Para na rin maka-save ng time para sa ganung pagtatalo, nagdamit na ako.

Saturday na nga pala ngayon. Sa katunayan, medyo kinakabahan ako. Wala naman akong experience sa so-called 'date' simula pa noon. Ni-wala pa ngang nagyaya sa akin. Si Chester lang ang nauna.

Mamaya pa namang 5 pa naman niya ako susunduin at magkikita-kita na lang daw kaming apat sa beach. Yep, beach. Hindi ko nga alam sino sa dalawang lalaki ang may pakana nun.. kaya eto naghahanap ako ng isusuot ko. Nakakita naman ako ng shorts na isa sa binili ni Ash. Hindi ako pwedeng magsuot ng mahabang pantalon dahil mababasa lang yun. Isa pa, baka tawanan lang nila ako.

May sleeveless din doon na ayoko talagang isuot. Pero nung dumaan si Kuya Christian sa hallway at napansin yata na kanina pa ako naghahalungkat ng drawer ko, yung sleeveless din ang inabot niya sa akin. Wala naman siyang comment na kung ano.

May dala lang akong maliit na backpack na pampalit in-case na magkaroon ng basaan or something. Naka-shorts na ako doon at kahit labag sa kalooban ko na mag flip-flops, sinuot ko na rin. Yung rubber shoes ko kasi eh tinago na naman nung dalawang kapatid ko. Mukhang pinagkakakaisahan nila ako na magsuot pambabae nitong mga huling araw. Iisa ba talaga ang takbo ng utak ng mga lalaki?

Nung nakikipagtalo pa ako doon sa dalawa at panay lang ang tawa ng tatay ko, may narinig naman na kaming kumatok sa pintuan namin. Nagsimula na akong kabahan nun. Si Chester na nga siguro yun.

Si Tatay ko naman ang nagbukas ng pintuan. Kinausap lang niya si Chester (alam ko na dahil sa boses) at lumapit na ako sa pintuan. Katatayo ko pa lang doon eh..

"You don't look like Chris at all. More like, Chrisandra!"

Nagpapatawa ba siya? Hindi ako natawa eh.

"Alis na kami!" 

Nag-wave lang ako kina-Kuya at nung makita ko, nakakaloko yung mga itsura nila. Halatang nang-aasar kahit na wala silang sinabi.

Simple lang din yung suot ni Chester. Naka-shirt lang siya at Hawaiian short. Tsinelas lang din siya. May shades pa nga siya pero hindi naman niya suot.

May kotse naman na naghihintay sa amin. Nung tinanong ko kung sa kanila yun, sabi niya hindi daw. Sa may car service daw yun nung resort. Mas nakabuti naman na yun, ayokong sumakay ng jeep na ganito yung suot ko. Mala-alien na yata eh!

Inabot yata kami ng 30 mins sa kotse dahil may traffic at nagbanggaan yata. Pero ayun, nakarating din naman kami. Papalubog na rin yung araw. Konti lang yung tao doon, kadalasan pa mga nagtratrabaho. Pagtingin ko doon sa beach...

WOW! Ang ganda talaga ng view. Pero wala naman akong balak maligo.

Saglit lang din, may narinig kaming tumatawag sa amin. Sabay kaming lumingon ni Chester at nakita namin si Ash at Shalyna sa likuran. Si Shalyna eh naka-pink na blouse pero nakita kong may strap siya na nakapaikot sa leeg at halatang naka two-piece ang bruha. Shorts lang din ang suot niya. Si Ash naman, naka blue Hawaiian polo na nakabukas at white shirt sa loob. Denim shorts na knee-length lang ang suot niya.

Nung dumarating sila, medyo nag-iinit yung mukha ko pero natawa ako. Si Ash kasi eh nakaiwas yung tingin habang si Shalyna eh relax na relax na naka-cling yung kamay sa braso niya.

"Hi Chester!" naka-todo ngiti pa siya.

Hindi man lang niya ako binati as if hindi niya ako nakita. Ang saya naman.

"Anong ginawa niyo nung wala ako?"

"Wala."

"Naglakad-lakad! Naghahanap kasi kami ng shells eh!"

Shells? Ako kaya maghanap para sa 'yo at ikaw ang ikulong ko sa shells!

"Ni-ready niyo na yung place?"

"Actually, naglatag pa lang kami at nilagay na namin yung ibang gamit.. hindi pa masyadong maayos."

Nagpasama naman si Shalyna kay Chester at aayusin daw nila yung lugar. Tumayo na lang kami ni Ash doon at hihintayin na lang namin sila. Nung nakalayo na sila, saka namulot ng bato si Ash at binato ng malakas sa dagat.

"Yung babae na yun!!!" sabi niya tapos sumipa pa, "Kanina pa pinag-iinit ang ulo ko. Nagyaya ba naman doon sa batuhan tapos sasabihin niya sa akin na hindi siya makaakyat! Nagpabuhat pa eh ang bigat-bigat niya!"

Tinawanan ko naman siya.

"Hayaan mo na. Magtataka ka pa ba? Si Shalyna yun eh.." nakiupo rin ako sa kanya.

May hinahanap naman siya sa bulsa niya na hindi ko malaman kung ano. Maya-maya lang may nilabas siyang naka-plastic. Inabot naman niya sa akin.

"Ano 'to?" nilabas ko naman at nakakita ako ng bracelet. "Bracelet na may shells?"

"Tangek! Anklet yan. Hindi ka naga-anklet?" sabi niya tapos tumingin siya sa paa ko, "Ang galing ko talaga. Akin na nga.."kinuha naman niya sa akin at inikot-ikot niya yung screw.

Pumunta naman siya sa harapan ko at siya yung naglagay. Pati ba naman paa nilalagyan ng bracelet? Este, anklet.

"There. Now it looks cute."

Nanood lang kami ng sunset nun. Unti-unti na ring dumidilim kaya yung mga poste doon sa beach na may ilaw eh binuksan na nila. Hawak-hawak na ni Shalyna yung tsinelas niya habang patakbo sa direksiyon namin.

Tumayo na kami ni Ash at sumunod sa kanila. Akala ko kung ano yung sinasabi nilang lugar eh resto naman pala. May mga cottages doon at may maliit na stage kung saan may mga tumutugtog. May pagkain na rin doon at syempre, panay seafoods. Nakita ko namang panay crabs yung recipe.. at nakalimutan kong sabihin na hindi ako kumakain nun. Tinignan ko si Shalyna. Ang sama na naman niya. Gusto niya yata akong patayin eh no? Alam naman niya na alergic ako doon. O talaga lang na nakalimutan niya?

Inabot nila sa akin yung crabs at pati na rin yung rice. Si chester pa ang naglagay sa akin. Katabi ko naman siya at katapat ko si Shalyna.

"Anong problema? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo?"

Tumingin din si Ash sa akin na katatapos lang niyang magsandok ng kanin niya.

"I.. I don't eat crabs."

"Masarap yan!" tapos kumuha siya ng isa, "Ako magbabalat para sa iyo gusto mo? Yun lang ba ang problema?"

"Ahh.. hindi yun. I'm allergic." tumingin ako sa kanya, "Sorry, nakalimutan kong sabihin. Last minute na kasi nung binanggit niyo sa akin na beach pala, kaya nawala sa isip ko."

"Allergic ka pala sa crabs Chris? Hindi mo kasi sinabi kaagad eh! Sana lang 'di ba iniba ko yung order! Panay crabs pa man din ang recipe ngayon!"

In short, siya pala ang umorder nitong mga ito! Sinadya niya kaya?

Inorderan na lang nila ako ng fish fillets kaya ako lang yung naiiba sa kanila. Nag-iingat nga ako na may mahalog crabs sa kinakain ko dahil tuwing nakakakain ako nun, nagpapantal ako buong katawan at pulang-pula pa. 24 hours pa yun bago mawala.

Masarap naman yung kinain namin. Hindi ako masyadong nabusog pero ayos lang. Nakinig kami doon sa banda at nakikipalakpak lang din kaming apat.

Dumarami na rin yung tao nun. Tapos nung tumigil yung banda, nagtanong naman sila sa audience.

"Sino bang ma birthday dito at kakantahan namin.." sabi nung vocalist nila.

Wala namang sumasagot sa audience. Maya-maya lang, nagturo naman si Chester. At sa dinami-dami ng ituturo..

"It's her birthday!" 

It's not my birthday.

"Anong name mo Miss?"

"Uhmm.. Chris."

Tinulak ko nga si Chester pero tumatawa lang siya. Si Ash naman, pangiti-ngiti. Si Shalyna, hay naku huwag niyo nang itanong.

'Happy Birthday to you..

Today is your birthday!!!'

At yun nga, kinantahan nila ako ng Happy Birthday kahit hindi naman totoo. At ang pinakamasaklap naman sa lahat, pinatayo pa ako at sumali raw ako sa kanila.

May mga kung anu-anong pinagawa sa akin sa stage. Nakakahiya talaga. Sabi nila mag ocho-ocho raw ako! Ewan! Pinapakanta pa nga nila ako, pero hindi ko ginawa. Instead, tinuro ko si Ash na nasa table namin. Panay lang ang iling niya tapos hinila siya nung babaeng vocalist sa stage. Tinignan niya lang ako at kasalanan ko daw yun.

At yun nga.. kumanta rin naman siya.

"All day staring at the ceiling
Making friends with shadows on my wall
All night hearing voices telling me
That I should get some sleep
Because tomorrow might be good for something"

Marunong naman palang kumanta eh, nag-iinarte lang.

Teka... marunong siya?

"Hold on
Feeling like I'm headed for a breakdown
And I don't know why"

Yung ibang teenagers doon sa resort eh nakikikanta rin naman sa kanya. Si Shalyna nga tumayo pa eh.

"But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be...me"

Nung kumanta ako nun na nakulong kami sa classroom, wala man lang siyang binaggit sa akin na kumakanta siya. Kahit na ayaw ko itong date na ito, it's still something. May natutuklasan ka pa rin.

Kumanta lang siya ng kumanta doon sa stage. Finally, doon na siya sa last bit nung kanta... 'How I used to be...I'm just a little unwell'

Nagpalakpakan din naman sa audience at bumalik na siya sa table nung matapos mag thank you sa kanya yung banda. Si Chester nga may comment pa sa kanya..

"Naks pare, pageant king nga! Walang kupas! Kumanta ka rin sa talent portion last year 'di ba?"

"Yeah. But I don't wanna' talk about it."

Nung nakaraming kanta na yung banda, umalis na rin sila sa stage at nag-bye na. Tumugtog na lang ng slow music at nagsitayuan na yung audience. Nakayayaan namang sumayaw. Si Chester at ako.. at kilala niyo na yung dalawa pa.

Si Chester naman ewan ko kung bakit pero parang hindi ko masyadong ma-feel nung nakikisayaw ako sa kanya. Paano ba naman, lingon ng lingon tapos tawa ng tawa. Ni-hindi nga tumitingin sa akin. Ok tumingin din naman siya, pero nung nag-ring yung phone ni Shalyna na naka-strap sa belt niya, huminto sila parehas.

"Really? Saan? That is so COOL! Now? I-- I can't." tumingin siya kay Ash tapos tinakpan niya yung phone niya, "Do you wanna' go with me?"

"Huh? Saan?"

"Sa bahay ni Rufa! May bagong kotse daw doon na binili ng Daddy niya. Hindi pa siya allowed mag-drive pero ayun, may party daw sila sa S.F cliff. Wala naman makakaalam na wala siyang license eh. Pwede tayong sumama sa party kaysa dito.."

"Si Rufa? Punta tayo..."

Sabay naman kaming umiling ni Ash. Delikado naman yung mga binabalak nila.

"Ok lang sa inyo?"

"Sure.. go for it. Pauwi na rin siguro kami maya-maya.."

Tumakbo naman yung dalawa pababa malapit doon sa beach at ewan ko kung bakit then umalis na sila. Kami naman ni Ash eh naiwang nakatayo doon sa dance floor at nag-cross arm na lang ako at siya eh nagkamot ng ulo na para bang naiilang. Tapos tumugtog ba naman...

'Every now and then
We find a special friend
Who never let's us down..'

Crap! Ano 'to Casper???

"Do you want to dance?"

Alangan namang tumayo ako doon, pumayag na ako. Kaya lang hindi naman pala kami doon sasayaw, hinila niya ako doon sa baba sa may buhanginan. May puno kasi doon at sa ilalim, may nakalatag na kung ano mang beach rag. Naririnig pa rin yung tutog hanggang doon.

"Sina Shalyna ang nag-ayos niyan. Kahit pala ganun yung dalawang yun, may naitutulong din pala."

Nilagay niya yung kamay ko sa balikat niya. I don't like this at all. I swear!

'I know you can't stay
A part of you will never ever go away
Your heart will stay..

I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind 
To such a gentle mind 
If you lose your way 
Think back on yesterday 
Remember me this way 
Remember me this way'

"Yeah.. Chris. When all of this is over, Remember me this way." tapos ngumiti lang din siya.

Naupo na kami nung natapos yung kanta. Unlike kay Chester, si Ash eh tumingin talaga sa akin, ako naman yung hindi. Weird no?

Humiga ako doon sa beach rag na nilatag nila Shalyna. Inaantok-antok na rin ako. Gabi na rin kasi eh. Yung bag ko eh nasa gilid lang malapit sa puno.

Nakitabi lang din naman si Ash sa akin. Tinakpan niya yung mata niya nung braso niya kaya hindi ko na nakita kung natulog siya. Parehas na lang kaming nanahimik nun.

Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Siguro nga nakatulog ako pero hindi ko alam. Nagulat na lang ako nung naramdaman kong para akong umangat. Nanaginip nga siguro ako. Masarap naman kasing matulog sa beach.

Nung dinilat ko yung mata ko, hindi pala ako nananaginip. Totoo palang mag bumuhat sa akin. 

"Siraulo ka talaga.. IBABA MO KOOOOOOOOO!!!!!" napasigaw na lang ako nung bigla-bigla na lang niya akong binato doon sa dagat.

Basang-basa na ako nun. Gabing-gabi na eh... wala na akong balak magbasa pero eto.. baliw na yun.

Pero akala niya ako lang yung mababasa. Dahil nga naka polo  siya, hinila ko yun dahil bukas kaya siya eh napasubsob din at nasama na rin siyang mabasa.

Tawa ako ng tawa kasi nung nabasa yung buhok niya, bumagsak na lang sa mukha niya.

He's right. He's my friend. And when all of this is over... the whole deal thing...

I will remember him this way...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top