(12)
***12***
Ang sakit ng ulo ko nung magising ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga. Medyo blurry pa yung paningin ko nun kaya inangat ko yung sarili ko gamit yung siko ko. Pagdilat ko ng mata ko...
"Are you alright?"
"Aaaaahhhhh!" WAPPAAAAAKK!
Ganun talaga yung tunog eh no? Nasampal ko tuloy siya. Tama bang ilapit yung mukha niya ng ganun sa akin. Nahulog tuloy siya doon sa kama at hawak niya yung pisngi niya.
"Ang sakit nun ah! Bakit mo ko sinampal?" unti-unti na siyang tumayo.
"Bakit naman nilapit mo yung mukha mo sa akin? Ikaw ba naman kagigising mo tapos may bubungad sa 'yong mukha hindi ka mag-panic?" tumingin ako dun sa gilid, "Nasan ako?"
"Hospital. Actually, nasa clinic ka kanina. Kaya lang naisip nila baka may head concussion ka na kaya dinala ka dito. So far nung tinanong ko yung doctor kanina, ang sinabi lang niya na naintindihan ko eh... cells, tissues, head, brain, x-ray, test saka... she'll be fine. Kaya ayun.. ok ka lang?"
Paisa-isang word lang pala naintindihan niya eh!
"Yeah. Pero masakit yung gilid ng ulo ko." hinawakan ko, may bandage! "Ano 'to?"
"Bandage. Dumugo nga yan kanina eh! Hapon na, kanina pa ko nandito. Hindi na ko umattend ng klase.."
Awww... that is so...
"WRONG!" nyek, parang hindi yun yung sasabihin ko.
"Huh?!?" nagulat siya sa akin.
"Bakit nandito ka? Dapat pumasok ka. Parang ikaw pa ang nagkaroon ng brain damage!"
"Hoy, kahit hindi ka naman binato ni Shalyna ng baseball.. malaki na yung brain damage mo. Actually, itetest ka nila. Kung ok yung vision mo, pati verbal communication.. mga ganun. Kapag pumasa ka, ok naman. May X-Ray ka nga eh. Gusto mo makita skull mo?"
"Ayoko. Uuwi na ko."
Tinanggal ko yung nakalagay sa akin. Tumayo ako.
"Hey.. TUMAWAG KAYO NG DOCTOR!! MALAKI YUNG BRAIN DAMAGE NG PATIENT DITO!!!"
Nagsisisigaw ba naman. Kabwisit na 'to! Ok naman ako eh. Obvious ba?
"Ayos na ako. Magkakabukol ng ako siguro pero ok lang. Dati rin nung nauntog ako sa bahay namin, nahilo ako pero wala namang nangyari sa akin." naalala ko na naman yung araw na yun, "Ganun yata kapag naaalog utak mo eh!" pabiro ko naman sinabi.
Ganun ba yun?
Dahil ayaw akong paalisin ni Ash doon, naupo ako hanggang sa dumating yung doctor. Alam na rin nila Taty at Kuya sa bahay pero hindi na sila nagpunta dahil alam naman nila na magiging ok na ako.
Nagkaroon ng simple test sa akin. Sabi nung doctor eh sundan ko raw ng tingin ko yung kamay niya.. tapos panay ang tanong niya sa akin. So far, nasagot ko naman at nasundan ko yung pinagsasasabi niya. Nagsulat lang siya ng nagsulat ng kung ano.
Pinauwi na rin naman ako. Sabi sa amin in case daw na may maramdaman akong kung ano o kaya magsuka daw ako uli, sabihin daw kaagad sa kanila at baka may serious damage daw. Ikaw ba naman batuhin nun! Ang tigas-tigas ng bola ng baseball.
As usual, si Ash na naman ang naghatid sa akin. Nagiging habit na nga niya eh. Kung wala lang naman sa rules na kailangan ihatid niya ako, hindi naman ako papayag. Huminto na naman siya sa tapat ng gate.
"Hey.. thanks nga pala ah."
"You're not welcome. Pero mabait ako kaya yun.."
"Ganun?!?" hinampas ko pero mahina lang, "Umuwi ka na nga."
"Huwag mo na nga uulitin yun!"
"Ang alin na naman?" napataas yung kilay ko.
"The vomit, dizzy, and pale facial expresion style. Nananakot ka." seryoso niyang sinabi yun.
"Feeling mo naman sinadya ko yun!"
Naalala ko na naman na sinampal ko siya kanina.
"Sorry nasampal kita, ikaw kasi eh." at isa pa, "Kumain ka na ba?"
"Err, not yet. Simula pa kaninang umaga. Pero kung yayayain mo ko kumain, kakalimutan kong sinampal mo ko.."
Kinuha ko yung kamay niya, at nagkunwaring nakipag shake hands ako.
"It's a deal!" tumawa naman kami.
***
Nahirapan akong maligo kinabukasan dahil sa bandage ko. Paano ba naman eh may open wound ako. Ewan ko ba, parang hindi bola yung tumama sa ulo ko eh. Parang batong matulis!
Nung nakapagbihis na ako, si Kuya ko ang nag-ayos sa akin ng bandage. Kahit na ganyan yang Kuya ko, kunwari pa yan pero concern din naman. Aba ok ito, parang royal treatment. Lahat sa bahay ayaw akong gumawa ng gawaing-bahay.
"Kapag gumaling ka na, ikaw na uli ang tagahugas ng pinggan.." sabi ko nga!
Ganyan talaga yang si Kuya Christopher. Hindi makakalimot.
Nung lumabas ako ng bahay, isang malaking himala at hindi nanundo si Ash. Ayos lang naman, hindi ko naman siya nirerequire. Pagtingin ko doon sa gilid ng pintuan namin, merong note.
'Sorry 'di kita nasundo. May gagawin kasi akong mahalagang bagay.'
Tinanggal ko lang sa pagkakadikit yung note niya at nagsimula na akong maglakad.
Kahit na tahimik ako doon, halata kong nakatingin yung ibang mga tao na nakasalubong ko. Kung sabagay, ilang tao ba naman ang masasalubong mo sa isang araw na nakabandage ang ulo. Baka nga sa araw nila ngayon, ako lang.
Ganun din sa school. Yung ibang hindi ko kilala nakatingin na sa akin. Yung iba nga tinanong pa ako kung ok daw ba ang pakiramdam ko, syempre natuwa naman ako at may concern din pala.
Yung treatment na yun eh nagpatuloy hanggang sa Sports Curriculum Building. Si Chester nga eh siya pa ang nagbuhat ng bag ko hanggang sa classroom namin. Sinabihan niya ako na mali naman daw talaga yung ginawa ni Shalyna.
Nung sumunod na mga oras, parang lahat ng mga nangyayari at mga tao eh in-favor sa akin. Paano ba naman nung breaktime, binuhos nila yung mga chili sauce nila sa jogging pants ni Shalyna. Yung iba naman eh tinapunan siya ng juice.
Pagpasok namin sa classroom, may drawing naman sa board namin na nakalagay eh... 'Evil Shalyna' tapos may picture siya na may sungay.
Habang nagka-klase kami, dumating yung Guidance Counselor namin na kasundo ko at tinawag si Shalyna. Ayun nga dahil maraming witness at dahil siguro pinapaburan niya ako, may 2 months detention siya sa cafeteria duty. Hindi siya maeexpel dahil nakipagsagutan din naman ako nung simula. But the point is... may detention siya!!!
Nung practice period namin, pinanood ko lang sila Ash, Kian at Ben na gawin yung 900. Hindi na nila ako pinasali hanggat may injury pa daw ako. Syempre nung natapos kami, sabay-sabay kaming lumakad sa corridor namin. Pero hindi ko inaasahan na maraming tao na nagkukumpulan sa gitna.
"Anong meron?" ang dami kasing tao eh.
"Ewan ko. Tignan natin.."
Pinagilid ni Ben yung mga nandun at nakita na namin kung ano. Nasa bench yung isang retainer at pair ng contact lenses. Bakit naman nandun yun?
May coupon bond pa sa gitna... 'Kay Shalyna 'to!'
Sobra naman na yata...
"Hey hey!" pinagilid ko sila. "Tama na ok?!? Tingin ko naman sa naranasan niya ngayon, nag pay-off na siya." kinuha ko yung plastic ng retainers niya saka yung contacts, "Nasaan siya?"
Dumating naman si Shalyna. Mukhang inis na yung itsura.
"Give me that!!!" inagaw niya sa akin yung hawak ko, "Gusto mo lang lumabas na ikaw yung bida rito tapos ako yung villain!" tinalikuran niya ako at umalis na.
Siya na nga yung pinagtatanggol, ang sama pa ng ugali!
Dahil wala nang mapapanood doon sa corridor, nagsialisan na sila. Naiwan na naman ako doon na nakatayo at syempre si Ash.
"I think she deserves everything that happened to her." umupo ako doon sa bench, "Yung chili kanina sa cafateria saka yung ice tea... wala ka kasi eh. Tinapon nila sa damit niya."
"Talaga?!?" mukhang excited pa siya.
"Yeah. Tapos yung board, nag-drawing pa sila."
"For real?" bakit ba parang masaya siya?
"Tapos yang retainer at contacts niya." tumingin ako sa sapatos ko, "Then may detention pa siya for one month..."
"It's two."
"Right, two." tinama pa niya ako.
May binulong naman siya sa gilid kaya lang narinig ko.
"It should be three..'
"Anong sabi mo?"
Nagkunwari naman siya sa akin.
"May detention siya?!?" inulit na naman niya.
Nagdududa na talaga ako. Tinaas ko yung isang kilay ko.
"What did you do?"
Humarap naman siya sa akin. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman ito eh.
"The chili thing and the ice tea, binrain wash ko yung mga nandun sa cafeteria. Umagree naman sila na mali yun. Paano nga kung nagkaroon ka ng major brain damage.." tapos nag-isip siya, "Yung drawing, sinabihan ko si Kaye na mag-drawing. Magaling naman siya." ngumiti siya sa akin, "Yung detention naman, one month lang yun dapat. Sinasabihan ko nga yung Guidance Counselor na three months, so ginawa na lang niya na two... so yun na lahat."
Akala niya makakaligtas siya sa akin. May nakalimutan yata siya??
"Eh yung retainer and contacts?"
Yumuko naman siya at hindi na makatingin sa akin. Then nag-grin siya ng nakakaloko.
"I nicked it from the girls locker room."
HE DID NOT!!!
"You did WHAT?!?"
Tinakpan niya yung bibig ko.
"Hey, wala namang tao doon. So safe naman pumasok." tinanggal niya yung kamay niya uli.
"Then you should be in detention too!"
Tumayo naman ako at niloloko ko siya na irereport ko...
Kaya lang nung tumayo ako, hinawakan niya ako sa kamay kaya napaikot ako. Tumama naman ako sa dibdib niya.
"Sorry about the last one.."
"I did that for you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top