(10)
***10***
Date? Hindi pa ako nakakaranas ng date. Hello? Ako?
"I.. uh.."
Sumingit naman si Ash sa akin.
"Date... niyayaya mo siya? Teka.. teka, anong meron?"
Katulad kanina, hindi na naman siya pinansin ni Chester. That is so rude!
"Sorry." yun na lang nasabi ko sa kanya.
"Sorry?" halata kong hindi niya maintindihan, o talagang hindi niya lang siguro iniintindi. "Was that supposed to be No?"
Tumango lang ako.
"Pasensya na bro, ayaw eh."
"Bakit hindi pwede?" sabi niya sa akin.
"Hindi ako nakikipag-date."
Nagtawanan naman yung mga nasa gilid. Napangiti din naman si Chester. Si Ash naman, seryoso masyado sa buhay niya.
Eh ano naman kung hindi ako nakikipag-date?
"Yun lang ba? Nahihiya ka? Ok sige, ganito na lang.." sabi niya tapos lumingon siya sa likuran niya, "Double-date. Ikaw at ako... si Ash saka si... psst! Shalyna!"
Napaatras naman si Ash at nag-No sign siya sa daliri niya.
"Oh No. I'm not going on a date with HER." talagang inemphasize pa niya yung 'HER', "Isa pa, si Chris ang niliigawan ko, sino sa tingin mo ang gusto kong makasama?"
Nag-iinit na talaga yung ulo ko nun.
Dumating naman na yung teacher.
"Then.. it's a three-some. Me, Chris, and you." sabi niya kay Ash.
Umoo na ba ako at nagdedesisyon na sila???
Lumakad na si Chester papunta sa upuan niya.
"Hoy Ash! Ayoko!" hininaan ko yung boses ko, "Hindi ako sasama!"
"Ano yun Chris?!?" nilagay niya yung kamay niya sa tenga niya at nilakasan niya yung boses niya, kunwari nakikinig sa akin.. "Ahhh.. three-some daw Chester!!!"
Nagthumbs-up lang si Chester at tinignan ko ng masama si Ash. May sinabi ba akong three-some? Iniba pa niya!
"I hate you." sumandal ako doon upuan ko.
"I love you too!" tapos tumawa siya doon sa upuan niya.
Hindi ko naman sinabing I Love you ah! Buti na lang hindi narinig nung mga classmate namin. 'I Love you too' ba naman ang sinagot, baka isipin ng makakarinig sinabihan ko pa siya ng I Love you.
Yuck.
Nagsisimula nang dumaldal yung teacher namin. Diretso na ako sa board nakatingin nun. Narinig kong magsalita si Ash.
"Angela did a very good job.."
Tinignan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin at diretso lang siya makatingin.
"Yung mga pakana mo hindi ko nagugustuhan eh.." hinawakan ko yung dulo ng buhok ko, "Kung anu-anong ginawa nila sa buhok ko!"
"Ginupitan ka lang saka nag-hot oil kung anu-ano nang ginawa?" tumingin siya sa akin pero mabilisan lang, "Isa pa, hindi na nila kailangan gumawa ng kung anu-ano sa buhok ko... maganda naman eh."
Hindi ako masyadong mahilig sa compliments especially when it comes to my looks. Usually kapag pinupuri ako o pinapansin pa lalo yung itsura ko, lalo lang akong naiirita. Pero ngayon...
hindi yata masyado.
Hindi na lang ako nagsalita.
Pagtingin ko sa desk ko, nandun pa rin nakalapag yung rose saka yung note kanina. Nabasa ko uli, 'Good Morning Chris!'
Halatang-halata naman na kay Chester galing 'to. Kanina lang binati niya ako ng mahiwagang 'Good Morning' niya.
Tinulugan ko lang yung klase namin. Wala naman ako sa mood makinig sa pagdidiscuss ng simpleng Propaganda. Alam ko naman na ang meaning nun sa dictionary.
Binilihan ako ni Ash ng pagkain nung breaktime na namin. Pero hindi naman nakakabusog yun dahil chips lang at tubig. Binilihan pa ako kung ganito lang din naman.
Yun pala eh may reason siya.
"Mamaya may practice tayo, baka bumaliktad ang sikmura mo. Alam mo na ang mangyayari."
Sabi ko nga eh bawal mabusog.
Naupo ako doon mag-isa at kinuha ko yung fairytale book na galing sa Nanay ko. Medyo napunit na nga yung gilid at ang lambot-lambot na ng pages sa sobrang luma. Dahil wala akong ginagawa, binasa ko na naman.
May umupo naman sa harapan ko. Sino pa kundi ang wicked witch in the city.
"WHAT?!?" sinabihan ko kaagad siya dahil nakatingin siya sa fairytale book ko.
"What is that filthy thing?" mukhang nandidiri pa siya doon sa hawak ko.
"This filthy thing is a book." tinaas ko naman at pinakita ko yung cover, "And this filthy thing also means alot to me than any thing in this room. Kung maiinsulto ka, umalis ka na."
"You're reading a fairytale book? That is so lame!"
Ang arte talaga niya magsalita!!!
"OH yeah?!?" nagpakaarte din ako magsalita dahil ginagaya ko siya, "You know the way you talk?? That is so lame!"
May tumawag naman sa akin sa pintuan.
"Chris, pratice!"
Tumayo na ako at isang mataray look naman ang binigay ko kay Shalyna. Hindi naman an siya nagsalita.
Pumunta na naman kami sa skateboarding arena at siguro eh may ituturo na naman itong tao na ito sa akin. Pinag-ready na niya ako, (ako lang dahil kami lang ang nandito), at simula na rin kami. Nandun kami sa tapat nung malaking ramp.
"Magwarm-up ka muna. Tuturuan kita ng bagong trick."
Nag-stretching naman ako doon at konting andar-andar sa skateboard ko. Ano kayang ituturo niya ngayon?? Ollie kasi nung nakaraan na akala kong pangalan ng aso... sana naman ngayon ok.
Pinanood ko naman siyang nag-skateboard doon sa ramp. Akala niya nakatalikod pa rin ako kaya hindi niya napansin na pinapanood ko na siya.
Oh men, may talent talaga siya.
Una eh simpleng slide up, slide down lang ang ginagawa niya. Maya-maya lang sa slide up niya, may mga twists na siyang ginagawa. Umiikot-ikot pa. Mukhang complicated tignan para sa akin, pero parang simpleng-simple lang sa kanya.
"Wow ang galing mo ah!" binati ko naman siya.
Pero nagkamali yata ako. Oras na binati ko siya, bigla na lang siyang natumba at nag-crash doon sa gitna. Napatakbo naman ako.
"Hoy, ok ka lang? May nabali ka bang buto?"
"Ok lang ako," tumayo naman siya, "Yung knee pads ko naman yung tumama kaya wala lang." tumingin siya sa akin."Don't do that."
"Do what?!"
"Bigla ka na lang magsasalita. Hindi ko naman alam na nanonood ka. Nakakailang. Magsasabi ka nga."
Nakakailang?!? Kailangan alam niya kapag may nanonood sa kanya?
"Sorry... SIR!!!"
Tinayo niya yung skateboard niya at umayos na rin.
"Gagawin natin yung 900. Ilang araw nating ipa-practice yun para ma-perfect. Yun yung ginawa ko kanina. Sina Ben marunong na, si Kian 'di pa masyado. Ikaw, huling-huli na." aba, pinapasama pa ako! Huli na nga sinasabi pa!
"Ulitin mo na lang uli, tapos susubukan kong obserbahan ka."
Umalis na ako doon at siya naman eh pumorma na akala mo eh nasa movie.
"Ito yung 900"
Nabibilib talaga ako sa kanya. Ilang beses niyang inulit yun at nawala ako sa sarili ko eh tapos na pala siya. Pinasubukan niya sa akin at ilang beses akong nag-crash. Hindi naman masakit.
"Ok lang yan, hindi ko naman ineexpect na perfect mo na sa unang try."
Sinubukan ko pa rin. Medyo maganda naman yung mga sumunod na landing ko, then yung sumunod, another crash. Sumakit nga yung kamay ko eh. Siguro nga required talaga ang practice para dito.
Nagpalit lang kami ng damit nun sa kanya-kanyang locker at bumalik kami sa klase. Saglit lang naman yun at nagsi-uwian na rin naman. As usual, may balak na naman siya.
"Sa amin ka magdi-dinner ngayon. Sinabi ko na sa Kuya mo, nasalubong ko siya kaninang umaga. Hindi ka pwedeng humindi, nasabi ko na sa Mommy ko."
"Dinner??? Sa inyo???" heck no..
"Yeah. Syempre kung may deal lang din tayo, dapat kapani-paniwala. Nakita kasi ng Mommy ko yung mga pambabae na damit sa kwarto ko. Sabi niya para saan daw yun. Akala niya bading ako.. tapos sinabihan ko nga na 'Si Chris po ang may-ari niyan'." tapos iniwas niya yung tingin niya, "Gusto ka daw niya makilala."
"Siraulo ka naman kasi eh. Sino kasing maysabi na dalhin mo pa iyon sa inyo! Ako yung napapahamak sa 'yo eh."
Nagsimula na kaming maglakad nun. Nagusap-usap lang kami ng mga seryosong bagay at paminsan-minsan eh tumatawa.
"Huwag ka kayang kabahan. Mabait yun si Mommy. Isa pa, wala pa yun sa bahay. Mamayang mga 7 pa yun darating so may time ka pa mag-prepare. Hindi ko naman sinabi sa kanya yung tungkol sa 'ligaw kunwari' part. Hindi yun mag-iisip ng kung anu-ano."
Siguraduhin niya lang. Teka, anong ibig sabihin niya sa hindi mag-iisip yun ng kung anu-ano? Eh yung kuya ko nga, may dumating lang na lalaki sa bahay kung anu-ano na iniisip. Magulang pa kaya?
"Dati sinabi mo sa akin na may reason ka kung bakit galit ka kay Shalyna... bakit nga ba?" na-curious din pala siya.
"Long story. Mamaya ko na lang ikukuwento. Malapit na tayo sa bahay niyo oh.." tinuro ko yung bahay nila.
Ang laki pala talaga ng bahay nila kapag malapitan. Mag-doctor na lang kaya ako kapag magtatrabaho na ako? Baka yumaman ako ng ganito.
Akala ko bubuksan na niya yung gate para pumasok, kaya lang may pinindot siya sa gilid.
"Manang, ako 'to. Buksan niyo na yung gate." sabi niya doon sa kulay puti na kung ano man yun.
Sumagot naman: 'Ok po Ash.'
Ash lang din ang tawag niya?
Bumukas naman na yung gate nila.
"Teka, huwag mong sabihing voice activated ang gate ng bahay niyo?" ang yaman naman nila kapag ganun.
"Hindi no." ngumiti siya, "Parang telepono yan. Para hindi kaagad nakakapasok ang unwanted visitors."
"Bakit, meron ba kayo nun?"
"Oo, gaya niyan.." tapos tinuro niya yung nasa daan.
Yung unwanted visitors pala na tinutukoy niya eh yung mga aso na basta-bats na lang pumapasok sa bahay ng may bahay at mag-iiwan ng you-know-what.
"Nandidiri kasi si Mommy. Noon kasi nagkaroon sa grass niya..."
Pumasok na kami sa loob. Tama nga siya. Malaki nga siguro yung bahay nila kung titignan, pero simple pa rin kung tutuusin. Hindi naman yun yung katulad ng mga bahay na maraming eleganteng kagamitan nasa labas ka pa lang.
Ang linis din nung pumasok kami sa loob. May matandang babae na nagbukas pa ng pinto para sa amin.
"Good afternoon po."
"Good afternoon din hija." ngumiti siya sa akin.
Tumingin naman si Ash sa hagdan nila.
"Nandito na siya?"
"Opo, kanina pa."
ANO? Nandito na yung Mommy niya? Akala ko ba mamayang 7 pa ang dating! Naman oh! Sinungaling ba talaga itong si Ash?
Maya-maya lang, may lumabas na magandang babae at tumayo doon sa kahoy sa hagdan nila. Nakangiti pa siya. Mukhang teenager lang din.
"Ash!!!" sabi niya tapos tumakbo pababa.
Nakangiti rin si Ash nun. Lumakad siya sa dulo nung hagdan. Sumunod na lang na alam ko, yumakap sa kanya yung babae at hinalikan siya sa magkabilang pisngi niya.
Ang tagal din nilang dalawa na magkayakap doon. Napako na yata yung paa ko doon sa sahig nila at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Humarap din naman siya sa akin.
"Chris, may gusto nga pala akong ipakilala sa 'yo."
Nakatingin na yung magandang babae sa akin. Naka-pink siya na skirt at white na blouse. Nag-wave lang siya sa akin.
"Chris, this is Nathalie. Nathalie, this is Chris."
Lumapit naman yung babae sa akin at nakipag-kamay. Gosh, ang ganda niya.
"Alam ko wala kang idea kung sino siya Chris, pero ang magandang nasa harapan mo eh ang nag-iisang future MRS. VALDEZ."
Ano daw???
Mrs. Valdez?? May girlfriend na siya???
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top