"Move On"
Move on! 😂
Paano ka makakausad kung minu-minuto panay ka view ng profile nya? Panay ka tingin ng phone mo at umaasang tatawag siya? Please move-on na. Wala na! Tanggapin mo na. Masakit? OO. Walang ibang taong makakatulong sayo para pagaanin ang loob mo. Kahit anong pagpapatawa ang gawin nila, kahit ano pang pagpapaka busy ang gawin mo sa sarili mo, at end of the day, bago ka matulog, maaalala mo parin siya. Maaalala mo parin ung dating kayo. Aasa kana naman na sana maayos pa. Iiyak kana naman at aalalahanin lahat ng mga araw na masaya kang kasama siya. Dahil tanging panahon lang ang makakapag hilom ng mga sugat dyan sa puso mo. Alam kong parang may hollowblocks na nakapatong dyan sa dibdib mo. Mabigat. Pero darating din ang araw na masasanay kang nandyan yang hollowblocks na yan, balang araw gagaan din yan. Balang araw matitibag din yan at masasabi mo sa sarili mong "YES! Naka move-on na 'ko" at muling babalik ang mga matatamis na ngiti dyan sa labi mo. Muling mabubuo ang basag na puso mo, at sa araw na yun, handa kanang umibig ulit. At kapag dumating na ung time na yun saka mo masasabi na ang sarap pala talaga umibig lalo na ang magmahal. :)
Your Welcome na agad. ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top