""Ang katapusan at bagong simula (Part 2)"
Sa pagpapatuloy...
Nang akmang susuntukin na ni Gemma si Beam mabilis nya itong sinalo at sabay ikot sa kamay nito.
"Ang kapal ng Mukha mong gamitin ang mama ko." Wika ni Beam at may mga baging na lumabas sa kanyang kamay patungo Kay Gemma ngunit isang malakas na enerhiya ang tumama sakanya Mula sa malayo.
Nakita nya ang isang babaeng kamukha ng kanyang ina.
"Kamusta Dear?" Ngiting Sabi ng babae.
"Ano to Gemma at Bonch. Isa ba naman to sa ilusyon ninyo.?" Tanong beam. At biglang nag iba ang itsura ni beam at naging si Angel.
"Hindi sya ilusyon totoo sya." Wika ni Angel na mabilis Naman syang tumilapon dahil sa ginawa ng babae.
"Totoo nga ako, prinsesa ng Luminous." At Isang malakas na pwersa ang pinakawalan ng babae at sinalag ito ni Angel gamit ang kanyang mga braso.
"Tingnan natin kung saan ang yabang ninyong mga spoiled brats. Ang babaeng kaharap ninyo ngayon ay ang kapatid ng namayapang Reyna ng Novaria. Si Enigma." Wika ni Bonch at Gemma na sa pagkakataong ito ay naghiwalay na ng katawan.
"Sandali, bakit Hindi ko to alam?" Sambit ni Angel.
"Mabuti pa maghiwalay muna tayo!" Dagdag nya sabay hawak sa kanyang dibdib. Isa-isa silang lumabas.
"Ikaw si Enigma?" Wika ni Dave.
"Papano nangyari na kapatid ka ni Mama, Wala syang na kukwento saakin na may kakambal sya!" Wika ni Beam.
"Wag kayong maniwala baka Isa lang itong panlilinlang." Wika ni Leah.
"Tama sya, may kapatid ang Reyna victoria na matagal na namin itinago sa mga taga Novaria dahil Hindi ito tanggap ng kanyang inang reyna na si Margarette. Pero sa pagkakaalam ko namatay ang kakambal ni Queen Victoria noon." Wika ni Rose.
"So you mean ate, tita ni Princess Bea si Enigma?" Tanong ni Cathy.
"Parang ganun na nga!" Sagot ni Rose.
"Magpapakilala ako ng maayus sainyo. Ako si Enoch Noria Ivy Georgia Maria Amelia. O enigma unang anak ng Reyna Margarette ng Novaria. Kapatid ni Queen Victoria. Ako ay itinago ng aking amang Hari dahil sa Isang di maka taong paniniwala. Maging hayop hindi ito tatanggapin sa animalandia.
Ipinagbabawal noon mag karoon ng dalawang babaeng anak at Lalo na pag kambal. Malas at mag dadala ng kasiraan sa buong Novaria. Pero kapag ang kambal na anak ay babae at lalaki. Itoy papahintulutan. Itinago ako ng aking ama sa Lemen Forest sa ama nina Gemma at Bonch. " Salaysay ni Enigma. Habang nagsasalita ito, akmang susugod na sana si Dave ngunit pinigilan sya ni Enigma.
"Bakit Hindi ko magalaw Ang aking katawan!" Wika ni Dave.
"Tumigil ka!" Saway ni Enigma at tahimik na nakikinig ang lahat sakanyang storya.
"Ang digmaang alam ninyo ay pawang kathang isip lamang. Para maging Reyna ang aking kapatid. At kapag naging Reyna na sya gagawin nya ang Pinagkasunduan naming pagkakapantay pantay ng lahat. Yun nga ang ginawa nya. Hanggang sa nag silang ako ng Isang sanggol na lalaki. Pinalabas namin sa buong Novaria na anak ito ni Victoria.
Sa katunayan, walang pagtatangi si Bonch Kay Alejandro. Tama ba?" Wika ni Enigma.
"Tama, inutusan ako ni enigma na itakas ang mortal na si Alejandro pabalik sa Mundo ng mga tao. Kasama Ang anak nya ngunit pinigilan kami ni Victoria. Ang kwentong narinig ninyo ay pawang Hindi totoo. Para kayo ay malito." Wika ni Bonch.
"Ang iyong Ina ang nag sumpa saaming mga taga Lemen Forest. Kaya namin kayo ibinalik sa Novaria, dahil ang makakabali ng sumpa ng isang Reyna ay anak ng mga maharlika." Dagdag ni Gemma.
"Kung ganun nasaan na ang batang isinilang mo?" Tanong ni Leah.
"Ang sanggol na unang pinapunta ni Bonch sa earth. At Ikaw yun Dave. Tanging Ikaw lang ang nakakatangal sa hangin ng earth. Hindi mo ba napapansin? Nagkakaroon ng Sakit Ang mga pinsan mo." Sabi ni Enigma. At napalingon Naman si Dave kina Angel, Leah at beam. At naalala nya ang mga panahong nagkaka sakit sina Beam noon at palaging nag tutungo sila sa clinic nang Kompanya nila dahil doon lang sila gumagaling.
"Ang hangin sa dati kung Opisina ay katulad ng nasa Novaria kaya nawawala kami ni Bonch dahil nagbabalik kami dito upang Hindi manghina." Sabi ni Gemma. Biglang naalala nina Angel at Leah noong bumisita sila sa office clinic nakakaramdam sila ng katahimikan.
"Itigil na natin itong walang kwentang labanan. Tulungan nating maging maayus ang mundong ito. Tingnan ninyo!" Wika ni Enigma at Sabay kumpas ng kanyang mga kamay. Sa Isang malaking salamin na gawa ng hangin nakikita nilang maraming naapektuhan sa pagkasira ng Novaria. Nakita nilang pilit na tumutulong Sina Helen Doon sa earth.
Humakbang palapit si Beam sabay wika ng..
"Anong gagawin namin? Sabihin mo tiya!"
"Kelangan nating makahalili ng papalit na Reyna. Nais kung maging Reyna." Walang patumpiktumpik na Sabi ni Enigma.
Dumating naman sina Paula at Lena.
"Hindi kami papayag!" At Sabay nilang ginamit ang kanilang kapangyarihan ngunit bigo sila ng biglang lumindol at nakaramdam sila ng kakaiba sakanilang katawan.
Sinubukan ni Dawn na lumipad ngunit Hindi sya makalutang. Sinubukan din Nina Chellyn at Bram Ang kanilang gift ngunit parang pundidong bombilya lang Ang apoy ni Chellyn samantala si Bram ay nanghihina.
"Kung Hindi kayo maniniwala saakin sabay sabay tayong mawawalan ng Kapangyarihan." Wika ni Enigma.
"Bilang anak ni Reyna Victoria. Ako ang uupo sa trono." Sambit ni Beam mabilis itong nag palit ng anyo bilang isang ibon.
"Beam Hindi pwde, Hindi mo kakayanin ang enerhiyang hihigupin ng setro at upuan." Wika ni Rose ngunit Hindi na nya ito napigilan.
"Sundan na natin sya mga sissy. Kapit kayo!" Wika ni Angel at ganun Naman Ang ginawa nina Leah at Dave. Sabay silang nag laho sa Lemen Forest pabalik sila sa kastilyo.
Ganun din ang ginawa ng iba bumalik sila ng Kastilyo.
Pag dating ni Beam sa Kastilyo. Agad niyang hinanap si Criselda.
"Miss Criselda nasaan ka po" wika nya agad namang lumapit si Randy sakanya at niyakap sya.
"Wala si Miss Criselda dito, Hindi ko din alam itinakas nya ang setro utos na din sa inang Reyna. " Wika ni Randy.
"Ano? Gusto ba nyang mamatay ang lahat ng mga nabubuhay sa Novaria. Kahit kelan selfish sya." Wika ni Beam at mabilis syang nagtungo sa upuan ng Reyna.
"Sandali, Anong nangyayari? Hindi mo kakayanin ang enerhiyang hihigupin Sayo sa upuan at setro." Wika ni Randy.
"Beam sandali nakakaloka ka!!!" Sigaw ni Angel.
"Anong gagawin natin ate Leah." Tanong ni Dave.
"Hindi ko alam bahala na.." Sabi ni Leah at nagmamadali din itong mag tungo sa upuan.
Ngunit nang maka upo na si Beam sa upuan nakaramdam sya ng kakaibang enerhiya hanggang sa nanigas ang kanyang buong katawan at naging bato ang kanyang buong katawan. Hinawakan ni Angel si Beam pero huli na ito.
"Jusko, Anong nangyayari sa kanya.!" Wika ni Dave.
Nang dumating sina Bonch, Gemma at Enigma.
"Hindi sya pinili ng Trono. Hindi sya ang naka takdang uupo Dyan." Wika ni Gemma.
"Sino?" Tanong ni Leah.
"Ang anak ni Enigma. Dahil sya ang unang apo ng Reyna. Galing sa unang anak ng Reyna Margarette.
"Anong gagawin natin? Papano na si Beam." Wika ni Dave.
"Kelangan ninyong hanapin ang setro upang mabalik natin si Beam sa dati. At kelangan sa madaling panahon." Wika ni Enigma.
"Saan naman namin hahanapin yan? Saan ba Kasi ninyo nilagay nakakaloka kayo. Ang buburara ninyo. Kapag nawala na kami na yung uutusan ganyan ba talaga kayo mga magulang? Kapag may ipapahanap puro nguso lang gagamitin nyo kapag Hindi namin nahanap bulag na agad?" Natatarantang Sabi ni Angel.
"Sis relax yung buhok mo." Wika ni Leah.
"Ang huling alam ko pinatago ni Queen Victoria kay miss Criselda Ang setro. Yun lang di ko alam kung nasaan na yun." Wika ni Randy.
"Jusko finding Miss Criselda na Ang show!" Sambit ni Dave.
Itutuloy.. abangan ang huling kabanata ng ating kwento.. at abangan din Ang book 2.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top