QE:TDL || 0.1

Warning: Mentions of Death!

||※ Narrator's POV ※||

Flashback - Year 2015

DFNR || Daily Fortunate News Report

3:15 P.M. || 13th of February, 2015 || Friday

"Breaking News! The 40 year-old Female Director of the Bear Valley Incorporation, Joséia Bill, was found dead inside her room in the International Hyacinth Medical Center this afternoon, February 13, 02:05 P.M."

Ani ng isang babaeng reporter habang nakatayo sa labas ng Hospital kung saan nakita ang bangkay ng babaeng biktima na isang Director.

Sinundan ng isang Media Liaison Officer ang bagong recruit na Manager ng NUSCI team. "One hour and thirty seven minutes nang patay 'yong victim." Pag-uulat niya habang naglalakad silang pareho papunta sa Meeting Room.

"Sabi ng in-charge na Nurse sa room ng biktima, 2:10 P.M. ang naka schedule na oras ng pag-inom ng gamot ng Biktima." Binuklat niya ang hawak niyang folder at may binasa.

"Mga bandang 2:03 P.M. siya pumasok sa room ni Mrs. Bill. Meaning, almost 48 minutes na siyang patay since the medical examiners said na ang estimated time of death niya is between 1:40 P.M. - 1:45 P.M.," dagdag pa niya nang makapasok na sila sa Meeting Room.

Nandoon na rin ang ibang NUSCI personnel at isa-isang tinitignan ang hawak nilang documents.

"Sino ang huling lumabas sa kwarto ng biktima?" tanong ng bagong team manager habang binabasa ang mga dokumentong nasa harap niya.

"Ayon sa Nurse, Secretary ni Mrs. Bill ang nakita niyang huling lumabas mula sa room," sagot ng Behaviour Analyst ng NUSCI team.

"Tinanong namin kung anong oras niya nakita 'yung Secretary. Estimated time niya mga 1:30 which is 30 minutes after ng breaktime nila," dugtong naman ng Evidence Specialist ng team.

"Sohl, please go with me at the crime scene," utos naman nito sa NUSCI Crime Scene Analyst.

"Copy, Mrs. Stallone."

"The two of you, go to the victim's house," utos naman niya sa Behaviour Analyst at sa Polygraphy Specialist ng NUSCI team.

"Sailla, go to the Director's office. Collect every evidence," walang reaksyong utos naman niya sa Evidence Specialist na agad naman nitong sinunod kasama ni Lieutenant Mariano.

"Kayong dalawa—" turo niya kay Myles, ang Media Liaison Officer, at kay Karylle, the NUSCI team highly trained Psychologist, "---get a statement from those who visited Mrs. Bill earlier. Including the statement from the Hospital's staff. Please, don't miss, even one."

"Yes ma'am!"

"Flair, after malaman nila Karylle ang mga pangalan ng mga bumisita sa biktima, gather some information about them and please forward it to Sailla so she can find evidence."

"Roger!"

Nang mabigyan na ng team Manager ang bawat NUSCI officers ng kanilang atas, agad silang kumilos at wala nang inasakya pang oras.

°˖✧◝✿✿✿✿✿✿◜✧˖°

"Good afternoon, we're from NUSCI," ipinakita nina Myles at Karylle ang NUSCI ID nila sa hospital staffs ng 3rd floor, kung nasaan ang room ng biktima na si Mrs. Bill.

Sabay-sabay silang nagpunta sa Hospital kasama ang manager ng NUSCI team at si Sohl na isang Crime Scene Analyst.

"Sino ang in-charge Nurse ni Mrs. Bill?" seryosong tanong ni Myles sa mga Nurses na nandoon. Sabay-sabay naman silang napatingin sa isang babaeng nasa mid-20's ang edad.

Nagtaas siya ng kamay, "A-Ako po..." nanginginig niyang sagot dahilan para ngitian siya ng dalawa.

Lumapit sa kaniya si Karylle at ngumiti. "Hmm, Fea, right?" Tumango ang Nurse sa kaniya. "Fea, kailan na-admit si Mrs. Bill sa Hospital na 'to?" Luminga-linga ang Nurse na si Fea na para bang kinakabahan siya.

"No'ng...J-January 11 pa po," nakatungong sagot niya nang biglang lumapit si Myles kay Karylle.

"May CCTV sa hallway," bulong nito sa kaniya.

Naniningkit ang mga mata ni Karylle nang lumapit siya sa CCTV. Sinuri niya ang paligid at pinagmasdan ang ikot ng CCTV.

Muli siyang lumapit kay Fea, "Pinasulat ba ng Director ang mga pangalan ng bumibisita sa kaniya?" Tumango si Fea at dali-daling nagpunta sa File Organizers.

Ilang saglit lang ay lumapit siya ulit sa dalawa habang may hawak na dalawang folder na kulay Dilaw. "Nandito po nakasulat ang mga information nila." Binigay niya sa dalawa ang dokumento at tig-isang binasa ang nakasulat dito.

Agad na tinawagan ni Karylle si Flair. "Flair? Can you please gather some information about these people. I'll send it to you right away."

Ilang minuto pang kinausap nina Myles at Karylle ang in-charge Nurse na si Fea, bago dali-daling pumunta sa Security Room para tignan ang CCTV footage ng hallway sa 2nd at 3rd floor.

Sa kadahilanang gustong-gusto nilang malaman kung sino ang salarin sa pagkamatay ng biktima, sinimulan nilang tignan ang CCTV footage mula no'ng i-admit si Mrs. Bill sa Hospital.

Ayon kay Fea, kakalipat lang daw ng VIP Room ni Mrs. Bill last-last week. Ang unang kwarto daw ni Mrs. Bill ay nasa 2nd floor, room 213-F.

Lumipas ang mahigit sampung minuto, nang mapansin ni Myles na may hindi tugma sa nangyayari, dalawang araw after ng admission ni Mrs. Bill sa Hospital.

"Excuse me, may techinal errors bang nangyari sa mga CCTV's no'ng January 13 sa 2nd floor?"

"January 13? Sandali lang po ha," sagot ng bantay sa Security Room at may tinignan sa mga files na nasa harapan niya. "Ah yes po ma'am."

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni Karylle sa mga hawak niyang dokumento, biglang tumunog ang phone niya na agad niya ring sinagot."Hello?"

"Karylle, may dalawang unidentified person sa binigay mong listahan. Una, si Angélo Bill na nagpakilalang anak ni Mrs. Bill."

"May lumabas na match kay Mrs. Bill as her son. Pero patay na 'to 3 years ago pa. Second, unidentified din 'yung name ng Secretary."

"Ilang beses kong sinubukan na kumuha ng information under the name of Sarah Chavez. Pero negative lahat, wala siyang records."

Dahil sa sinabi ni Flair, nangunot ang noo ng dalawang nasa Security Room. "May repeated dates and time dito. Pero magkaibang pangalan," seryosong tugon ni Myles na sinang-ayunan din ni Karylle.

"Excuse me, pwede ba naming makita 'yung mga CCTV footage sa 1st floor, entrance, and exit ng Hospital no'ng January 13 and kanina?"

"Sige po ma'am, sandali lang po."

Sabay na tumango ang dalawa at muling sinuri ang mga pangalan na nasa listahan.

"Joshuá Bill and Angélo Bill. Sino ba sa inyong dalawa ang totoong bumisita kay Mrs. Bill noong January 12 at kahapon?" pabulong na tanong ni Myles na siguradong narinig ni Karylle nang tumango ito at napakagat sa kaniyang labi.

"Ma'am, ito po 'yung mga CCTV footage no'ng January 13 and kaninang umaga." Iniharap ng security assistant ang monitor sa dalawa upang makita nila itong mabuti.

"Teka lang, pwedeng paki-rewind ng kaunti?"

Agad namang sinunod ito ng assistant. "Stop!"

Nagkatinginan ang dalawa at agad na tinawagan si Flair. "Hello, Flair. Can you send me the picture of Joshuá Bill? May gusto lang kaming i-confirm," mahinahon ngunit seryosong utos ni Karylle kay Flair na agad naman nitong sinunod.

Maya-maya lang, natanggap na rin ni Karylle ang picture ni Joshuà Bill. Pinagdikit niya ang litrato nito sa Monitor. Nagpapalit-palit ang tingin nila sa lalaking nakita sa CCTV na nagpunta noong January 13 at kaninang umaga kay Mrs. Bill.

"Magkaibang tao." Pag kumpirma ni Myles.

Sa isip-isip ng babae, kung magkaibang tao ang bumisita no'ng January 13 at kaninang umaga, sa bumisita no'ng January 12 at kahapon, pwedeng may alam 'yung Nurse sa nangyari.

Nag request si Karylle sa Security Room Assistant kung pwede siyang makahingi ng copy ng mga CCTV footage no'ng January 11 - February 13.

Pumayag naman ito bilang kooperasyon na rin.

"Flair, send me the addresses of Joshuá Bill, Andrew Cuoma, Faith Core, and Issa Maone." Nagmamadaling ani niya habang bumababa sila papunta sa Parking Lot ng Hospital.

"Okie, okie. Copy!"

"She lied." biglang tugon ni Myles na ipinagtaka ni Karylle. "Fea lied. Sabi niya, si Sarah Chavez ang huli niyang nakita. Pero walang bumisitang babae kay Mrs. Bill kanina."

"Hindi kaya...nag disguised si Sarah as a guy para walang makakita?" pag-aalinlangang tanong ni Karylle bago ito dugtungan ni Myles.

"Or maybe...Angélo and Sarah weren't different person at all?" Napakagat si Myles sa kaniyang pang-ibabang labi habang nakahalukipkip.

Napailing-iling si Karylle. "Fifty-fifty. Pwedeng mag kasabwat din sila." tugon naman nito.

Nang makasay sila sa kotse, napatanong si Myles. "Joséia's Husband visited her earlier, right?"

"Yeah. 20 minutes before she died," sagot niya.

Inilabas ni Myles ang phone niya para tawagan si Flair at alamin kung nasaan si Mr. Bill.

Makalipas ang ilang minuto nilang pag-uusap, agad niyang in-inform si Karylle na nag book ng flight si Mr. Bill papuntang Thailand.

Dahil doon, agad na tinawagan ni Karylle si Argus, ang Behaviour Analyst na pinapunta ng Team Manager sa bahay ng Biktima.

"Argus, nag book ng flight si Mr. Billasawa ng biktimapapuntang Thailand. 8pm ang alis."

"He forgot his ticket. Nasa kwarto nila," sagot ni Argus dahilan para maguluhan lalo sila Myles at Karylle. "Unless, he bought two tickets."

"Hanapin niyo si Donald Bill. Hindi pa siya nakakalayo," hindi na hinintay pa ni Karylle na makapagsalita pa si Argus nang patayin niya ito.

"Flair, did you identify the faces of the two?"

"Yup! Sandali lang. I'll send it to Myles."

°˖✧◝✿✿✿✿✿✿◜✧˖°

Nang makarating na ang lahat sa NUSCI headquarters, agad nilang pinag-usapan ang mga nakalap nilang mga informations.

"May limang bote ng gamot sa kwarto ng biktima. Sa bawat gamot, naka indicate kung anong oras iinom ang biktima." Napatingin si Sohl kay Myles. "One of them is from what the Nurse said," bago niya ibalik ang tingin sa iba.

"Sabi na, may mali sa kinikilos ng Nurse," biglang singit ni Karylle dahilan para mapatingin sa kaniya ang lahat ng nasa Meeting Room.

At dahil mukhang naghihintay ang iba sa susunod na sasabihin ni Karylle, si Myles na lang ang nagdugtong dito. "Sabi ng Nurse, mga 1:30 siya pumunta sa kwarto ng biktima para ibigay ang gamot. Pero base do'n sa CCTV, before lunch siya nagpunta sa kwarto ng biktima."

Bumaling ang tingin ng marami kay Flair nang bigla itong magsalita. "I did a deductive reasoning. Nakasulat sa visitor's time log information na nagpunta si Joshuá Bill kay Mrs. Bill noong January 12, January 21, February 2, at kahapon, February 12."

"Kung papansinin niyo, ginaya ni Angélo Bill ang date at mukhang hinulaan niya ang time kung kailan nagpunta si Mr. Joshuá Bill.

"But he didn't exactly wrote down the exact time of Joshuá's visiting hours. Sa time-log ni Joshuá, nagpunta siya kahapon mga bandang alas tres ng hapon—3:02 P.M. to be exact."

"However, Angélo's time-log is 3:05 P.M. kahapon. Sa CCTV footage, 3:02 P.M. nag fill-up ng visitor's time-log information si Joshuá. 3:05 P.M. siya eksaktong natapos at dumiretso sa kwarto ni Mrs. Billang biktima."

"But based on the CCTV footage from the 3rd floor, hindi mukha ni Joshuá ang bumisita kanina. It was a different person. Which is 'yung nagpakilalang Angélo Bill. We also compared the CCTV from the 1st floor, entrance, and exit of the Hospital."

"Noong January 12, nag punta si Joshuá Bill sa room ng biktima to inform her about the on-going project of their company. I requested a CCTV footage from the BVI if galing nga talaga doon si Mr. Bill before siya pumunta sa IHMC."

"We found a footage of him telling the truth."

"Noong January 13, may technical errors sa mga CCTV ng 2nd floor. So Karylle and Myles requested to review the CCTV footage from the 1st floor. We saw someone suspicious from that day. A tall man who looks like in his mid-20's wearing a cap and a black hoodie, enter the fire exit from the 2nd building of the 1st floor."

"Using the fire exit, kapag umakyat ka sa 2nd floor, automatic ang labas mo ay malapit sa room ni Mrs. Bill. Maybe the culprits didn't know na may technical errors sa mga CCTV."

"Or! He wants himself to be exposed."

"Same scenario. Kahapon bumisita si Joshuá Bill. And from the CCTV footage earlier from the 1st floor - 3rd floor ng Hospital, may matangkad na lalaking nakasuot ng salamin at may dala-dalang suitcase. Siya 'yung nagpakilalang anak daw ni Mrs. Bill noon pa."

"Also, nang makausap nila Karylle at Myles si Joshuá Bill kung saan siya pumupunta pagkatapos niyang dalawin si Mrs. Bill, ang tita niya, lagi niyang sagot sa isang café shop."

"Sinundan ko ang oras simula nang makaalis si Joshuá Bill sa loob ng IHMC, hanggang sa makarating siya sa Bubbelime Coffee Shop."

"Tugma lahat ng oras na sinabi niya. Pati ang oras kung kailan siya sumakay sa taxi, sa train station, at nag book ng grab pauwi sa kanila."

"Lahat ng pinupuntahan ni Joshuá Bill. May surveillance camera. I also contacted the taxi driver kung saan siya sumakay. He also said the same thing as what Joshuá said. Pati ang in-charge personnel sa train station kung saan bumibili ng Train Card, natandaan niya ang mukha ni Joshuá and tugma rin ang oras."

"Tinignan ko rin ang CCTV footage ng train station. Ang oras na sinabi niya no'ng nasa train station siya, lahat 'yon totoo. Also, we contacted everyone who get in touched with him. Lahat ng nakausap niya tuwing pagkatapos niyang dumalaw kay Mrs. Bill."

"Even his history call log, we didn't found anything suspicious. Confident din siya sa mga sagot niya na totoo ang sinasabi niya."

"You use a deductive reasoning dahil lang do'n?" iritang tanong ni Oscar habang nakangiwi.

"What if, patapusin mo muna kaya ako?" sarkastikong sagot naman ni Flair sabay irap.

"Continue." seryosong utos ni Mrs. Stallone.

Si Myles ang sandaling nagdugtong dito.

"Tinanong rin namin siya about his Work History. Lahat ng company na pinasukan niya, mga school kung saan siya nag aral. And also everything about what happened in his past."

"Teka," pagpapahinto ni Sunsi, ang Lieutenant. Kunot noo siyang tumingin kay Myles. "Kung tita niya si Mrs. Bill, dapat mayaman siya? Bakit kailangan niyang mag taxi, or mag train? Bakit sa ibang 'mga' company siya nagtra-trabaho?"

"Okie! Nice question," may pinakita si Flair sa projector screen. Litrato ng isang batang lalaki. "He's an orphan," sagot niya na ikinagulat ng iba, lalo na ni Lieutenant Mariano.

"Hindi siya pwedeng pumalit sa pwesto ni Mr. Logal Bill at wala siyang makukuhang mana mula sa kanila. Solong anak siya ni Logan Bill, ang kapatid ni Mr. Bill. Pero ampon lang siya. Kailangan niyang mag-trabaho para magkaroon silang mag-ama ng kasunduan tungkol sa mga mana."

"Binibigyan naman siya ng pera pero kailangan niyang ipunin 'yon for future needs."

"I gather some information from the orphanage on where he came from. Lahat ng sinabi niya, totoo. Nakausap ko rin ang kapatid ni Mr. Donald Bill, parehas ang sagot nila ni Joshuá."

"So? Aalisin natin si Joshuá Bill sa listahan ng suspects?" patanong na ani Myles na agad namang inilingan ni Mrs. Hange Stallone.

"No. We can't exclude him from the list. However, we can conclude him as the least suspect of Mrs. Bill's death."

Dinugtungan muli ni Flair si Mrs. Stallone base sa mga infromation na nakalap niya. "Our primary suspects now is Angélo Bill and Sarah Chavez. Then, the secondary suspects is her husband, Donald Bill. Andrew Cuoma, Faith Core, Issa Maone, Joshuá Bill, and the in-charge Nurse, which is Fea—were the least suspects."

Matapos mag salita ni Flair, sumunod na nagbigay ng info si Sailla, ang Evidence Specialist.

"Also, no'ng pumunta ako sa Office ni Mrs. Bill, tinanong ko kung may kilala silang Sarah Chavez. Pero wala daw silang kilala. Isa pa, never daw nag hired ng Secretary si Mrs. Bill."

"Yoon Ji-Yoo," inabot ni Flair ang hawak niyang dokumento kay Mrs. Stallone. "Yoon Ji-Yoo ang totoong pangalan ni Sarah Chavez. According to her data records, galing siyang South Korea at nagtrabaho sa Silver Wolf Hotel," may ipinakita siyang larawan sa projector screen.

"January 10 'yan nang magpunta siya sa Bear Valley Incorporation. A day before ma-admit si Mrs. Bill sa International Hyacinth Medical Center. Nag apply siya as Mrs. Bill's Secretary. Pero ni-reject siya ng BVI Director."

"Kung papansinin niyo, ang room number ng Director last-last week ay 213-F. Which indicated this day. 2 stands for February. 13 stands for today. And F stands for Friday."

Namilog ang bibig ni Myles dahil sa sinabi ni Sohl. "So ibig sabihin, the culprits' next crime is on March 13, same day which is Friday?"

"Mukhang gano'n na nga." Napatayo si Mrs. Stallone at naglakad-lakad sa harapan nila. "Nalipat sa room 313-F ang victim 2 weeks ago. Nagbigay na ng hint ang culprit."

"Pero ang tanong, sino sa dalawa ang killer?" biglang tanong ng ngayon lang nagsalita na si Ash, ang Cryptology Expert ng NUSCI team.

"Both of them. Yoon Ji-Yoo is the mastermind." sagot ni Mrs. Stallone habang nakatitig sa larawan ni Ji-Yoo. "And Park Hee-Jun, her husband, is the follower," isa-isa niyang tinignan ang mga nasa loob ng Meeting Room. "Angélo."

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nasa Meeting Room. Ang ilan ay napangiwi, ang ilan naman ay napabuntong hininga, at ang iba ay napasinghap na lang sa hangin at napahilot sa sentido nila.

"Because of Joséia's rejection, nanliit si Ji-Yoo sa sarili niya. Kinompronta niya si Hee Jun na i-hack ang system ng BVI para makuha ang information ng namatay na anak ng biktima."

"What?! May anak sila?" gulat na tanong ni Lieutenant Mariano. "Private Family ba sila?"

"Yes," sagot ni Flair at may ipinakitang bagong larawan. Larawan ng dalawang teenager. Isang babae na 16 years old. At isang 13 years old na lalaki. "Sarah Bill died 6 years ago when she was 10. And Angélo Bill died 3 years ago when he was 13. Ginamit nila ang pangalan ng dalawa para makapasok sa BVI building."

"Kaya pala iisa lang ang statement nina Faith Core at Issa Maone na dalawa lang ang anak ng mga Bill. Pero parehas nang patay ang mga 'yon. Parehas na Car Accident ang kinamatay ng magkapatid na Bill," pagkumpirma ni Myles tungkol sa nakuha nilang statement sa mga bumisita kay Mrs. Bill noong January - earlier.

"At ngayong alam na ng marami ang pangalan ng dalawang anak nila. Hindi malabong mangyari na may maghahanap ng information tungkol sa anak ng mag-asawang Bill."

Matapos ang ilang minuto pang discussion, nagsimula nang kumilos pa ang NUSCI team para mahuli na agad sina Ji-Yoo at Hee Jun.

Pero may tanong na bumabagabag sa isip ni Sohl.

"Bakit nag sinungalingang Nurse? May alam ba siya?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top