CHAPTER TWO
Shane Andrea Juarez
I'm nineteen years old, almost twenty, at may boyfriend but I have to admit na inosente pa rin ako. Noong maging kami ni Thijs a few months ago, I had a lot of erotic fantasies. Inisip ko at inihanda ko na rin ang sariling magkaroon ng sex life. Dumagdag sa expectations ko ang mga balahura kong kaibigan, lalo na si Yolanda Ysadora na maya't maya'y pinapaalalahan akong magkaroon lagi ng condom sa bag para laging handa. Iba raw kasi kapag foreigner ang boyfriend. Naniwala naman ako ro'n. Ngunit makaraan ang halos kalahating taon, maliban sa halik at manaka-nakang hipo-hipo ay wala nang nangyari sa amin. Nahawakan ko siya one time at na-excite ako dahil napag-alaman kong tama ang sapantaha namin. Blessed na blessed siya ni Lord! Kaso nga lang nang hagurin ko na'y pinigilan ako. Noong una'y inisip kong mayroon siyang kinakalantaring iba. Ano pa nga ba ang maaaring dahilan kung bakit ayaw niyang gawin namin ang ginagawa ng mag-boyfriend/girlfriend? Pero lately, I have other suspicions.
"Shanitot!" sigaw ni Eula sabay sundot sa tagiliran ko.
Nakita ko na siya bago niya ako gulatin kung kaya tinapunan ko lang siya ng tingin saka pinagpatuloy ang pagsipsip sa straw ng milk tea ko absent-mindedly. Tumabi siya sa akin at bahagya akong siniko.
"Ano na naman ang drama mo? Lately, parang nag-aala-MMK ka na, ha? Hindi bagay sa iyo. Sorry. Pang-Banana Sundae ang aura mo, sissy."
Napabuntong-hininga ako saka nilapag ko sa espasyo sa tagiliran ang milk tea cup ko.
"Bakit gano'n?" tanong ko at bumuntong-hininga.
"Ang ano?" Si Keri na ang nagtanong. Kararating lang nito sa harapan namin. May hawak-hawak itong siomai. Nakikain na rin sa dala niya si Eula at niyaya nito ang BFF na tumabi na sa kanya para malantakan nila pareho ang dala nito. I wrinkled my nose. Ayaw ko kasi ng amoy no'n.
"Normal ba sa lalaki ang---ayaw pahawak ng ano niya?" deretsahan kong tanong.
Nabulunan si Yolanda. Tumatawang pinagpag-pagpag ni Keri ang likuran niya.
"What?!" tanong ni Eula. Kunwari na ang pagkagulat. Mas nakangisi na ito ngayon. She thought I was still kidding. Nang mapaluha ako'y medyo sumeryoso na silang dalawa ni Keri. Dali-dali nilang nginuya ang siomai at hindi sila magkandatuto sa pang-aalo sa akin.
"Ayaw niyang hawakan ko ang ano niya!" At umiyak na ako nang tuluyan.
Tatawa sana ang dalawang talipandas pero nang makitang hindi nga ako nakikipaglokohan sa kanila'y sumeryoso rin naman. Kinuwento ko na tuloy ang naging experience ko nang one time ay mauwi sa petting ang halikan namin ni Thijs.
"Sigurado ka ba riyan?" Si Keri. "Baka namisinterpret mo lang ang boyfriend mo. Minsan kasi'y---ano---uhm---siyempre, wala siya sa mood o what."
Pinangunutan ko siya ng noo. Halata namang nang-iimbento lang siya ng maaaring rason para hindi sumama ang loob ko. Pero feeling ko'y iniisip din niya ang iniisip kong dahilan.
Napabuntong-hininga si Eula saka hinawakan niya ang kamay ko. Dramatic ang bruha. "Maraming rason kung bakit ayaw niya. Hindi naman kasi pare-pareho ang lalaki na kapag naging girlfriend ka ay gustong makipag-anuhan agad sa iyo. May iba sa kanila na hindi nila kayang mag-isip ng malalaswa about their girlfriend, especially if they are planning to marry her someday. Pero dahil nga lalaki sila at may pangangailangang pisikal, they maintain a fubu."
"Fubu? As in fvck buddy?" tanong ko. Lalo akong napangiwi.
Marahan siyang tumangu-tango. Siniko naman siya ni Keri na parang pinapatigil. "Sino naman kaya ang naggaganyang lalaki, Yolanda? May kakilala ka? Ganoon ba si Sir Maurr?" hamon pa sa kanya nito. Palihim pa siyang pinandilatan. Natahimik sila pareho. Kaya nabatid kong Eula only said it to make me feel better.
"At ito pa ang masaklap. Ilang beses ko na siyang nahawakan. Ang isa'y tumagal pa ng ilang minutes pero hindi siya --- hindi man lang siya ---hindi siya naano. But then there's this---" Napakurap-kurap ako. Muntik ko nang masabi sa kanila ang nangyari sa Edward's. Nakakahiya! "Ano---may napanood ako sa isang movie na kapag hindi raw tinitigasan ang lalaki sa babae kahit na hawakan pa siya ng girl, ito ay sa kadahilanang hindi niya feel ikama ang babae. Hindi kaya, may iba siyang gusto?"
"Kalokohan! Naniwala ka naman do'n! Siyempre, gusto ka ni Thijs. Kung hindi, bakit ka niya niligawan? Isipin mo, ha? Hindi uso sa kanila ang ligaw-ligaw but then he did it for you," sagot agad ni Eula.
Naisip ko rin iyon. At palagi ay pinapalito ako no'n. He went out of his way to court me, pero bakit ganoon? May gusto sana akong itanong sa kanilang dalawa kung napapansin din nila iyon kay Thijs, pero here he comes. Kumaway siya sa akin at patakbo siyang lumapit sa amin. Pinisil ni Eula ang balikat ko at tumayo na sila pareho ni Keri. Matapos nilang bumati kay Thijs, ay umalis na rin sila sa bench na iyon na kaharap lang ng Science Building.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Hinahanda ko ang taro milk tea ng isang suking empleyado ng bangko na malapit sa store namin nang may pumasok na mga athletes ng Uste. Namukhaan ko agad ang isa sa kanila. Iyon ang kasama ng sinasabing boyfriend ni Shane. Actually, hindi pa naman kami close ng babaeng iyon, pero I already call her by her first name in my head. Just seeing her fresh-looking face in my memory makes me smile. Hindi ko alam kung bakit.
"Sir Micah, isang lychee fruit tea raw," sabi sa akin ni Gary, ang cashier namin nang araw na iyon. Nang lingunin ko ang umorder, nakita ko ang maamong mukha ng guy. He looked buff and all but then there was something I sensed about him na kakaiba.
Hinahalo ko na ang order niya nang tumunog uli ang chime ng door namin. May dumating na naman. Sa tuwing umaga, around nine to ten, wala kami masyadong customer kung kaya kada tumunog ang chime namin, napapatingin kami agad sa pintuan. Napangiti ako nang lihim nang makita ko ang isang tall, blonde guy. He always reminded me of Brad Pitt when he was young. Tingin ko pa nga, mas may hitsura siya sa artistang iyon. But --- at nawala ako sa train of thoughts ko nang biglang may tumiling babae.
"Hi, Thijs!" kinikilig na sabi ng girl. Based on her uniform, tingin ko ay isa rin siyang Tamaraw.
Thighs. Teka. Hindi ba't iyon ang bukambibig no'ng babaeng umiyak sa balikat ko noong isang gabi? Thighs. Weird name. Bakit naman papangalanan ng isang magulang ng Thighs ang anak nila? Mahilig ba sila sa hita ng manok?
Pormal na bumati sa babae ang tinawag na Thighs at no'n ko napagtanto na hindi siya Amerikano base sa English accent niya. I thought, mali siguro ang assumption ko sa name niya. Malamang hindi iyon pareho ng ispeling ng English term para sa hita.
Nag-selfie kasama ng blonde guy ang babae. Mabait naman pala, naisip ko. After giving them their drinks, naupo na sila pareho with the other athletes sa isang corner. A few minutes after, naiwan iyong tsinitong Pinoy at iyong blonde guy sa mesa. Siguro dahil alam kong boyfriend ni Shane ang isa sa kanila kung kaya pinagmasdan ko silang mabuti. At ilang beses kong napansin ang kakaiba nilang tinginan sa isa't isa.
"Sir, naiisip n'yo rin ba ang naiisip ko?" nangingiting anas sa akin ni Gary habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Hindi ako sumagot. Sumulyap lang uli ako sa dalawa. "Sir, sino sa tingin n'yo ang top sa kanila?" At humagikhik si Gary. I frowned at him. Tumahimik naman ang mokong. Akala kasi'y nagalit ako.
**********
Shane Andrea Juarez
Patawid kaming tatlo nila Eula at Keri papunta sa Yellow Cab na kaharap lang ng university namin nang biglang may mapadaan. Mukhang galing siya ng BPI. He was wearing a faded maong jeans at blue t-shirt. Naka-dark sunglasses siya. Napanganga ako nang makita siya. As in. Lagi ko kasi siyang nakikitang naka-apron lang sa Edward's kung kaya nanibago akong makita siyang nakasuot ng ganoon. At kahit simpleng get up lang kakaiba ang dating niya. Naramdaman ko ang pagdagundong ng aking puso. Lalo pa nang ngitian niya ako at kawayan bago pumasok sa nakaparada niyang sasakyan. Napasunod ang mga mata ko sa kotse niya hanggang sa mawala ito sa aking paningin.
"Who was that?" may himig panunudyong tanong sa akin ni Eula. Nakangisi na sila pareho ni Keri habang nakatingin sa akin.
Napangiti rin ako. At kinilig ako nang slight. "Server siya ng Edward's."
"Edward's the milk tea shop? Iyong favorite mo?" tanong ni Keri. "Hayun! Kaya pala naadik ka sa milk tea nila. Mayroon palang addictive ingredient iyong milk tea ng Edward's." At humalakhak na sila ni Eula. They grabbed my hand at magkahawak-kamay kaming nagtungo sa Yellow Cab.
Hindi ko na sinagot si Keri. I was busy processing things I saw. Ang pagkakaalam ko kasi sa lalaking iyon ay server nga siya ng Edward's.
Bakit ganoon? Audi ang kotse niya. Siya kaya ang may-ari ng milk tea store na iyon? Gaano ba ang sweldo o kita roon to afford a branded car?
Nawala siya sa isipan ko pagdating namin ng Yellow Cab dahil ang kaibigan naming si Felina ay lumalantak na pala ng pizza at pasta roon. Grabe. Ni hindi kami nahintay!
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Maglalagay lang sana ako ng basura sa harapan ng store dahil araw ng pangongolekta ng garbage sa lugar namin that day nang makita ko siyang nakatingin sa gate ng Uste. She was standing a few meters away from me. Nakikita kong parang nagtatalo ang kanyang kalooban kung tatawid ba sa kabila o ano. Hindi ko naiwasang pagmasdan siyang mabuti. Nang makita kong umatras siya't naglakad na palayo sa overpass at papunta na sa direksyon ko medyo nataranta ako nang slight.
I laughed at myself secretly when I realized how gay I sounded in my head. Napaangat siya ng mukha at nagtama ang paningin namin. Hayun na naman ang sad eyes niya. Nakanti na naman no'n ang protectice instinct ko.
"Hey. Are you all right?" kaswal kong bati. Pero sa isipan ko'y alam ko nang hindi siya okay. May kutob akong tungkol na naman iyon sa boyfriend niya.
Ngumiti siya nang mapakla. I felt really sorry for her especially that I know what is going on. Kaso nga lang, masyado namang tsismoso ang dating ko kung sasabihin ko pa sa kanya.
"Gaya ng sabi ko noon, if he's making you feel this way, leave him. He's not worth your time."
Ngumiwi siya sa akin. This time hindi siya sumagot. Dumeretso siya sa waiting shed. I followed her there. Hindi ko na masyadong pinag-isipan ang ginawa. Wala na akong pakialam kung tingin niya'y masyado akong pakialamero.
"Kung---kung talagang mahal ng lalaki ang babae, hinding-hindi niya ito paiiyakin. So if your guy is making you feel this way---making you feel worthless, then it's time to let him go."
"Ano'ng alam mo sa akin? Hindi porke hinayaan kita na i-comfort mo ako noong nakaraan ay may karapatan ka nang husgahan ang boyfriend ko! Ang relasyon namin! Saka, hindi ako humihingi ng advice sa iyo!"
Natigilan ako sa sinagot niya. She was very angry. Ang lakas pa ng pagkakasabi niya. Tuloy ay may napapatingin sa amin. At narinig ko pang inakusahan ako ng ibang napadaan na pinaiyak ko raw ang girlfriend ko. Ang sama-sama ko raw na boyfriend.
Aatras na sana ako nang bigla siyang mapahagulgol. "I hate him! He's cheating on me for sure! He's cheating on me! I hate him!"
A part of me says it was none of my business. That I need to go back to the store now. Pero---there I was. I just found myself grabbing her by the shoulder and hugging her tightly. I even smelled her hair. And I liked her scent.
Fvck! What was I doing?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top