CHAPTER THIRTY-SIX
Shane Andrea Juarez
Umuwing mainit ang ulo ni Mom. Pareho kaming napasulyap sa kanya mula sa panonood ng TV Patrol. Bigla na lang kasing hinagis sa sofa ang LV bag niya. Maingat si Mom sa mga gamit lalo na sa mamahalin niyang bags kaya para gawin niya iyon ay isang napakalaking question mark.
"Are you okay?" Si Dad na ang nagtanong.
"Hindi ba halata?" pagtataray ni Mom. Tiningnan ako at inirapan.
Nag-react agad ako. "Ako ba? Bakit ako?" sabay turo sa dibdib.
"Sinabi ko ba?" At bigla siyang napahagulgol. Nataranta kami ni Dad. Si Dad na ang nang-usisa sa kanya. Ako nama'y napatakbo sa kusina at ikinuha siya ng tubig.
Isa lang ang naglalaro sa isipan ko. Baka binawi na naman ng mga Contreras ang pangako nila. Kinabahan ako. Ang laki kasi ng utang nila Mom sa bangko nila Micah. Ngayong kinakailangan ng salapi na pambayad-utang din ng mga iyon, may posibilidad na maniningil na nga ang mga ito lalo pa at pinagsusungitan na ng mommy si Micah, ang siyang nagbigay ng pinal na desisyon para i-write off na lang ang utang ng mga magulang ko.
"Our restos are not getting the same sales we got before. Wala na talaga. Laos na ang charm ng mga restaurants natin. Baka hindi na natin mababayaran sila Roark at Eileen. Nakakahiya kina balae!"
Napabuga ako ng hangin. Oo nga pala. Nanghiram sila kina Ate Eileen lately para ma-revive ang ilang branches ng resto namin.
"Paano na tayo, Dad?"
Napalunok ako. Parang alam ko na ang dulo ng usapang ito. Noong isang linggo pa ako pinipilit na magpakasal sa isa kong pinsan sa States. Although we are not related by blood, naaalibadbaran kami ni Ate dahil we have always thought about them as our blood cousins. Kuya pa nga ang tawag ko sa kanila dahil kaedad sila ni Ate, mas matanda sa akin ng dalawang taon.
"Tumawag na ba sina Lota?" Si Tita Lota ang ibig nitong sabihin. Napalunok uli ako. Inabot ko na sa kanya ang isang basong tubig bago matapon ko pa iyon dahil nanginig bigla ang kamay ko.
"Si Bead ang tumawag." Isa pa niyang kapatid iyon. Si Tita Bead ang unang nag-alok na ipakasal ako sa unico hijo niya. Adopted son niya iyon. Half-white, half Filipino iyon kaya ang guwapo. Kaso nga lang wala akong nararamdaman. At just to think about getting married with my cousin makes me want to puke.
Kung hindi raw ako okay sa anak ni Tita Bead, sa bunso na lang daw ni Tita Lota. Kinukuya ko rin iyon, eh! Paano ko maaatim? Iniisip ko pa lang gusto ko nang magsuka nang magsuka. Although alam ko namang in name lang din ang kasal. Still. Ang weird ng feeling!
"O ano ang sabi?" tanong ni Mom kay Dad.
"Wala. Nangumusta lang. Sabi ko okay naman tayo."
"Anong nangumusta lang? Ang tungkol sa plano sa mga bata?"
Napabuga ng hangin ang dad. "Kailangan ba talagang gawin natin ito, Mommy?"
Nang makita kong naubos na ni Mom ang laman ng baso, dali-dali kong dinampot iyon at dinala sa kusina. Then, I just tiptoed my way to the stairs papunta sa kuwarto ko. Pagdating ko sa sariling silid, nag-lock ako agad. And I called Micah. Kung yayayain na niya akong magtanan ngayon, I will gladly go with him. Iyon nga ang pinag-pray kong gawin niya.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Saglit lang nagpamalas ng pagkagulat si Lolo nang makita ang dalawa pa niyang anak na mukha nang ganap na babae. Nang makabawi ito'y nag-unahan sa pag-agos ang kanyang mga luha. He slowly opened his arms widely and motioned for them to come to him. Niyakap sila ni Lolo habang humahagulgol. He asked them for forgiveness.
"I should have listened to your mom. I should have just accepted you as you are because your being like that does not change the fact that you're still my beloved sons," sabi pa ni Lolo sa pautal-utal na tinig. Nahahapo siya. Kailangan pang tapik-tapikin ni Dad ang kanyang likuran.
Lumayo kaming magpipinsan sa kanila habang nagmo-moment silang mag-aama. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami lalo pa't wala sila talagang pinagkaiba sa isang babae. We had no prior exposure to transgender women kaya hindi namin alam na they can really look like biologically female. Sino ang mag-aakala na ang tatlong eleganteng babae sa paanan ni Lolo ay ang tatlong hunk na dati'y basketball at soccer players ng UP na pinagkakaguluhan ng mga kolehiyala? May ganoon pang larawan ang ancestral house namin sa Batangas. Kasama nila siyempre ang yumao na naming abuela.
Habang nagkukumustahan at nagkakapatawaran, biglang napahawak sa dibdib niya si Lolo. No'n lang kami lumapit. Tatawag na sana ako ng ambulansya, pero pinigilan niya ako. Sinabi niya sa akin na siya naman ang masusunod this time ukol sa kanyang health. Ayaw na niyang magpa-ospital pa. He wants to leave the world in silence and in his sons' arms.
Iyon nga ang nasunod. Makaraan ang ilang minuto, we saw Lolo took his last breath. Tahimik na lumuha ang dad at mga uncles ko---mga tita pala.
Kung gaano ka ingay palagi ang birthday ni Lolo, ganoon naman katahimik ang kanyang naging burol at funeral. It was attended by just the six of us. Ang mga mommy namin ay hindi na nga pinapunta as Lolo requested. Nagalit sila siyempre. Pero wala ring nagawa sa naging desisyon lalo pa't pinangatawanan din iyon ng kanilang mga exes. Pati nga ang kaisa-isang apo sa tuhod na anak ni Toby ay hindi rin nakadalo sa kadahilanang hindi rin ito imbitado.
"Farewell, Papa. And thank you for everything. We never hated you. We just wanted to express our true identity, so we left. We thought it was better that way, so you wouldn't get hurt seeing us like this," bulong ni Dad sa kabaong ni Lolo habang binibigyan kami ng huling moment sa yumao.
"I'm sorry for disappointing you, Papa. But I'm grateful---we are all grateful for the chance to be with you before you took your last breath. I love you," sabi naman ng dad ni Toby.
"Thank you for everything, Papa. We love you," dugtong naman ng dad ni Olezka. Ito ang mukhang pinaka-fashionista sa tatlo. Ang arte ng hikaw. Dangling. Medyo naalibadbaran noong una si Olezka, pero nang bandang huli'y nakuha ring yakapin. Ganoon din si Toby sa ama niya. Ako lang ang walang naging problema sa pagtanggap sa daddy. It helped na nagkita na kami noon sa New York. Nakasanayan ko na siyang makitang isang ganap na babae.
Nang kaming tatlo na, simple lang ang mga sinabi namin. We said thank you to the man who stood by us when our dads left us to find their true selves somewhere. Wala nang 'I love you,' pero alam kong sa kaibuturan ng puso ng mga pinsan ko'y pareho kami ng binubulong kay Lolo.
**********
Shane Andrea Juarez
After one week pa mula nang huli akong hinatid sa bahay nagparamdam sa akin si Micah. He called me up. Buti na lang si Dad ang nakasagot ng tawag. Naibigay niya sa akin ang phone na nasa sala.
"Bakit dito mo ko tinawagan? You should have called my phone."
"I did. You didn't answer the call."
"Okay. Call my cell phone number in a few minutes. Baka kasi sumilip dito si Mom. Nasa kitchen lang siya now kaya nasasagot kita."
"Is she still mad at me?"
Hindi na ako sumagot doon kasi narinig ko na ang boses ni Mom na paparating ng living room.
"Okay, okay. Mom is here. I'll wait for your call upstairs."
Nahagip ko ang pagngiti ni Dad.
"Shane, sino iyan?"
"Wala, Mom." At tumakbo na ako paakyat.
Hinintay ko ang tawag ni Micah pero text niya ang dumating. He apologized. Hindi na raw siya makakatawag dahil may kailangan na siyang asikasuhin. Kung hindi ko pa nabasa ang isang maikling artikulo sa isang leading newspaper tungkol sa ex ni Micah, baka iyon agad ang iisipin kong aasikasuhin niya. Buti na lang at nauna kong mabasa iyon.
"Nagbabago ang tingin ng tao sa kapwa niya nang dahil sa pera," malungkot na pahayag nga ni Dad matapos naming mabasa ang news article na iyon kanina.
"Gaya ni Mommy?" pabiro ko pang tanong sa kanya.
Napabuga ng hangin ang dad. "Isa pa iyon." Pero nakangiti na ito.
Nagkatinginan kami. For some weird reasons, natawa kaming mag-ama.
Kung hindi babae ang dahilan, ano kaya ang inasikaso ng lalaking iyon? Kaso ng lolo niya? Negosyo? O ang pagkikita nilang muli ng ama? Baka nga nagba-bonding pa sila hanggang ngayon.
Sa TV Patrol ko na nalaman ang kasagutan sa mga tanong ko. Namatay pala at nilibing na ang patriarch ng mga Contreras nang hindi pinaalam sa publiko. Ang maikling eksena sa funeral lamang nito ang pinahintulutan ng pamilya na ilabas sa balita, para rin siguro sa kaalaman ng kanyang mga kasosyo o kliyente sa negosyo. At nagulat ako nang makitang anim lang ang dumalo sa libing nito. Tatlong magagandang babae at tatlong lalaki. Isa na si Micah roon. He looked so handsome in his black suit.
Dahil naka-dark sunglasses silang lahat, hindi ko nabistahang mabuti ang mukha ng boyfriend ko. But he looked so gorgeous in his outfit. Para siya talagang modelo ng mga suits.
How I wish I could be with him. Habang tinatanaw ko kasi sila sa balita, ramdam ko ang lungkot nilang anim. Maging ako man ay nalulungkot kahit saglit ko lang nakadaupang palad ang matanda.
Habang pinagmamasdan silang anim, nag-wonder agad ako kung sino ang dalawa pang babaeng dumalo. Naisip kong baka pinsan nila o kapatid ng dad ni Micah.
Hindi ko alam na may kapatid pa palang babae si Tita Bettina. Oh, wait. Parang nasabi yata ni Micah na transgender women din ang mga uncles niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong iyon na nga siguro ang mga ama ng dalawa niyang pinsan. I was so in awe of their beauty! Kagaganda nila!
Nang makita ni Mom ang news at pinaliwanag ng anchor na ang tatlong magagandang babae roon ay mga anak ng yumao, binalingan niya ako agad.
"So iyan ang gusto mong mapangasawa? Iyang Micah na iyan na---tingnan mo ang daddy niya!"
"What's wrong with his dad?" sagot ko.
"What's wrong?!" And Mom rolled her eyes.
Sinaway siya agad ni Dad. Tumayo naman ako at lumabas ng bahay. Timing na timing. May biglang tumigil doong white Lexus at niluwa ang lalaking ilang gabi ko ring iniisip. Sinundan siya ni Tita Bettina na as usual ay nagmukhang kakatapos lang ng photoshoot sa Vogue.
"Micah! Tita Bettina!"
"Hello, Shane, hija. Kumusta?" At hinalikan niya ako sa pisngi.
Na-conscious agad ako dahil amoy mamahalin ang pabango niya samantalang ako'y amoy Johnson's baby powder lang. Ang init kasi masyado kaya halos pinaligo ko na ang pulbo.
"Hi," nakangiting bati rin ni Micah. He grabbed my hand and kissed my head, saka niyakap ako nang mahigpit na mahigpit. Pareho silang naka-formal attire ng kanyang dad. Natingnan ko tuloy ang suot kong black denim shorts na hanggang kalagitnaan ng hita at puting T-shirt.
Jusko! Ang dugyot ko tingnan!
"Shane, sino iyan?" Sumilip ang mommy sa bintana. Tapos, binuksan nito ang front door at pinailawan ang porch. Nang makita ang mga bisita ko, nagtaray agad ito. "Anong ginagawa ng mga iyan diyan? Sabihn mo, gabi na. Hindi na tayo tumatanggap ng bisita after dinner."
Hindi ko siya pinansin. Hiningi ko ng paumanhin sa mag-ama ang inasal niya at inimbitahan ang mga ito na pumasok na ng bahay.
"Sinabi ko nang---!"
Natigil ito ng tapikin ni Dad sa braso at paupuin sa couch. Ang dad ang humarap sa mga bisita ko.
"You must be Mr. Juarez," magalang na bati ni Tita Bettina kay Dad.
"Yes, I am. And you must be Micah's---ah---da---I mean parent?" pautal na sagot ni Dad. Nalito ito kung ano ang itawag kay Tita Bettina. Tumawa rito ang huli.
"Yes. I am Micah's Dad. It's okay with me if you call me that way."
Mom snorted. Bahagya siyang siniko ni Dad.
"Maupo po tayong lahat," kaswal kong imbita sa kanila but my head was already reeling in excitement. Parang alam ko na ang pinunta nila roon at excited na excited na ako. I was tempted to run to my room and changed into something grandeur. Gusto kong mag-gown! Naiihi ako sa kilig!
"Shane, ikuha mo nga sila ng maiinom," utos ni Dad.
Dali-dali akong tumalima. Naghanap ako ng maaaring maibigay sa kanila.Sayang! Ubos na ang milk tea ko. Patitikimin ko pa sana sila ng bago kong flavor. Nagkasya na lang ako sa apple juice. At least safe iyon. Everybody loves an apple juice.
Medyo tensyonado na ang sala namin nang bumalik ako roon. Nakatungo si Micah at ang dad naman niya ay tila pinamumulahan ng mukha. Ang mommy ay taas-noong nakatingin sa kanila samantalang stoic-faced naman ang dad.
What's going on?
"What did I miss?" pabulong kong tanong kay Micah. I was tempted to rest my head on his shoulder.
Tumingin lang siya sa akin nang malungkot. Ginagap ko ang kanyang kamay at pinisil. Pinandilatan ako ni Mom.
"Congratulations, hija," bati ni Tita Bettina. "Don't worry. Ginagalang namin ang iyong kapasyahan. Wala kang dapat intindihin sa amin. We support whatever decisions you have made. And thank you for being a part of my son's life."
"H-ho? Decisions?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Mommy at Daddy,
"Sinabi na namin sa kanila na ikakasal ka na sa katapusan ng buwan. Madalian kasi kailangan," masuyong paliwanag ni Mom.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Sinabi n'yo iyon?! NO!"
"Dad, let's go," yaya ni Micah sa ama. Agad namang tumayo si Tita Bettina at dali-daling sinundan ang anak palabas ng bahay namin,
"Micah, sandali lang!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top