CHAPTER THIRTY-ONE
Shane Andrea Juarez
Micah sent me a text message early in the morning. May plans ba ako, kami ni Felina, for the day? Gusto ko raw bang sumama sa kanya papuntang Singapore? Pwede ko rin daw yayain ang friend ko. I was tempted to say 'yes' to a trip to Singapore dahil hindi pa ako nakapunta roon, pero naisip ko naman si Taba. The reason why we came to the resort was because we both had problems. Love life problems. Iyong akin, may kaunti pang problema, pero at least may nakikita na akong liwanag. I just need to make sure Micah was not lying to me and that his family will accept me as warmly as they first did. Pero ang kay Felina, medyo masalimuot. Kaya ayaw ko rin siyang iwanan o gawing third wheel dahil baka lalo niyang ma-feel ang pait ng kanyang karanasan.
"What's up?" Nakisilip si Taba sa texts ko. I closed it and put my phone on the table. "Wala ba kayong plano ni Micah today?" nakangiting tanong niya.
"Magkasama tayong magliliwaliw dito ngayon. Walang iwanan."
"H'wag mo akong intindihin, ano ba? Our motto was not changed, Shanitot. Ganoon pa rin iyon. Love first before friendship. O di kaya'y lust first dot-dot-dot." Humalakhak ito. Nagpakuwento na naman kung paano raw nangyari iyon.
"Ano ba! Naho-horny ka na yata, ah."
"Happy lang ako na at least isa sa atin ay haping-hapi na."
Nawala ang ngiti ko.
"What's the problem?" tanong niya.
"Kung sa iyo nangyari ang nangyari sa amin and the guy's ex came to you para lang sabihin na hindi pa final ang divorce ng bino-boyfriend mo, what will you do?"
"Kung sino ang paniniwalaan ko? Siyempre, si boyfriend. Alam mo naman ang mga exes. Marami riyan ay toxic. Baka this girl is so into your boyfriend kung kaya niya nasabi iyon. Saka, ba't ka naman maba-bother doon? Kung tutuusin, ikaw ang naunang naging misis." At bumungisngis ito.
Natigil kami sa pagpapahid ng strawberry jam sa toasted bread namin nang biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas doon ni Felina, bumungad ang isang waiter na may dala-dalang tray ng assorted fruits. Ang ganda ng pagkakahiwa at arrange sa platter. Mukhang masarap din. May mangga, watermelon, grapes, oranges, at mansanas.
"Wala kaming inorder na ganyan," sabi ko agad pagkakita ko roon.
"It's on the house, ma'am. Padala po ni Sir Micah. When you're done daw, pa-text na lang daw po siya. He will personally take you island hopping today."
Na-excite agad si Felina. Magiliw nitong kinuha ang tray sa lalaki at pakembot-kembot pang lumapit sa table namin.
"Sarap magkaroon ng mayamang BF, 'no?"
Nangiti lang ako.
"Oo nga pala, tungkol doon sa kuwento mo noong isang araw, totohanin mo ba ang sinabi mo sa kanyang pagtatayo ng milk tea shop? O tatanggapin uli ang ni-reject mong job na in-offer ng pinsan niya? O iyong managerial position na in-offer din niya sa kanilang milk tea shop sa The Fort?"
"Definitely hindi ko tatanggapin ang job offers nila. I am seriously thinking about the milk tea shop now that you brought it up. Para saan pa't na-adik ako sa milk tea?"
"Kunin mo ako kahit taga-serve lang sa mga customers mo, ha? Sana may pogi kang parokyano."
Napangiti ako sa kanya, pero nalungkot na rin kahit papaano. I could feel she was trying to make everything lighter, pero ang totoo niyan ay may gusto lang kalimutan. Nainis na tuloy ako sa JT Zaldua na iyon. He better give my friend a very good reason for leaving. Kapag bumalik-balik iyon at lolokohin niya uli si Taba makakatikim siya sa akin ng flying kick.
"What's wrong?" tanong niya habang lumalamon na ng ng mangga at mansanas.
Napailing-iling ako. Tumikim lang ako ng isang slice ng mangga at apple, saka uminom na ng tubig. I grabbed my towel and went to the bathroom. Nag-ready na ako for the whole day's trip sa buong isla. Naisip kong patulan ang imbitasyon ni Micah, pero naisip ko rin na baka ma-out of place si Felina. Kaso naman, kating-kati akong mapag-usapan ang real score nila ng dati niyang misis diumano. I want to know kung minahal din niya ang babae.
"Girl, hurry up! Your Prince Charming is here!" tungayaw ni Taba mula sa labas ng banyo. Natigil ako sa pagsasabon ng katawan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong na-conscious as if nasa harapan ko siya at pinapanood niya ako habang nagsa-shower.
"Matagal pa ako! Tell him to come back na lang!"
"Ano ba!"
Pero narinig ko ang papaalis na mga yapak. Tingin ko ay narinig din niya ang sinabi ko. Mayamaya pa nga'y binuksan ko nang kaunti ang pintuan ng banyo at sinilip sila sa labas. Wala nang tao roon. Marahil ay umalis na nga si Micah.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Hindi ko inisip ever na magkaka-interes pa si Janice sa buhay ko matapos naming putulin ang aming short-lived marriage na hindi nga naman consummated. Ang sabi ng mga pinsan ko, it maybe because her pride was hurt. Sa loob kasi ng halos isang taon na pilit kaming pinagsama sa iisang bubong sa NYC ng aming mga pamilya ay walang nangyaring kung ano. Ni hindi ko nagalaw kahit man lang dulo ng kanyang daliri. At nang madatnan ko pa sa akto na pinapatos siya ng isang kaibigang Amerikano doon pa mismo sa pamamahay ko---naming mag-asawa, ni hindi ako nagalit, bagkus hinayaan ko pa silang tapusin ang nasimulan nila. I simply left the house. The following morning, I asked for a divorce. Hindi siyempre pumayag ang kanyang mga magulang. Nagalit din si Lolo. Pero nang ikinuwento ko sa kanila ang naabutan ko sa pamamahay namin isang gabing umuwi ako nang maaga na pinatotohanan naman ng lahat naming kasambahay, parents niya mismo ang mabilisang nagproseso ng diborsyo at ilang ulit silang humingi ng tawad kay Lolo. My abuelo was very disappointed but he did not utter a word about it. Narinig ko na lang kay Mom na hindi nito itinuloy ang merger ng mga kompanya namin sa real estate lalo na sa hotel business which is something I am so grateful for. At least, hindi ko na kailangan pang makipagplastikan sa pamilya nila Janice. Kaya itong tila pagsunod niya sa akin sa resort sa Batangas ay nakakapagtaka. Hindi ko rin nagustuhan ang mga sinabi niya kay Shane. Kinakabahan tuloy ako na baka at this very moment ay pinagdududahan na no'n ang aking motibo.
"Sir, Ma'am Janice wants to have the entire pool closed for the day," report sa akin ng isang staff. She looked kind of uncomfortable. At medyo nag-aalala na rin.
"Bakit daw?"
"May party daw siyang gaganapin doon later, sir. Pinapahanda na niya sa amin ang pool side."
"Okay."
"Sir, hindi ho pupwede kasi po na-book na po iyan ng anak ni Gov. Cordero noong last month pa. Ngayong araw din po ang party nila. Katunayan po, nagsidatingan na ang mga early visitors niya. Nasa reception area na po ang iba."
Natigil ako sa pagbabasa ng mga papeles. I knew Janice well. Kung ano ang gusto nito, iyon ang talagang ipipilit. Kapag sinabi rito na hindi pwede, lalo nitong i-insist ang gusto. Napahilot-hilot ako ng sentido. Ayaw ko ng gulo. Gayunman, this craziness of hers should stop.
"May paglilipatan ba tayo sa isa sa mga grupong ito kung sakali?"
"Mayroon sana tayong isa pang pool, sir. Pero medyo maliit lang ito. We suggested it to Ma'am Janice and she got mad at us. Nandoon nga po siya sa pool side at inaaway ang mga staff."
"All right. I'll go there now."
Pagdating ko sa pool side, mayroon nang komosyon doon. May isang fully-clothed staff na kumakawag-kawag sa gitna ng pool. May nag-dive doong waiter at sinagip ang babae.
Si Janice naman at ang grupo niyang ilang socialites from Manila and their male partners, nakangisi lang sa isang tabi. They are all dressed in skimpy two-piece swimwear at tila iniismiran pa ang staff at waiter na ngayo'y nasa gitna ng pool. Isang tingin ko lang sa kakawag-kawag na staff nabatid ko nang may tumulak sa kanya roon. Hindi ko nagustuhan ang pag-aastang may-ari ni Janice. I am no longer connected with her. Wala na ring koneksyon din sa negosyo ang mga pamilya namin. This has to stop.
"What's going on here?"
"Micah!" Bigla'y naging sweet ang eskpresyon sa mukha ni Janice. Kinalag niya ang pagkakabuhol ng manipis niyang puting bathrobe para ma-exposed ang well-tanned at well-proportioned niyang katawan na tinatakpan lamang ng kapiranggot na telang kulay kahel. As if naman mase-seduce niya ako. She can go naked for all I care!
"They do not want us to party here, Micah, darling. They made me pahiya to all my friends. Imagine that! They asked us to leave the pool side for some governor's brat's group. Why? Are they more important than me---than us? Hindi ba nila kilala kung sino ako?" At nilingon pa ang mga kaibigan na nakapamaywang na rin habang nakatingin sa aming dalawa. I did not like how they look. Para bagang nagmamayabang pa.
"They have booked the place last month. You guys need to leave the area."
"What?! Micah, I'm your wife for crying out loud!"
"No, you're not. We may have been married for a few months, but you were never my wife. Iisang babae lang ang pinakasalan ko with my consent. You know that," kalmado kong sagot. Mahinahon lang din ang tinig ko. Nilingon ko ang tatlong malalaking bouncers ng hotel at minanduan ko silang paalisin na roon ang grupo nila Janice.
"Fuck you! Asshole! Who wants your cock? It's tiny like that of your Filipino gay dad!"
Natigil ako sa paglalakad at nakangiti ko siyang nilingon. "You're crazy," sabi ko na lang.
I heard her getting hysterical pa, pero pagsilip ko after a few minutes, wala na ang grupo niya sa pool. Napalitan na iyon ng grupo ng anak ng gobernador. Lumapit sa akin ang dalagita sa reception area at nagpasalamat. Babanggitin niya raw sa ama niyang gobernador ang kabutihang ginawa ko.
"There's no need for that. All clients who have followed the standard process of booking our facilities will always be prioritized. Thank you for your patronage."
Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. I asked the staff next to me to make sure they are all taken cared of. Lumabas na ako agad para puntahan si Shane. Nag-promise ako kanina sa kanyang iikot ko sila ng kaibigan niya sa isla.
**********
Shane Andrea Juarez
"Fuck you, asshole! Who wants your cock? It's tiny like that of your Filipino gay dad!"
Nagulat kami ni Felina nang marinig ang sigaw ng isang mestisahing babae pagdaan sa pool side. Pupuntahan sana namin ang staff na nag-a-arrange ng island tour dahil ang sabi ng taga-reception nasa pool daw. Nang ma-realize naming si Micah ang pinapatungkulan ng eskadalosa, nagulat ako. Ang tanong ko agad sa isipan, bakit?
Nang titigan kung mabuti ang girl, nakilala ko siya kahit malapad ang shades na suot. Siya ang nagpakilalang asawa ni Micah kagabi. Nagkatinginan kaming magkaibigan at binulong ko kay Taba kung sino siya.
'For real?" napanganga ito. At no'n ko napagtanto na nagsasabi nga nang totoo si Micah. Hindi nga sila nagkaroon ng intimate moments ng girl base sa isinigaw nito.
"What can you say now that you know he's being honest?"
Ang tamis ng ngiti ko. "Well..."
Hindi na namin narinig ang sagot ni Micah dahil dali-dali na kaming bumalik sa reception area at sinabi ko sa kanilang hindi namin nakita roon ang naturang staff. Umiwas din kami sa gulo dahil pagkaalis na pagkaalis doon ni Micah ay lalong nagtungayaw ang ex niya pati na ang iba nitong kasamahan. Pero wala rin silang nagawa dahil napaalis pa rin ng mga bouncers.
Kunwari'y hindi kami nadaan doon. Nang magkita kami nito sa loob ng reception area, I acted kind of shocked to see him there. Humingi agad ako ng pasensya.
"Sorry kung hindi kita nalabas agad kanina. Naliligo kasi ako sa banyo."
"It's all right. Your friend explained it to me."
"Hi, Micah!" Kumaway-kaway pa si Felina rito. Pigil na pigil nito ang makilig.
"Did you enjoy the food I sent?" Mas kay Taba ito nakatingin.
"O, bakit sa akin ka tumitingin? Mukha ba akong masiba?"
"Oh no! Of course not!"
Nang makita ni Taba na medyo na-guilty si Micah at parang na-awkward, humagikhik ito.
"Got ya! Charot-charot lang iyon. Hindi naman ako ganyan ka sensitive about my weight. Happy kaya ako sa self ko. I'm a confident, chubby girl!"
Siniko ko na si Taba sa dami ng nginangawa.
"Charot?" Tunay na nalilito ang pobreng Micah. Napangiti ako at pinaliwanag kung ano ang ibig sabihin no'n. Napangiti siya. And his simple smile made my heart skipped a beat. Looking at him so handsome in his black shorts and blue T-shirt, umapaw sa pride ang puso ko.
This man is mine. MINE.
"Ready na for the tour?"
"Yes. Pero hinahanap pa namin si Kuya---"
"I said I will tour you around and I mean it."
Napahawak sa tiyan si Felina at may ibinulong sa akin.
"Eww, ano ba!" asik ko sa kanya.
"Saan ang CR n'yo rito?" tila natataranta nitong tanong kay Micah.
Ang dumaang staff na nakarinig ng tanong niya ang sumagot. "That way, ma'am," turo nito.
Dali-daling tumakbo si Felina roon. "Go, Shanitot! Okay lang ako!" sabi nito sa pagitan ng paglakad-takbo.
Ako ang nahiya kay Micah. I think he knew what happened to my friend. Tatawa-tawa ito habang kumakamot-kamot ng ulo.
"Ano? Ready ka na?" tanong nito sa akin.
I smiled sheepishly and nodded my head.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top