CHAPTER THIRTY-FOUR
Shane Andrea Juarez
Noong una akala ko pina-prank lang ako ni Micah. Pero nang ma-realize kong nagsasabi siya nang totoo, bigla akong pinanlamigan. Parang gusto kong ilabas ang lahat ng nakain ko. I couldn't believe it! Maba-bankrupt na raw ang lahat ng negosyong naipundar ni Don Felipe Contreras? Ang hirap paniwalaan.
"I think I have told you how my grandfather was a very good friend of the former chief justice. They were partners in crime---literally." Napangiti nang mapakla si Micah. "Nasabi ko rin yata sa iyo noon na mula sa mayamang angkan ang abuela ko. Lolo was poor compared to them. Mga karaniwang manggagawa lang kasi ang parents niya, samantalang sila Lola naman ay nagmamay-ari na ng malawak na lupain sa Batangas at Laguna. Noong una nga, my maternal great-grandparents didn't approve of Lolo for Lola. Kasi raw ano naman ang future ng abuela ko sa piling ng isang maralita." Ngumiti na naman siya nang mapakla. "But Lolo strived hard. He proved his worth to my great-grandparents by acquiring a vast land which he turned into a fishpond. Natuwa siyempre ang pamilya ng lola. They welcomed her back to the family. Pero hindi nila alam na ang biglaang pagyaman ni Lolo ay hindi nangyari sa legal na pamamaraan. Sa tulong ng kaibigan niyang huwes, iyong dating chief justice, mabilis nilang naisalin sa pangalan ni Lolo ang mga lupain ng mga pamilyang nagkaroon ng problema sa pagbabayad ng buwis. Kinakutsaba nila ang local mayor para i-auction kunwari ang mga lupaing ito. At si Lolo lahat ang bumili niyon sa napakamurang halaga. Of course, he gave something in return to the mayor and to the chief justice."
Hindi ko sukat-akalain na ang isang katulad ni Don Felipe na mukhang may integridad ay may maitim na nakaraan pala. Naisip ko ang mga kawawang may-ari ng lupa at nahabag ako sa kanila. Hindi biro ang maagawan ng lupain lalo pa kung dito ka kumukuha ng iyong ikinabubuhay.
"Some of the poor farmers who owned the land died of a heart attack. Isipin mo, ni hindi na na-harvest ng iba ang tanim nilang palay dahil naunang na-auction ang mga lupain. Si Lolo at ang mga tauhan na raw niya ang nakinabang doon." Sa puntong ito napangiwi si Micah. Maging ako man ay nalungkot nang sobra.
"We negotiated for a lower amount of settlement money, pero hindi pumayag ang grupo. Gusto ng abuelo ko na labanan silang lahat, but my cousins and I decided to give in after hearing the entire story. Hindi namin kayang tatlo na mamuhay na parang hari knowing that some people died just for us to live comfortably."
Napahanga ako sa sinabi niya. Hindi ko rin inasahang maging ganoon din ang kapasyahan ng kanyang mga pinsan. Iba kasi ang first impression ko sa kanila. Naalala ko pang tila nakikipagpaligsahan ang mga ito na magpakasal din. Gusto nilang unahan si Micah para sa kanila mapunta ang kalahati ng mana. Hindi naman pala true-blue na mukhang pera. But then, I remember their moms. Ang alam ko sobrang ganid sa pera ang mga mommy nila. Ano kaya ang naging reaksyon ng mga ito sa desisyon ng mga anak? Naitanong ko tuloy iyon kay Micah.
"They all got mad, of course. They threatened to disown us but we have made up our minds."
Napabuga ako ng hangin. A part of me admired his courage and integrity. Bihira ang may katulad niya ng disposisyon. Tingin ko, kung sa iba nangyari ang ganito, hinding-hindi sila makapapayag na maipagbili ang mga ari-arian mabayaran lang ang danyos sa mga taong nagawan ng masama ng pamilya. Pero sa isang banda naman, labis akong nalungkot. To be honest, nakapagplano na ako ng isang magarbong kasal sa isipan ko. Gusto ko ng katulad ng kay Ate Eileen. Pinangarap ko rin ang buhay na pa-travel-travel na lang sa ibang bansa kung kailan naisin at pa-stock-stock na lang ng groceries sa pantry.
Biglang tila na-suffocate ako. Pinagpag-pagpag ko ang dibdib.
"Are you all right?" nag-aalalang tanong ni Micah sa akin.
Tango lang ang sagot ko sabay inom ng tubig.
"Mas mainam sigurong lumabas na tayo at maglakad-lakad saglit sa baywalk."
Tinawag niya ang waiter and he settled the bill. Tapos tumayo na rin siya at inalalayan ako. Wala kaming gaanong imikan habang naglalakad. Noong una pa nga medyo awkward kami. Later na lang niya hinuli ang kamay ko at pinisil-pisil ito. Napasulyap ako sa kanya. Wala gaanong pinapakitang emosyon ang kanyang mukha, pero ramdam ko ang lungkot niya. Nalulungkot din ako at nababahala sa future namin.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Sa una lang ako nabahala sa reaksyon ni Shane. Pero nang pinapaliwanag ko na ang buong pangyayari, nakaramdam ako ng relief. At long last, nasabi ko rin. My cousins told me that if she truly loves me, then all these things will not matter to her. Gayunman, nag-aalala ako nang kaunti. I was always the Micah Contreras to her. Kapag sinabing Micah Contreras noon para mo na ring sinabing walking money. Ganoon nga raw ang tingin sa akin noon ng ate niya at mga kaibigan nito. Katunayan, crush daw nila ako. Para sa mga babaeng nabuhay sa karangyaan at sanay na inii-spoil ng mga may kaya ring boyfriend, ako ang talagang ultimate dream boy. Siyempre, may-ari ng bangko ang lolo, eh.
Sinulyapan ko uli si Shane habang naglalakad kami sa baywalk. Wala siyang imik. Kanina, sumasagot lang ng isa o dalawang salita. Tapos mapapabuntong-hininga. Tama kaya ang pagkilala ko sa kanya? What if she's like her sister, too? Na mas importante ang yaman kaysa sa totoong nararamdaman?
"Napatunayan na bang nagkasala ang lolo mo? Minsan kasi, may tendency ang taong sumakay lang sa kaso ng iba. Alam mo naman dito sa atin sa Pilipinas. Kapag alam na kikita si Pedro, lahat na lang gagayahin si Pedro."
How I wish ganoon nga lang ang nangyari, pero hindi. May mga pruweba ang mga biktima ni Lolo. Para hindi na lumala ang sitwasyon at hindi matuloy sa korte ang kaso, kaming magpipinsan ay nagdesisyon nang mag-out of court settlement na lang. Kaya pa naman naming kitain ang pera, pero ang reputasyon, sa oras na nadungisan ay mahirap nang ibalik.
"Our lawyers and our private detectives have proven that already. May nagawang mali ang lolo. Naging mapangahas lang siya noon dahil may huwes na tumulong sa kanya. Iyon nga ang dating chief justice." Napahinga ako nang malalim. Unti-unti na akong kinakabahan kay Shane.
Natigil kami sa paglalakad at naupo sa sea wall. Wala na naman kaming imikan. I closed the gap between us at inakbayan ko siya. Pinisil-pisil ko ang kanyang balikat at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ko. She did not resist. I kissed her head gently. I felt good upon smelling the familiar scent of her shampoo.
"S-sabi mo, pagbalik mo ng Singapore ay ---mag-uusap tayo about---us. Paano na tayo?"
Nagulat ako sa tanong niya although I did promise her that. Ngayon ko napagtanto na baka ang pinag-aalala niya ay hindi naman sa pagbabago ng antas ng pamumuhay namin kundi sa pinangako ko bago umalis na hindi ko pa nauungkat muli. Ang plano ko dapat ay kausapin na ang parents niya tungkol sa amin. Total naman ay nasa tamang edad na siya. Ilang taon na nga ba siya? Twenty-three? Twenty-four?
"Can you wait 'till this case is over? Mukha kasing wrong timing eh. Baka hindi pa handa ang mga magulang mo, lalung-lalo na ang mommy mo. Kailangan na nasa good timing tayo."
Sumiksik siya lalo sa tagiliran ko. Hinapit ko pa siya sa katawan ko sabay gagap sa isa niyang kamay. I squeezed it gently, then kissed it. Napasinghap siya. Binitawan ko ang kanyang kamay para maitaas ko ang kanyang baba. I saw warmth in her eyes. It was so mesmerizing lalo pa't nasisinagan ng liwanag mula sa mga street lamps. Binaba ko ang mukha at dinampi ang mga labi sa kanyang mga labi. It was warm and soft. Awtomatikong nag-init ang buo kong katawan. Ang balak kong light kiss lang sana ay nauwi sa isang torrid kiss. Sinasalat-salat ko na ang umbok ng kanyang dibdib nang biglang tumunog ang cell phone ko. It was my driver.
"Sir, nasaan ka na? Umalis na raw kayo sa restawran eh," aniya.
Nagkunwari si Shane na busy sa pag-aayos ng buhok. I felt her discomfort. Nang makita kong naayos na niya ang pagkakabutones sa blusa, tumayo na ako. I extended my hand to help her stand up, then I instructed my driver to pick us up where we were.
"I will definitely talk to your parents as soon as everything is settled," sabi ko sa kanya nang nasa loob na kami ng kotse. Pareho kaming naupo sa backseat.
Saglit lang siyang natingin sa akin bago tumangu-tango. She did not say anything. At nag-alala na naman ako sa iniisip niya although her kiss a while ago was still the same. I could feel she still feels the same way about me. Gayunpaman, hindi ko pa rin naiwasang hindi mag-alala knowing that her mom values a person's financial status above all else.
Nang makarating kami sa kanila, bumaba rin ako ng sasakyan at hinatid siya sa front door. I held both her hands and looked into her eyes. She seemed sad and torn. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mga mata. I caressed her face with my thumb and was about to kiss her when their front door suddenly opened. Lumabas ang mom niya na naka-pink curlers at puting bathrobe.
"Halos mag-uumaga na, ah. Ang sabi namin, iuwi mo before midnight."
"Mommy. It's just ---"
"Mommy, please. Nag-usap na tayo," anas ng asawa nito sa likuran. Hinila nito palayo sa pintuan ang mom ni Shane at siya ang humarap sa akin. Humingi siya ng paumanhin para sa sinabi ng asawa, pero hindi na rin ako pinapasok sa loob just like before. Ramdam kong may nagbago na. Nalungkot ako, pero ano pa ba ang magagawa ko?
**********
Shane Andrea Juarez
"Shane! Good news! Nakausap ni Roark ang building manager ng ina-eye mong location ng milk tea shop mo sa The Fort. May bakante pa raw doon. Medyo may kamahalan ang monthly rent, pero willing kaming magpaluwal for the mean time total naman pasasaan ba't maging Contreras ka rin."
Napalunok ako sa narinig kay Ate. Clueless ba ito sa nangyari sa mga iyon? Front page ang kaso ni Don Felipe Contreras noong isang araw, ah. Sinabi ko iyon sa kanya. Medyo nahihiya pa ako.
"Sus! Ano ka ba naman? Parang hindi ka Pinoy. Sa mga mayayamang katulad nila wala iyang kaso-kaso na iyan. Malulusutan nila iyan."
Umiling ako. At pinaliwanag ko ang napag-usapan namin ni Micah. Napanganga siya. Hindi makapaniwala.
"Paano na iyan? Pina-reserve pa naman kita ng wedding gown kay Monique Lhuillier. Gosh! Nakapag-down na ako ng bayad! I thought kasi magpapakasal na rin kayo soon!"
Ako naman ngayon ang napanganga. Ang alam ko'y milyones ang halaga ng trahe sa fashion designer na iyon. Doon din kasi nagpagawa ang ate noong nagpakasal ito. Gusto kong himatayin sa narinig kong perang nawala.
"Sana kinunsulta mo ako, Ate! Pambihira ito, oo."
"Surprise ko nga sana sa iyo iyon. Ano ka ba! May surprise bang humihingi ng permiso sa pagbibigyan?" asik nito sa akin.
Sinimangutan ko siya. Nanghinayang ako sa pera. Sana pinahiram niya na lang sa akin iyon para makapagsimula ako ng milk tea business sa mataong lugar gaya ng malls. Kumikita naman ako while at home dahil napo-post ko on my social media ang products ko, pero malayo iyon sa gusto kong mangyari sa iniisip kong negosyo.
"Sige, sabihan ko na lang si Roark na may change of plan. Hanapan ka na lang namin ng maliliit na stalls sa mga malls."
"H'wag na, Ate. I'll find a way."
Dumukot siya ng check book sa Birkin bag niya. Nang makita ko ang sinulat niyang figures sa tseke nanlaki ang mga mata ko. Six hundred thousand pesos?!
"Ate, no! Keep the money. Gaya ng nasabi ko sa iyo, I'll find a way."
Hindi ko tinanggap ang tseke kahit na pinagduldulan niya sa akin. Umakyat na lang ako sa kuwarto para hindi na niya maipilit pa. Ewan ko ba. The more she's helping me, the more that I realize na hindi na matutuloy ang plano naming paglalakwatsa together in Europe with our respective partners. Nalungkot na naman ako. Na hindi dapat. Pinagalitan ko nga ang sarili. I have always loved Micah naman regardless of who he was. Kahit noong inakala ko lang na isa siyang store manager ng Edward's, kinikilig na ako sa kanya. And to think na may Thijs na ako noon.
Am I turning to be my mom's daughter?
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Nang isa-isa nang naipagbili ang mga hotels namin at iba pang negosyo to pay off all the damages and the lawyers' fees of the victims, nakita ko talaga kung paano nahulog ang health ng abuelo ko. Frail na siya noon pa, pero lalo siyang humina. This time, we all know na hindi na iyon pagkukunwari gaya ng nangyari noon which forced my mom to arrange my marriage with Shane.
He called for us all to see him in our ancestral house in Batangas. Nang makita namin ang kalagayan niya, nag-panic kaming magpipinsan at minanduan namin ang driver na ihanda na ang sasakyan dahil dadalhin namin siya sa ospital.
"No need for that," hirap niyang tugon. "Let me die in peace."
Olezka and Toby protested but he raised his hand to quiet them.
"P-pasensya at wala akong maiiwan sa inyo. P-pasensya."
Naupo kaming paikot sa kama niya. My cousins held his hand. Ako'y nakaupo lang sa tabi niya, sa bandang paanan, looking at him intently. Parang kailan lang at nagmamando siya sa lahat ng nakapaligid sa kanya tungkol sa negosyo namin dito sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo. It's hard to believe na nakaratay na naman siya sa kama. And this time mukhang malubha na talaga at wala na kaming recovery na nakikita. Saka siya mismo ay ayaw nang bumuti pa ang kalagayan. In fact, he told us all never to revive him just in case.
"There's one thing I want you all to do for me," sabi niya sa pautal-utal na tinig. "Tell your dads I'm sorry. I really am sorry. And I missed them so much!"
Nagkatinginan kaming tatlo. Wala na kaming balita sa mga ama ng pinsan ko. There were news that they went somewhere and lived as transgender women. Mayroon namang nagsasabi na matagal na silang patay. Iba-ibang bersyon pa nga kung paano sila namatay. Some said they were killed at a club where they used to work as drag queens. May nag-amok daw na customer at tinamaan sila ng stray bullet. May nagsasabi namang naaksidente sila pareho. Si Dad lang ang siguradong buhay pero hindi ko sure kung kayang tanggapin ni Lolo ang pagkatao niya ngayon. Ibang-iba na siya sa dati. Katunayan, mayroon na siyang ibang identity. Pinabura niya ang lahat ng pagkakilanlan na isa siyang Contreras. She now goes by the name, Bettina Constancia Johnson. Ang Johnson ay apelyido ng una nitong asawang Amerikano matapos siyang mag-undergo ng sex change. Hindi na niya pinalitan kahit nang mag-asawa muli. She just let people call her by her second husband's surname when addressing her, pero sa papel ay Johnson pa rin ang dinadala niyang apelyido.
"How can we break it to him?" pabulong na tanong ni Toby. Ang ibig nitong sabihin ay ang tungkol sa nangyari sa ama.
"Your dads---yours and Olezka's are living in Belgium. Matagal ko na silang nahanap. I just did not have the courage to face them both," pahayag ni Lolo. Narinig pala ang sabi ni Toby. "And yours, too, Alexander. She's now in New York. I guess you've met him---her already." At umiyak siya.
Napaluhod kami sa kama niya at niyakap namin siyang tatlo.
**********
Shane Andrea Juarez
Sabi ni Micah, kailangan niya akong makausap. Kung kaya ko raw pumuntang Edward's sa dating milk tea shop sa España, the better.
A part of me didn't want to go. Gusto ko nang tapusin ang lahat sa amin. But then, something inside me is telling me not to let him go.Yet. Eh ano ngayon kung hindi na siya ang dating Micah Contreras na kilala ko? Nagsimula naman sa isang ordinaryong Micah Contreras ang pagkakakilala ko sa kanya.
Napakurap-kurap ako nang bumaba ng grab sa tapat ng dati kong paboritong milk tea shop. The name of the shop says, EDWARD'S MILK TEA SHOP. Saglit akong pinangunutan ng noo. Matagal na itong napalitan ng pangalan gawa nga ng pagbago ng may-ari.
Bago ko pa maproseso ang lahat, niluwa ng entrance door ang naka-apron na si Micah. Suut-suot niya ang standard uniform ng shop. Gray jogging pants at gray T-shirt na may nakasulat na Edward's Milk Tea Shop.
Awtomatikong napatingin ako sa kanyang harapan nang tanggalin niya ang apron at ibigay sa isang crew. Kaagad akong napasinghap nang makita ang malaking bukol doon. Napangiti ako nang lihim nang maalala ang pinagsisigaw ng ex niya sa resort. Kaya naman hindi ito affected whatsoever dahil kayang patunayan anytime na hindi nga siya typical Pinoy na juts ang kargada.
"Thank you for accepting my invite. And welcome back!"
Nagulat ako pagpasok sa loob. Opening pala ng shop nila. First day simula nang mabili niyang muli ito. Ako raw ang panauhing pandangal. I was touched by his gesture.
Pinagsilbihan ako ng crew niya. Dalawa sa mga iyon ay kilala ko na. Dati nang nag-serve doon noong estudyante pa lang ako sa FEU. Bumati nga sila sa akin agad.
"How's your wintermelon tea?"
Sumipsip ako sa straw. "Better."
"Really?" Lumawak ang ngiti niya. Siya raw mismo ang nagtimpla no'n. Tapos may nilingon siya. Napaangat ako ng mukha nang may lumapit sa amin na mestisahing matrona. Napaka-elegante niya sa suot na sleeveless floral dress from Gucci. At ang flesh-colored Christian Louboutin open-toe leather, high heels sandals niya ay nakakalula sa taas at ganda. Nang magtabi sila ni Micah, matangkad pa siya ng halos dalawang pulgada na kung tutuusin Micah is already over six feet two inches tall.
"Shane, I'd like you to meet a very important person in my life---my dad."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Daddy niya?! Kung sinabi niyang iyon ang tunay niyang ina, hindi ako magugulat dahil hawig sila, pero daddy daw niya?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top