CHAPTER THIRTY-FIVE
Shane Andrea Juarez
Sinikap kong kontrolin ang reaksyon. Baka kasi ma-offend ko silang mag-ama. Wala namang problema sa akin kung nagbubuhay-babae ngayon ang dad ni Micah. Ang importante maayos ang relasyon nilang mag-ama. Ang hindi ko lang napaghandaan ay iyong total look niya. Nahiya ako sa hitsura ko. Nagmukha pa siyang mas babae tingnan kaysa sa akin.
"You're very pretty, sweetie," nakangiting bati sa akin ni Bettina Johnson.
Ganoon ang pagpapakilala niya sa akin. Mabuti na lang at exposed ako sa school namin tungkol sa transgenders kaya alam kong they prefer to be addressed with the pronoun of the gender to which they identify. At alam ko rin na babaeng-babae ang tingin niya sa sarili kung kaya I made sure na h'wag siyang tawaging 'Tito'.
"Kayo rin po. Ang ganda-ganda n'yo po, Tita."
Tumawa siya. Napatakip pa siya sa bunganga. Tawa ng isang mahinhing dyosa. Na-amaze ako at na-conscious na rin sa ganda at haba ng mga kuko niya. Nahiya uli akong tumabi sa kanya at gusto ko na ring itago ang mga kuko ko na hindi pa nakatikim ng nail polish since graduation. Sa sobrang busy ko sa job-hunting at dito sa pagpupundar ng negosyo kong milk tea sa garahe namin ay napabayaan ko na ang pagpapalinis ng mga kuko.
"I heard you are also into milk teas?"
"She's addicted to milk tea, Dad." At tumawa pa si Micah bago ako inakbayan.
"Really? Then, we have a lot of things to talk about." At nagkuwento na ito tungkol sa mga flavors na usung-uso sa New York. Sa kanya nga raw nagmana ang solong anak dahil siya raw ang nag-expose dito sa samo't saring tea when he was a child. Namangha ako na mayroon din pala itong ganoong negosyo sa NYC.
Sa kalagitnaan ng kuwento niya kumalampag ang dream catcher sa front door. Niluwa ng pintuan ang nakapostura ring si Mrs. Contreras. Saglit na naghinang ang mga mata nila ng dating asawa. Na-shock ito. Tingin ko noong una'y hindi ito na-recognize, pero nang makilala na'y may gumuhit na kirot sa kanyang mga mata.
"Eduardo!" naibulalas pa nito.
Napangiwi si Bettina. Kaagad nitong kinorek ang ex. "It's Bettina now, dear."
Mrs. Contreras rolled her eyes. "Eduardo," pagmamatigas pa nito. Ako ang kinakabahan sa kanilang dalawa lalo pa nang tiningnan ni Mrs Contreras ang dad ni Micah mula ulo hanggang paa. Then, she wrinkled her nose at tinalikuran ito. Kay Micah na ito nakaharap ngayon.
Napailing-iling na lang si Bettina.
Eduardo. Now, I understand kung bakit Edward's ang name ng milk tea shop.
"You did not tell me you are having this milk tea shop revived! Kung hindi pa ako tinimbrehan ng mga tetyas mo hindi ko pa malalaman! Tapos, iyang lalaking iyan na nagdadamit-babae ay pormal mong inimbitahan? My God, Micah Rufus! Mahabang panahong inabandona niya tayo. Inuna niya ang pansarili niyang hangarin tapos ngayon mas close ka pa sa kanya?" talak nito sa magkahalong Inlges at Russian.
Ang ex niya'y napabuga ng hangin at napailing-iling lang. Ito ang nag-apologize sa akin. Masuyo niya akong hinila sa isang tabi at kinausap.
Mrs. Contreras eyed us with disdain. Nainis ako, sa totoo lang. Ni hindi nga ako binati nito samantalang noon ay halos ipagsigawan na close na close kami lalo pa kung kaharap ang mga tetyas at lolo ni Micah.
"Iyang babaeng iyan, ayaw ko riyan! Malas iyan! Hiwalayan mo na iyan habang may panahon pa. Kita mo na? Since she came into your life, a lot of bad things happened!" Russian at English na naman ang salita ng mom ni Micah. Ang huli lang ang naintindihan ko ngunit ramdam kong halos ganoon na rin siguro ang kahulugan ng sinabi niya in Russian.
Tila naeskandalo si Micah. Sinaway niya agad ang ina. Pati si Bettina Johnson ay nakisabat na rin. Nagulat ako nang marinig ko itong magsalita ng Russian. Pero hindi gaya ng asawa, pino at gentle ang tinig nito. Kaya napagtanto kong pwede rin palang hindi maingay pakinggan ang Ruso.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Ang balak ko sana, papuntahin si Mom sa Edward's pagkaalis na lang ni Dad total naman hindi siya tatagal doon dahil sa iba pang commitments. Dapat pala'y naabisuhan ko ang mga pinsan kong h'wag banggitin sa mga moms nila. Nakakainis. Nasira ang plano ko. Nahiya ako sa mga guests na pawang mga old friends and acquaitances lang naman. They all know my parents' history kaya hindi ako nangiming imbitahan ang daddy sa opening uli ng shop.
"Get rid of them both!" galit nang tungayaw ni Mom nang hindi ko sinunod ang pakiusap niya.
Nilingon ko ang daddy at si Shane. They were in the farthest corner of the room. Nag-uusap. Pero dahil maliit lang naman ang espasyo ng shop ko, I knew they heard mom but they both pretended they didn't hear her.
Thankful ako kay Dad for entertaining Shane while I was busy with Mom. Hindi ako nagkamali sa pag-imbita sa kanya rito.
"Micah Rufus!" Mom gritted her teeth. Nagpipigil na sumabog. Inakbayan ko siya at pinisil-pisil sa balikat. Tinabig niya ang kamay ko. "Kung hindi mo kaya, ako na!"
At bago ko pa mapigilan ay nakalapit na siya kina Dad at Shane. Si Shane ang una niyang hinablot palayo sa daddy.
"Mom, no!" Inagaw ko sa kanya agad si Shane.
Dad was too shocked to do something right away. Nang makabawi ito, siya na ang humila kay Mom at dinala ito sa labas.
"Shane, are you all right?"
She looked shaken. Niyakap ko siya agad.
"I'm sorry," paulit-ulit kong bulong habang hinahagud-hagod ang likuran niya. I felt her trembling. Na-guilty tuloy ako.
Saglit kong nilayo ang katawan niya sa akin, then I cupped her face.
"Are you hurt?" masuyo kong tanong. She was teary-eyed, pero umiling-iling siya.
"Your mom's right. Malas ako sa buhay mo." And she cried.
"No! Don't say that!" At niyakap ko siya nang husto.
Tinawag ko ang manager ng shop at binilin muna rito ang pag-e-estima sa mga bisita. I apologized to everyone before I asked Shane to come with me outside. Wala na sa labas ang mga magulang ko.
Walang salita namang umangkas sa motor ko si Shane. Naramdaman kong hindi tulad ng dati, maluwag ang kapit niya sa baywang ko. Dinala ko siya pansamantala sa baywalk sa Roxas Boulevard. Itinabi ko ang motor somewhere at naglakad-lakad kami roon.
"Pasensya na sa mommy ko."
"She's right," halos ay pabulong niyang sagot. "Nang maging tayo ay---minalas ka na."
I stopped walking. I grabbed her shoulders and hugged her again. "Don't say that. Ikaw ang swerte sa buhay ko. Dahil sa pagdating mo, nagkakulay ito." It was cheesy, pero hindi ko naman naramdaman ang awkwardness no'n. Siguro sa ibang pagkakataon ay maki-cringe ako sa pagiging poetic ng mga binitawang salita, pero sa mga oras na iyon it felt right.
Nilayo ko na naman siya saglit and I cupped her face.
"I am so sorry, Micah!" At tuluyan na siyang umiyak. "I am sorry kung minalas ka dahil sa akin. Sorry, sorry, sorry!"
"Hey! Don't cry! You have nothing to cry about! It's not your fault!"
Dali-dali kong tinuyo ang kanyang mga luha with my thumbs. "Never ever think na ikaw ang malas sa buhay ko. Things do happen. Walang kinalaman sa iyo iyon."
Umiling-iling siya. "Hindi. May mga tao talagang malas. At ako iyon."
"No. H'wag kang maniwala sa mommy."
I gently kissed the tip of her nose before my lips landed on hers. Gentle lang din ang halik ko. I saw her closed her eyes before I did the same. Nalasahan ko pa ang maalat-alat niyang luha na tumulo hanggang labi niya.
"Always remember I love you," sabi ko pa nang binitawan na siya.
Muntik na siyang mabuwal.
"Ooppps!" halos ay sabay naming nasabi.
Buti na lang nahawakan ko sa braso. Natawa kami pareho.
**********
Shane Andrea Juarez
Maliwanag na maliwanag ang kabahayan namin nang dumating kami ni Micah mula sa pamamasyal sa Roxas Boulevard. Ang ingay pa. Parang mayroong kasiyahan. Nakita ko agad sa labas ng bahay ang kotse ng dalawa kong tiyahin sa mother side pati na rin ang kina Ate at Roark.
Nalito ako. Para saan ang party? Walang nabanggit na ganoon ang mommy.
Nag-atubili akong buksan ang front door. Baka kasi may kung ano na namang sasabihin kay Micah ang mom gayong nandoon pala ang bayaw ko na naging pinakapaborito na niyang tao sa mundo nang malaman na isa itong self-made multi-millionaire.
Bago ko pa maipihit ang seradura, bumukas ang front door. Lumabas ang mommy at isinara ito agad. "Bakit ngayon ka lang? Pambihira ka!" bungad nito sa akin.
She acted as if Micah was not there. I had to tell her na may inasikaso kami ng boyfriend ko with a stress in the word 'boyfriend'. Sumimangot siya sabay hila sa akin sa loob.
"Saglit lang. Micah, let's get inside."
"No! Ikaw lang." Hinarap ni Mom si Micah at sinabihang, "Thank you for bringing my youngest home safe and sound. Makakaalis ka na. We have a strictly family gathering now."
"Yes, ma'am."
"No, Mommy!" Nagpumiglas ako.
Hinabol ko si Micah. Humingi ako ng paumanhin dito at nangakong babawi ako sa kanya. I hugged him one last time. It felt so food. But it felt kind of odd as well. Pakiramdam ko we were saying goodbye to each other for good.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Naliyo ako matapos magsalita ang abogado ng pamilya. Napayuko ako sabay hawak sa ulo. Pinagsalikop ko iyon sa batok. I felt like the entire weight of the world was on my shoulders.
May naramdaman akong pagpisil sa balikat. Then, I heard Toby and Olezka's reassuring voices.
"It's better that everything's settled now," pagtatapang-tapangan ng mga ito.
Umangat uli ako ng ulo at nakita ko si Toby na namumula na ang mga mata. Sisinghot-singhot pa ito. Ganoon din si Olezka.
"We're doomed," halos ay pabulong ko na lang na wika.
Nagyakapan kaming magpinsan. Paglabas namin ng study room ni Lolo, sinalubong kami ng aming mga ina. They were all kind of expecting something positive.
"Ano na? Hindi kayo pumayag, right? Please tell me you did not agree to their demands!" Si Mommy, half in Russian and half in English. She was about to cry.
"We want to end all this chaos, Mom. Nakaka-drain na. I am sure this is what Lolo wanted it to be. Para tahimik siyang mamaalam sa mundong ito nang wala nang pasanin."
"No! You're a fool! Ako ang kakausap sa lintek na abogadong iyan!" Mom was cursing in Russian and English now. Ganoon din halos ang lumalabas sa mga bunganga ng tetyas ko.
Malungkot naming tinitigan ang aming mga ina. Naisip ko, paanong pinili ito ni Dad to be my mom? Sobrang ganid sa pera!
Ang una ko agad binalitaan sa mga pangyayari ay ang daddy. Alam kong nasa Shangri-La pa siya sa Makati. Kaagad nga niya akong inimbitahan sa kanyang suite. Dali-dali naman akong pumunta roon. At nagulat ako sa nasaksihan doon. Nauna na pala sa akin si Lolo!
Halos mukha nang zombie ang abuelo ko habang inaalalayan ng private nurse niya sa pag-upo sa kanyang wheel chair.
"Micah," halos ay naibulong na lang nito. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya sabay mano. Nakatayo na sa likuran ng wheel chair niya ang dad.
Mayamaya pa'y may nagdatingan pang iba pa. Ang dalawa kong pinsan. Nagkagulatan kami roon.
"Why the fuck didn't you tell us you're going here as well? Sana nagsabay-sabay na lang tayo!" Si Toby. Si Olezka nama'y natawa lang nang magkabulagaan kami roon.
"Uncle Edward?" Tila hindi sila makapaniwala. Lumingon pa sa akin si Toby to confirm kung tama nga ba ito. Nang tumango ako sa kanya, napabulalas ito ng, "Oh my! I nearly did not recognize you, uncle! It's good to see you!"
Si Toby ang pinakamatanda sa aming magpipinsan at halos teenager na ito noon nang umalis daw ng Pilipinas ang dad. Kaya raw niya nakilala agad ang daddy dahil noon pa man ay ginuguhit-guhit na niya ang mukha nito kung naging babae pati na rin ang sariling ama at ang isa pa naming uncle na dad naman ni Olezka.
"Did I turn out to be what you've painted me before?" natatawang tanong ni Dad habang kayakap ito at tinatapik-tapik sa likuran.
"You look even more gorgeous and beautiful, uncle."
"Tita na lang."
Nagtawanan sila. I smiled. Binalingan ko si Lolo na walang kaemo-emosyon sa isang tabi. Nag-alala ako sa kanya.
Mayamaya pa'y may nag-doorbell na naman. Nang bumalik ang aking ama sa suite, may kasama na itong dalawa pang magagandang matrona. They looked elegant and very beautiful.
Napamaang sina Olezka at Toby nang makaharap ang kanilang mga ama bilang isa nang ganap na babae. Maging si Lolo ay nanlaki rin ang mga mata.
**********
Shane Andrea Juarez
I'm torn. Sa totoo lang. Dumating sa bahay ang dalawa kong tiyahin galing Amerika. May ino-offer silang trabaho sa akin roon. Kung mahilig daw ako sa milk tea, tamang-tama. Mayroon daw silang restaurant doon na ang main drinks ay milk tea.
Kinabahan ako agad. Alam ko kasing hindi sila close ni Mommy. Katunayan nga, ngayon lang din uli namin sila nakaharap since childhood. I wondered bakit sila napunta sa amin ora-orada.
"Pag-isipan mong maigi iyan, Shane. That would be a huge turning point in your life. Kung tatanggapin mo, malaki ang posibilidad na mapabuti ang career mo roon. Baka nga makakapagpatayo ka pa ro'n ng sarili mong milk tea shop in the future. Pero paano na kayo ni Micah niyan? Mahirap ang long-distance relationship," sabat ni Ate.
"Ano pa ang dapat pag-isipan? Of course your sister will take it! Ano ba ang pumipigil sa kanya rito? Wala siyang job prospect. Ang negosyo niyang milk tea shop ay halos break-even lang lagi kundi lugi. Nahihirapan pa kami ng dad mong mag-book minsan ng magde-deliver sa customers niya. Kadalasan naaabala pa ang dad n'yo sa delivery."
Napatingin ako kay Mom. Somehow may punto naman ito pero nainis ako na binanggit pa iyon sa harapan ng lahat. Alam niya namang hindi lang kami ang tao roon. Nandoon din ang asawa ni Ate who was getting uncomfortable with the topic pati na ang dalawa pang kasama nila Tita. Dalawang binatang adoptive sons daw nila.
May isa pang proposal ang mga ito sa akin. Pili lang daw ako sa kanilang mga anak. Ipapakasal daw kami para mapadali ang pag-proseso ng visa.
Doon ako gulat na gulat at naeskandalo. I said, "No!" right away.
"Mommy, alam n'yong may boyfriend na si Shane."
Mom snorted. "Yeah. Ang boyfriend niyang bankrupt na!"
Nagtanong ang mga tita ko kung sino ang tinutukoy nila Mom at Ate. Nang marinig nila Tita ang pangalan ni Micah, bahagyang tumaas ang kilay nila.
"I heard his dad is a transgender woman now. I think I saw him in New York one time. Naku, papalit-palit ng asawa iyon. She really maximized the use of her, you know what," sabi pa ng isa at tumawa. Pati na ang isa ko pang tita.
"Really?" Mom feigned a surprise. Pero alam kong hindi na siya nagulat dahil nabanggit ko na sa kanila noon na isang transgender woman na ang dad ni Micah.
Nainis ako sa ini-insinuate ng tita ko. "Micah's dad is not like that," sabi ko tuloy.
Tumikhim si Roark. He asked to be excused. Tinawag nito ang asawa sa isang tabi at mayamaya pa'y nagpaalam na rin silang umalis. Niyakap ako ni Ate nang mahigpit at binilinan na h'wag akong padadala sa kanila.
"Decide what is best for you. Think about your happiness and your peace of mind, okay? Tatawagan kita later," pabulong niyang wika bago umalis.
Natapos ang gathering na iyon na masamang-masama ang loob ko. Pagpanhik ko ng sariling silid, kaagad ko ngang tinawagan si Micah. Nakailang rings ako, pero walang sumagot. Alas onse y medya pa lang naman no'n. Alam kong hindi pa siya natutulog. Madalas naman kaming ina-ala una sa pag-uusap sa telepono.
Sinubukan ko uling tawagan. Automated voice na ang narinig ko.
"Sorry. The number you have dialed is unattended or out of service area."
Kinabukasan, front page news ang pagbebenta ng hotels and other properties ng mga Contreras. Makikita sa inset ng artikulong iyon ang larawan ng mga nagbubunying biktima diumano ng massive land grabbing ng mga Contreras. Binanggit din sa naturang balita na nag-declare na ng bankruptcy ang Contreras group of companies.
Nanlumo ako. I texted Micah.
"I am here if you want to talk about anything. I love you."
I waited and waited. Pero nakadalawang araw na'y wala pa rin akong reply.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top