CHAPTER THIRTEEN
Shane Andrea Juarez
"Then, what should we do, Dad? I do not want to close the restaurant in Baclaran! Doon tayo nagsimula. Iyon ang roots natin!"
Natigilan ako sa bungad ng kumedor nang marinig kong nagtaas ng boses si Mom. Sumilip muna ako at nakiramdam. Napanganga ako nang maintindihan kung ano ang pinagtataluhan nila. Palugi raw ang resto grill namin sa Baclaran. Hindi maaari! Iyon ang unang naipundar nila Mommy at Daddy.
"It's my baby, Dad. Mahal na mahal ko ang restaurant na iyon. Naalala mo? Ako ang nag-conceptualize no'n. Iyon ang pinagkaabalahan natin bago dumating ang mga bata." Umiyak na si Mom. Iyong tipong nanginginig pati balikat.
Kahit na may inis pa ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Micah noong isang araw, parang may sumundot pa rin puso ko. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang vulnerable. Sanay kasi akong palaban siya at mataray.
Dad immediately put his arm on her shoulder and kissed her temple. He looked so sad. Doon ako mas nalungkot. Sa kanilang dalawa kasi mas gusto ko ang aking ama. Malapit sa kanya ang puso ko. Siguro dahil sa siya lagi ang kakampi ko samantalang si Ate nama'y pet ni Mom.
"If we try to hold on to it, lalo tayong malulugi, Corazon. Hindi natin kayang magpaluwag doon nang magpaluwag. Tanggapin na lang natin na hindi natin kaya ang kalaban. Malapit kasi sa MOA. Eh ang dami ng kainan doon at mas maganda naman ng di hamak ang mga tanawin doon. Idagdag pa ang pagsulputan ng mga Korean restaurants sa paligid ng resto grill natin."
"Sasabayan natin ang mga competitors, Dad! Let's think about some gimmick!" hirit pa ni Mom sa pagitan ng mga hikbi. Napahugot ng malalim na hininga ang aking ama.
"Lalo tayong mababaon sa utang, Corazon. Let's be practical, okay? Oo, masakit magpaalam doon. It was our baby, our very first business as a couple. Pero kung patuloy natin iyong i-maintain despite the losses lalo tayong malulugi. We are no longer liquid. Wala nang bangkong nais na magpautang pa sa atin. Three months delayed na rin tayo sa bank loans natin sa Rural Bank sa Bulacan. Ang mga bigger banks dito sa Kamaynilaan naman ay nalapitan na natin, pero dahil sa hindi natin magandang record sa BDO at BPI, wala na ring gustong magtiwala. No one wants to give us a loan anymore! Even our friends are hiding from us now."
Napasandal ako sa dingding malapit sa pintuan sa kumedor. Shocked. Hindi ko sukat akalain na ganoon na pala ang estado ng negosyo namin. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit pa nila pinayagan ang ate na mag-Hong Kong ito kasama ang mga sosyal niyang kaibigan noong nakaraang linggo. Nag-Cordis Hotel pa sila. My God!
I need to go to school right now! Hindi ko kayang mag-breakfast together with my parents. Hindi ko sila matingnan nang deretso sa mga mata knowing that I knew about their problems already.
Dali-dali akong tumakbo sa kuwarto ko at nagbihis na agad ng green jogging pants and yellow T-shirt na palagi naming suot-suot sa school. Tamang-tama naman dahil PE ang una kong klase sa umaga.
Nagulat si Felina nang makita niya ako sa school canteen bago mag-alas nuwebe nang umagang iyon. Kadalasan kasi ay late ako dumating. Kung alas dies y medya ang klase ko, dinadatnan ko ng alas onse.
"Himala! Ang aga mo ngayon, girl," bati niya sabay beso-beso sa akin. Naupo ito sa kabilang bench paharap sa akin. Hinawakan niya agad ang baba ko at itinaas ito. "Malungkot ka," ang sabi niya.
Binaba ko ang tinidor na may lamang baked mac at hinarap siya.
"What will you do if you know your family is in debt tapos may kakayahan kang tulungan sila?"
"Ha? Anong debt? Parents mo may utang? Weh? Hindi nga? Ang sosyal kaya ng mom mo. Saka kabubukas n'yo lang ng bagong branch ng resto grill n'yo sa Taft."
"We---we are going to close our Baclaran branch. Ilang taon na pala itong hindi kumikita. Ang mga branches sa ibang lugar dito sa Metro Manila lamang ang bumubuhay doon. Dad has finally decided to let it go. Binibenta na nila ang puwesto namin doon so we could pay a fraction of our debts."
Tuluyan ko nang itinulak ang kalahati pang baked mac at napainom sa bottled water na nabili ko. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.
"Don't worry, Shane. I am pretty sure magagawan ng paraan iyan nila Tito at Tita. You can keep the restaurant!"
Umiling-iling ako saka pinangiliran ng luha.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Ilang araw na ang nakalipas simula nang tanggihan ko ang surprise wedding na hinanda ni Mom for me and Shane ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong kausapin nang matino ng aking ina.
"From now on, you find another mother, Micah Rufus! I am done being your mom!" galit pa nitong bungad nang silipin ko sa mini-gym sa bahay namin sa Quezon City. Ang bilis ng pagpepedal nito sa stationary bike na siyang gamit pang-work out nang umagang iyon.
"Mom, can we at least talk like decent adults?"
Hindi na niya ako sinagot. Sa halip ay naglagay siya ng ear phones sa tainga at iniwasan nang matingin sa direksiyon ko. Napabuga ako ng hangin at tumalikod na lang. Kapag ganoon siya, imposible na siyang makausap nang matino.
I cannot blame her though. Napag-alaman ko kahapon mula sa mga madadaldal na katulong ng lolo na binalita na pala ng mga tetyas ko sa kanya na pretend girlfriend ko lang si Shane. H'wag na kamong umasa ang matanda na may kasalang magaganap dahil hindi naman totoong may relasyon kami ng babaeng pinakilala kong nobya. Dahil doon, ayaw na rin akong kibuin ng abuelo ko. Sinabihan pa niya ang mga pinsan kong hindi na raw ako welcome sa ancestral house ng aming pamilya dahil baka mahampas niya lang ako ng baston. Tinanggalan na rin daw ako ng mana for good dahil sa panloloko ko. Ang mommy ko naman ay nakaltasan ng mamanahin. Imbes na dati'y may fifteen percent share ito sa lahat ng maiiwan ng lolo, ngayo'y two percent na lang daw. Hindi na rin babayaran ni Lolo ang mga pagkakautang nito sa credit cards. What's worse, pinapasoli ng matanda ang ginagamit na cards ni Mom para raw magunting na't hindi na pakinabangan. I felt so guilty. But then, I also thought that I did the right thing. Hindi ako makakapayag na mag-take advantage kay Shane knowing na kabe-break lang din nila ng boyfriend niyang Dutch.
Biglang sumagi sa isipan ko ang larawan nilang dalawang magka-holding hands. Dati-rati'y natatanaw ko ang ganoon nilang sweetness sa isa't isa habang naglalakad sa tapat ng store namin. I wonder kung sumobra pa sila sa ganoon. Pero kung may pagka-binabae iyong guy malamang na hindi sila umabot. Pero teka. Hindi kaya bi lang iyon? Pwede sa babae at pwede rin sa lalaki? I imagined them both in an intimate moment and as soon as I thought about them kissing one another nakaramdam ako ng pagkainis. Pinilig-pilig ko agad ang ulo para mawala sila sa isipan ko. Naglakad-lakad ako sa front lawn ng bahay habang nag-iisip ng susunod na hakbang patungo sa pagbabati naming maglolo.
"Couz, are you all right?" nakangising tanong ni Toby nang daanan ako sa bahay ni Mom. Sakay ito ng motorsiklo niya at nakababa ang helmet habang kinakausap ako.
Hindi ako sumagot kay Toby. Siguro inisip nitong galit din ako sa kanya dahil sa ginawa ng mom niya sa akin. To be honest, wala na akong pakialam. Nakakasawa na rin na I need to consider my inheritance sa bawat galaw ko. Mabuti na rin iyong malaya na ako sa gusto ko. Iyon nga lang, several millions poorer.
"Believe it or not, I stopped my mom several times. Nagsabi rin ako kay Lolo na kilala kita at nasisiguro kong you were telling the truth. Saka she's really your type, bro!" At humalakhak ito. Sinimangutan ko siya.
"I don't have a type," sabi ko sa kanya. Na tinawanan niya lang bago magpaalam.
As soon as Shane's face appeared in my head, my anger subsided. Napangiti ako bigla na kaagad ding napalis dahil lumabas si Mom at tinanaw ako mula sa front door. Nakapamaywang siya sa akin ngayon habang nagpapahid ng pawis niyang tumatagaktak na sa kanyang mukha at mga braso. Nabasa na nga ang bandang hita ng suot niyang green tights.
"Who the fvck was that? Your cousin, Tobias?"
Pagkasabi kong, 'oo' kaagad itong napamura, "Blyat!" At nagratatat pa na ng profanities in Russian. Napangiwi ako. Minsan, nagwa-wonder din ako kung saan siya pinulot ni Dad dahil kung makapagmura ay daig pa ang gangster.
**********
Shane Andrea Juarez
"Use your charm, anak. Makikiusap tayo sa manager na h'wag ilitin kahit iyong bahay lang natin," bulong sa akin ni Mom habang naglalakad kaming tatlo nila Dad papasok sa isang provincial bank sa Bulacan. I looked at her nervously at napatangu-tango ako. Hinalikan naman ako ng aking ama sa sentido.
Napilitan din sa wakas na magtapat ang mga magulang ko tungkol sa pinoproblema nila sa finances namin. Pero si Ate ay hindi nila talaga napapayag pumuntang bangko with them. Sabi sana nila, maybe the manager will change her mind when she sees us. Kaklase at kaibigan namin kasi ni Ate ang dalawa nilang anak na babae.
I do not know if my parents' plan would work. Actually, naaalibadbaran ako sa ganitong estilo. Kaso lang, naaawa ako kay Dad. Desperado na siya. We have to keep our house at least.
"Pahintay na lang daw po sandali si Manager, ma'am, sir," magalang na bati sa amin ng isa sa mga bank clerks pagdating namin doon. Pinaupo kami sa isang silid. Waiting area nila.
"Are you sure about this, Mom, Dad?" kinakabahan kong tanong.
"Wala na tayong magagawa. Sana maawa si Mrs. Santos sa inyo ng ate mo. Isipin mo kapag inilit ng bangko ang property natin. Mapipilitan tayong maghanap ng matitirhan. Malamang hindi na kasing bongga ng bahay natin ngayon. We might be even moving to the slums!" At pinangiliran ng luha si Mom sa huling sinabi.
Pagkarinig ko n'yon, naalarma ako. Naisip ko kasi ang mga cockroaches. Naku, kahit mga anak lang ng ipis ay nagpa-panic na ako. How much more kung buong family ang pumarada sa kuwarto ko? Hindi ko kayang isipin ang ganoon. Natatakot na ako, wala pa.
Makaraan ang ilang minuto, bumalik uli ang babae at dinalhan kami ng maiinom. Tatlong basong orange juice. Pagkakita ni Mom sa mga iyon, kumuha siya ng isa saka tinaas at inikot-ikot. Bahagya ko siyang siniko dahil ako ang nahiya sa ginawa niya but then she just ignored me.
"Miss, hindi malinis ang baso. Sorry sa abala, but no. Okay lang kami."
"Mom!" saway ko agad dito. Natampal naman ni Dad ang noo. Ito na ang humingi ng paumanhin sa babae. Ngumiti lang ang huli at sinabing papalitan na lang daw ang baso.
"It's all right. We'll take it." Kinuhanan ko ng para sa kanya si Dad bago ako kumuha rin ng para sa akin. Hinampas naman ni Mom ang braso ko at pinandilatan pa ako.
"Magkakasakit ka, Shane Andrea! We cannot afford hospitalization bills now!" she hissed. Then, she looked at the bank clerk and gave the woman her plastic smile.
"Sige na po, Miss. Okay na po kami ng Daddy. H'wag n'yo nang dalhan ng drinks ang mom."
Pinandilatan na naman ako ni Mommy. Nakangiti namang nagpaalam ang bank clerk. Nang wala na ito, binaba ni Dad ang inumin sa center table at pinagalitan na ang aking ina. Lumabi lang ang mommy at inulit na naman na nag-iingat lang daw siya dahil sa pakikipag-plastikan daw naming mag-ama ay baka mauwi pa sa pagkakasakit ang lahat. Mariiin niyang inulit-ulit na hindi na namin afford bumili ng kahit gamot lang sa sakit ng tiyan.
"But you cannot insult them or else, masasayang ang pagpunta natin dito." Medyo tumaas ang boses ng Daddy. He looked desperate as well. Ako nama'y hindi na mapakali. Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon.
Mayamaya pa ay napatayo ako at naglakad-lakad sa loob ng silid. No'n naman pumasok si Mrs. Santos. Pagkakita niya sa akin, ngumiti siya agad.
"You're Shane, right? Naku, ang ganda-ganda mo na! Kumusta ka na, hija?"
"I'm good. Salamat po, Tita."
Tumayo ang daddy at sinalubong si Mrs. Santos. Bumati siya rito. I could sense that my father was so tensed, pero nagawa niyang batiin nang magiliw ang ginang. Si Mom naman ay bumati lang nang pormal. She sounded indifferent. Noon pa man kasi, nang magkaklase pa lang daw sila ng bank manager na ito sa Bulacan Elementary School, hindi na sila magkasundo.
"Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa, Mrs. Santos," sabi nito agad. "We came to ask you for another extension. Sana ay payagan n'yo kami this time. We have been a loyal depositor since this bank started in early 1930s. Alam n'yo iyan."
Tumikhim si Mrs. Santos. She looked uneasy. Ako naman palihim kong pinandilatan ang mommy. Kailangan ba talagang maging mataray pa rin? Kami na nga ang nakikiusap, pero siya pa ang may guts magpa-guilty sa bank manager.
"I'm sorry, Mrs. Juarez but---"
Bumagsik ang mukha ni Mom. Bahagya siyang siniko ni Dad. Ako naman ay napatungo lang. Pinagdasal ko na lang na may biglang lumamon sa sofang kinauupuan namin para hindi ko na danasin pa ang kahihiyan sa inaasal ng mommy ko.
Napaangat lang ako ng mukha nang may kumatok at bumukas agad ang pintuan.
"Hi, Shane! Didn't expect to see you here."
Napanganga ako. It was Micah in an impeccable blue suit! Biglang kumabog ang dibdib ko sa excitement. Napansin kong lalo yata siyang gumwapo sa kanyang gupit. Umaliwalas kasi ang kanyang mukha dahil natanggal ang mahahabang hibla ng buhok na tumatabing sa magaganda niyang mga mata.
Napatingin din ang mga magulang ko sa direksiyon ng pintuan. Nang makilala ng mommy kung sino ang dumating bumagsik agad ang mukha nito.
"Are you stalking my daughter?" bungad agad nito.
Tila nagulat ang manager. Si Dad naman ay mukhang na-curious. Napatingin siya kay Mom saka kay Micah. Pinamulahan naman ako ng mukha.
"Mommy, h'wag n'yo akong ipahiya rito, please," bulong ko sa kanya at nginitian uli si Micah.
"Oh Mi---"
"I'm not stalking anyone, Mrs. Juarez. I just dropped by to see Mrs. Santos."
"Excuse me." At tumayo na agad ang bank manager at sumunod kay Micah.
"What was that?! Nauna tayo, ah! Sino ba iyon at uunahin n'ya pa kaysa sa atin? We were their biggest client!"
"Corazon, please!" Napahilot na ng sentido ang daddy. Ako nama'y napatayo at napalayo kay Mom. Nakatingin na ako ngayon sa kanila. Nakapamaywang pa.
"Kapag binastos n'yo pa si Micah, Mom, iiwanan ko na kayo rito ni Dad."
Aalma pa sana si Mommy pero sumilip na ang bank manager at sinabi sa amin na okay na ang request ng mga magulang ko. They are extending the load for another year at ipe-freeze muna nila ang interest.
Napanganga ang daddy. Sobra-sobra kasi iyon sa inaasahan. Si Mom naman ay hindi nakapagsalita.
"Why?" tanong ni Dad. At napatingin siya kay Mom tapos sa bank manager.
Ngumiti lang si Mrs. Santos at sinabihan kami na kailangan na niyang umalis para mapuntahan ang meeting nang araw na iyon. Pag-alis ng bank manager, sumilip uli si Micah sa amin.
"I thought you have a class today?" sabi niya sa akin.
"Umabsent ako para samahan sina Mommy at Daddy dito. Why are you here?" sagot ko. Hindi ko na inintindi ang mga pinagsasabi ng aking ina patungkol kay Micah.
"I applied for a job---as a trainee."
"Here?" Nagulat ako. "But how about your milk tea shop in Manila?"
"Trainee? Tapos manliligaw ka sa anak ko? Shame on you!"
Napakagat-labi si Micah. Hindi sumagot kay Mom. Ako naman ay napaharap sa mommy ko at napatingin nang masama. Isa pang hirit nito at wo-walk-out-an ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top