CHAPTER TEN
Shane Andrea Juarez
Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nang maalala ko na naman ang sinabi ni Micah noong isang araw na, "He knows my type." Patungkol iyon sa sinabi niyang dahilan kung bakit ako ang napili niyang maging pretend girlfriend na ipapakilala sa may sakit niyang lolo. Sa akin lang daw maniniwala ang matanda dahil alam daw nito ang type ng apo.
Type niya ako kung gano'n. Ngiting-timang na naman ako. Napa-skip-skip pa ako papunta sa banyo kung saan ang full-length mirror ko.
Tiningnan ko ang hitsura sa salamin sa banyo na nasa loob ng kuwarto ko and I like what I saw. Mula sa maitim na unat na unat na buhok na hanggang balikat, hanggang sa makinis at malasutlang kutis. Hindi man ako kasing puti nila mommy, hindi naman ako kaitiman. Kung ikompara sa karamihang Pinoy, mas mapusyaw nang di hamak ang kayumanggi kong kulay. May iba ngang nagsasabing tisay daw ako. Siguro it has something to do with my nose. Ilang beses na nga akong natanong ng iba kung nagpa-nose job daw ba ako dahil tuwid ito at well-shaped. Kasing tangos ng ilong ni Ruffa Guttierrez. Ang pisngi ko naman ay laging parang may blush on. Mainitan lang nang kaunti ay namumula na. Saka ang lips ko ay kasing sensual ng kay Angelina Jolie. Joke! How I wish na ganoon nga. Pero makapal ito in a sexy way. Charot!
Natawa ako sa mga pinag-iisip ko. Ewan ko ba. Biglang nagkaroon ng kakaibang excitement ang buhay ko. Unti-unti ko nang nakakalimutan ang bwisit kong ex na si Thijs.
Hay naku. Ang lalaking iyon. Kamakailan ay dudang-duda ako sa kasarian niya dahil close na close sa isang basketball player ng Uste tapos noong nakaraan ay nahuli kong may kahalikang haliparot sa Freedom Park sa campus! Sa ilalim ng isang puno na kaharap pa man din ng simbahan! Isipin mo iyon? Inisip siguro ng mga ungas na wala nang makakita sa kanila dahil madilim na no'n. Mag-aalas nuwebe na kasi. Pero ako'y katatapos lang mag-practice para sa isang oral presentation ng grupo namin for the next day at nadaanan ko ang mga halimaw na naglalampungan nang ako'y pauwi na.
Natigil ang pag-ikot-ikot ko sa harap ng salamin nang marinig ang pamilyar na ring tone ng cell phone. Nang tingnan ko ang tumatawag, napanganga ako. Si Micah Contreras!
Oh my God! What should I do? Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam ang gagawin. Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Manliligaw na ba ito sa akin? Bakit siya natawag? Gosh!
Nanginginig ang kamay na dinampot ko sa kama ang cell phone sabay hinga nang malalim.
"Hello," bati ko. I tried to sound cool, pero tingin ko hindi ko pa rin napigilan ang ngarag sa tinig. Nag-init tuloy ang mukha ko. Shit. Baka nahalata niyang tila natataranta ako!
"Shane? Shane Andrea? Is this you?"
Duda ang damuho. Bakit naman kaya? Inulit ko ang pag-hello.
"Oh, sorry, Shane. I thought it was someone else." At tumawa ito nang mahina.
Punyeta! Ang sarap sa tainga ang pagtawa niya sa phone! Kinilig ako ng slight.
"Natawag ka? May problema ba sa store n'yo?" sunud-sunod kong tanong. At gusto kong kutusan ang sarili dahil ang engot ng dating no'n. Kung may problema sila do'n bakit naman siya tatawag sa akin? Ano naman ang tingin ko maaari kong itulong sa kanya, aber? Pakiramdam ko naman iyon din ang iniisip niya.
Haist, Shane Andrea Juarez! Napaghalataan ka!
"The store is fine. But I'm not," sagot nito. Medyo nalungkot ang kanyang tinig. Kinabahan ako lalo. Naisip ko ang sinabi niya sa akin noon isang araw. Mayroon nga raw nirereto ang mommy niya sa kanya at gusto na nitong magpakasal sila ASAP.
Shit! Pinipikot si Micah!
"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari sa iyo?"
"My grandfather was rushed to St. Luke's again. Nandito nga ako ngayon sa ospital. Everyone---I mean my cousins are also here. They brought their girlfriends with them. I'm the only one who came alone. Lolo looked so sad. I do not think he will survive his heart attack this time unless I do something."
Mabilis gumana ng brain cells ko. May kutob na ako agad ng hahantungan ng usapan namin. Gosh. Kahit may slight akong nararamdaman sa kanya, parang hindi ko kaya manloko ng matanda. Palagay ko hindi ko iyon maitatawid. I was never a good actress. Kaya lagi ay nahuhuli ako ni Mommy kapag nagsinungaling dahil hindi ako magaling mag-act.
"Shane? Are you still there?"
"Y-yeah. I-I w-will p-pray for your grandfather's fast recovery," nasabi ko na lang.
"Thank you," malungkot niyang sagot.
"Micah Rufus! What the fact are you doing here at the lobby? Go back to your grandpa's side and make sip-sip like your cousins!" narinig kong tungayaw ng isang babae. Ang tono niya'y hindi Pinoy, pero hindi rin parang native speaker. Sa hula ko, ito ang mommy niyang Russian. Nabanggit na niya ito sa akin noon.
"Who are you talking with? Is that Lindsey? Or this mysterious girl? Get that fvcking bitch here now! I am serious Micah Rufus!" hirit pa ng babae
"Okay, Shane. Nice talking to you. I have to go now."
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Pagdating ko sa kuwarto ni Lolo, nag-iiyakan na ang mga tetya ko. Ang dalawa kong pinsan naman ay tila nagpapahid din ng mga mata. Their girlfriends looked so sad beside them. Pagtingin ko sa grandfather ko, parang piniga ang aking puso. Halos hinahabol na lamang nito ang hininga.
"Oh my God, Dad is dying!" hagulgol ng mommy ko. Pinandilatan siya ng dalawang bilas. Ang mga pinsan ko nama'y tila na-horrified sa sinabi niya.
Pinalaki kaming tatlo ng mga foreigner naming nanay, pero naniniwala naman kami sa pamahiin ng mga Pinoy na hindi dapat nagsasabi ng ganoon sa harapan ng isang nag-aagaw-buhay. Lalo raw kasi silang natutuluyan.
Hindi nakatiis ang mom ng pinsan kong si Olezka. Lumapit ito kay Mom at bumulong in Russian. Narinig ko naman ang sinabi nito. Nagpaalala lang sa ermat ko na baka nakikiramdam ang lolo ko sa amin at ang nakitaan niya ng walang pakialam sa kanya ay siya niyang tatanggalan ng mana.
I rolled my eyes. Inakala ko pa namang totoong nagmalasakit siya sa lolo. Katulad din pala siya ng mommy na puro mana ang nasa isipan. I frowned at them both.
"Oh, Daddy. You know how much we love you. Don't worry about my Micah. He is getting married soon. You will have an apo sa tuhod. His girlfriend is already pregnant!" bigla na lang ay sabi ni Mom sa tila naghihingalo kong lolo.
Miracle of all miracles, tinanggal agad ng lolo ko ang nebulizer na nakasalpak sa kanyang bunganga at napatingin sa akin.
"Is that true Alexander?" tanong niya sa akin sa malinaw na tinig. Nawala ang kanyang paghapo. Nagulat kaming lahat.
Alexander kung tawagin ako ni Lolo. Ayaw na ayaw niya ang pangalan kong Micah. Pambabae raw kasi. Dahil nga bakla ang aking ama, naging allergic ang grandfather ko sa anything feminine na maikabit sa akin sa paniniwala na baka mahawaan ako niyon. Kung siya lamang ang masusunod noon never niya raw akong pangalanan ng Micah. Katunayan, nagprotesta nga raw siyang tanggalin iyon sa birth certificate ko. Kaso ang tigas ng ulo ng mommy ko. Sa Russia raw kasi ang Micah ay pangalan ng isang makisig na lalaki. Isa pa, gusto niyang dalhin ko ang pangalan ng kanyang ama. Doon lamang daw ay makabawi siya sa hindi pagsunod sa kagustuhan nitong manatili sa Moscow at mag-asawa ng kanilang kalahi.
"Lolo? You're feeling okay now?" halos ay sabay-sabay naming tanong na tatlo. Olezka, Tobias, and I exchanged knowing glances. Ganoon din sina Mommy, Tetya Karine, at Tetya Lelyah. Ang dalawa kong mga tetyas ay mabilis na bumulong sa kanilang mga anak na bilis-bilisan daw nilang kumilos para makatabla sa akin.
No'n lang nag-sink in sa akin ang mga sinabi ni Mom. Nilingon ko ito at pinandilatan. Hindi ito nakaintindi. Nagpatuloy pa sa paghahabi ng kasinungalingan. Natampal ko ang noo.
"You did not tell us you and Lindsey Balaguer got back together!" pahayag ni Olezka. Hindi niya itinago ang pagkagulat.
"Akala ko engaged na ang ex mo sa basketbolista niyang fiance?" sabat naman ni Tobias.
Kuminang ang mga mata ng dalawa kong tetyas. Nakahalata agad sila na gawa-gawa lang ni Mommy ang kuwento. Pero siyempre, hindi na maawat si Ermat sa kasinungalingan niya lalo pa nang magpakita ng disgust si Lolo pagkarinig ng pangalan ni Lindsey. Ever since kasi ay hindi ito boto sa dati kong girlfriend. My cousins knew about it. Kaya heto at pinapamukha nila lalo kay Lolo.
"Micah and that woman are history. My son has a new fiancee now. Right, sweetie?"
"Oh Mom," anas ko sa kanya.
Hinila ko siya palabas muna ng private room ni Lolo. Doon ko na siya kinompronta sa mga pinagsasabing kasinungalingan sa grandfather ko.
"Because you were not doing something for yourself, moron! If I only depend on you, we have no future, Micah Rufus!"
Ganoon ako tawagin ng mommy ko lagi. Micah Rufus. Sinasadyang iwan ang pangalan na gusto ni Lolo. Sa totoo lang kasi, kung hindi sa mana, matagal na itong lumayas. Very controlling daw kasi ang grandfather ko. Bwisit na bwisit siya rito. Kaso kailangan din daw niyang pangalagaan ang kung ano ang para sa akin dahil mukha raw swapang sa mana ang mga bilas niya.
"But that does not justify your lies to him!" anas ko. Inis na inis na rin.
"I wouldn't have lied to your grandpa if you did something about the situation, asshole!"
Napahilot-hilot ako ng sentido. Palagay ko lahat ng cuss words ay ibabato niya sa akin hangga't hindi ko sinasakyan ang kasinungalingan niya.
Natigil ang bangayan namin nang sumilip si Olezka at sinabing tila nahihirapan na naman sa paghinga si Lolo at hinahanap daw ako.
**********
Shane Andrea Juarez
"Wow. I---I do not think I can help you with this, Micah. I thought you were just looking for a pretend girlfriend the other day?"
Napahilot sa sentido niya si Micah saka huminga nang malalim.
"My grandfather is not doing well. I do not think he will live through his birthday which is in two weeks. His lungs are getting weaker according to his doctor. His heart is no better. I think he is just trying to stay alive so he can witness my wedding."
Napasipsip ako sa straw ng Wintermelon tea ko. Kinakabahan akong nae-excite. Pasimple ko siyang tinitigan nang tumingin siya sa saglit sa glass wall overlooking Uste. Noon ko napansin kung gaano talaga ka kinis ang mukha niya. Parang walang pores! Saka ang pilik-mata niya, panalo! Nai-imagine ko na ang magiging anak namin kung sakali. Palagay ko ay pambato sa Miss U talaga kung babae. Ang tangkad kasi ng lalaking ito, eh. Sa tantiya ko mga six fee three. Kaunti lang kasi ang tinangkad sa kanya ni Thijs. Six-six ang bwisit na iyon eh.
Napaubo ako nang bigla na lang siyang bumaling sa akin. Nag-init ang mukha ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Sinikap ko to act cool. Kunwari'y hindi guilty. Kaso, bad actress nga. Ang hula ko nahalata niya. Nakita ko kasi ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi na pinigilan niya agad. He bit his lower lip to stop himself from grinning. Lalo akong nataranta. Ang sexy ng hinayupak just by doing it. Nakakainis. Napalunok ako ng sunud-sunod at nabulunan na naman ng laway kung kaya napaubu-ubo na naman.
Hinagud-hagod niya ang likuran ko. "Sorry. May mga granules ba ng upo ang tea mo?" tanong pa niya. Na ang ibig sabihin, iyon daw ba ang dahilan kung bakit ako nabulunan?
But from the look on his face, tingin ko he knew the real reason. Gusto lamang niya akong asarin. Damuhong ito!
"I'm just nineteen. Yes, I will be twenty soon, but we still need to ask my parents for their consent in case I agree with your proposal. Sure na akong hindi papayag ang mommy ko. Remember, what she said to you when she was here last time?" And I smiled at him sheepishly.
"Even if I give you five million pesos just to do it? Anyways, peke naman ang kasal natin. For show lang para kay Lolo para at least mapasaya ko siya for the remaining days of his life."
"Ha? Peke? Maaatim mong lokohin ang lolo mo?"
Pinagsisihan ko ang mga sinabi the moment I blurted them out. Paano kasi napangiti ko siya from ear to ear. Kahit sa pandinig ko para kasi akong nagpoprotesta na pepekein lang namin ang kasal.
"You know what I mean, Micah!" naiinis kong pahayag.
"Of course," sabi niya. Nangingiti pa rin. Sinimangutan ko siya. Saka lang nagseryoso ang loko-loko. Tapos inulit niya kung magkano ang ibibigay niya sa akin kapalit ng serbisyo ko. Basta pagbutihan ko lang daw ang acting.
Five million pesos! Wow! At mukhang hindi siya nagbibiro, ha!
Nag-isip ako agad kung ilang signature bags ang mabibili ko sa sinabi niyang halaga. Na-excite ako at the prospect of being able to buy something expensive for my mom as well. Kaso nga lang paano ko mapapayag ang parents ko? Hindi ko naman masasabi ang limang milyong matatanggap ko sa pagkukunwaring asawa ng lalaking ito. Natitiyak kong maiinsulto sila. Lalo na si Mommy.
"If you're worried about your parents' consent, don't be. Peke nga, di ba? So hindi natin kailangan iyon. Pwede nga ring hindi mo na ipaalam sa inyo. Total naman we will not be living together in one roof. Sasama ka lang sa akin kapag bibisitahin ko ang lolo sa ancestral house namin sa Laguna. And I only do that on weekends."
Napaisip na naman ako. It sounded tempting na. Plus ang guwapo-guwapo ng groom ko. Gosh! Kahit wala na ang limang milyon. Palagay ko, just to be married with him for a few weeks ay enough nang kabayaran. Nakaka-flatter kasi, eh. Ganunpaman...
Sasagot na sana akong bigyan pa niya ako ng pagkakataon para makapag-isip kaso humahangos na dumating ang isang foreign woman sa store at sinabi ritong tunay nang naghihingalo ang lolo niya sa St. Luke's kaya kailangan na niyang pumunta roon agad-agad. Dumampot na lang daw siya ng babaeng crew ng Edward's para ipakilala sa grandpa niya bilang nobya at nang hindi muna ito matuluyan.
"He has not signed the new last will and testament that says he is giving something for me, too. And your inheritance ---gosh your inheritance in the old will is a lot smaller than Olezka's and Tobias'!"
Tumayo agad si Micah at mabilis na nagbilin sa crew niya kung ano ang kanilang gagawin sakaling hindi na siya makabalik to help them close the store later. Ako nama'y nakaupo lang doon sa table namin. Hindi ko alam ang gagawin. Nalilito ako. Sasama na ba ako o ano? Pero ang sabi ko sa kanya'y pag-iisipan ko pa ang offer niya.
Micah glanced at me and smiled sadly. Nagpaalam siyang mauuna na raw sila ng mom niya. Halos nasa pintuan na sila nang biglang nag-about face ang kanyang ina. Bumalik siya sa table ko.
"What's your name darling?"
"H-ho? S-Shane p-po."
Hinawakan niya ako sa braso at itinayo. "Let's go, Shane. We have a job to do!"
Na-shock si Micah. "Mom, no! Let her be!" Tinanggal pa sana ni Micah ang kamay ng mommy niya sa braso ko, pero tinabig lang ito ng ina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top