CHAPTER SIXTEEN
Shane Andrea Juarez
Sabi ni Mom huwag na kaming mag-inarte ni Ate sa bago naming bahay sa Paranaque. Isang two-bedroom townhouse lang talaga ang kaya ng budget namin these days.
"You have to be thankful hindi tayo tuluyang naging homeless. At least may natira pa sa pinagbilhan ng bahay at lupa natin sa Alabang."
"But Mom, this is insanely tiny! What will my friends say?" protesta ni Ate.
Pinandilatan siya agad ni Mom. "Stop with tha fake American accent, Eileen Roselle, kung ayaw mong samain ka sa akin!"
Napakurap-kurap ako sa narinig. Napatingin pa ako kay Ate tapos kay Mom. Dati-rati'y gustung-gusto niya ang ganoong pagsasalita ni Ate. In fact, siya pa ang nag-e-encourage dito na mag-astang mayamang kolehiyala.
"Ah, basta! I hate this house!" At galit nang pumasok sa isang silid si Ate at isinara pa ito nang malakas. Nayanig ang buong kabahayan. Napabuntong-hininga ang mga magulang namin.
"You will be sharing a room with your sister, Shane. Ikaw na ang umintindi sa ate mo," malungkot na sabi ni Mom sa akin saka tumalikod ito at nagpahid ng mukha. I knew she cried. Paborito niya si Ate at alam kong nasaktan siya sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng kapatid ko.
As to my reaction to the new house? Wala. Ke ang luma naming bahay o ito, wala akong pake. Ang importante sa akin, wala na kaming utang. Or so I thought.
Nang gabing iyon mismo naulinigan kong nagtatalo sina Mommy at Daddy. Maiilit din pala ang dalawa pa naming restaurant. Inakala kong mase-save sila nang ipagbili ang mansion namin sa Alabang. Hindi pala.
Dahil nag-aalala na baka unti-unting maubos lahat ng bangko ang kabuhayan namin, hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ang ending pumasok akong nangangalumata kinabukasan.
"Anyare sa iyo, bulinggit?" usisa agad ni Eula nang magkita kami sa school cafeteria for breakfast.
Napabuntong-hininga ako sabay himlay ng ulo ko sa mesa. May sumalat sa noo ko't leeg.
"Normal naman ang temperatura mo. What's the problem?" si Eula uli.
"We're poor," sagot ko sa mahinang tinig.
"What?" Si Keri naman. Natigil ito sa pagnguya ng baked mac na isinubo.
Napaupo ako nang matuwid at kinuwento ko sa kanila kung ano ang pinagkaabalahan ko nang weekend na iyon. Siyempre, hindi ko isinama ang pagpasyal ko sa beach nila Micah. Iyong tungkol lang sa paglipat-bahay namin noong Sabado pagkagaling ko kina Micah sa Batangas ang kinuwento ko.
"As in?! Wala na kayo sa mansion n'yo sa Alabang? Kailan pa?" sunud-sunod na tanong naman ni Felina habang sumisipsip sa apple juice na nasa tetra pack.
"Noong Saturday night lang. Pagkagaling ko sa---I mean, gabi kami lumipat. Ayaw nila Mommy na may makakita sa amin sa paglipat sa bago naming bahay sa Paranaque."
Inakbayan ako ni Eula saka pinisil-pisil sa balikat.
"Don't worry. I'm pretty sure na malalampasan ninyo ito."
Tumango ako kay Eula although I was not as optimistic as her.
"But your ate---," at may pinakita sa aking FB post ng ate si Felina, " here. It looks like old house ninyo ito. Mukhang doon pa rin kayo nakatira. Bagong kuha lang ito, eh."
Tiningnan ko ang date ng pics. Oo nga. It was taken this morning. Napabuntong-hininga na naman ako at napailing-iling. Sa isipan ko, sumaglit pa ang ate doon kanina? Kaya pala ang aga nagising!
"Noong Sunday pa kami nakaalis diyan. Baka sumaglit ang ate diyan kanina at nagpakuha ng pics. Alam n'yo naman iyon."
"Di ba may boyfriend ang ate mo na banker sabi mo?"
"Hindi. Kaibigan niya. Ang kay Ate ay isang malayong kamag-anak ng mga Razon."
"O, baka matulungan ang ate mo ng boyfriend ng friend niya."
Umiling ako. "My sister will never admit to them na naghihirap na kami."
Napangiti si Eula. "True. Ganyang-ganyan ang pagkakilala ko kay Eileen. Siguradong mas nanaisin no'n na magkunwaring same-same pa rin ang lahat."
Naging kaklase kasi ni Eula sa high school ang ate kaya alam niya ang likaw ng bituka nito. Totoo ang sinabi niya. Never as in NEVER EVER na aaminin ni Ate na naghihirap na kami. Mas gugustuhin pa no'ng magpasagasa sa tren kaysa sabihin sa mga kaibigan na hindi na kami nakatira sa dati naming mansion sa Alabang.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Nagulat ako sa nabasa kong dokumento nang umagang iyon. That was one of those days na sumasaglit ako sa bangko namin para pag-aralan ang pasikot-sikot nito. Ang sabi kasi ni Lolo, isa iyon sa mapupunta sa akin gayong hindi niya nagustuhan ang pinakita sa kanya ng dalawa kong pinsan na sina Toby at Olezka. Masyado raw silang bulagsak sa pera to be trusted to handle a bank business.
"Sigurado ka ba rito?" tanong ko sa manager habang hawak-hawak ang dokumento na nagsasabing nailit na ng bangko namin ang nakasanglang bahay at lupa ng mga Juarez sa Alabang.
Saglit lang na pinasadahan ng manager ang hawak kong dokumento at tila walang interes na tumango. Noong isang buwan pa raw dapat iyon kaso nagmakaawa raw sa kanila si Mrs. Juarez kaya binigyan nila ng palugit.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Kaya pala nagamadali siyang maihatid ko noong nakaraang Sabado. Iyon pala'y kinailangan na nilang lumipat ng tirahan agad-agad.
"How much do they owe us?"
Napa-double-take ang manager sa hawak kong papel. Kanina pa kasi ito may sinasabi tungkol sa mga proposed strategies to improve the bank's performance pero heto ako't hindi pa rin nakaka-move on sa kapirasong papel na hawak-hawak. She is beginning to look bored with my questions. Gayunman, sinikap niyang pagbigyan pa rin ako.
"Four hundred million pesos, sir."
"What was the original amount? I mean before you applied the interest and all?"
"It started with two hundred fifty million pesos. On the first year, okay naman ang payment nila. Nitong huling dalawang taon lang nagsimulang pumalya ang paghuhulog nila."
"Two hundred fifty..."
Hindi ko gusto ang ugali ni Mrs. Juarez. Maasyadong mapagmataas. If I haven't met her daughter, Shane, I would have gloated over this news.
Matapos akong ma-orient ng bank manager tungkol sa mga routine ng bangko saka sa mga proposed strategies nito, nakipagpulong ako sa iba pang opisyales nito. I spent the entire day with them. Almost three in the afternoon na nang lumuwas ako ng Maynila at madilim na nang makarating ako sa Edward's.
"Sir, she has not visited the store the entire day," salubong agad sa akin ng isa sa mga crew ko. Pinanguntuan ko siya ng noo. I pretended I didn't know what he was talking about. He seemed confused nang magpakita ako ng kawalan ng interes sa binalita sa akin. Napakamot-kamot pa siya ng ulo. He was thinking siguro na makaka-score siya sa akin. Ang dinig ko sa tuksuhan nilang magkakatrabaho ay gusto sana nitong humirit ng early off for the night.
"You stay behind tonight, Michael," sabi ko.
"Ho? Sir? Bakit po?" Lumukot ang kanyang mukha. Sabi ko na nga ba.
"We have a lot of things to talk about. Sabihan mo na rin sina Lester na maiwan din."
I heard some 'ugh'. That's when I kind of overheard some whispering about something. Napalingon ako mula sa pagtitimpla ng isang order ng wintermelon milktea. Napatingin ako sa mga bagong dating na base sa uniporme ay alam ko nang mga kolehiyala. Ang isa sa kanila ay parang pamilyar. And she was kind of crying. Medyo namumula ang kanyang mga mata habang hinahagud-hagod ng kasama ang likuran.
"I'm so over now," sabi ng babaeng pamilyar ang mukha. Suminga ito sa binigay sa kanyang panyo.
"Don't say that. I'm sure you are still the 'It' girl. Tahan na, couz."
Hindi nakasagot ang babaeng sumisinghot-singhot dahil nag-ring ang phone nito. Pagka-hello nito, nangunot lalo ang noo. Tapos ay parang binagsakan lalo ng langit at lupa.
Inakay na siya ng dalawang kasama sa pinaka-secluded naming mesa sa farthest corner ng shop. Sa pagmamanman ng mga tsismoso kong crew, napag-alaman kong nakipag-break ang boyfriend ng babae sa kanya on the phone. Tapos napag-alaman din nilang basta na lang ito iniwan ng mga kaibigan at hindi na inimbitahan sa mga parties. When I learned about the issue, I rolled my eyes. Ang 'lalim' masyado ng pinagsisintir ng babae. Napailing-iling na lang ako.
"Ako na ang mase-serve ng tea nila, mga tsismoso," asik ko sa dalawa kong crew na lalaki. Nagbungisngisan sila at tinukso pa akong gusto ko lang daw na personal na ako ang makasagap ng scoop. I frowned at them.
Ganoon kami sa shop. All my crew are so comfortable with me that they can tease me with just anything. Saka ganoon din ang shop namin. Puntahan ng mga sawi o inaapi sa buhay. Lagi na lang may ganap doon.
Just when I thought she was simply just one of those girls with trivial problems, may niluwa ang front door na nagpa-double take sa akin. Ang babaeng kinaiinisan ko. Si Mrs. Juarez. Tuluy-tuloy ito sa mesa ng babaeng nag-e-emote.
"Ano ka ba naman, Eileen! Pinakaba mo kami ng Dad mo. Dito ka lang pala? Why the hell did you skip your piano lessons? Nag-alala ng husto ang teacher mo. Akala niya na-kidnap for ransom ka na. Gosh! Hindi ka nag-iingat. Ang daming masasamang loob na naglipana sa sosyedad natin ngayon! Why did you even have to make takas from your bodyguards?"
Make takas from the bodyguards?
Mrs. Juarez looked around her as she was delivering those lines. Akala naman ay may interesado sa pagyayabang niya. Muntik na akong mapangiti.
"Mom, we no longer---"
"Ssshhh," putol ni Mrs. Juarez sa sasabihin ng anak at pinagalitan nito ang dalawang kasama ng dalaga. May sinabi pa ito at doon ko napagtanto na siya ang ate na sinasabi sa akin ni Shane. Totoo nga namang may hitsura. Mestisahin. Makinis ang balat. At higit sa lahat, magaling magdala ng damit. She really looks the part---I mean ng pagiging mukhang anak-mayaman.
Ngayon ko naiintindihan ang sinasabi ni Shane na insecurities, though I still think mas may dating siya sa ate niya. Pero sa isang sosyedad na kagaya ng Pilipinas, mas lamang lagi ang maputi.
Dahil nagsitayuan na ang mga kolehiyala girls and Mrs. Juarez, lumapit na rin ako sa table. Sana to clear the table. Pero nang makita ako ng ginang, she recognized me immediately.
"Ikaw na naman? Hindi ba ikaw ang ---"
Before she could complete her sentence, na alam kong pang-iinsulto na naman, Shane came rushing to the store.
"Mommy! Ate!"
Then, she saw me. She smiled at me right away. May naramdaman akong parang warm breeze na sumalubong sa akin lalo pa nang lumapit siya at mag-a-attempt siguro sanang magpaliwanag, pero mabilis siyang nahila ng kanyang ina.
Napalingon sa akin ang ate niya. No'n lang ako na-recognize. May binulong ito kay Shane to which the latter simply nodded.
"Oh my God!" narinig kong naibulalas ng ate niya. Parang hiyang-hiya.
Kahit na tiningnan ako nang masama ng ina, I walked them to the door.
Nang makaalis na ang mag-anak saka ko lang pinalinis ang table nila. Ang inorder na milk tea ay halos hindi nagalaw ng tatlo. Nanghinayang ako. Pero alangan namang i-recycle namin. Binigay ko na lang sa homeless people na nasa tapat ng store.
Makaraan ang ilang minuto, tumawag sa akin si Shane at nagpaliwanag. Sinabi niyang kaya pala nagkaganoon ang ate niya ay dahil halos itinakwil ng mga kabarkada and all because of some financial problem. Hindi nito binanggit ang tungkol sa pagkakailit ng bangko sa mansion nila at iba pang ari-arian. Sinabi rin nito na iniwan din ng boyfriend niya ang ate niya sa panunulsol ng ina ng lalaki. Napabuntong-hininga na lang ako.
Since I spent most of my childhood in Russia, this is something I don't really understand about Filipinos. Sure, may mga pangmamata rin sa kapwa na nangyayari sa kinagisnan kong kultura pero itong sa Pilipinas ay parang extreme lalo na ang pagtingin sa kulay ng balat para basehan kung yayamanin ba ang tao o hindi.
Pagka-alas otso impunto, isinara ko na rin ang store at imbes na balak ko sanang pulungin ang mga tauhan, I decided to let them go home early. Naisipan kong imbes na tumuloy na sa condo ko sa Makati, I dropped by my friend's restobar muna. Commotion agad ang nadatnan ko roon. Parang may nagpupumilit daw na pumasok o maki-join sa isang grupo.
"What the hell is going on?" tanong ko sa kaibigan na siyang may-ari ng restobar.
Binigay niya muna sa akin ang inorder kong drinks saka nilapitan ang commotion. Bumuntot na rin ako sa kanya. That's when I saw the girl, 'Eileen'. May humihila sa kanya habang tila pinagsasabihan siya ng grupo ng mga mean girls and their partners.
"Shane?" tawag ko sa humihila sa babae nang makilala ko ito.
"Micah!"
Nabaling sa akin ang atensyon ng lahat pati ng kaibigan ko.
"You knew the girls?" hindi makapaniwalang tanong ng friend ko sa akin.
Tila nagulat ang mga babaeng nandoon including their partners. Nginitian nila ako nang ubod-tamis. I do not know where I met them from. At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagtanggap nila sa akin.
**********
Shane Andre Juarez
Sabi ko naman sana kay Mommy, kunin na lang muna niya ang susi ng kotse ni Ate nang hindi ito makaalis sa bahay nang gano'n-gano'n lang. Ayaw maniwala. Nag-promise na raw kasi ang kapatid ko sa kanya na hindi na ito magpupumilit na maki-join pa sa mga kabarkada na simula nang malamang naghihirap na kami'y they dropped her like a hot potato.
Heto tuloy. Imbes na nag-aaral ako para sa exam ko kinabukasan ay kinailangan kong sunduin siya sa Freddie's sa Makati dahil napag-alaman kong nagpupumilit siyang maki-join sa private party hosted by her former kabarkada.
Pagmamasdan ko lang sana siya habang hinihiya ng mga dati niyang kaibigan nang hindi ko natiis nang pagmalakihan siya ng ex-boyfriend at ipangalandakan nito sa kanya ang pinalit na ramp model na apo raw ng isang senador.
"Ate, 'lika na!"
"No! Let me be!"
"Ano ba! Pinapahiya mo sarili mo!"
"Go, Eileen! We do not need you anymore! Ang poor-poor mo na eh nagsusumiksik ka pa sa amin! This group is strictly for the elite," maarte pang sabi sa kanya ng dati niyang tinaguriang BFF. I cringed. Kasi noon nakikikain pa ito at nag-o-overnight sa bahay.
That's when Micah came to the scene. Nahiya ako sa nasaksihan niya. When the owner of Freddie's asked him if he knew us, inasahan ko nang ide-deny niya ako. Sino ba naman ako? Saka medyo nakakahiya ang ginawa ng ate na pagsusumiksik sa grupo ng dati niyang kabarkada only to be told she does not belong to the group anymore.
"Yes, I know them."
Hinila ako ni Micah nang akmang itutulak sana ako ng ramp model girlfriend ng ex ng ate ko.
"Shane is my fiancee," walang kaabug-abog na sagot ni Micah.
Napa-huwwaattt lahat ng nandoon. Pati ako'y napanganga rin. Hindi niya lang ako kinilala. Proud pa siyang nagsabi na nobya niya ako. Umurong tuloy ang luha ni Ate at ang ngiti ng mga dating kabarkada ng kapatid ko ay tila nauwi sa pagngiwi. I have never been so proud of myself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top