CHAPTER SEVENTEEN

Shane Andrea Juarez

Ang sabihing nagulat si Ate sa narinig kay Micah ay isang understatement. Grabe ang pagka-shock niya to the point na tila nawala bigla ang kanyang kalasingan.

"What did you say? Fiancee mo ang kapatid ko?"

Hindi na boses-lasing si Ate at nawala ang atensyon nito sa ex at sa pinangangalandakan nitong girlfriend. All eyes na ito ngayon kay Micah.

"You heard me," malumanay na sagot ni Micah saka tumingin siya sa akin. For a while, I saw the gentleness of a lover in his eyes, pero nang kumurap ako'y ibang Micah na ang nakita ko. Aloof na siya at parang matter-of-fact na lang ang tono ng pananalita habang pinapaliwanag niya sa kapatid ko na totoo iyong narinig nito.

"Saka na natin ipaliwanag kay Ate," sabi ko sa kanya sa mahinang tinig.

"No! I want to hear it now!"

"Ate, naman, eh. Halika na!"

"No, we don't believe you," sabat naman ng boyfriend nito at ngumisi pa ito kay Micah. "You just want to make us believe these Juarez sisters still have something to be proud of. Saka, ano na lang ang sasabihin ng lolo mo? Ng mommy mo? I heard they only want someone from a buena familia for you kaya h'wag mo na kaming lokohin just to save these two."

Nangunot ang noo ni Micah.

"My abuelo already met Shane here and he was very pleased with her. And what is it to you anyway? Ka lalaki mong tao ang tsismoso mo."

Masuyo akong hinawakan ni Micah sa kamay at hinila palayo roon. Hinablot ko ang braso ni Ate and I forcefully yanked her away from her old friends. Hindi na siya nagpumiglas pa. Marahil mas nanaig sa kanya ang curiosity tungkol sa amin ni Micah.

"I'll drive you home. The two of you."

"Nakainom ka. I can smell something from your breath."

"I can ask somebody to drive for us." At dinukot na nga nito ang cell phone sa bulsa at may pinindot doong numero. Mayamaya pa naririnig ko nang nakikipag-usap siya sa isang company representative that provides drivers for people who cannot drive their cars for the reason that we have now.

"Hindi ba si Micah Contreras ito?" pabulong na tanong ni Ate sa akin. She seemed excited.

"Oo," sagot ko sa mahinang tinig.

Namilog ang kanyang mga mata. "No!" naibulalas niya. And she giggled. Tila nakalimutan niya ang nangyari sa loob where she was rejected by people who used to vow to her wishes. Bigla rin akong naalarma sa nakita kong kislap sa kanyang mga mata. Parang may ibang pakahulugan.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Medyo nahiya si Shane nang dumating na kami sa tapat ng bago nilang bahay. Para sa akin, hindi naman dapat ikahiya iyon. Though it doesn't look luxurious like the old one, it's not for poor people as well. Two-storey ang townhouse nila. Spacious din naman ang bakuran. In short, comfortable din namang tirhan sa tingin ko.

"Please come inside, Micah. I'm sure Mom will be pleased to see you," malambing na paanyaya sa akin ng ate ni Shane na si Eileen. She even grabbed my arm and pulled me towards their gate as soon as I got off the car.

"No. Hindi na kailangan. As soon as the two of you are in your house, aalis na rin kami ng driver."

"Hindi. Come. Ipapakilala kita kay Mommy."

Napasulyap ako kay Shane na tahimik lang sa aking tabi. Nang magsalubong ang mga mata namin, she smiled at me awkwardly. She mouthed an apology pa at parang nahiya sa inasal ng kapatid. Pero hindi rin naman niya ito inawat.

Mayamaya pa, sumilip sa bintana ang mommy nila. When she saw us, pinailawan niya ang porch. Tapos lumabas ito nang naka-bathrobe lamang na pink. Pagkakita niya sa akin, tumalim ang kanyang paningin. She stared at me angrily.

"Ikaw na naman?" naiinis niyang salubong sa akin.

"Mommy, this is Micah Contreras. Apo siya ni Don Faustino Contreras. You know." And she gave her mom a knowing smile.

May kung ano akong naramdaman sa loob-loob ko. Naisip kong kilala nila si Lolo. Well, kung tutuusin sino naman ang hindi nakakakilala sa lolo ko lalo pa kung ito'y negosyante? For sure, they've heard of him kasi bukod sa marami itong negosyong paupahan na gusali at stocks sa kung anu-anong malalaking kompanya, mayroon din itong bangko sa buong Calabarzon.

Pagkarinig ni Mrs. Juarez ng pangalan ni Lolo biglang nangislap ang mga mata nito. Tila bagang nakakita ng cash register.

"Is he your friend?" tanong nito kay Eileen as if Shane and I were not there.

Ngumiti nang matami si Eileen at lumingon pa sa akin. "Even better, Mom."

Napilitan akong pumasok ng bahay nila. Tahimik pa rin si Shane sa isang tabi kahit nang parang pinagkaguluhan na ako ng ate niya't mommy. Akala ko she will remain quiet all evening, kaya natuwa ako nang sa wakas ay magsalita rin siya.

"Mommy, Ate, ano ba? Nakakahiya," saway niya sa dalawa sa mahinang tinig. Tapos binalingan niya ako at hiningi sila ng paumanhin.

"What's wrong with what we're doing? Ini-estima nga namin ang bisita mo, eh." At inirapan pa siya ng ate niya. "Mommy, may nililihim sa atin ang babaeng ito. Biruin mo? She's engaged na! And guess who's the fiance? Micah Contreras!"

Napanganga si Mrs. Juarez. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin ni Shane tapos nagulat ako nang bigla na lang siyang napahalakhak.

"No! That's not true at all. Ikaw naman. Hindi ka na mabiro ng kapatid mo. Alam mo namang may pagka-pilya ito, eh."

Then, she looked at me and smiled. She even apologized! H'wag ko raw pansinin ang pagiging ilusyanada ng kanyang bunso. Ako naman ngayon ang nagulat. Siyempre, she was very disrespectful to me the last time I saw her in Edward's. In fact, ininsulto pa niya ako. Napagkamalan niya kasi akong crew lang ng milk tea shop ko at inakala pa niya na pinopormahan ko ang kanyang bunso.

"That's true po. Shane and I are---"

"C'mon, hijo! H'wag kang magpatawa. Between my two daughters alam ko kung sino ang nababagay sa iyo."

I was shocked when she glanced at her eldest and smiled sweetly. Nagpalitan sila ng ngiti. I caught Shane rolling her eyes. Nang magtama ang paningin namin, nakitaan ko ito ng lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi naman siya nagpakita ng reaction sa ina't kapatid.

**********

Shane Andrea Juarez

"What?! Sinabi ng mom mo iyon?"

Nagtalsikan sa mesa ang crumbs ng toasted bread na nginunguya ni Felina pagkarinig sa kuwento ko. Namilog ang kanyang mga mata sa pagka-shock.

"I cannot believe your mom has the audacity to ship your sister with the boy you are going out with. Wala man lang kaunting hiya? Nandoon pa naman si Micah. Hindi ba dati ay nilait-lait niya ito?"

"Ano balita?" bati sa amin ni Eula sabay upo sa pagitan namin ni Felina. Hinalikan niya kami pareho sa pisngi.

"Ano ba? Lesbiana na?" angil ni Felina sabay siko rito nang bahagya. Pinahiran ni Taba ang pisnging namasa-masa. Sinadya kasi ni Eula na mag-iwan ng wet kiss mark sa pisngi nito. Bumungisngis lang ang lokaret naming kaibigan.

"Mukhang may sekreto kayong dalawa, ha?"

"Heto nga si Shanitot. Nagkuwento na ang bino-boyfriend ay gustong ireto ni Mommy kay Eileen."

"Si Micah Contreras? No!"

Malungkot akong tumango.

"Kanina nga ay hiningi nila sa akin ang number ni Micah. Ayaw ko sanang ibigay. Kaso, pinagalitan ako ni Mommy. Hindi raw kami bagay no'n dahil he's older than me by at least five years. Mas bagay daw iyon sa ate ko."

"The nerve! Grabe naman si Mommy."

Napabuntong-hininga ako. Bago ko pa madugtungan ang kuwento, nakatanggap ako ng text kay Micah. Iniimbitahan daw siya ng Mommy sa bahay for dinner nang gabing iyon.

"Shit!" naibulalas ko agad dahil mayroon akong panggabing klase. Alas nuebe kasi ako natatapos kapag Monday and Thursday.

"Bakit?"

Sinilip ni Eula ang text ko. "Mommy naman, oo! Grabe na iyan."

"Di ba may panggabi ka ngayon?" komento naman ni Felina nang malaman kung ano ang text sa akin ni Micah.

Napabuntong-hininga na naman ako.

"You cut classes, sweetie. Hindi pupwedeng ate mo lang ang nandoon," suhestyon agad ni Eula. At iyon na nga ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung nag-text pa uli sa akin si Micah dahil pagka-noon time, namatay na nang tuluyan ang cell phone ko. Hindi ko pa naman dala ang charger. Supposedly, uuwi na rin sana ako no'n kaso lang nakipag-meeting sa akin ang mga kagrupo ko para sa isang project namin sa major class. Hindi ako makatanggi dahil iyon lang daw ang free time nila. Dahil nag-commute lang ako at na-traffic mula Lawton to Taft, halos mag-aalas siyete na nang ako'y makarating ng bahay. Maliwanag na maliwanag na ang porch pagdating ko ng bahay, which we rarely do recently dahil nagtitipid kami sa kuryente. Hindi ko na kailangang makita ang sasakyan doon ni Micah to know naunahan niya ako sa bahay.

"Shane!"

Micah sounded relieved to see me. Napakurap-kurap naman ako nang makita ko siyang nakaupo sa couch with Ate, Mom, and Dad.

Tumayo si Micah at sinalubong ako. Sinabi niya sa akin na dumaan daw siya kanina sa school para sabay na sana kaming makauwi, pero hindi niya ako nakita.

"I texted you several times. But you were not replying. Kumain ka na?" tanong niya agad sa akin.

Napatingin muna ako sa pamilya ko na nakatitig na sa aming dalawa bago sumagot sa mahinang tinig ng, "Hindi pa." Pinaliwanag ko na rin kung bakit hindi ako nakasagot sa mga texts niya.

Bahagyang pinangunutan siya ng noo saka saglit na napalingon sa tatlo.

"Akala ko nag-dinner na kayo ng mga friends mo?" salubong naman ni Mommy sa akin sabay kuha ng backpack ko. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Hindi ba iyon ang sinabi mo kanina sa text sa ate mo?" dugtong nito. Ibinulong iyon sa akin.

When I glanced at Ate, I saw her frowning a bit at me. Nang magtama ang paningin namin ngumiti siya sa akin nang ubod tamis.

"Naku, lika na Shane. I helped Mom cooked the chicken piccata we had for dinner. Ang sarap niya talaga. Sabi ko nga kanina kay Mom, kahit nag-dinner na kayo nila Eula, tirhan ka pa rin namin. Come. Ipaghahain kita."

"Hindi kami nagdinner---"

"Sshh. Come." At hinila na ako ni Ate papuntang kumedor. The moment Micah was out of earshot, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ano ba? Pinapahiya mo kami kay Micah, ah!"

"Anong pinapahiya, Ate? Look at what you guys are doing? Pareho na kayo ni Mommy. Kayo mismo ang nagpapahiya sa mga sarili ninyo!"

"Stop being arrogant! Akala mo naman gusto ka ng lalaking iyon!"

Nanlalaki ang mga mata ni Ate sa galit pati na ang butas ng kanyang ilong. No'n ko lang napagtanto na desido nga itong masilo si Micah para maipagyabang sa mga kaibigan at dating nobyo na mukhang in awe sa mga Contreras. For the first time in my life, naawa ako kay Ate.

Hindi ako naniniwala na she was falling for Micah. Alam kong may pagtingin pa rin siya kay Kuya Lester. Ilang taon din niyang naging crush iyon hanggang sa tuluyan na siya nitong ligawan. Kaya nga sobrang nakakalungkot na after malaman ng hunghang na iyon ang nangyari sa pamilya namin pinagpalit niya agad si Ate sa iba.

"Ate, Micah is a very good friend. Oo, tama ka. Hindi naman kami tunay na magnobyo. We are simply pretending to be one for his lolo."

Namilog ang mga mata ni Ate. Ang bilis magbago ng mood niya. Nagustuhan niya ang sinabi ko kaya halos ay mapayakap siya sa akin.

"If that's the case, okay lang sa iyo na ligawan niya ako?"

"Ligawan ka niya? Agad-agad?"

"Oo naman. Matagal ko na siyang kilala. At least in name. Naririnig ko na ang pangalan niya sa mga kaibigan ko saka nakita ko na rin ang picture niya noon sa isa kong kaibigan. Kay Giselle. Totoo ngang ang guwapo pala niya."

Kinilig pa si Ate sa huli niyang sinabi.

"O, maupo ka na."

At pinaghainan na niya ako ng niluto nilang chicken piccata. Paborito ko sana iyon lalo pa't ang creamy ng gawa nila ni Mommy, pero nawalan na ako ng gana. Tumikim lang ako ng kaunti saka nagpaalam na rin. Si Micah ay nasa couch pa rin at kausap ng parents ko nang madaanan ko sa sala. He looked bored already kaya nang makita niya ako, napatayo siya agad. He seemed so relieved to see me. Parang katulad kanina. Hiyang-hiya na tuloy ako sa pinaggagawa ng pamilya ko sa kanya.

"Mom, Dad, saglit lang, ha? Kakausapin ko lang muna si Micah."

Tumango agad si Daddy. Halos ipagtabuyan na kami. Si Mommy ang medyo nairita. Siniko nga nito nang bahagya ang ama ko. Pero hindi na ako nagpaawat sa kanya. I grabbed Micah's hand and brought him to our porch.

"Pasensya na sa family ko, ha? I hope hindi ka nila binore nang husto. Sana hindi ka na lang pumunta. Bakit hindi ka nagdahilan?"

Napabungisngis si Micah. "I want to know you better, Shane."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Weh?"

Tumawa siya at pinisil ang baba ko. Lalo siyang pumogi dahil sa kislap ng kanyang mga mata.

"Mom is not always like that. I mean, iyang pagiging mukhang pera niya. It all started when we lost our first restaurant. Niloko kasi kami ng isa naming kamag-anak na pinamahala ni Mommy ng branch na iyon. Bukod sa malaki ang nakuha sa aming pera, nag-iwan pa ng malaking utang. Hindi na namin siya ma-trace kaya hindi na nahabol pa."

"Don't apologize for your mom. I do understand. Okay lang din sa akin. Nagtitiis ka rin naman sa Mommy ko, right?"

Nang maalala ko ang kaartehan ng mom niya, ako naman ang natawa. Nagtatawanan kaming dalawa nang datnan ni Ate sa porch. Nakahalukipkip siya habang nakatingin nang masama sa aming dalawa ni Micah. O baka tingin ko lang iyon? Ewan ba. Bigla akong natakot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top