CHAPTER ONE

Shane Andrea Juarez

Sabi ng mga maharot kong kaibigan dapat ko raw ihanda ang sarili ko dahil sooner or later ay uungot na si Thijs na mag-ano kami. Alam n'yo iyon? Iyong ano? Just the thought of being intimate with Thijs Jansen, a drop-dead-gorgeous Dutch exchange student makes my heart flip. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kay Thijs? Siya ang kabuuang pangarap ng mga babaeng mahihilig sa foreigner. Blonde with blue eyes, matangkad, wide shoulders, at ang mga muscles ay nasa tamang lugar. Sa biglang tingin ay aakalain mong isa siyang Hollywood star. Complete package kasi. Guwapo na'y maganda pa ang pangangatawan. Saka atheletic. Katunayan, siya lang ang puting foreign student na kasama sa basketball team namin. Kaya nang ako ang piliin niya na maging girlfriend daig ko pa ang nanalo ng jackpot sa Lotto. Ang taas ng talon ko. Pero a few months after, ang kasiyahan ko'y dahan-dahang naibsan.

"Hoy! Shanitot!"

Napakurap-kurap ako sabay tingin kay Eula. Siniko niya kasi ako at ngayo'y pinangungunutan na. She held my chin and moved my head from side to side. Sina Felina at Keri ay nakamasid din sa akin nang parang nagtataka. Napabuntong-hininga naman ako.

"Ano'ng nangyayari sa iyo? Kanina ka pa walang kibo." Si Eula uli. Binitawan na niya ang baba ko. Dinampot niya ang isang big Mac at kinagat iyon with gusto. Ako naman ngayon ang napakunot-noo sa kanya. Noong isang araw lang kasi ay sinabi nito sa amin na magda-diet na't ang bilis daw ng pagtaba niya. Nakakita tuloy ako ng maaari kong gawing pang-iwas sa tanong niya.

"Akala ko nagda-diet ka?" sabi ko.

Natawa sina Felina at Keri. "Bukas na lang daw ulit siya magsisimula," sagot ni Keri habang umiiling-iling. Kapiranggot na fries lang ang kinain niya for lunch at okay na raw siya. Si Felina nama'y lumantak sa isang big Mac tapos may value meal pang kasama. Ito ang pinaka-masiba sa aming lahat. Ako lang ang nagkasya sa iced tea. Wala akong ganang kumain ng anything solid. Ang dami kong inaalala.

"Hindi ba si Thijs iyon?" bigla na lang ay sabi ni Felina sabay turo sa may bandang harapan ng McDo, sa direksiyon ng unibersidad namin.

Humaba ang leeg ko sa kakatingin sa sinasabi niya ngunit wala akong nakita. Mabilis naman dapat maispatan si Thijs dahil bukod sa matangkad ito sa karaniwan, kulay mais pa ang buhok. Nang marinig ko ang bungisngisan ng mga kaibigan saka ko na-realize na inuuto lang ako ni Felina. Sinimangutan ko siya.

"Sinasabi ko na nga ba. It's about Thijs, right?" sabi pa nito.

Sumipsip ako sa iced tea ko, pero hindi ako kumibo. From the corner of my eye, siniko ni Eula nang bahagya si Tabachoy. Tila pinatatahimik nila ito ni Keri. A few moments after nga'y iba na ang pinag-uusapan namin. Si Sir Maurr na.

Much as Sir Maurr looked hot and handsome, too, I do not find him attractive. Hindi tulad ng iba riyan. Nineteen lang kasi ako at dinig ko'y twenty-eight years old na si sir kung kaya matanda na ang tingin ko sa kanya. Kaya walang effect ang sinasabi nilang charm niya sa akin.

"What's the problem?" deretsahang tanong na ni Eula nang hindi ko mapigilang mapabuntong-hiningang muli. Seryoso na ang tono at mukha nito. Ganoon din ang dalawa pa naming kaibigan. Hindi ko na tuloy nailihim ang pinag-aalala ko.

"Bakit gano'n?" tanong ko.

"Ang ano?" pakli ni Felina habang kumakagat ng fried chicken niya.

"I slept in Thijs' dormitory last night," pabulong kong sabi sa kanila.

Natigilan sa pagnguya si Felina. Si Eula at Keri'y natigil din sa pagdampot ng fries sa harapan nila. Namilog ang kanilang mga mata.

"Totoo ba? Ganito siya talaga?" At pabirong dinangkal-dangkal ni Eula ang kanyang kanang braso sabay hagikhik. Nagbungisngisan sila ni Keri. Si Felina lang ang tahimik. Siguro'y ini-imagine ang pangyayari.

"He said he respects me," sabi ko. Malungkot.

Napanganga sina Keri at Eula. Si Felina'y mukhang nagulat.

"Ang ibig sabihin ay ni hindi niya hinawakan kahit dulo ng daliri mo?" may himig pagbibirong tanong ni Eula.

"We kissed a few times and then he moved to the couch. Doon siya natulog. Sabi niya kasi'y hindi kami dapat nagmamadali dahil---dahil ang bata ko pa."

Nagkatinginan ang tatlo. Nahiya ako. Baka iniisip nilang ganoon ako ka-unattractive na kahit boyfriend ko'y ayaw akong galawin. Kaiba sa ini-expect ko ang ginawa ni Thijs kagabi. Parang---ewan ko ba. May kutob akong may ibang nagbibigay sa kanya no'n kung kaya hindi niya magawa sa akin. Kaya ito ngayon ang pinoproblema ko. Dahil sigurado akong may iba na ang boyfriend kong iyon!

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" tanong ni Keri kay Eula. Tumangu-tango naman agad ang Yolanda Ysadora. Saka sabay nila akong tiningnan ni Keri. May napansin daw ba akong umaali-aligid kay Thijs lately? Umiling ako agad.

"Sure ka? Tsinek mo ba ang cell phone niya? Malay mo naman? Discreet lang pala siya," sabad naman ni Felina.

"Why would I do that? That's too much na. Saka baka mahuli niya ako. How would I explain it?"

"Boyfriend mo naman ang tao. So maybe, okay lang iyon," sabi naman ni Eula.

"Do you do that with Sir Maurr?" tanong ko kay Eula kasi alam kong nagsasama na sila ni sir sa condo nito dahil kasal na raw sila sa huwes.

Natahimik ito. Kaya alam kong hindi niya rin pinakikialaman ang cell phone ng asawa niya kahit selos na selos siya kay Ms. Mary, ang professor ko sa Speech Communication.

"Kung ako sa iyo, manmanan mo siya. Baka may iba nang tinitira sa ibang campus iyon. Ang alam ko kasi'y dumadayo sila sa Uste para maglaro ng basketball," payo sa akin ni Eula. She must know this dahil best friend niya ang team captain ng basketball team namin. Alam ko rin iyon, pero hindi pa iyon sumagi sa isipan ko. Iba kasi ang kutob ko. But then again, maybe Eula is right. I hope that she's right.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Isinasara na namin ang Edward's nang maispatan ko si suki. She looked gloomy. Mababanaag sa magaganda niyang mga mata na parang may iniindang problema. Bakit kaya? Bumagsak ba ito ng exam? Ang alam ko'y maraming nagbagsakan sa test nila sa Math in the Modern World kamakailan. Kaya nga noong isang araw hanggang kanina'y puno ang store. Nagpapakalasing na lang sa milk tea ang mga estudyante. But then, she wasn't here today. Which is strange. Sa isang araw kasi'y kung ilang beses siyang napupunta ng Edward's to buy her favorite milk tea.

"Sir Micah. Phone po, sir. Si Ma'am Lindsey po," sabi ng isang server. Sumenyas akong sabihan niya itong busy ako at hindi makasagot ng phone. He frowned a little bit, but he did as I told him.

Naiisip kong nanggagalaiti na naman siguro ang babaeng iyon. Served her right. Ilang beses ko nang sabihan na break na kami, pero habol pa rin nang habol. She thought I was just kidding. I never do kidding when it comes to relationships. Kung ayaw ko na, ayaw ko na talaga.

Habang tinitingnan ko ang babae sa waiting shed, I was not able to control myself. Nilapitan ko siya. Na-curious kasi ako kung bakit mukhang pasan niya ang daigdig.

"Hi there," bati ko sa kanya sabay tanggal ng suot kong apron. Sinampay ko ito sa isang braso ko.

Napalingon siya sa akin. Hilam na sa luha ang kanyang mukha. I felt something. Nakanti ang protective nature ko. I felt like pulling her close to my chest and hugged her tightly. Pero baka isipin niyang pervert ako.

"What's wrong?" tanong ko na lang.

Umiling-iling siya saka mabilis na dumukot ng panyo sa maliit niyang knapsack.

Alam ko na right there and then na hindi academics ang pinoproblema niya. Gut feeling lang. Siguro nama'y hindi ganoon ka forlorn ang babae kung bumagsak lang ng exam. Ang lalim ng pinanggalingan ng kanyang paghikbi, eh. Hindi ako nakatiis tuloy. Hinila ko na siya sabay yakap sa kanya. Bahala na kung iisipin niyang manyakis ako. Hindi ko naman siya aanuhin. I just wanted to comfort her.

"If he is making you cry, get rid of him. He doesn't deserve someone like you," sabi ko sa kanya. Lalo siyang humagulgol sa balikat ko. Tama nga yata ang kutob ko. At napansin kong hindi niya ako tinulak! Good. Nagkalakas-loob akong hagud-hagurin ang kanyang likuran. Mayamaya lang ay nagko-confess na siya sa akin. May iba na raw ang boyfriend niya. She found out in an unexpected way. Nabasa niya raw ang text ng lover ng BF.

Sinasabi ko na nga ba.

"But he keeps on denying it! He said I am his one and only girlfriend! He's a liar!"

Bakit naman niya aaminin iyon? Siyempre, he will deny it. Poor girl. I felt so sorry for her. I wanted to tell her to simply let the man go, pero mukhang hindi niya iyon magugustuhan. Obviously, she still longed for her boyfriend to change.

"Si Thighs. Shit! Si Thighs iyon!" bigla na lang niyang nasabi habang nakayakap sa akin. Kaagad siyang kumalas at naging alerto ang paningin sa dalawang lalaking naglalakad sa kabilang kalye. Galing sa Uste ang dalawa and they both looked familiar to me. Customers din namin sila.

Kinawayan niya ang dalawa. Tinawag pa sa pangalan ang isa. But they didn't look in her direction. Tapos inakbayan ng foreigner ang Pinoy and he even kissed his temple or maybe smelled his hair? Nakita kong napanganga ang babae. Tila nagulat.

"Thighs?" she murmured to herself.

"Thighs?" tanong ko naman.

Napatingin uli siya sa akin. I saw helplessness in her eyes kung kaya para namang may sumundot sa puso ko. At naisip kong kung ang nagpapaiyak sa kanya ngayon ay isa sa dalawang lalaking kadadaan lang sa kaharap naming kalye ay she is in for a heartache.

"I think he didn't lie when he said you are his one and ONLY girlfriend," sabi ko.

Bumalon ang luha sa kanyang mga mata.

**********

Shane Andrea Juarez

Sumilip muna ako sa Edward's at tiningnan kung sino ang nakabantay sa cashier. Iba. Hindi ang guwapong lalaki na nag-comfort sa akin noong isang gabi. Buti naman. Nahihiya kasi ako roon dahil suminga ako sa balikat niya. Sa tindi ng pagsinga ko'y tumalsik ang sipon ko sa leeg niya. As in. Hindi nga lang yata talsik ang lumanding doon. Isang malapot na uhog. Naipanpahid ko pa ang kuwelyo ng polo shirt niya sa luha't sipon ko. Susme. Nakakahiya! Kung hindi ko lang miss na miss ang Wintermelon nila, hinding-hindi muna ako magpapakita roon.

"Isang Wintermelon po ba? Grande?" nakangiting tanong sa akin ni Laurence, ang lalaking nasa kaha nang araw na iyon. Iyon lagi ang inoorder ko sa umaga kung kaya kabisado na niya.

"Opo. Tenk yu po," pa-cute ko sa kanya.

Hindi lang Wintermelon tea ang nilapag niya sa counter kundi may kasama pang hot muffins. I gave him my sweetest smile. Papunta na ako sa table ko nang biglang may sumalubong sa akin. Hindi pala nakatakip nang mabuti ang lid ng grande Wintermelon ko. Natapon ang kalahati no'n sa bandang dibdib ng nakabangga ko.

"Oh no! I'm sorry po!" sabi ko agad sabay habol sa tumutulong tea sa harapan niya. At sa kasamaang palad, pati umbok ng kanyang hinaharap ay napunasan ko. Nabawi ko lamang ang kamay nang makapa ko na hindi na iyon masel kundi'y ano na. At tingin ko'y super daks! Nang tingalain ko ang nakabangga, napasinghap ako agad. Ang lalaking iniiwasan ko! Hindi siya ngumingiti ngayon pero tila kumikislap naman ang kanyang mga mata. Nangingiti ba siya?

"Ikaw na naman?" sabi niya. Pero mukhang hindi naman galit.

"S-sorry," nasabi ko uli. Naalala ko ang kaganapan noong isang gabi at bigla akong nahiya.

Because he was dripping with milk tea, hindi ko naiwasang pasadahan uli ng tingin ang ginawa kong damage sa tila bagung-bago niyang puting St. Laurent polo shirt. At ganoon na lamang ang pag-init ng mukha ko nang makitang dahan-dahang gumalaw at lumaki ang umbok sa kanyang harapan! Napansin niya siguro ang reaksiyon ko dahil bigla na lang ay umeskapo siya patungo sa silid na pinagbihisan ko rin noon nang matapunan ang uniform ko ng milk tea. Naiwan akong nakatanga lang. I was shocked at his reaction. At the same time, na-amaze ako sa kakayahan ng aking kamay. Napatingin tuloy ako sa palad ko.

Although wala akong karanasang sekswal, hindi naman ako ubod ng tanga kung kaya alam kong nagkaroon ng epekto sa kanya ang saglit na pagdantay doon ng aking kamay. Nabuhay ko ang kanyang alaga! Napangiti ako nang lihim. Pero napalis ang ngiting iyon nang maalala ko ang boyfriend kong si Thijs. At nagkaroon na ako ng matinding pagdududa na ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top