CHAPTER NINE
Shane Andrea Juarez
Katakot-takot na sermon ang inabot ko nang dumating kami ni Mom sa bahay. Kaagad nitong binalita kay Dad ang nanyari sa Edward's. Parang gusto ko nang magwala sa mga naririnig na masasakit na salita mula sa kanila. Nahiya na rin ako sa mga pinagsasabi nila kahit na kami-kami lang ang nandoon sa sala namin. Para kasing tingin nila sa aming pamilya ay nahahanay na sa mga Zobel de Ayala. Pambihira! Nakakaangat lang naman kami nang kaunti sa mga middle class. Hindi naman kami talaga mayama, pero kung makapagsalita ang mga magulang ko'y parang nabibilang kami sa Forbes' list of rich Filipino families!
"Ito ang sinasabi ko sa iyo Ronaldo! Dapat noon pa natin kinuhanan ng driver at bodyguard itong bunso natin! Hindi ka nakikinig sa akin! Kaya naman natin!"
Tumingin si Dad sa akin na tila nag-iisip. Sumabat na ako agad bago pa ito sumagot.
"Dad, gastos lang iyan. Pandagdag pa sa puhunan natin sa restaurant ang isusweldo n'yo sa driver ko't bodyguard. Saka, sino ang pumapasok sa FEU nang may gwardiya-sibil, aber?"
"Aba, sumasagot-sagot ka na rin ngayon, ha?" Si Mom. Nanggigigil pa rin sa akin. No'n naman dumating sa living room namin ang kapatid kong nag-aaral sa isang mas mahal na private school. Graduating na ito sa kinukuha niyang business course. As usual, she came in with a bang. Parang beauty pageant contestant itong rumampa sa harapan naming tatlo at umikot-ikot pa. Nakuha niya ang atensyon ng mommy na frustrated beauty queen. Nagpaturo na ito kay Ate kung paano raw iyong dynamite walk niya. I rolled my eyes.
"Dad, you should not listen to Mom. Wala naman talagang nangyari doon sa Edward's eh. Saka kaibigan ko lang iyong manager doon dahil lagi ako sa kanila bumibili ng milk tea. He's not even my boyfriend. Please do not do something I will be embarrassed of. Kapag ginawa n'yo iyon, hindi na ako mag-aaral pa ever," bulong ko kay Dad habang abala ang mommy ko kay Ate.
"What? Micah Contreras? The Micah Contreras? Ang gwapo no'n!" biglang singit ni Ate. Narinig niya ang mga sinabi ko kay Dad. Namaywang ito sa harapan ko. "Boyfriend mo ang lalaking iyon? Weh? Hindi nga!"
Pinangunutan siya ni Mom. "How come you know that guy, Eileen?" nagdududang tanong ni Mommy kay Ate. Namaywang na rin ito sa harapan ng kapatid ko.
"Of course! Who doesn't know a drop-dead gorgeous guy in Manila? Siyempre, mababalitaan agad namin iyan! Malakas ang radar ng mga kaibigan ko basta pogi ang pinag-uusapan," nakangisi nitong sagot kay Mom.
Pinaningkitan lang siya ni Mom ng mga mata pero hindi siya pinagalitan tulad ng ginawa nito sa akin. Speaking of favorites. Nainis ako. Nagmaktol ako kay Dad. Napabuntong-hininga ang aking ama at nang magsalita itong muli, napangiti ako. Si Mommy ang napatungayaw.
Ngingiti-ngiti akong humalik sa pisngi ng ama ko at masaya nang nagpaalam sa kanila para pumanhik na ng kuwarto.
"Stop hallucinating, Mom! You mean to say, Micah Contreras had the hots for Shane? Nagpapatawa ka yata! Hindi nga no'n pinatulan ang mga magaganda kong kaibigan doon pa sa bunso mong jologs?!" narinig kong sabi pa ni Ate.
Napangiwi ako sa description niya sa akin pero nagpasalamat na rin dahil at least may sumuporta na sa sinabi ko kanina pa. For sure, hindi na ipagpipilitan ni Mom ang kagustuhan niya kay Dad.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Nakailang tawag na si Mom sa akin, pero hindi ko pa rin iyon sinasagot. Si Manang na ang sumagot sa pang-apat niyang tawag. But I warned my housemaid never to give the phone to me. Sumenyas itong emergency daw. Umiling ako. Nilayo nito ang cell phone sa mukha at sinabing may nangyari raw sa mommy ko at kailangan kong sagutin ang phone. Tumanggi pa sana ako, pero pinagduldulan na ni Manang ang receiver ng phone sa akin.
"Mom, as I have told you the other day, malabong mangyari iyan. I do not want to get back ---Mom---Mom, wait!"
Nilayo ko ang telepono sa mukha at tiningnan ito saka napailing-iling. Sinisi ko si Manang.
"Iyon ba ang emergency?"
Napakamot-kamot ito sa ulo sabay hingi ng paumanhin sa akin.
Mayamaya pa'y may nag-doorbell na sa unit ko. Nang silipin ko sa maliit na butas ng pintuan nakita ko ang hindi mapakaling ina. I secretly groaned. Balak ko sanang hindi siya pagbuksan, pero hindi niya tinigilan ang doorbell ko.
"Manang, tell her I'm sick." At dali-dali na akong pumasok sa silid. Kinandado ko agad ang pintuan, pero mayamaya lang ay pinupokpok na ng nanay ko iyon. Sumisigaw pa itong labasin ko na raw kung ayaw kong sirain niya ang doorknob.
"Ugh! Russian moms!" nagngingitngit kong sabi nang malakas.
"Yeah, I am a Russian mom! Now open the door, motherfvcker!"
Wala akong nagawa kundi buksan ang pintuan. As soon as I let her in, minura niya ako nang minura. Bakit daw ang kupad-kupad ko? Ikakasal na raw sa susunod na linggo ang pinsan kong si Olezka tapos si Toby daw ay nagpaplano na ring yayain magpakasal ang ramp-model nitong girlfriend. Ako na lang daw ang wala pang linaw. Samantalang, noong isang taon lang ay very promising ng future ko with Lindsey.
"Now, I want you to call that woman and tell her that you made a mistake and that you want to get back together again!"
"I can't do that, Mom. I've already told you about this. You cannot make me do anything with that woman. We are so over!"
"I do not care about your feelings for her. I just want you get her pregnant and have a baby! You can file for an annulment later on. You must concentrate on how we can get those beach resorts first. I want you to get all of them! Do you understand me?"
I rolled my eyes. Then, nahagip ng paningin ko si Manang sa likuran ni Mom na sumesensyas sa akin. Tila humihingi ito ng paumanhin. I gave her a knowing look. Tumangu-tango ito. Tingin ko nakuha niya ang ibig kong sabihin. Next time na tumawag pa uli si Mommy, dapat na niyang sabihing wala ako sa unit ko.
"Mom, ang totoo niyan, the reason why I do not want to get back together with her is because there is this girl I like---"
Natigil sa pagtutungayaw si Mom. Napatitig ito sa akin na para bagang gusto niyang siguraduhin na hindi ko siya niloloko lamang.
"Then, what are you waiting for? Go tell the girl you are marrying her tomorrow! I can arrange a civil wedding for both of you ASAP. I can call Mayor Mendez of Marikina now. I know him. He can officiate the wedding right away."
Napabuga ako ng hangin.
"I do not know yet whether she likes me, too."
"Of course, she likes you, too! Who wouldn't like you back?" At napailing-iling ito. Dinukot nito ang cell phone sa shoulder bag at mayamaya pa'y may kausap na ito. Nang marinig kong tinawag niyang mayor ang nasa kabilang linya napamulagat ako.
"Mom! NO!"
**********
Shane Andrea Juarez
Kanina pa ako uhaw na uhaw sa Wintermelon milk tea ng Edward's pero nag-aatubili akong pumunta roon. Pagkatapos ng eskandalong ginawa roon ni Mom noong isang araw parang wala na akong mukhang ipakita kay Micah.
"May gagawin ka ba, Felina?" tanong ko kay Taba. She was busy flipping pages of her Comm Arts book. Parang aligaga ito. Tingin ko ay may pinaghahandaang exam. "Samahan mo ako sa Edward's, please? Doon ka na rin mag-study. Ilibre kita ng milk tea."
Kaagad na tumigil sa kabubuklat ng libro niya si Taba at tila nangislap ang mga mata.
"Kita mo ang tabachoy na ito. Pagkarinig ng libre ay alert, alive, and enthusiastic na. Oo! Ililibre kita! Bruha ka!"
Ngumisi ito. "Tara na, beh! Libre ito, ha?"
Pinasok na nito ang libro sa bag at nauna nang tumayo. She then grabbed my hand and helped me stand up. Umalis na kami agad sa lilim ng puno sa Freedom Park. Nang dumaan sa harapan namin si Keri, kinawayan namin ito at niyayang pumunta rin ng Edward's pero tumanggi agad ang bruha.
"I promised Eula we will study together. Tuturuan ko pa ang baliw na iyon sa Math. Bumagsak iyon last exam, eh," sabi pa nito.
Ah. Kaya pala sobrang init ng ulo niya noong isang linggo. Saka ni ayaw niya ipakita ang test paper sa akin. Napangisi ako. May ipangkakantiyaw na ako sa bully na iyon.
Kumaway na lang kami ni Felina kay Keri at sinundan namin ito ng tingin habang papasok sa AS Building. Kami naman ay dumaan muna sa simbahan, nag-sign of the cross, nagdasal nang kaunti saka excited nang lumabas ng campus.
I was thankful at kasama ko si Felina nang pumasok ng Edward's. Kakaunti lang kasi ang mga naroon nang oras na iyon. Kung sa bagay maaga pa kasi. Ni wala pang alas dies. Talagang hindi matao roon sa mga ganoong oras.
"Iyan ba ang Micah?" bulong sa akin ni Felina.
"Huwag maingay," anas ko. "Cool ka lang, okay? Huwag pahalatang pinag-usapan natin siya."
"Ampogi nga!"
Tila gusto pa nitong tumili. Kinurot ko na agad sa tagiliran. Inangilan naman ako. Nang kurutin ko uli sa baywang, napatili. Nagulat ang isang matronang papunta sa table niya. Natapon ang kanyang milk tea dahil halos ay mabitawan niya ang tray na hawak sa gulat. She scowled at Felina. Napabungisngis naman ako. Si Taba ay hindi magkandatuto sa paghingi ng paumanhin sa babae. Inisnab siya ng ale.
"You can sit in your table na. Si Louie na ang magdadala ng order n'yo sa inyo mamaya."
Kaswal na kaswal lang ang tinig ni Micah pero dahil sa mga sinabi nito sa akin noong isang araw, may kakaibang kiliti iyon ngayon sa akin. Pasimple ko siyang tiningnan habang nagpa-punch ng numbers sa cash register. I noticed his long fingers and flawless skin. Napaisip ako kung ano ang lahi niya. Ang kinis kasi ng kutis.
Nang binalingan niya kami para ibigay ang sukli, napapiksi ako. Daig ko pa ang nahuling nagnanakaw. Bigla akong kinabahan. Napaisip ako agad kung napansin niyang tinititigan ko siya. Nakakainis. Baka iniisip niyang nagpapa-hard-to-get lang ako noong isang araw.
Bumalik sa isipan ko ang biglaan niyang pag-offer ng kasal. Ang pagkakatanda ko may sinasabi siyang may sakit na lolo at gusto niya itong bigyan ng apo bago pa man ito mamaalam sa mundo. Totoo kaya iyon?
"Here you are. Thank you for coming," sabi pa nito habang binibigay sa akin ang sukli. Our hands touched and as soon as I felt his skin on mine, nakaramdam ako ng parang kinukuryente. I secretly cussed. Paano kasi'y naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi.
"What the fvck just happened?" kinikilig na anas ni Felina sa akin nang nasa table na namin kami. Napansin daw niya ang tinginan naming dalawa. Saka ang tila pagpiksi ko nang magdaiti ang mga daliri namin ni Micah.
"Tumigil ka nga!" asik ko sa kanya. "Kung anu-ano ang naiisip mo sa kababasa ng romance novels. Wala. It was just a simple crew and customer interaction."
Humagikhik si Felina. Tapos bigla itong may tiningnan sa labas ng glass wall. Napalingon ako sa tinititigan niya. Nakita ko si Mason. Kinatok ko ang wall nang mapadaan na ito sa tapat at kinawayan ko pa ito. Napatigil naman sa paglalakad si Mason saka kumaway sa akin. He mouthed some words. Humagikhik ako. Wala kasi akong naintindihan kahit ilang beses niyang inulit. Tumawa ang hunghang saka umikot ito para pumasok na sa Edward's. Pinandilatan ako ni Felina.
"Okay lang iyan. Para naman may saysay ang pagsama mo sa akin dito. Yayain ko na rin si Mason to drink milk tea with us for you."
"Hi, Shane. Musta? Si Eula?" bungad agad ni Mason sa akin. Saglit lang nito sinulyapan si Felina. As soon as their eyes met, bumati ang friend ko. But he didn't acknowledge it. I felt bad for Felina.
"Eula is doing fine," sabi ko.
"Is she coming here as well?" tanong pa ng loko. Eh, ayaw ko na siyang kausap.
"No. Sige, Mason. Mukhang naantala ka na namin. Nice seeing you here," sabi ko at gusto ko na siyang itaboy palabas ng Edward's.
"Ay gano'n ba? Sayang pala at hindi siya makakasama."
I wanted to roll my eyes. Akala ko hihirit pa at makikitsika pa sa amin. Buti naman at nakuha niyang ayaw ko na siyang kasama.
Pagkaalis ni Mason, hindi ako magkandatuto sa paghingi ng paumanhin kay Felina. Tumawa naman ito. Huwag ko na raw problemahin iyon dahil sanay na raw ito sa lalaking iyon. I gave Felina a hug and kiss her on the cheek.
"Ang OA mo, Shanitot!"
Saka lang kami natigil nang dumating ang order namin. It wasn't Louie who served us. It was Micah himself. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Basta kada salubong ng mga tingin namin, nag-iinit ang pisngi ko.
Mayamaya pa, nag-ring ang phone ni Felina at nakita ko itong sumimangot. Ang simangot ay napalitan ng lungkot. Nang matapos ang phone call na iyon, nakita ko siyang nagpahid ng mga luha. Kinabahan ako.
"It's confirmed. Dad is gay," mahina nitong sabi. Kausap daw nito ang kapatid na lalaki. Ito raw ang nagsiwalat ng katotohanan. Matagal na raw alam ng kapatid kaso hindi lang sinabi sa kanya dahil daw baka isipin niyang sinisiraan nito ang dad nila.
Hindi ako nakapagsalita. Naaalala ko agad si Thijs.
"Sorry, Shane, ha? I have to go na. Naghihintay ang brother ko sa akin sa amin. Nandoon din daw ngayon ang daddy."
Malungkot akong napatangu-tango kay Felina. I voluntered to go with her but she declined. Huwag ko na raw siyang intindihin pa.
As soon as Felina left the table, Micah sat on my table.
"Shop's policy. Hindi namin hinahayaang maupong mag-isa ang mga customers namin dahil nagmumukha silang kawawa.," nakangiti nitong sabi sa akin. Pagtingin ko nga sa paligid, may nakita akong tables ng mga matrona at may kaharap silang crew ng Edward's.
Sinamantala ko na ang pagkakataon bago pa ako unahan ng hiya. Hiningi ko uli ng paumanhin ang mga sinabi ng mommy ko sa kanya noong isang araw. Napangiti siya. Huwag ko na raw intindihin iyon dahil natural lang sa ina na pangalagaan ang kapakanan ng anak. Nagsilabasan pa ang cute na cute niyang mga biloy. Saka tila nag-sparkle ang kanyang hazel brown eyes. The more na pumogi siya tingnan.
"Okay lang iyon. Padalos-dalos naman kasi ako," dugtong pa niya.
Naalala ko ang sinabi niya tungkol sa lolo niya.
"Is it true? Your lolo is sick?"
"Yes. Actually, matagal na. He has been sick since forever. Pero nitong huling linggo, naospital siya. Palagay ko ay may kinalaman sa mga uncles ko ang pinaggano'n niya. Nabalitaan kasi naming---oh well. I am not going to bore you with family matters." At tumawa ito nang mahina.
Nakita ko ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Napansin ko rin agad ang full and sensual niyang lower lip. May kung ano akong naisip. As soon as I thought about it, I drove it away from my thoughts. Hindi pwedeng iniisip kong hinahalikan niya ako. Hindi puwede!
Nag-init na naman ang pisngi ko. Iniwas ko agad ang tingin. Nagkunwari akong abala sa pagsipsip ng Wintermelon ko. May tumunog na parang hangin. Nang tingnan ko ang plastic bottle ay wala na itong laman.
"Do you want a refill?"
"Oh no!" Natawa na lang ako.
"No. It's on the house. Saglit lang, ha? I will give you a refill."
"No, Micah! It's all right."
Hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siyang tumayo na. Nagkatitigan kami. Binawi ko agad ang kamay.
"Umm, okay na ako. Busog na ako, eh."
Hindi siya sumagot. Nagkaroon kami ng medyo nakakaasiwang katahimikan.
"Yes. Totoong may sakit ang lolo ko at palala na siya. Kaya nga gusto ko sanang ibigay ang hinihiling niya sa akin noon pa. Pero mukhang malabo ko siyang mapagbibigyan," bigla niyang nasabi. Siguro ay nakahalata nang hindi na komportable ang silence between us.
Hindi ako nakasagot. He caught my eye. Napalunok naman ako nang magsalubong ang mga mata namin. Saka bigla akong pinagpawisan. Mabilis na naglaro sa isipan ko ang kung anu-anong imahe. Couple moments naming dalawa. Tapos nakita ko pa ang dalawang cute na cute na mga baby girls na kamukha niya. Nag-init ang buo kong katawan sa excitement. At bago pa ako tuluyang mag-isip ng kung anu-ano pa sa future naming dalawa ay tinaboy ko na ang mga ito sa isipan.
"W-wala ka na bang girlfriend? Hindi ba noong isang buwan lang ay may babaeng humahabol sa iyo?" tanong ko. Naalala ko ang pursigido niyang ex na pati ako noon ay pinagselosan pa.
"Who? Lindsey? No. She's happy with some guy now."
Ah. Kaya naman pala.
Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang napabuntong-hininga.
"Okay lang kaya kong---huwag kang magagalit, ha?" sabi uli niya. Kinabahan na naman ako nang todo. Baka kasi ipagpipilitan na naman niya ang proposal na aanakan niya ako for his lolo's sake.
Tumingin siya uli sa akin. Nagsusumamo ang mukha. May kutob na ako kung ano ang sasabihin niya, pero imbes na magalit like what I did last time, para pang pinanabikan ko iyon.
"Kung---kung okay lang sana sa iyo, I would like to introduce you to my grandfather as my girlfriend. Hindi naman natin tototohanin, eh. I just want to make his remaining days happy."
Inasahan ko na iyon kanina pa nang simulan niya ang kuwento tungkol sa lolo niya, pero hindi ko pa rin naiwasang hindi mapatanga sa minungkahi niya nang marinig na nga iyon.
Sa totoo lang, sobra akong na-flatter na ako ang nilapitan niya. For sure kasi ay maraming magkakandarapang maging pretend girlfriend niya kahit pretend lang kung inalok niya ito sa iba. Baka nga sinunggaban pa ng ibang babae ang alok niyang bigyan siya ng anak.
"Why me? For sure, marami ka naman sigurong kilalang babae?"
"Yes. But I do not think they will agree to being just a pretend girlfriend. I do not feel safe with them. Baka pikutin pa ako." At tumawa ito.
Ay ganoon? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Akala ko pa naman ay attracted siya sa akin kung kaya ako ang napili niyang magkunwaring girlfriend niya. Iyon pala dahil feeling safe lang siya sa akin. Gusto ko siyang kutusan.
Hindi ko alam na napasimangot na pala ako.
"Are you okay, Shane? What's wrong?"
"Wala. S-sige pag-iisipan ko."
Tumayo ako at dinampot na ang bag na nilagay ko sa katabing upuan.
"I'm sorry if you were offended by my offer. Pasensya na. Nagbakasakali lang kasi ako, I am so desperate to make my lolo happy. Saka ikaw lang ang papaniwalaan niyang girlfriend ko. He knows me so well that if I bring other girls, he might think I am just after something else."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ako lang ang paniniwalaan ng lolo niyang girlfriend niya kamo? Ano ang ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" kaswal kong tanong. But my heart was pounding like a horse hooves on a rought road. Grabe lang ang kaba.
Tumayo na rin siya at hinatid ako sa pintuan. Kumaway siya sa akin nang nasa labas na ako. Hindi pa niya sinasagot ang tanong ko. Inulit ko iyon.
"He knows my type."
Napanganga ako at pinamulahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top