CHAPTER FIVE

Shane Andrea Juarez

When I smelled his cologne, may naramdaman akong kung ano. Ang init ng kanyang katawan habang niyayakap ko ay nakapagbigay sa akin ng munting kaginhawaan. Kahit papaano ay na-comfort ako sa matinding kalungkutang naramdaman ng ginawa sa akin ni Thijs.

But I reminded myself, this guy, Micah, is not my boyfriend. Hindi ko dapat nararamdaman ito. But then again, I cannot help myself.

"What happened?" sigaw niya. Ang ingay kasi sa paligid. Bukod sa andar ng mga sasakyang tila bulok na, nandoon pang tila gigil na gigil sa busina ang mga drivers ng dyipni. As if, kapag nagsabay-sabay sila ay uusad na ang traffic.

"Wala," sagot ko. Ngarag pa rin ang tinig.

"Pwede ba namang wala? Iyong lalaki pa ring iyon ba?"

Hindi ako sumagot. I just hugged him tightly and kept myself from sniffling. Parang nag-tighten ang mga kalamnan niya. Naisip ko, buti pa ang lalaking ito. Sa tuwing dumidikit ang katawan ko sa kanya'y may nakukuha akong reaksiyon.

Mayamaya pa, dahan-dahang tumigil ang motor niya. Pag-angat ko ng mukha, nakita ko ang pamilyar na gusali. Nagsalubong ang mga kilay ko. I knew that was where his condo unit was. Iyong pinagdalhan niya sa akin noon.

A part of me want to flee. But a part of me also want me to stay. Ayaw ko pang umuwi. That's for sure. Ayaw kong ipaliwanag kay Mom kung bakit namumugto na naman ang mga mata ko. Noong isang araw, inisip nila ni Dad na bumagsak ako sa lahat kong enrolled subjects. Ang sabi kasi nila sa akin once na wala akong maipasa ay patitigilin nila ako sa pag-aaral. I wish, iyon lang ang problema ko. Pero hindi, eh. Mas malala pa roon!

"'Lika na. Sigurado akong hindi ka pa naghahapunan."

He helped me get off his motorbike saka he led the way. Pumasok kami sa elevator sa basement saka umakyat sa 40th floor kung saan ang unit niya. Habang nasa loob ng elevator, kakaiba ang pakiramdam ko. Hindi ko siya matingnan nang deretsahan. Siguro na-sense naman niya iyon kung kaya hindi ito tumitingin sa akin. He was looking at the screen showing the floors we passed by. Nang makarating na sa panghuling palapag kung saan ang unit niya, medyo natakot din ako. Pinatatag ko lang ang kalooban.

"B-bakit dito pa? Sabi mo hindi mo na ako dadalhin pang muli rito."

"I'm tired. Wala ako sa mood mag-iikot sa kalye. I had an early start today so I need to take a rest," sagot niya.

I felt guilty. Kung ganoon, bakit niya ako tinigilan?

"You shouldn't have helped me."

Ngumiti siya sa akin. Hindi na nagsalita pa.

Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ni Manang. Iyong katulong niya na umasikaso rin sa akin noong huli kong punta roon. Medyo nagulat siya nang makita ako. And she seemed to be a little anxious. O mas tamang sabihing takot?

"Ser, nandito po kanina si Ma'm Lindsey. Baka bumalik po uli," sabi niya sa lalaki nang pabulong. Ganunpaman, narinig ko iyon.

"What did you tell her?"

"Eh di iyong tulad ng dati." At sumulyap ito sa akin. Tapos yumuko siya nang bahagya bago niya kinuha ang bag ko. "Hayaan n'yo hong itabi ko ang bag ninyo para makagalaw po kayo rito nang mas komportable."

"She is not staying for the night. Saglit lang siya rito."

Napatingin ako sa lalaki. Ano ang pinagsasabi nito? Huwag niyang sabihing tatawagan niya uli ako ng grab at ipapahatid sa bahay namin. Kapag nagkaganoon, hindi pa rin ako tutuloy sa amin.

Habang sinusundan ko siya sa loob ng unit niya, natigil ako. Bigla na lang kasing naghubad ng jacket. He's only wearing a thin, white shirt now that his jacket is with his helper. Kitang-kita tuloy ang mamasel niyang dibdib. Pakiramdam ko'y batak na batak siya sa gym. Nakaisip tuloy ako ng kung anu-ano.

I felt uncomfortable looking at him. Ang kanina'y plano kong magpaano sa kanya, bahala na bukas ay lumipad na lang sa bintana nang ganoon lang. Nahiya ako. Marahil dahil na rin sa presence ng stay-in housekeeper niyang tila nanay kung magmalasakit sa akin.

"Gusto n'yo bang mag-hot bath muna, iha? Ihahanda ko ang banyo." At tatalima na sana ito nang tinawag ng amo niya.

"Ser?" tanong nito. Manang looked kind of confused.

"Sabi ko nga hindi siya magtatagal dito."

"Ay, okay po." At ngumiti si Manang. Then, she looked back at me apologetically.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Habang dahan-dahan akong naghuhubad sa harapan ng shower, bigla na lang akong napapikit. And the moment I closed my eyes, I saw her. Ang maamo niyang mukha, hilam sa luhang pisngi, ang lungkot sa kanyang mga mata...Naisip ko lang, ano kaya ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya? Sigurado akong wala na sila. Nakita ko kasi kung paano sila nagtalo kanina. Although hindi ko narinig mismo ang pinagtalunan nila, base sa naging aksiyon ng bawat isa, malaking bagay ang naging dahilan. Hindi ko alam kung bakit, but I felt good about it. Sa wakas, malaya na siya.

Minadali ko ang pagkuskos sa buong katawan. Gusto kong sabayan siya sa hapunan. Ngunit ganoon na lamang ang disappointment ko nang makita siyang mahimbing na natutulog sa couch sa living room pagkatapos kong maligo. Nakataas na ang paa niya. Ngayong wala nang sapin ang mga paa, na-notice kong well-shaped iyon at maputi pa ang sakong niya. Ang mga binti niyang hindi natatakpan ng jogging pants na tingin ko'y uniporme sa PE ng mga taga-FEU ay maputi at makinis din. Palagay ko, ganoon din ang mga hita niya.

Napabaling ako kay Manang nang tumikhim ito. Siguro napansin kung paano ko tinitigan si Shane.

"Nakatulog po, ser, eh," sabi ni Manang.

"Pinakain mo ba?"

"Ayaw po. Sabi niya busog daw siya."

Tumangu-tango lang ako saka pumunta ng kusina con dining room. As I was eating my dinner, green salad and baked salmon, may nag-doorbell. Tapos tumatakbo si Manang sa akin na tila nagpa-panic. Baka raw iyon na ang hysterical kong ex.

"Ser, ano'ng gagawin ko?"

"Eh di hwag mong buksan," walang pakialam kong sagot.

As soon as I said it, may pumukpok sa front door ko. Tila galit na galit ang bisita ko. Walang duda. Si Lindsey na nga iyon. Tinapos ko muna ang pagkain bago tumayo. Pupunta na sana ako sa pintuan para buksan siya nang bumulaga siya sa akin sa living room. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Shane. May pagdududa sa kanyang mukha.

"Is this girl the reason why you're ignoring my calls and messages lately?" she asked. Surprisingly, her voice was toned down this time.

"Matagal na tayong wala, Lindsey. I see no reason why we need to maintain some communication between us," kalmado ko ring tugon.

From the corner of my eye, I saw Shane looking at us interestingly.

Sinulyapan ni Lindsey si Shane nang may poot sa mga mata. Nakaramdam ako ng red flag. Baka kasi mag-eskandalo siya roon. May history pa naman ito ng ganoong pag-uugali. Minsan nga ay napagkamalan pa ang younger sister kong girlfriend ko at minura niya ito sa mall. Ang pagiging selosa niya at eskandalosa ang kinaayawan ko sa kanya.

"She's way too young for you, Micah. You know that. Sigurado akong hahantingin ka ng mga magulang nito. At oo nga pala, speaking of magulang, your parents called me up. They invited me to their anniversary celebration. Ibig sabihin ay---hindi mo pa rin nasasabi sa kanilang break na tayo, which means---"

"Which means nothing," agaw ko agad bago siya mangarap. "There was no reason why I need to tell my parents. Saka hindi sila nakikialam sa akin."

"All right. But that somehow tells me na tayo pa rin sa bandang huli. Ayaw mo lang aminin sa ngayon, but action speaks louder than words. Naalala ko pa noon na pinaalam mo agad sa kanila nang makipag-break ka kay Sarah. But now with us---"

"What's the point of your visit? Didn't I make myself clear? Wala na tayo. Hinding-hindi na tayo magkakabalikan pa! I am okay being alone."

Bago makasagot si Lindsey ay parang may cell phone na nagwala. Napatingin kami pareho sa napapiksing si Shane. Dali-dali nitong kinalkal ang bag at sinagot ang telepono. Base sa naging pahayag sa kausap nabatid ko agad na mommy niya ang tumatawag.

"See?" Lindsey mouthed at me. "Manang, tawagan n'yo na ng taxi ang bata."

Pinangunutan ko siya ng noo. "Yes, Manang. Tawagan n;yo na ng taxi ang babaeng ito," sabi ko saka tumalikod na. I went to my room. She followed me. Thankfully I was able to close the door behind me before she could even get inside with me.

**********

Shane Andrea Juarez

Tiningnan ako nang may pang-iintriga ng ex ni Micah. Kung kanina medyo galit ito, this time, she looked a bit intrigued.

"Sino ka? Ano ka ni Micah?"

"Wala. Suki lang ako ng Edward's."

"Suki ka lang ng Edward's?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumangu-tango ako. "Yes. Actually, kaming dalawa ng boyfriend ko. I mean, my ex-boyfriend."

Medyo natigilan sa narinig ang babae. Parang naguluhan siya sa kuwento ko. Hindi ko alam kung bakit, pero I just found myself confiding in her. At napaiyak pa ako sa harapan niya.

"Hey! Stop crying! Ano ka ba? Ayaw ko ng babaeng umiiyak!" tila nataranta ito.

"Naranasan mo rin ba ang naranasan ko? Iyong gustung-gusto mong halikan ka ng boyfriend mo, pero lagi na lang ay tumatanggi siya? Iyong gustung-gusto mo nang may mangyari sa inyo, pero laging may alibi siya? Iyong mas excited pa siyang magkuwento tungkol sa mga kaibigan niyang lalaki kaysa sa inyong dalawa?"

"Bakla ang boyfriend mo?" deretsahan nitong tanong.

Napakurap-kurap ako. Kanina, hindi masyadong inamin iyon ni Thijs, pero hindi rin niya itinanggi. Ang pinakamasakit sa lahat, nang pamiliin ko between me and that athlete from UST he always hang out with, he didn't choose me. At ang sabi pa, napaka-insecure ko to even ask him to choose between his best friend and me.

Best friend. Tama. Iyon ang sinabi niya. But then again, that was not what I felt they have. May pakiramdam akong naunahan pa ako ng lalaking iyon kay Thijs sa kama. Palagay ko nga, sila ang nagdyudyugdyugan regularly.

Napahikbi uli ako. The more na naging uncomfortable ang ex ni Micah. Ilang beses akong pinatahan. Sinabihan pa akong, huwag daw akong hangal. Kung ayaw na raw sa akin ng nobyo ko bakit ko pa raw ipipilit ang sarili sa kanya? As soon as she uttered those words, parang natigilan din siya. Tapos, napatayo na lang ito bigla at walang paalam na lumabas ng front door. Napatingin ako sa pintuan at napabuntong-hininga.

Mayamaya pa, lumabas si Micah. Mukhang nagulat ito na wala na roon ang ex niya.

"Where did she go?" tanong niya sa akin.

Pero hindi iyon agad nag-register sa isipan ko. Ang una ko kasing napansin ay ang malaking bukol sa harapan niya. Nakasuot na lamang siya ng shorts ngayon at t-shirt na puti. Hindi naman hapit ang kasuotan, subalit talagang bumakat. Naaalala ko ang sinabi sa akin noon ni Eula. Kapag ganoon daw ay talagang daks ang lalaki.

Nag-init ang mukha ko nang ma-realize ang pinag-iisip. Then, I saw him creased his forehead. Tapos sinundan niya yata ang tingin ko dahil napababa ang tingin niya sa kanyang harapan at napatingin siya uli sa akin. Napaawang nang kaunti ang bunganga niya habang nakattitig sa akin. At kumislap nang may kapilyohan ang kanyang mga mata nang siya'y makabawi. Lalo namang nag-init ang mukha ko. Hindi ko na siya matingnan nang deretsahan. Narinig ko siyang tumawa. No'n lang ako tumingin uli sa kanya. Nang magtama ang aming paningin, seryoso na siya at tinititigan na ako nang matiim. Tapos, from the corner of my eye, nakita kong tila unti-unting lumaki iyon. Hindi ako nakatiis. Tiningnan ko pa uli talaga. At napaatras ako ng couch nang makita kong tama nga ang nahagip ng aking paningin. Lumaki nga ang bukol!

Oh-em-ge!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top