CHAPTER FIFTEEN
Shane Andrea Juarez
Sinipag akong mag-aral. Binasa ko ang bawat pahina ng recommended textbook namin sa isang class sa history. Pinag-aksayahan ko pang basahin ang foreword! From the corner of my eye tinitingnan ako nang weird ni Yolanda. Nakangisi naman sina Keri at Felina. Mayamaya pa'y hindi na nakatiis ang bruhang Eula. Sinalat niya ang aking noo.
"Okay ka lang, gurl?"
Natawa ako. "Of course! Why wouldn't I be?"
No'n naman dumaan si Thijs. Na hindi ko na maintindihan kung bading o ano. May kaakbayan itong magandang babae. Taga-Tourism daw. Sa gitna pa ng basketball court dumaan. Dahil nasa ilalim lang kami ng puno sa tapat nito, nakita ko kung paano sila nagharutan sa tanghaling tapat. I could feel people's eyes on me. I glanced at them na parang wala lang at bumalik sa pagbabasa sa libro. Siniko na ako nila Yolanda.
"Hindi ka affected?!" halos ay itili pa nito.
I smiled. Iyong may pa-mystery effect. Knikiliti ako nila Keri at Felina.
"Are you sure you're okay?" tanong pa nilang tatlo.
"More than okay."
Nakita ko silang nagtinginan uli. I knew what it means. Kumalat na kasi sa buong campus na hindi naman talaga bakla si Thijs. Iyong involvement daw sa kapwa atleta ng taga-kabilang bakod ay may ibang dahilan. Nililigawan daw ang kuya ng girl na gusto niyang syotain. Hayun na nga ang babae. Iyong kaharutan niya kanina.
How do I feel? Should I feel betrayed? Paano ko ba sasabihin na because of him I found another man worthy to be loved? Well, too early pa para isipin ko kung doon patungo ang nararamdaman ko kay Micah, pero iba ang dating ng presence niya. Si Thijs naman ang dahilan kung bakit naging malapit kami sa isa't isa kung kaya dapat nga ay nagpapasalamat ako sa hinayupak na iyon.
"I hope you are not just pretending to be okay, Shanitot. It's okay not to be okay, alam mo iyan. Basta nandito lang kami lagi, sumusuporta sa iyo," hirit pa ni Eula.
Binaba ko na ang libro at tiningnan sila isa-isa. "I'm not pretending. Wala na sa akin ang kahayupang ginawa ni Thijs. Wala na rin akong pakialam kung he wanted me to believe he was gay so it would be easy for me to let go of him. Actually, iyong katarantaduhang ginawa niya ang nagpalapit sa akin kay---" Then, I remembered na hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang tungkol kay Micah. Actually, ni wala pang nakakaalam na may napagkasunduan na kami ng lalaking iyon. Ayaw ko pang ipaalam. Baka mausog.
Tumawa na lang ako para mapagtakpan ang naudlot kong sinabi. Kaso nga lang, matalas ang pang-amoy ni Felina.
"Kayo na ni Mr. Edward's the Tea Boy?"
"Ha? Sino iyon?" Sina Keri at Yolanda naman. They sounded clueless.
**********
Micah Rufus Alexander Contreras
Ang iniisip ko ay si Lolo lang ang nasa beach house namin sa Batangas nang araw na iyon. It was Friday kasi at iniisip kong abala ang mga pinsan kong sina Toby at Olezka sa kani-kanilang girlfriend. Lagi naman kasi silang lumalabas kada Biyernes after work. Kahit na gaano sila ka busy sa pagiging realtor at trader at the same time, nakalaan pa rin lagi ang Friday evening para sa gimik nilang dalawa kasama ang kani-kanilang partner. Kadalasan ay nagdo-double date ang mga ito kung kaya palaging magkasama. Ako lang naman ang hindi nasama sa mga regular nilang lakad. Kaya nagtataka akong nandoon din sila. In fact, nauna pa sila sa amin ni Shane.
"Good to see you here, couz," salubong ni Toby. Ito ang nagbukas ng main gate kanina para makapasok ang minamaneho kong sasakyan. Nakipag-fist bump pa siya sa akin at nakipagkamay naman kay Shane.
"Hey couz!" Si Olezka. Niyakap ako nito sabay pasimpleng tingin kay Shane.
"What are you guys doing here?" tanong ko sa mahinang tinig.
Tumawa ang dalawa sabay tinginan. No'n lumabas ang kani-kanilang ina. Kabuntot nila si Mom. Napabuga ako ng hangin. Sigurado na akong naidaldal na ng tsismosa kong mommy na papunta kami kay Lolo para ipaalam sa kanya na plano na naming magpakasal ni Shane.
Tumili si Mommy pagkakita kay Shane. Niyakap niya ito na para bagang ang close-close na nila. Medyo naasiwa ako. I had to apologize to Shane for all the family's brouhaha upon seeing us.
"Okay lang," she mouthed.
Pagdating namin sa likod-bahay where Lolo was feeding the chickens and the ducks, I was expecting to be left alone with him. Na kami lang dapat ni Shane ang nandoon dahil may importante akong sasabihin sa abuelo ko, pero bumuntot din ang mga pinsan ko with their moms in tow pati na si Mommy.
"Guys. We need to talk to Lolo," sabi ko sa kanila sa mahinang tinig.
Pagkarinig sa boses ko, napalingon ang matanda. "Is that you, Alexander?" ngarag ang boses ni Lolo. Parang he barely uttered the words. Hindi na nanumbalik ang dating dumadagundong niyang tinig matapos siyang ma-stroke muli. Gayunman, upon hearing my name, siya lang naman kasi ang tumatawag no'n sa akin, bigla akong kinabahan. Kahit sigurado na akong hindi ako sasalungatin ni Shane this time, kinabahan pa rin ako. Natatakot ako na baka mapahiya na naman at kagalitan na naman ako ng matanda.
Lumapit kami ni Shane kay Lolo at dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya. Then, I kissed his hand. Naramdaman ko ang mabagal na pagkumpas ng kanyang kamay sa ibabaw ng ulo ko. Binabasbasan niya ako just like what he does kapag humahalik ako sa kamay niya. Pagtingala ko nagkatitigan kami. Nakita kong pinangiliran siya ng luha.
"May sasabihin ka raw sa akin," pautal-utal niyang sabi.
I glanced at Shane. Dahan-dahan naman siyang lumuhod sa tabi ko kaharap ni Lolo at nagmano siya rito. Lolo did the same to her. Binasbasan din siya.
"Lo, I am formally introducing you to my---fiancee," sabi ko sa mahinang tinig.
I heard my tetyas exclaimed, "What?! No!"
Hindi ko sila pinansin. Ni hindi nga rin natinag si Lolo sa kinauupuan niyang wheelchair sa reaksiyon nila. Basta nakatitig lang siya sa amin. Pagkapakilala ko kay Shane sa kanya, pinangiliran siya ng mga luha. And he cried.
Noong una, walang tunog na mga luha lang ang dumaloy sa kanyang pisngi, ngunit nang lumaon ay talagang yumuyugyog na ang balikat niya. Nataranta kaming lahat. My tetyas blamed us, especially me. Ang mommy naman ay cool lang sa isang tabi. Ngingiti-ngiti siya. Ngiti ng isang tagumpay.
**********
Shane Andrea Juarez
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang masagana naming tanghalian ay dalhin na ako ni Micah sa beach. Napanganga ako sa ganda ng resort nila. Narinig ko na noon pa ang beach ng mga Contreras, pero inisip ko nang mga panahong iyon na exaggerated lang ang lahat. Hindi ko sukat-akalain na totoo pala lahat iyon. Nagustuhan ko iyong malalaking rock formation na katulad ng sa Boracay sa gilid ng mataong bahagi ng kanilang resort. Para kasing isang alamat. Nakikinita ko nga si Arielle na nagpapahinga sa gilid ng mga batong iyon habang winawagayway ang buntot sa mga nakikitang taong tumatampisaw sa tubig.
Dahil hindi sanay sa dagat, medyo nag-alinlangan akong sumama kay Micah na maglakad sa makipot na daan na gawa sa natural na porma ng malalaking bato. Paano kasi'y nakita kong medyo malumot din iyon. Natitiyak kong mamali lang ako ng hakbang ay sa dagat na ako pupulutin. At hindi ako marunong lumangoy!
"it's okay. I'm here with you," sabi sa akin ni Micah. Nasa likuran ko nga siya. Lalo akong kinabahan. Na-conscious ako sa presence niya.
"Should I walk barefoot?" tanong ko.
"Your flip flops are okay. Mukha namang hindi dulasin. Come."At nauna na siyang umakyat sa bato. He gave me his hand.
Nauna siyang naglakad at sinabihan niya akong humawak lang daw ako sa baywang niya. Which I did. Na self-conscious ako lalo, pero I have to. Iniwasan ko na lang matingin sa dagat. Pero nang may humampas na alon sa paanan namin ay napasigaw ako sabay yakap sa kanya nang mahigpit. I heard him laugh. Narinig ko na siyang tumawa noon pero this time may kakaibang sexiness iyon sa pandinig ko. Kinilig ako lalo pa nang hinuli niya ang mga kamay ko at hinawakan nang mahigpit. Nang maging aware ako sa pangyayari, bigla kong binawi ang aking mga kamay.
"Are you sure you can walk on your own?" Nilingon niya ako.
"I ---I will be all right," sabi ko.
Dahan-dahan kaming naglakad habang tahimik akong nagdasal na mag-behave na ang alon. Nakiayon naman sa amin ang tubig-dagat. Pagdating namin sa dulo ng mga bato, lumawak na ang daraanan at natigil ako sa paglalakad. Bumulaga lang naman kasi sa akin ang isang napakagandang white beach. Walang katao-tao sa lugar na iyon at mukhang hindi masyadong napupuntahan ninuman. Walang wide umbrellas doon. Walang cottages. Walang amenities na usually ay present lagi sa mga resorts. At higit sa lahat, walang basura. Ang mayroon lang ay ang mga punong niyog.
Nang lumingon sa akin si Micah, no'n lang ako parang natauhan.
"Ang ganda," nasabi ko sa mahinang tinig.
"D'you like it?"
Tumangu-tango ako. "Sobrang ganda!" sabi ko pa uli.
"I'm glad you like it. 'Lika." At kinuha niya ang isa kong kamay at inalalayan ako sa pagbaba sa malumot na mga bato.
Naglakad-lakad kami sa beach. We walked where the waves can hit our feet pero iyong hindi naman nabababad sa tubig-dagat. I rolled my jeans up. Gano'n din ang ginawa ni Micah.
"If I knew sa beach ang punta natin dapat sana ay nagdala ako ng swimwear. Saka hindi sana ako nakabalot nang ganito. Kainis ka!" sabi ko sa kanya.
Nabighani ako sa linaw ng tubig na parang gusto kong magtampisaw.
"You can take off your jeans if you want to."
Natigil ako sa paglalakad. Micah stopped, too. Napakamot-kamot siya sa ulo nang nakangiti nang ma-realize kung ano ang implication ng sinabi. Humingi siya ng paumanhin.
"I don't mean it to sound---"
Ako naman ang nangiti. Hindi naman ako na-offend no'n. Parang kinilig nga ako. Kaso bawal iyon. Hindi ako dapat ma-in love sa kanya. Nag-usap na kaming hindi kasama iyon sa usapan. Basta kailangan lang naming magpanggap sa harapan ng lolo niya dahil gusto niya itong mapasaya sa nalalabing oras sa mundo. Nasabi na kasi sa kanila ng doktor na hindi na ito magtatagal dahil sa pinsala sa puso ng huli niyang stroke. Katunayan nga kanina, halos ay nagpupumilit na lamang itong magbasbas sa amin. He could hardly move his hand.
Wala kaming imikan nang kung ilang minuto. Magkatabi lang na naglalakad pero may kanya-kanyang iniisip.
"My mom is very happy you finally agreed to be my pretend fiancee."
Hindi ako sumagot.
"Lolo is excited for the wedding."
Medyo na-guilty ako.
"I told him we want a simple one. Pero ang totoo niyan ay---I want to ask you kung game ka na ituloy ito sa kasalan. I asked you to marry me but---if you only want it to be until the engagement gaya nito, okay lang din sa akin."
Hindi na naman ako nakasagot. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Ang totoo niyan, sa ngayon ang sagot ko ay ituluy-tuloy na! Gusto kong mapabunghalit ng tawa habang ginagaya sa isipan ang boses ni Ruffa Mae Quinto habang sinasabi ang, "Yes! Todo na ito!" Pero nangseryoso rin ako nang makitang walang senyales ng pagbibiro sa hitsura ni Micah.
"Whatever it takes to make your lolo happy," sabi ko. "Nandito na rin lang tayo, eh di ituloy na!" dugtong ko pa.
Nagulat ako nang ma-realize kung ano ang nasabi.
Ang totoo niyan kasi kinakabahan ako. Iniisip ko ang reaction nila Mom. Siguradong maghi-hysterical ang mommy. Baka insultuhin lalo si Micah. Kung makilala naman nito nang lubusan kung saang pamilya ito galing, baka ikakapahiya ko rin ang magiging pagtanggap sa lalaking ito. Medyo nabahala ako. Tinatantiya ko sa isipan kung alin ang kaya kong lunukin. Ang pagmumura ni Mommy kay Micah dahil sa pag-aakalang isa lamang itong hamak na manager ng isang milk tea shop o iyong pagkakadarapa rito sa oras na mapag-alamang mayaman ang pamilya nito?
"A penny for your thoughts?"
"Naisip ko, ang ganda-ganda ng beach na ito, pero mukhang walang guests dito ngayon?
Ngumiti si Micah. "You're one of the few who was invited here. This is my part of the beach. Ako lang lagi ang nandito. Kahit nga ang mom ay minsan lang napadpad dito. Ang sa mga pinsan ko naman ay sa kabilang dako."
"Your part of the beach? As in sa iyo lang?"
Tumangu-tango siya.
"Hanggang saan naman ito?"
Ngumiti uli si Micah. "Hanggang sa kayang mahagip ng iyong paningin." Parang pabulong na lamang iyong sagot niya. Gayunman, napatingin ako sa malayo. Sinukat ng mga mata ko ang lawak ng kanyang resort. Napanganga ako. Hindi tuloy ako sigurado kung binibiro niya lang ako o ano.
Nawili ang mga mata ko sa kaiikot kung hanggang saan ang sakop ng parte niya kung kaya hindi ko napansin na naghubad na siya ng T-shirt at pantalon. Tinira na lamang ang black swimming trunks na hanggang kalagitnaan ng hita saka tumakbo na sa dagat. Nagulat ako nang mag-create iyon ng malaking splash. Nabasa pa ako tuloy. Kumaway siya sa akin.
"C'mon, Shane!"
"Wala akong pamalit! Ano ba!"
Umahon siya at sinabuyan ako ng tubig. Napatakbo ako palayo sa kanya. Hinabol niya ako at binuhat saka binagsak sa dagat.
"Hoy, ano ba!"
Nang mapatayo ako at kumapit ang basang-basa kong kulay puting T-shirt sa katawan at halos iluwa nito ang lacy black bra ko bigla akong napakurus sa dibdib. I saw him stopped laughing. He looked at me with warmth in his eyes. Then, he came near me. Bumilis ang tahip ng dibdib ko. Nang maramdaman ko na ang init ng kanyang paghinga sa pisngi ko, awtomatiko akong napapikit. Ngunit dumaan na ang mahigit isang minuto'y wala ang hinihintay kong halik. Nang dumilat ako, I caught him staring at me. Then, he gave me a tiny twig. Nakuha niya raw buhat sa buhok ko.
"Buset!" mura ko nang lihim.
Nauna siyang umahon sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top