CHAPTER EIGHTEEN

Shane Andrea Juarez

"Mag-inquire ka nga kung magkano ang rhinoplasty kay Doktora Belo."

Napa-double-take ako kay Mommy. Natigil tuloy ang pagre-review ko para sa exam ko sa major class. Naisip ko saglit na baka namali lang ako ng dinig. Siguro dahil napanganga ako habang nakatitig kay Mom kung kaya inulit niya ang sinabi sa akin.

"I want your sister's nose fixed. Iyong dulo ay gusto kong gawing slimmer para aquiline nose talaga ang dating. At least may bridge na iyong sa ate mo. Iyong sa iyo medyo kulang. Padagdagan pa natin ng kaunting bridge saka i-chisel na rin nang kaunti ang gilid para maging slimmer."

Lalong lumaki ang pagnganga ko. I never thought darating ang araw na may magsasabing kailangan kong magpagawa ng ilong dahil unlike many Filipinos matangos naman ang akin. Oo, hindi perpekto kagaya ng kay Paris Hilton, pero kontento na ako rito! Iyon nga ang sinabi ko sa mommy.

"Anong okay ka na sa ilong mo? Look at yourself in the mirror!" At binigyan niya ako ng salamin para tingnan ko raw ang sarili ko.

Kahit saang anggulo tingnan, wala akong nakikitang deperensya sa ilong ko. Oo't malaki ito nang kaunti pero mataas naman ang bridge ko, so kiber. Pero gusto ni Mom taasan pa. Gawing ka-shape ng kay Paris Hilton o di kaya kay Ruffa Gutierrez.

"Mommy naman! Gastos lang iyan eh. Wala na nga tayong pera, di ba?"

"Ano ka ba? Ang ganda n'yo ng ate n'yo ang puhunan natin para makabangon! Hala, i-research mo ang tungkol diyan at kung okay na magpagawa kay Doktora Belo."

Sinimangutan ko si Mommy at padabog kong tiniklop ang mga libro na nakakalat sa center table sa maliit naming sala. Pinandilatan naman niya ako ng mga mata. Habang nagpapatagisan kami ng samaan ng mukha, dumating si Ate. Mukhang kagagaling nito sa gym sa clubhouse. Medyo hinihingal pa nga sa tindi na naman siguro ng workout.

Tinalikuran ako ni Mom para harapin ang kapatid ko. Sinabi niya agad dito ang balak na ipapaayos ang ilong nito. Akala ko, like me, papalag ang ate. Wala na kasi akong nakikitang deperensya sa mukha nito. She's perfect! Katunayan, kinaiinggitan pa ng mga pinsan namin ang ilong nito. But then, to my surprise, na-excite pa ang bruha.

"Can I also go for skin bleaching, Mom?"

"Ate! Maputi ka na, ah!"

"Well, it doesn't hurt to try for a lighter skin. Gusto kong ako ang pinakamaputi sa class namin."

Sinimangutan ko sila pareho ni Mom nang kaagad itong pumayag. Ngumiwi na ako talaga nang i-discuss nila kung saan kukunin ang pambayad doon. Maglo-loan na naman daw sa bangko. Investment daw naman kasi iyong pagpapaganda. Sa inis ko, dali-dali kong niligpit ang mga libro't notebook at padabog na umalis doon.

Dad was kind of surprise to see me looking so pissed off nang magkasalubong kami sa hagdanan. Ni hindi ko na nga siya nasagot nang tinanong ako kung ano ang problema ko. Bago ako makarating sa panghuling baitang ng hagdan, I heard Dad asked Mom and Ate Eileen what my problem was to which they replied, "Nagmamayabang. Maganda na raw siya."

"Well, she's telling the truth."

Kahit naiimbyerna kina Mommy at Ate, napangiti ako sa sagot ng ama ko.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

My tetyas were mad that Lolo looked for Shane and not their sons' girlfriends. Napangiti naman ako nang lihim. Si Mommy ang nagbunyi. Nagbida pa ng kung anu-ano, hindi naman sila nagba-bonding. Kung magsalita ito akala mo naman close na close na kay Shane. Napapailing na lamang ako. Ang relax mood ko ay bigla na lang nagulantang nang tanungin ako ni Lolo kung kailan namin binabalak magpakasal ni Shane.

"I'm not getting any younger, hijo. I can feel my body is getting weaker each day. Sana bago ako mawala sa mundong ito, masaksihan ko man lang ang iyong kasal."

"Don't say that, Dad! You will still be able to hold your great grandchild from my Micah."

I secretly glared at Mom.

Napatikhim naman ang dalawa kong tetyas. Nahagip pa ng paningin ko ang pagsenyas-senyas nila sa mga pinsan kong sina Toby at Olezka. They seemed to be telling the two to speak up.

Toby cleared his throat, too, before he started telling Lolo about his future plans. Halatang napilitan lang dahil pautal-utal ito sa pagsasalita. But then nasabi niya nang klaro na balak daw nila ng kanyang nobya na magpakasal ng taong iyon.

Napatingin si Lolo sa kanya. Parang hindi nag-register dito ang sinabi ng pinsan ko. Then, Olezka spoke as well. Katulad ni Toby ay nagsabi na rin ito kay Lolo tungkol sa balak ding paglalagay sa tahimik. Katunayan daw ay may petsa na silang napagdesisyunan ng nobya.

I squinted at them both. Ang pagkakaalam ko'y ni sa hinagap ayaw ng dalawang ito na magpakasal pa. Kahit na hindi masyadong magkasundo ang aming mga ina, okay naman kaming tatlo. Lahat kami'y walang inililihim sa bawat isa. Pwera nga lang itong pagpapanggap namin ni Shane. Hiningi talaga ni Mommy na hindi ko iyon sabihin sa kanila. Naiintindihan ko naman kung bakit dahil matindi ang mga ina ng mga ito. Sa oras na malaman nila iyon, natitiyak kong lalo nila akong sisiraan kay Lolo. Heto nga at kung anu-ano na raw ang pinagsasabi sa matanda para lamang mabaling sa mga anak ng mga ito ang simpatiya ni Lolo.

"Stop that, you two," awat agad ni Mommy sa dalawa nang walang prenong nagpaligsahan sa pagkukwento ng plano nilang kasal. "You need to wait till next year because Micah and Shane are getting married this year. Hindi ba sa pamahiin ng mga Pinoy, bawal ang sukob?" dugtong pa nito at humarap kay Lolo sabay sabi ng, "Right, Dad?"

Hindi sumagot si Lolo pero binalingan niya akong muli. Tinanong ako kung kailan ko ba talaga balak magpakasal?

"Give me a specific date, Alexander," sabi nito.

Napasimangot si Mom nang marinig nito ang pangalang Alexander. Ganoon ako tinatawag ni Lolo ever since kahit na pinagpipilitan ng mommy ang pangalang Micah Rufus.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang ulitin ni Lolo ang pakiusap. Naisip ko agad si Shane. At lihim akong napamura dahil we already dropped the pretend marriage agreement. Ang sabi ko lang kasi rito hanggang pretend girlfriend lang ang role niya. Speaking of pretend girlfriend, hindi ko pa pala siya nabibigyan ng paunang bayad para sa pagpayag niyang maging nobya ko sa paningin ni Lolo.

"What?" angil ko kay Mom nang maramdaman ang siko nito sa dibdib ko. She was glaring at me.

"The date, Micah! The one we discussed the other day!"

Pinangunutan ko ito ng noo. Ano ang pinagsasabi nito? Ni wala kaming naging usapan. I caught her trying to wink at me when my tetyas were not looking. No'n ko lang naintindihan na gusto niyang mag-imbento na naman ako ng kuwento tungkol diumano sa plano naming pagpapakasal ni Shane.

Nang makita ko ang tila pagsibol ng pag-asa sa mukha ni Lolo, I felt so guilty. Hindi ko na yata kayang lokohin pa ang matanda. Hindi na ako nakapag-isip pa. Without even thinking about it, I confessed to him. Sinabi kong hindi ko totoong girlfriend si Shane. Na pinakilala ko lamang siyang nobya dahil tingin ko it would help him feel better.

"What?! You fooled me into believing you found yourself a girl to marry?!"

Napaatras ako sa lakas ng sigaw ni Lolo. Lumabas ang lahat ng litid sa kanyang leeg. Kahit pautal-utal ang kanyang tinig dahil sa nangyari sa kanya noon, nagawa niyang isigaw ang mga iyon. Nayanig kaming lahat. Si Mommy ay nataranta. Pati ang dalawa kong pinsan. My two tetyas pretended to panic as well, but I caught them sharing a sweet smile before going to Lolo's side. Lumapit din ako sa matanda pero itinulak niya ako ng isang kamay. Then, he pressed a button on his wheelchair and left us all in the living room. Sumunod sa kanya ang natataranta niyang private nurse. Mayamaya pa'y sumigaw ito at sinabing tila inatake na naman si Lolo.

Nang gabing iyon isinugod na naman ito sa Makati Medical Center. At mukhang this time, malala ang naging epekto ng stroke sa kanya. Katakot-takot na sermon ang inabot ko kay Mommy. Ang dalawang tetyas ko naman ay nagpasalamat sa akin nang lubos. Nakahinga naman nang maluwag sina Toby at Olezka. At least daw, hindi na sila mape-pressure sa pakikipag-unahan sa akin sa simbahan.

**********

Shane Andrea Juarez

"Pasensya na kung wala tayong magarbong handaan sa kaarawan mo this year, anak. Kung sana'y na-approve ang loan namin ng mommy mo sa BPI disin sana'y sa hotel ka nagce-celebrate ng twentieth birthday mo ngayon."

"Don't worry, Dad. Kahit na-approve ang loan n'yo never akong papayag na gagastusin n'yo iyon para sa isang araw na celebration lang."

Ate smirked at me. "Ang drama nito."

Hindi ko pinansin si Ate. I just closed my eyes and blew the candles on my cake. When I opened my eyes, I saw Mommy wiping tears in her eyes. Nang magkatitigan kami, she pulled me to her chest and gave me a tight hug.

"Pasensya na, anak."

"Ano ba kayo? Mas okay na ito kaysa nangutang kayo for my birthday celebration. Hindi naman ako mapaghanap. Saka nandito naman ang lahat na gusto kong kainin. Roasted chicken from Mang Inasal, Jollibee spaghetti, Chowking's chicken lauriat, Goldilock's cake, at Edward's wintermelon. What else do I need?" At bumungisngis akong parang batang tuwang-tuwa sa handa niya.

Lalong napahagulgol si Mommy. Ang cheap-cheap daw ng handa ko. Awang-awa raw siya sa akin.

Natigil ang dramahan naming mag-anak nang tumunog ang phone ko. Nagulat ako nang makitang hindi kilala ang numerong lumabas sa phone screen ko. Hindi ko sana sasagutin kaso naisip ko ring baka isa kina Felina at Keri ang tumatawag. Ang mga ito lang naman ang kahilig magpalit-palit ng numero ng cell phone. Baka susumbatan akong hindi man lang sila na-imbita sa birthday ko.

"Hello, Shane, hija?"

Mommy ni Micah. Kinabahan ako agad. Ang una kong naisip ay baka nadisgrasya ang kanyang anak. Nanlambot ang mga tuhod ko. No'n ko napagtanto na labis kong iindahin kung sakaling totoo ang kutob ko. Parang maiihi na ako sa nerbiyos.

"Micah is in the ICU!"

"What?! What happened to Micah? Oh my God!"

"Who's that?" halos ay sabay na tanong nila Mommy at Ate. Si Dad naman ay tila nalito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming tatlo at tinanong kung sino si Micah.

"How is he? Is he alright?"

"Yeah. Micah is okay. But his lolo is not looking good. Could I pick you up at your place right now? We need you!"

Hindi na ako nakapag-isip. Kaagad akong pumayag. Pagka-oo ko, may narinig kaming nag-doorbell. Nasa harapan na pala ito ng bahay naman nang tumawag. Nagulat sina Mommy nang makaharap na si Mrs. Contreras. My mother was so pleased upon learning that she's Micah's mom. Pinagtulakan agad ang ate ko sa kanya. Tila nalito naman si Mrs. Contreras. Napatingin pa ito nang nagtatanong kay Mom.

"My daughter Eileen and your son---I think, you know," nakangiting tugon ni Mom.

Pinangunutan siya ng noo ni Mrs. Contreras. Mukhang hindi nito naintindihan ang narinig. Nang bandang huli'y maunawaan ang ibig sabihin ng aking ina napahawak siya sa kamay ko.

"I came for Shane," mariin nitong sabi.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mom. Si Ate naman ay napaismid, pero kaagad namang ngumiti nang mapakla kay Mrs. Contreras. I felt awkward.

"Hindi ko papayagang sumama sa iyo ang anak ko. Hapon na. May klase pa iyan bukas." Taas-noo pa si Mommy at napahalukipkip siya habang nakatingin nang masama kay Mrs. Contreras. Ni hindi na nag-abala pang magkuwari. Ako ang nahiya sa biglang pagbago ng pakikitungo niya sa bisita.

Namaywang na ngayon ang mommy ni Micah. Mas lalo nitong tinaasan ng noo ang mommy.

"I know you owe our bank millions of pesos in loans. Consider that paid. Just let Shane come with me. It's important."

Hinamon pa ni Mommy si Mrs. Contreras. H'wag daw itong magmayabang. Binanggit ni Mrs. Contreras ang saktong halaga ng pagkakautang ng mga magulang ko sa bangko sa Batangas. May kasama pang loan number. Nagulat si Mommy at namutla pa. Ngumisi sa kanya ang mommy ni Micah saka inulit nito ang alok.

"I don't believe you," sabi pa ni Mom.

Pumalakpak si Mrs. Contreras. Kaagad na lumapit sa amin ang kasama nitong inakala kong driver lamang niya. Assistant pala. May hinugot itong kapirasong papel sa dalang plastic envelope at pinakita kay Mom ang kasulatan na buburahin ang utang ng pamilya namin kapalit ko. Sa ngayon nais lamang nilang pangatawanan ko ang pagiging girlfriend ni Micah.

"But soon, maybe she needs to marry my son."

Napasinghap ako. Hindi ako makahinga sa narinig at nakonsensya ako nang makitang lumungkot ang mukha ni Ate.

Umaliwalas naman ang mukha ni Mom nang makitang pirma na lang nila ni dad ang kailangan at burado na ang multi-million loans nila sa bangko ng mga Contreras. Kaagad nitong kinuha ang papel at without even blinking ay pinirmahan ito. Pinasa nito agad ang papel kay Dad at minadali rin ito sa pagpirma.

"Please do not think that I do not value my daughter. I just trust your family to take care of her. But one last question, my eldest can marry your son any time you want. She's ready. Would you want to reconsider your offer----?"

Pinangunutan na naman ng noo ni Mrs. Contreras si Mommy saka tiningnan si Ate. Ngumiti ito nang matamis sa kapatid ko. Tingin ko ay sincere naman siya sa pagpapakita ng simpatiya kay Ate.

"I'm sorry, sweetie. You are very pretty and there's nothing wrong with you. It's just that my son likes morena girls."

Nagulat si Ate. At napatingin ito kay Mommy na parang maiiyak.

"Umayos ka, Eileen," asik niya rito.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

"Hey. It's good to see you," bati sa akin ni Micah pagkasalubong ko sa kanya sa lobby ng ospital.

"I told you I could get her to come here." Nagmayabang ang mommy niya.

"Lolo seemed to be not doing well," balita nito agad. Medyo nangarag pa ang kanyang boses.

"Ano ba ang nangyari? Akala ko'y okay na siya? Hindi ba bumuti na ang lagay niya nang mapirmi sa inyo sa Batangas?"

Napahinga siya nang malalim.

"Your boyfriend here has a big mouth! If he should have just shut his fvcking mouth up, this wouldn't have happened!"

Pinaningkitan ni Micah ng mga mata ang ina. Inismiran naman siya ni Mrs. Contreras saka iniwan kami roon sa lobby.

"Ano ba talaga ang nangyari?"

Niyaya muna ako ni Micah na pumunta sa canteen ng ospital at doon niya isiniwalat ang lahat. Napanganga ako sa narinig. Nakupo. Baka galit na rin ang lolo niya sa akin.

Habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha, naisip ko rin si Ate. Matagal na bukambibig nila ng mga friends niya ang lalaking ito. Ang alam ko, crush na crush ito ng dati niyang kabarkada na si Wanda. Crush din ng BFF. Actually, ang mga kabarkada nito'y may something lahat kay Micah. Alam ko na iyon dati pa, pero never kong naisip na matindi ang obsession nila kay Micah lalo pa't kilala pala ng mga ito ang buong angkan ng mga Contreras. Well, siyempre, kasama na roon ang pag-iinteres sa mamanahin ni Micah. Maging ang ate ko nga, tingin ko'y dumoble ang interes dahil bukod daw sa guwapo raw ito up close, paboritong apo pa ng isang bilyonaryong negosyante.

Tiningnan kong muli si Micah at no'n ko na-realize na kahit isa lamang itong manager ng milk tea shop sa Legarda ay kontento na ako. I like him.

Nag-init nang bahagya ang mukha ko at para pa akong na-guilty nang maisip iyon. Kung anu-ano ang sumasagi sa isipan ko habang namomroblema siya sa lolo niya. I felt bad.

Tumunog ang cell phone niya. Napag-alaman kong nasa ICU room ng lolo niya ang ina at pinapapunta kami roon ora-orada. Ni hindi na namin nainom ang inorder na pineapple juice. Dali-dali kaming bumalik ng ospital. Inisip naming baka may nangyari na nga sa matanda.

Nagtaka agad ako nang pagdating namin doon ay hindi lamang si Mrs. Contreras ang tao sa kuwarto. Nandoon din si Mayor Saldana, ang mayor na magkakasal sana noon sa amin ni Micah. Nang makita ko ang dalawa nitong personal assistants doon, dumagundong na ang puso ko.

"Mom, what's going on?" pabulong na tanong ni Micah sa ina.

"Just be grateful that I was able to explain to your grandpa that you and Shane just had an LQ that's why you said what you've said at home in Batangas," sagot naman nito sa mahinang tinig. Nagbabanta ang tono. May sinabi pa ito sa Russian kay Micah that made him bit his lower lip.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong tumakbo palabas, pero nang umungol ang matanda at parang sumenyas sa aking lumapit, parang piniga ang puso ko. Binigyan ako ng alcohol ng mom ni Micah at naglagay din siya sa kamay. Tapos pinagpag-pagpag nito ng kamay na may alcohol ang damit ko bago niya ako pinalapit.

May tila sinasabi sa akin ang matanda.

"He said thank you," sabat agad ni Mrs. Contreras.

Hinawakan ni Don Filippo Contreras ang kamay ko at bahagyang pinisil. Tapos tinanguan nito si Micah para lumapit din.

Nakita kong tumulo ang luha ng don bago hinagkan sa pisngi ang yumuyukong apo. He held both our hands before he looked passed us. No'n lumapit si Mrs. Contreras sa harapan namin. Kinambatan nito si Mayor Saldana at sinabi ritong umpisahan na raw ang seremonya. Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong tumutol. Napatingin ako kay Micah. Titig na titig na pala siya sa akin. Nang magkatinginan kami, bigla akong nangatal. Nag-init pa ang buo kong katawan na parang hindi maintindihan. My head was telling me to run away, but a bigger part of my being was enjoying the moment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top