CHAPTER EIGHT

Shane Andrea Juarez

Nang ma-realize kong nakayakap ako sa hindi ko naman kaanu-anong lalaki sa harapan ng madlang pipol, kumalas ako agad. Hindi ko agad siya tiningnan dahil nagpahid pa ako ng luha. Nang tingalain ko na'y nahuli ko siyang nakatitig sa akin. At no'n ko napansin na ang ganda-ganda pala ng kanyang pilik-mata. Nagku-curl na parang inipit ng eyelash curler nang kung ilang oras. Saka ang mga mata! Gosh, hazel eyes pala siya! Bakit no'n ko lang napansin iyon?

"Gwapo," narinig kong sabi ng isang grupo ng mga tourism major nang dumaan sila sa gilid namin saka kilig na kilig silang nagbungisngisan.

"Rapunzel, Rapunzel, let down your hair!" sigaw pa ng isang bading sa unahan.

Napakagat-labi ako sa pagpipigil mangiti. Sobra akong proud na nasa akin ang atensyon ng pinagkakaguluhan ng mga kaeskwela ko.

"I hope you like the flowers," sabi niya.

Parang hindi napapansin ni Micah ang epekto niya sa mga kababaihan at miyembro ng federacion sa paligid. Ako nama'y mukhang dedma lang din kunwari, pero deep down kinikiliti ako. Sino ba naman ang hindi kiligin? May isang poging nilalang lang naman ang nagbigay sa akin ng isang bouquet of red roses on Valentine's day!

"Thank you so much. I love them." At inamoy-amoy ko pa ang mapupulang rosas.

"I'm glad you love them."

"You just don't know how much this means to me right now."

Lumingon ako sa kinaroroonan nina Vivi para ipagyabang sana si Micah. Wala na sila sa likuran ko. I looked around looking for signs of them elsewhere. Wala na talaga.

"They already left."

Napatingin ako kay Micah. For a while ay hindi ko siya naintindihan. Nang mag-sink in ang sinabi niya sa akin, nag-init nang bahagya ang mukha ko. Baka kasi iniisip niyang pinangangalandakan ko siya sa mga bruha kong kaeskwela. Though iyon naman ang totoo, siyempre ayaw kong malaman niya. Natatakot kasi akong baka bigyan niya iyon ng meaning.

"Are they bullying you?" tanong niya sa akin. Tiningnan niya ako nang matiim.

Hindi ako nakasagot. Inulit niya ang tanong kung kaya napilitan akong sumagot.

"Crush nila si Thijs, iyong boyfriend ko---I mean my ex."

Magkukuwento pa sana ako nang bigla na lang akong napasubsob sa dibdib ni Micah. May sumagi sa aking lalaki. Awtomatiko namang hinarang ni Micah ang mga braso niya sa isang grupo ng mga naghaharutang mga atletang lalaki ng university. Nang ma-realize nila ang nangyari, sabay-sabay silang nag-sorry sa amin. Tiningnan lang sila nang masama ni Micah saka hinila niya ako palayo roon. Magkahawak-kamay kaming tumawid ng kalye.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Nandoon na ang lahat kong pinsan sa tabi ng kama ni Lolo nang dumating ako sa St. Luke's Medical Center. Sina Olezka at Tobias ay nakahawak pa sa kamay nito. Tig-isa sila. Sa likuran nila'y nakatayo naman ang kani-kanilang mga ina. Ang sa akin ay sa bandang paanan at lumingon ito nang bumukas ang pintuan para pumasok ako. Mom scowled at me. Hindi na niya ako hinintay pang makalapit. Sinalubong niya ako at hinila muna sa isang tabi para pagalitan.

"Where the fvck have you been, Micah Rufus Alexander? And you weren't answering your phone, Goddamnit!" gigil na gigil na asik nito sa akin. Her big hazel eyes were emitting fire.

"I was not in my store. I---I was away and I didn't bring my cell phone with me," sagot ko sa mahinang tinig.

Siyempre, hindi ko inamin na nang mga panahong iyon ay nasa harapan ako ng FEU sa Morayta at kino-comfort ang isang cute na cute na estudyanteng babae dahil hindi umabot ng Valentine's Day ang relasyon nito sa boyfriend.

"Hinanap ka kanina ng lolo mo nang magkamalay na at nakita niyang wala ka na naman! Bullshit! Lagi ka na lang nauunahan ng mga pinsan mo!"

Gusto na akong lamunin ng buhay ni Mom. Minura pa ako nang ilang beses sa lenggwahe niyang Russian. Napangiwi ako. Saka lang ito tumigil nang marinig na umungol si Lolo at may sinasabi ito. Nang marinig ko ang pangalan kaagad kaming lumapit dito.

"Dad, nandito na ang paborito n'yong apo," malambing na wika ni Mom na inalmahan agad ng dalawa kong aunties na mga kalahi rin niya. Mariin nila itong minura sa mahinang tinig at sinabihang h'wag daw itong assuming habang matamis na nakangiti kay Lolo. My cousins and I just rolled our eyes.

Mga bata pa lang kami'y nakikipagkompetisyon na ang mga nanay namin sa atensyon at pagmamahal ni Lolo para sa aming mga anak nila. Kasalanan din ito ng matanda dahil halatang may paborito sa mga anak niya, ang mga daddy namin. Ramdam ng lahat na pinakapaborito ang ama ko. Natural lang na asahan din nila na ganoon din ang pagtingin nito sa akin. Pero taliwas ang nararamdaman ko. Tingin ko, my grandfather harbored some hatred towards me. Paano kasi'y naaksidente si Dad nang dahil sa akin at iyon din ang ikinamatay niya.

As to my uncles, after they've produced an heir, they disappeared. Kinuha lang nila ang kani-kanilang mana at basta nang lumayas ng Pilipinas para mamuhay nang payapa with their 'husband' somewhere in Europe. Oo, parehong binabae ang mga tiyuhin ko kaya ganoon na lamang ang hinagpis ni Lolo. Iyon din ang rason kung bakit paborito si Dad. Siya lang daw kasi ang straight sa mga anak nito.

Ever since we were kids, my cousins and I got along just fine. Kaso nga lang minsan, dala na rin ng pagiging competitive ng mga nanay namin, nahahawa na rin kami.

"Don't tell us you were busy eating some pu**ies while Lolo was fighting for his life," kantiyaw sa akin ni Toby. Nakangisi ito.

"Of course! What else do you think Micah did besides fvcking a girl on a Valentine's Day?" sabat naman ni Olezka. "Alangan namang nagsimba ito. Fvcking some girls is his way of celebrating the Heart's Day. Right, Micah?"

"Hey!" awat sa kanila ni Mom. Pinandilatan pa sila nito. Napangisi ako sa kanila.

"Oh, sorry, Tetya (Auntie)," sabi ni Olezka saka yumuko at bumungisngis.

Tumigil lang ito nang tingnan nang masama ng sariling ina at isenyas pa si Lolo na ngayo'y nakasimangot na sa aming tatlong apo niya. Isa-isa kami nitong tinitigan.

"Micah," tawag uli nito sa pangalan ko.

"Yes, Lolo."

"Your favorite grandson," pa-sweet na sabat naman ni Mom.

"Pwede ba? Hwag ka ngang atribida, Irina?" asik dito ni Tetya Lelyah, ang ina ni Olezka, na sinang-ayunan naman ni Tetya Karine, ang mama naman ni Tobias.

"Guys, please," awat sa kanila ni Olezka. Inginuso rin nito si Lolo na matiim nang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Kaagad silang humingi ng paumanhin dito.

"I am sorry for coming late, Lolo. I didn't know you were brought here. How are you feeling now?" sabi ko. Mabaling man lang uli sa akin ang atensyon nito.

"I d-do not think I will live longer," namamaos na sabi nito agad sa akin saka humugot ng malalim na hininga.

Tiningnan niya uli kaming mga apo niya saka pumikit. Kinabahan kami. Naisip naming baka bumigay na nang tuluyan ang kanyang puso kung kaya titig na titig kaming magpinsan sa heart monitoring machine niya. Bago pa man mag-over react ang mga mommy namin, binalaan na namin sa tingin na kalma lang sila sa isang tabi dahil baka lalong ikasama ng pakiramdam ng lolo.

"Gusto ko ng apo sa tuhod," bigla na lang ay sabi nito saka dumilat. "At gusto ko'y babae. Iyan ang pangarap kong pinagkait ng Diyos sa akin. Sa halip ay binigyan niya ako ng dalawang binabae." At napakagat ito ng lower lip sabay iling-iling. He looked so disappointed. Dahilan para ngumiti nang todo ang mommy ko. Nahagip ko agad iyon kaya pinangunutan ko ito ng noo. No'n lang ito nagseryoso.

"Kung sino ang makakapagbigay sa akin ng great granddaughter ay bibigyan ko ng pabuya. Kanya ang penthouse ko sa BGC pati na ang exclusive beach resort ko sa Zambales and Palawan. That's on top of what he will get from his inheritance that will come from my companies and other investments as well as bank deposits."

"Naku, Dad. Tamang-tama. Micah here is about to get married to his long-time girlfriend. Do you remember Lindsey Balaguer? The ramp model? She is very beautiful, Dad and she's Micah's fiancee! My son will give you beautiful great grandaughters for sure!"

"Mom!" saway ko agad sa kanya. Sinenyasan ko itong tumahimik na at h'wag nang paasahin ang matanda, pero dinedma lang ako. Patuloy pa ito sa pagbibida.

"Lindsey Balaguer?" ulit ni Olezka at tinitigan ako. "You've already broken up with her, right, couz? Because she is now dating the arrogant Fil-Am cager!"

"Yeah. Micah is single right now," dugtong pa ni Tobias na ikinatuwa lalo ng kani-kanilang mga ina.

Mom's face turned pale. Tiningnan ako nito at tila nanggigigil na naman sa galit na nagtanong kung totoo ang sinasabi ng mga pinsan ko. When I nodded, she cussed me in Russian. Nagtawanan sina Tetya Lelyah and Tetya Karine. Ngumisi-ngisi naman ang mga pinsan ko.

Napahilot-hilot ako ng sentido.

**********

Shane Andrea Juarez

Tahimik akong sumisipsip sa taro chocolate milk tea ko sa isang sulok nang biglang may naglapag ng isang hiwa ng cheese cake sa harapan ko. Si Louie. Isa sa mga servers ng Edward's.

"I didn't order for this, Louie," sabi ko.

Ngumiti si Louie sa akin saka itinuro ang boss niyang nasa counter at nakangiting nakatingin na sa akin ngayon. Kumaway ako sa kanya bilang pagbati. Umalis ito sa harapan ng cash register at lumapit na sa akin.

"Hi there," bati nito.

Ang magaganda niyang mga mata ay kumislap pa nang ito'y ngumiting muli. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I have to remind myself na hwag basta-bastang magpadala sa damdamin dahil hindi ko siya kilala masyado.

Tse! Ilang beses ka na kayang pumunta sa condo niya! Matagal ka nang nagpadalus-dalos, oy!

Nahiya ako nang maalala ang mga iyon. Mayroon kasing insidente noon na nakitaan ko pa siyang tinigasan nang dahil sa nasagi ko ang isang bahagi ng kanyang katawan. It was so awkward. Hindi lamang iyon. May pagkakataon pa noon dito mismo sa store niya na nakanti ko rin iyon kaya dahan-dahang nanigas din.

Hindi ko napigilan ang pagmutawi ng ngiti nang sunud-sunod na lumitaw iyon sa aking isipan.

"You seemed to be enjoying my milk tea," nakangiti nitong pahayag. "You will be in a much better mood kapag natikman mo pa itong cheese cake na 'to. Ako ang nag-bake niyan."

"Ows? Hindi nga?"

Nakangiti syang tumangu-tango.

I invited him to sit in front of me habang wala pa ang hinihintay kong makakasama sa table na iyon. Mabilis naman siyang naupo sa harapan ko at nagkuwentuhan na kami. Una ay tungkol lamang sa milk tea, pero nang lumaon ay dumako na sa pag-aaral ko.

"Hopefully, I will graduate in three years. Delayed ako ng isang taon kasi nag-shift ako, eh. Dati kasi'y gusto ko sanang mag-fine arts kaso sabi ng parents ko wala raw future sa fine arts. My parents are both in business. At mahalaga sa pamilya namin ang pagiging practical. Kaya heto at pinakuha nila ako ng medtech. Susundan ko raw si Ate sa UK after graduation."

Nakita ko siyang tumangu-tango na naman at tila nag-isip pa.

"Are you telling me na nineteen ka na?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko. May sinabi ba akong ganoon? Parang wala naman, ah. Oh. Maybe he was trying to deduce my age dahil sinabi kong nakapag-first year na ako sa fine arts nang mag-shift.

"Oh, no. Twenty na ako, baby face lang kung kaya many people thought I'm either seventeen or eighteen," nakangiti kong sagot.

Kahit nga mismong mga kaibigan ko'y tingin nila sa akin 'baby'. Hindi nila alam na a little more than two years lang ang tinanda nila sa akin.

Tumangu-tango siya uli at tila nag-isip na naman.

"Wait. Is there something wrong?" tanong ko na.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa sa iyo, Shane. May---may proposal sana ako for you. Sana h'wag mong masamain. Ano kasi---umm---my grandfather is not getting any better. May sakit siya. He---he wanted me to---to give him a great grandaughter before he---he leaves this world. I thought about---you."

Napanganga ako sa sinabi niya. Inaalok niya ako ng indecent proposal?! Gusto niya akong anakan para sa lolo niya?! My God! How dare he!

Bigla siyang natahimik. Siguro ay nababasa na niya sa mukha ko ang reaksiyon ko sa mga sinabi niya. Tama nga pala kanina ang gut-feeling ko. Hindi ako dapat nagtiwala sa kanya nang lubos! Aba! Ano ang tingin niya sa akin? Baby maker?!

"Shane, let me explain."

"No! I do not want to be your baby maker!" mariin kong sabi.

"That's not what I meant. What I want to say is---I want us to get married."

"Married?! You are asking my daughter to get married?!"

Pareho kaming napatingin sa mommy ko na kakapasok lang sa Edward's at larawan ng pagkagulat. Mataray na dati pa ang mukha ni Mom kahit na hindi siya galit. Ngayo'y lalo itong naging mabagsik dahil sa narinig. Dahan-dahan itong lumapit sa table namin habang tinititigan si Micah.

Inaasahan ko nang maging bahag ang buntot ni Micah dahil tinitingnan na siya ngayon ng mommy ko mula ulo hanggang paa, pero he remained calm. Hindi ko rin siya nakitaan ng pagkatakot.

"You're a crew here at Edward's?" deretsahang tanong ni Mom sa pinakanakatatakot niyang tinig.

Kalmado pa ring tumango si Micah at nagpakilala sa sarili. Hindi nito binaggit na siya ang manager ng Edward's. Sinabi lang na dito siya nagtatrabaho.

"Ang tapang din naman ng apog mong yayaing magpakasal ng anak ko! Do you know who she is?"

"Mom, please," awat ko. Nahihiya.

Sinenyasan ako ni Mommy na tumahimik. Hindi naman sumagot si Micah. Tingin ko dahil wala siyang maisasagot. Bukod sa nag-aaral ako sa FEU at may boyfriend na alanganin, wala na siyang ibang alam tungkol sa akin. Ni hindi ko naikuwento sa kanya na may-ari ng kung ilang restaurant ang pamilya ko at mayroon din kaming farm sa Batangas at palaisdaan sa Bulacan. In short, kung gusto ko sanang pumasok ng nakakotse at may alalay, kayang-kaya namin. Subalit, sarili kong desisyon na mag-grab na lang sa pagpasok sa school at pag-uwi ng bahay dahil gusto kong malayang nakakasama sa gimik ng barkada nang walang iniisip na driver at alalay na tiyak na magsusumbong sa mga magulang ko kapag nagkakayayaan ang barkada na pumunta sa bars o clubs.

"Natahimik ka. Malamang, hindi mo nga kilala ang anak ko. Siya lang naman ang baby ng pamilya ko! Sa tingin mo, hahayaan kong makasal ang aking bunso sa isang---," at umismid si Mommy bago nagpatuloy, "don't get me wrong, you are very good looking and any mothers would want a gorgeous and handsome son-in-law, but I'm more of a practical mom. Ayaw kong mapunta lamang sa patay-gutom ang baby ko!"

"Mommy!" saway ko rito. Hiyang-hiya na ako sa pinagsasabi niya lalo pa't nagbubulong-bulungan na ang mga tao sa paligid namin.

"Halika na, Shane Andrea!" At kinaladkad niya ako palabas ng Edward's.

"Mom, saglit lang!"

"Ano ka ba? Are you out of your mind?" tila napapahumindig nitong tili nang binalikan ko si Micah at hiningi siya rito ng paumanhin.

"I am so sorry, Micah. I am so sorry."

Hindi siya umimik. He just sadly nodded his head.

Ako nama'y sobrang na-guilty. Sa sobrang guilt tila nakalimutan ko nang galit ako sa kanya dahil sa indecent proposal niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top