Quaranfling - Oneshot Story
DINAMPOT ni Farrica ang cellphone nitong hindi matigil-tigil sa pag-ring. Kunot ang mga noo at parang isang dragon na malapit nang bumuga ng makapaninsalang apoy.
"HEL—"
"Bakit mo ba 'ko iniwan?" Farrica was shocked to hear a sobbing, drunk man over the phone. "Dahil ba mas malaki yung katawan niya?"
Parang na-eskandalo ang kaluluwa niya sa mga salitang lumabas sa bibig ng lalaking tumawag sa kaniya. That's the time she decided to check who made the call. Lagot talaga ang sino man sa kaniyang mga kaibigan ang nangti-trip sa kaniya.
Isang perpektong "o" ang gumuhit sa kaniyang mga labi nang makita ang isang unregistered phone number sa kaniyang screen.
"Look, I think you've—"
"Katawan lang ang malaki sa kaniya!" He cut her off again. "I bet I'm better at love making, Denise!" He added with conviction and full confidence. "Dalawang pandesal lang naman ang lamang niya pero baka vienna sausage lang ang ihahandog niya kumpara sa hotdog kong jumbo na, juicy pa!"
Napasinghap nang tuluyan si Farrica sa mga naririnig. Alam niyang lasing ang lalaking kausap at baka namali lang ito ng dial ng telepono ngunit parang siya ang nahihiya para sa kaniya.
"Sinabi mo pa ngang para tayong Flintstones because I can make your bed rock!"
Tuluyan na ngang umakyat ang dugo sa pisngi niya. Hindi naman siya ang nagpapaka-wild ngayon pero bakit siya itong nahihiya sa sinasabi ng lalaking ito?
"Denise..."
"Hindi ako si Denise." Sagot niya sa lalaking natahimik matapos marinig ang boses niya.
"Y-You're not Denise?" Ulit nito at bakas sa boses na hindi ito naniniwala sa kaniya. "Shet, miss! Ang bastos mo!"
Kung kani-kanina lamang ay nahihiya siya para sa kausap, ngayon nama'y bumalik ang inis niya dahil sa huling sinabi ng kausap niya. "Ako talaga 'yong bastos?" Itinuro ni Farrica ang sarili at hindi makapaniwala sa narinig. "Ikaw nga itong puro kamanyakan ang sinasabi riyan!"
"Eh, sino ba 'tong nakikinig sa mga kuwento ko?" Buwelta naman ng kausap na ayaw magpatalo. "Para kay Denise, My Labs 'yon! Para ma-realise niyang ako ang kaniyang one true love!"
"At sino ba sa atin ang tumawag?" She aggressively took her blanket off and turned her lights on.
"Eh, sino ba'ng sumagot?"
Nagngingitngit ang kalooban ni Farrica. Kung kaharap lamang niya ito ay baka nasampal na niya.
"Miss, yung totoo... crush mo 'ko, 'no?"
"What?"
Kung kanina'y parang batang nagmamaktol ang binata, ngayon nama'y parang isa ito sa mga lalaking gustong makipag-flirt sa mga babae para sa isang one night stand.
"Kaya mo shinagot yung tawag ko kashe you layk meeh..." Napasapo na lamang ito sa kaniyang noo. She's practically lost for words. "Pero, sorry." Naging seryoso ang tono ng boses nito kinalaunan. "My heart belongs to Denise, the love of my life. Kaya pasensiya ka na dahil hindi ako papatol sa 'yo."
"HOY! ANG KAP—"
Hindi na niya naituloy pa ang nais sabihin dahil kung paano siyang hindi tinigilan sa pagtawag kanina'y gano'n naman naging kabilis ang pagbaba nito ng telepono.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" She shouted through gritted teeth while holding her cellphone. Alam naman niyang hindi na siya maririnig ng lalaking iyon pero gusto niya ring mailabas ang inis na nararamdaman niya. Wala rin namang makaririnig sa kaniya, eh!
Ngunit mali siya. Isang katok mula sa itaas na unit ang narinig niya. "Hoy! Kung ayaw mong matulog, puwede ba, magpatulog ka!" Sigaw ng kaniyang masungit na kapitbahay.
Hindi na lamang ito sumagot. One pesky phone call from a stranger is enough to end her night, she can't handle another argument.
══════ ♡♡♡ ══════
NAGPASYANG ayusin ni Farrica ang kaniyang munting apartment kinabukasan. Mas mainam nang magpaka-busy ito kaysa magmukmok sa isang sulok kasama na ng pagbura niya sa kaniyang mga social media applications.
She wanted to free her mind from thinking about her good-for-nothing ex boyfriend who broke her heart. Nawasak ang puso niya ngunit mas winasak nito ang pagkatao't tiwala niya sa kaniyang sarili - something she can never forgive.
It was near noon and the sun was shining brightly. The rays were making its way through her newly-cleaned glass window. "Today would have been perfect to dive into the clear waters of El Nido." Mahinang banggit niya sa kawalan matapos ihain ang niluto niyang adobo para sa kaniyang sarili.
Her place is warm and cozy. Her white painted walls were decorated with earth coloured frames and nature photography. She finds peace and solace just by looking at those photos. Ngunit ang peace and quiet na naranasan niya ay kaagad ring naglaho nang makarinig siya ng isang malakas na kalabog mula sa itaas na apartment. Para bang may nahulog na mabigat sa sahig.
Hindi na lamang niya iyon pinansin. Inisip nitong naglilinis lang rin ang kaniyang kapitbahay. Somehow, that made her feel less lonely dahil alam niyang hindi naman pala siya nag-iisa sa kanilang neighbourhood.
Sinundan pa ito ng malakas na tunog mula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at kaagad na kumunot ang noo nang mabasa ang notification screen nito.
From: DON'T REPLY TO THIS MANIAC!!!
Message: Phonepal, masarap b ulam mo? xD
Umirap ito sa kawalan at isinarado na lang niyang muli ang kaniyang cellphone at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero kung gaano ito kakulit kagabi'y tila nadoble ngayon dahil sunod-sunod ang pagtunog ng kaniyang cellphone sa mga sandaling iyon.
Message: Nakakakilig ba yung tanong ko kaya hindi mo na alam kung ano ang ire-reply mo?
Message: or bka naman tulog kpa?
Message: Sorry na kung napuyat ka kakaisip saken kagabi... =(
Message: Bumangon ka na at kumaen pra may lakas kng isipin ulit ako today. ;)
On normal days, Farrica would ignore such immaturity from strangers and guys who think highly of themselves. But there is something about this man who easily get to her nerves! Kung isa siyang anime character, siguradong sumabog na ang ulo niya na parang bulkan at malamang ay makikita rin ang pagliyab ng mga mata niya sa sobrang inis.
She took her phone and quickly typed a reply.
To: DON'T REPLY TO THIS MANIAC!!!
Message: HOY! ANG KAPLA-KAPLA NG MUKA MONG SABIHIN YAN! BWISET KA TLGA! PANIRA KA NG ARAW!
Wala pang isang minuto ng i-send niya yon nang makatanggap siya ng reply mula rito.
From: DON'T REPLY TO THIS MANIAC!!!
Message: Easyhan mo nman... sa sobrang kilig mo namamali ka na...
Message: ano'ng kapla-kapla? Kapeng tinitimpla ba yan?
Message: Ayiieeee...kras na kras mo tlga ako... nyahahaha
Halos mawalan na ito ng bait dahil sa mga sinasabi ng lalaking ito sa kaniya kaya naman tuluyan na niyang pinatay ang cellphone nito't tinapos ang kinakain. Marami siyang nais i-accompish sa kaniyang to-do list at hindi kasama roon ang pagpansin sa lalaking ito.
Lubog na ang araw nang matapos niyang ayusin ang kaniyang kuwarto. Nakaligo na rin siya at kasalukuyang pinatutuyo ang buhok nitong pinagupitan niya noong isang linggo lamang. Umaabot ito hanggang sa balikat niya at pinakulayan rin ng kulay karamelo. May kaputian naman ito kahit paano kaya't bumagay sa kaniya ang kulay na iyon.
Binuksan niya ang TV at natapat sa isang news program, "Isinara ng pamahalaan ang airport dahil sa lumalalang kaso ng pandemya sa bansa..." Hindi tinapos ni Farrica ang pinapanood dahil kaagad nitong naisip ang tungkol sa tita niyang papauwi ng Pilipinas. Hinanap niya ang kaniyang cellphone at binuhay iyon upang tawagan sana ang tiyahing nasa Australia.
Napapikit na lamang ito dahil sa sunud-sunod na pagtanggap niya ng mensahe mula sa lalaking iyon at nabura sa isipan niyang tawagan ang tita Mila niya dahil sa huling mensahe ng lalaki.
Message: pag nakakain kba ng expired food mae-expire n rin ang buhay mo? x(
"Shems... 'pag natigok 'to, makikita ng mga pulis na isa ako sa mga huli niyang sinendan ng message..." Kinakabahan nitong saad sa sarili. "Tapos ang huli kong message sa kaniya pagalit pa," dagdag pa nito nang maalala ang mensaheng ipinadala niya kaninang tanghalian habang naiinis siya. "What if he actually died? Baka maging suspect ako! Baka makulong ako! Baka..."
Napatitig siya sa screen ng cellphone niya at nakitang thirty minutes ago nang i-send sa kaniya ang huling message. "Bahala na si mareng Darna!" sambit niya saka pinindot ang call button, umaasang sagutin iyon ng lalaking may balak yatang magpatiwakal.
Nakaka-apat na ring na ito nang sagutin ng binata ang tawag niya.
"H-Hello? Kuya, OMG! Buhay ka pa!" She felt releived when he answered her call. "Akala ko namatay ka na at..."
"Yiieee... you care for me like a care bear... ayiee!"
Naglahong parang bula ang kabang nararamdaman ni Farrica kanina sa pag-aakalang patay na ang binata at baka isa siya sa mga pagbibintangang may sala.
"Wala ka bang magawang matino sa buhay mo at pati ako iniistorbo mo?" Mataray at puno ng inis ang bawat salitang binitiwan ni Farrica sa binata. "Kaya ka siguro iniwan ni Denise dahil napaka-immature mo!"
Isang tikhim ang narinig niya mula sa kabilang linya matapos sabihin iyon. "Honestly, she left because I was too serious and couldn't take a joke." Ito yata ang unang beses na narinig niya ang boses ng binata na napaka-seryoso. He sounded manly and deadly. Parang isang boss ang kausap dahil sa pag-pronounce niya ng bawat salita. "But I guess I'm more annoying being mischievous."
Nalunok ni Farrica ang sariling laway. Alam niyang nasaktan ang ego ng kausap at gusto niyang sampalin ang sarili dahil nagpakababa siya sa pagbanggit ng tungkol sa ex nito. Kung tutuusin nga'y dapat siyang maki-simpatya dahil iniwan rin siya pero heto't ginamit niya iyon para makasakit ng kapwa. 'Bad move, Farrica.'
"I-I'm sorry." humingi ng paumanhin ang dalaga bago pang may masabi ang binata. "I know how painful it actually is na maiwan ng taong minamahal dahil yan din ang lagay ko ngayon." Hindi niya alam kung bakit niya ikinukuwento ito sa taong hindi naman niya kakilala pero kahit paano'y nabawasana ang sama ng loob na kaniyang nadarama. "My ex left me too. Papunta nga dapat ako ng El Nido para mag-soul searching at ipakita sa gag*ng 'yon na kaya ko kahit wala siya pero heto't locked up ako sa bahay ko dahil sa pandemya!"
Isang malalim na buntong hininga lamang ang narinig niya mula sa kausap at ilang segundo rin ng katahimikan ang naghari sa pagitan nila. "Denise left me for another man who is more adventurous and, according to her, more fun to be with." Ramdam ni Farrica ang bawat hinanakit na mayroon ang binata lalo pa nang marinig ang kasunod nito, "Pinagpalit niya ako sa pinsan kong made in the USA!"
"What the fudge?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Farrica.
Dito nagsimula ang araw-araw nilang pag-uusap. Two broken souls wanting to be healed and to move on from the people who caused them their heart aches have found each other all because of a misdialled number. Napag-alaman ni Farrica na halos parehas lang ang number nila ni Denise, ang huling numero lang ang naiba at iyon ang nai-dial ng kausap niya na nagpakilala bilang si K habang ang dalaga nama'y nagpakilala bilang Jean.
They both made a deal that night. Hindi nila sasabihin ang totoo nilang pangalan, just to keep the mystery of their identities, at magpanggap bilang mag-jowa sa text. "Ano tayo? Teenager?" Natatawang tanong pa nga niya nang sabihin ni K iyon sa kaniya.
"Mas gusto mo ba yung walang label?" Buwelta naman ni K.
Wala nang nagawa si Farrica kundi ang sumang-ayon sa set-up nila na kung tawagin nila ay Quaranfling. They both made a deal na kapag natapos itong quarantine ay magkikita silang dalawa, not as flings but to be friends with each other. Ngunit sa takbo ng mundo, mukhang malayong mangyari ito. And for Farrica, having someone to distract her mind from her ex is a good thing.
══════ ♡♡♡ ══════
LUMIPAS ang ilang buwan at halos hindi na naalala ni Farrica ang hinanakit niya sa ex niya at malaki ang naging parte ni K sa kaniyang pagmo-move on.
"In love ka na, girl!" bumalik sa sariling ulirat si Farrica nang marinig ang komento ng kaniyang malapit na kaibigan na si Ren. Kasalukuyan kasi silang nag-uusap sa Viber via video call. "Ipapaalala ko lang sa 'yo na panakip-butas niyo lang ang isa't isa."
"Ang harsh mo!" Komento nito sa kaibigan na hindi na yata naniniwala sa pag-ibig. "At hindi ako in love, ano ka ba?"
Itinaas ni Ren ang isang kilay niya at umismid. "Sabihin mo sa 'kin yan kapag hindi ka na napapangiti sa tuwing binabanggit mo si K. Kapag kaya mo nang i-kuwento iyong ka-sweetan niya sa 'yo sa text message na hindi kumikislap yang mga mata mo. Alalahanin mo, kaka-break lang nila nung Denise nang magkakilala kayo at sinabi niya sa 'yo na si Denise lang ang mahal niya."
Parang binuhusan ng malamig na yelo si Farrica sa mga binanggit ni Ren. Has she really fallen in love with K?
"Mas acceptable pa yan kung kay Andrei ka na lang na-in love. Remember him? Yung nakilala natin sa Boracay seven years ago! Yung naging ka-M.U. mo?" Pagpapaalala pa nito sa kaniya.
"Ren, hindi nga natuloy, 'di ba?" Sagot niya sa kaibigan habang inaaalala ang lalaking iyon. He was indeed caring and sweet. Totorpe-torpe nga lang. They never got to know each other better. Ang tanging malinaw sa kanila ay nae-enjoy nila ang company ng isa't isa. Ni hindi nga nila nagawang i-add ang isa't isa sa kani-kanilang mga social media accounts at hindi rin naman siya tinawagan ng Andrei na 'yon kahit minsan.
══════ ♡♡♡ ══════
TATLUMPONG minuto na lang at magkikita na sila ni K. She was having a mixed set of emotions while thinking about it. Una, excited itong makilala kung sino si K; at pangalawa, kinakabahan ito dahil baka hindi nila magustuhan ang isa't isa kahit bilang kaibigan lang. 'Ang awkard no'n 'pag nagkataon.' Saad ng utak niya bago lumabas ng pinto.
There's a hallway that leads to the staircases - one going up the third floor, and the second going down the ground floor. She wore her face mask and made sure to keep a small bottle of alcohol in her bag as a precaution.
Nagmamadali pa nga ito dahil baka ma-late siya. Napag-usapan nilang sa may Starbucks na lang sila magkita, iyong nasa labas ng village nila. Mabuti na lang at parehas silang nakatira malapit sa area na iyon.
Halos makasabay niya pababa ang kapitbahay nito mula sa itaas na palapag at tila nagmamadali na ring makalabas ng bahay. Hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit kitang-kita naman niya ang kakisigan nito dahil sa hapit nitong gray shirt at may kaunting muscles. He stands around 5'8 to 5'9 in height. Exactly how K described himself.
Sa hindi niya maipaliwanag na rason ay bigla ring pumasok sa isipan niya si Andrei, ang lalaking naka-M.U. niya ilang taon na ang nakararaan. May katangkaran din kasi iyon ngunit iwinaksi na lamang niya ang isiping iyon. Inisip na baka nadala lang siya sa usapan nila ni Ren noong isang araw kaya niya naalala ang binata.
Kapwa nasa ground floor na ang dalawa nang dukutin ng kapitbahay nito ang cellphone sa kaniyang bulsa habang papunta sa isang itim na sasakyang nakaparada. Tumunog naman ang cellphone ni Farrica at mas lalong nataranta dahil si K ang tumatawag rito. Mukhang nakarating na ang lalaki sa tagpuan nila.
"K?" Sagot nito. "I'm sorry, I'll be late. Nag-cancel kasi yung grab driver ko..." nahihiya nitong sambit. "And I'm still trying to book a new one."
Nagtaka na lamang ito nang wala siyang narinig ni isang sagot mula sa kabilang linya. Inakala tuloy niyang hindi niya nasagot ang tawag nito kaya naman napatingin siya sa screen ng cellphone niya which showed an on-going call with K.
"Hello? K? Nandiyan ka ba?" tanong niya.
"Nandito ako..." Mahinang sagot nito. "Nasa likod mo."
Unti-unting nilingon ni Farrica ang binatang kanina pa palang nakamasid sa kaniya. The tall man with a fair complexion waves his right hand towards her. Napangiti naman ang dalaga at hindi makapaniwalang napakalapit lang pala ng binata sa kaniya!
Naglakad sila papalapit sa isa't isa ngunit sinigurado pa ring may distansya sa pagitan nila. "Well, this is unbelievable." the man said surprisingly. "Ikaw pala 'yong kapitbahay kong mahilig sumigaw sa kausap." mapang-asar nitong komento.
Natawa na lamang si Farrica dahil naalala nito ang una nilang pag-uusap.
"It's finally nice to meet you... Jean?"
Farrica decided to take off her face mask and revealed her face. "Farrica Jean Cervantes." pagpapakilala nito sa kaniyang sarili.
Napansin nito ang mas lalong pagkamangha ng binata. Nakangiti ang mga mata nito at iiling-iling. "Wow. I think this is fate." wala sa ayos niyang naisambit at maging siya ay tinanggal rin ang suot na face mask. "It's me... Keith Andrei Salazar." Itinuro nito ang sarili na siyang ikinagulat ni Farrica. "We met in Boracay seven years ago."
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top