Quaranfling

Farrica's bags were packed and she's definitely ready to go! Handa na ang lahat ng mga gamit niya – instax camera, bronzer, perfectly manicured nails, and her new set of bikinis. Gusto niyang ipakita sa ex niyang naka-move on na siya at masayang-masaya na siya sa buhay niya.

Pero mukhang hindi pumapanig sa kaniya ang suwerte dahil sa araw ng flight niya papunta sa El Nido ay siya ring araw na idineklarang bawal nang lumabas ang mga mamamayan sa kani-kanilang mga bahay dahil sa pandemya!

Halos lahat ng mga kapitbahay niya'y nasa bakasyon na at mukhang siya na lamang ang natitira sa neighbourhood nila. Kung bakit naman kasi hindi siya nakinig sa kaibigan niya na sumama na lang sa kanila? 'Yan tuloy, mukhang mag-isa na lang siya.

She unpacked with a heavy heart that night while watching the news, "Naitatalang nasa limang libong katao na ang tinatamaan ng virus sa ating bansa..." she turned off the television.

"One bad news is enough for the day!" She breathed air out of frustration.

Pinatay na lamang niya ang ilaw sa kaniyang apartment at pumanhik na sa kaniyang kuwarto. She lives in a three-storey apartment and she occupies the second floor. Isang unit bawat palapag lamang ang mayroon sa maliit na gusaling ito.

She tucked herself in her black coloured blanket, completely turned off the dim lights coming from her table lamp, and closed her eyes. Itutulog na lamang niya ang araw na ito.

Unti-unti na siyang nakatutulog at ramdam na niyang malapit na siyang pumunta sa dreamland pero halos lumundag papalabas ang puso niya dahil sa lakas ng pagtunog ng cellphone niya. Nakalimutan niya itong i-silent mode.

Halos isumpa na niya ang lahat ng nilalang sa mundo sa mga oras na iyon, "Pati ba naman pagtulog ko hindi pa rin matutuloy?" Inis na sambit niya sa kawalan saka inabot ang cellphone nitong hindi tumitigil sa pag-ring...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top