Chapter 10: Follow the Lead
AIDEN
HINDI KO maintindihan kung bakit sobra-sobra ang pandidiri sa akin ni Harriet. Bago pa man 'yong insidente sa gymnasium, medyo iniiwasan na niya ako. Kung ang ibang babae nga, gustong mapalapit sa akin, siya naman, pilit lumalayo. Simula yata nang malaman niyang posibleng magkasabwat kami ni Morrie, lumala ang relasyon namin.
"Hey, huwag ka nang masyadong didikit sa akin," sabi niya nang sabay kaming umupo sa van. On the way na kami ngayong sa isa pang actual crime scene. Dahil mag-partner in (solving) crimes na kami, minabuti ko na magkatabi kami sa upuan at laging magkasama.
Biro ko nga sa kanya, baka talagang pinagtatagpo kaming dalawa ng tadhana. 'Yong pagpares sa aming dalawa ni SPO1 Cosmiano, malayong may nag-rig ng bunutan dahil wala namang nakakaalam sa aming magkakaklase na gano'n ang magiging set-up.
Salamat na rin sa biro ng tadhana dahil napapadali ang pinapagawa sa akin ni Morrie. Para mapalapit ako kay Harriet, kailangan kong makasama siya sa mga class activity. Ang problema, talagang ayaw niya sa akin. Makita pa lang yata niya ang pagmumukha ko o ang blonde kong buhok, naaasar na siya.
Pero may isang bagay akong napansin: Cute siya kapag nagsusuplada siya sa akin.
Malapit ang pinangyarihan ng krimen mula sa Barangay Marisol. Halos labinlimang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa destinasyon namin. Tumigil ang van sa tapat ng isang hotel kung saan naka-park ang dalawang police car. Lumabas kami ng sasakyan at sumunod kay SPO1 Cosmiano na dire-diretsong pumasok sa building.
Sumakay kami sa elevator para makarating sa tenth floor. Nilakad namin ang hallway na naliliwanagan ng mga flourescent lamp sa kisame at nilagpasan ang emergency stairs pati na rin ang mabahong amoy mula sa garbage room.
May police officer kaming nakita na nakaistasyon sa labas ng isang unit. Sumaludo siya kay SPO1 Cosmiano at sandali silang nagkausap.
"She must be asking permission if they can let us inside the crime scene," bulong ni Harriet, pinapanood ang pag-uusap ng dalawang pulis. Ilang metro ang layo namin at halos wala akong marinig mula sa dalawang pulis, ngunit nagawa pa rin ng partner ko malaman ang pinag-uusapan. "I wanna know kung kasali ang latest victim sa listahan ko ng mga acquitted suspect."
"Kung isa siya sa mga 'yan, ang ibig sabihin, confirmed ang pattern na sinusundan ng kung sinuman ang nasa likod nito?" tanong ko.
"Obviously."
Nagtataka pa rin ako kung saan niya galing ang listahan mula sa Angeles City Regional Trial Court. Ang alam ko kasi, hindi basta-basta nakakakuha ng gano'ng document mula sa korte... maliban na lamang kung may kakilala siya sa loob.
"We are at the most recent crime scene probably related to the serial suicides," humarap si SPO1 Cosmiano sa amin at itinuro ang officer na kinausap niya. Nakasulat sa nameplate nito ang pangalang "MADARANG, G. S." Clean-cut ang kanyang nakataas na buhok at may matikas na tindig gaya ng katabi niya.
"Whenever someone reports an incident to us, nagpapadala ang station ng first responders. Isa si SPO1 Madarang sa mga unang rumesponde nang tumawag ang hotel sa amin. Dahil may agreement ang QED University sa mga pulis, pinapayagan nila tayong pag-aralan ang crime scene."
"Dahil marami kayo at may iba pang officers sa loob, mas mabuti siguro kung tig-dadalawa o tatlo ang papasok." Napaturo si SPO1 Madarang sa kwarto na sinang-ayunan naman ni SPO1 Cosmiano. "Maliit din kasi ang unit ng biktima kaya baka mahirapan kayong mag-observe sa loob."
"Sir!" Itinaas ni Harriet ang kanyang kanang kamay kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Talagang napukaw ng kasong ito ang kanyang interes. "Pwede ba naming malaman ang mga detalye tungkol sa biktima?"
Inilabas ni SPO1 Madarang ang kanyang notepad at inilipat ang mga pahina nito. "Ang pangalan ng biktima ay Erwin Espinosa, 36 years old, isang suspected drug dealer. Pinawalang-sala siya tatlong buwan na ang nakakalipas dahil sa technicality ng kanyang kaso."
Napansin kong ngumisi si Harriet matapos marinig ang pangalan. Isang ngiting nagpapakitang umayon ang impormasyon sa kanyang inaasahan. Nasa listahan siguro niya ang pangalan.
Parang unfair sa parte ko bilang kanyang partner na ayaw niyang i-share kung ano ang alas na hawak niya. Kung hindi pa ako nakiusyoso kanina sa binabasa niyang file, hindi ko malalaman na meron siyang listahan. Mukhang ayaw talaga niya akong pagkatiwalaan.
"Now that explains why he's living in a hotel," komento ni Morrie, nakasandal sa pader at nakakrus ang mga braso. Tumango ang ilang kasama namin, sang-ayon sa kanyang sinabi. "He probably made tons of money from selling drugs. And he might be back to business after he was acquitted."
Muling inilipat ni SPO1 Madarang ang pahina ng notepad. "Ang cause of death ay gunshot wound sa ulo at ang estimated time of death ay nasa pagitan ng alas-otso hanggang alas-nuwebe ng umaga. Isang Smith & Wesson revolver ang hawak-hawak ng biktima at mukhang self-inflicted ang pagbaril."
Walang duda, kagaya nga ito ng senaryo sa mga naunang serial sucide. Malakas ang kutob kong murder din ito tulad ng pagkamatay ni Juan dela Cruz. Ang tanong, sino ang pumatay sa kanila?
"Did someone see the victim alive before he was found dead?" tanong ni Morrie. Mukhang 'yon din ang tanong sa isip ng iba sa amin.
"Ipinatawag namin ang mga taong pumunta sa unit niya," tumango si SPO1 Madarang sabay sulyap sa kanyang notepad. "In the last hour, isang staff ng hotel, isang pizza delivery guy at isang laundry service personnel. Nasa baba sila ngayon para interviewin ng mga kasama namin."
Kung wala nang iba, obvious na isa sa kanila ang pumatay sa biktima. At kung tama ang theory namin, siya rin malamang ang pumatay sa iba pa.
"It is time for you to observe the crime scene," anunsyo ni SPO1 Cosmiano, ipinaabot ang mga latex glove sa amin. "You will enter by pair. Who wants to go first?"
Muli na namang itinaas ni Harriet ang kanyang kamay. Napaka-enthusiastic niya talaga pagdating sa class participation. "Ako, ma'am! I need to see the scene immediately."
I? Baka ang ibig niyang sabihin "we"? Magka-partner kami kaya dapat isama niya ako! Ano pa man ang dahilan ni Harriet, hindi niya dapat iwan ang katuwang niya sa assignment na 'to.
Nauna na siyang pumasok sa loob, ni hindi na ako hinintay na makasabay sa kanya. Sabi nga ng police officer kanina, hindi gano'n kalaki ang unit ng biktima. Studio-type din siya gaya ng unang napuntahan naming crime scene. Meron pang ibang police officer sa loob na kumukuha ng mga litrato, merong isa na marahang bina-brush ang mesa kung saan may pool ng dugo at may chalk marks ng postura ng biktima.
Ngayon, ang una naming dapat gawin ay alamin kung may kakaiba sa crime scene, gaya ng itinuro ni SPO1 Cosmiano. Meron bang clues na iniwan ang salarin na makapagtuturo sa kanya?
Inuna kong tiningnan ang bathroom na malapit sa may pintuan. Nagliwanag ang banyo matapos kong buksan ang ilaw. Basa pa ang sahig at may mga bula pa ng sabon. Hinawakan ko ang nakasabit na tuwalya, basa rin siya na parang ginamit kani-kanina lang.
Si Harriet nama'y abala sa pangangalkal ng basurahan sa tapat ng banyo. May mga box mula sa fast food chains at plastic cups. May iilan ding bote ng alak na nakasiksik sa loob.
"Found anything?" tanong ko.
"Not yet," sagot ni Harriet, binabasa ang mga resibong nakalukot. "I'm looking for clues that someone might be with the victim before he was killed—or should I say, forced to kill himself. Kung sinuman ang pumatay sa kanya, the victim let him in."
Tama, malabong pagbuksan ng pinto ng biktima ang isang taong hindi niya kilala o hindi mukhang katiwa-tiwala sa kanyang paningin.
"Remember those three mentioned by SPO1 Madarang?" Ibinalik ni Harriet sa basurahan ang mga resibo at napahawak sa kanyang baywang. "The victim would open the door for them. And that's the perfect opening for the culprit to commit the crime."
Gano'n din ang naisip ko. Malabong pagbuksan ng pinto ng biktima ang mga taong walang business sa kanya. Pasok din sa kanyang time of death ang time frame kung saan na-record ang pagpasok ng tatlo sa hotel.
Malinis ang nadatnan naming sink, maayos ang pagkakalagay ng mga plato at baso, pati ang mga kubyertos. Doon sa mesa, may isang box ng pizza na binuksan ni Harriet. Base sa pagkakahati nito, may six slices at nakain na ang dalawa.
Maayos din ang mga bagay sa unit. Walang nakakalat na sapatos at tsinelas, lahat ay nasa shoe rack. Wala ring maduming damit sa mga upuan o sa kama. Walang gusot ang bedsheet at nakahilera ang mga unan.
"No sign of struggle," bulong ni Harriet, napahaplos sa kanyang baba habang nakatitig sa pool ng dugo sa mesa. "Everything seems to be in proper order. Iisipin mo talagang suicide 'to. But why would he order pizza if he was about to kill himself?"
"May nakarinig kaya sa pagputok ng baril?" Itinuro ko ang chalk marks sa mesa kung saan naka-trace ang kamay at baril. "Mukhang walang silencer ang revolver na ginamit niya."
Itinuro ng partner ko ang pintuan. "Acoustic doors at windows. Ina-absorb nila ang kahit anong tunog kaya halos wala kang maririnig kapag nasa labas ka ng unit. For the privacy of the tenants, I suppose."
"Time's up!" sumilip si SPO1 Cosmiano mula sa labas. "Did you observe anything off?"
"So far, wala pa akong nafo-form na solid conclusion," sagot ni Harriet. Ako na sana ang sasagot kaso naunahan niya ako. "But my inspection of the crime scene was enlightening."
"My" na naman ang ginamit niya, parang hindi kami mag-partner dito, ah.
Lumabas na kaming dalawa sa unit at bumalik sa mga kaklase naming nakalupong sa hallway. Sunod na pumasok ang mag-partner na Holmesian at Moriartian.
Isang ngisi ang napansin kong nakapinta sa mga labi ni Harriet. Parang may ibang kahulugan, parang may natuklasan siya sa crime scene na posibleng lumutas sa kaso.
"Anong iniisip mo ngayon?" tanong ko, umaasang i-share niya sa akin kung anuman ang nalaman niya.
"None of your business." At gaya ng inaasahan, 'yon ang sagot niya.
"Base riyan sa ngisi mo, may balak ka pa sigurong mag-dig deeper sa krimeng 'to, tama?" tanong ko. "'Yong listahan na ipinakita mo kanina... hindi ka mag-e-effort na alamin ang pangalan ng mga suspect na pinawalang-sala kung wala kang planong alamin ang katotohanan sa pagpatay sa kanila."
Nanliit ang mga nakatitig na mata ni Harriet sa akin. "So what if that's my plan?"
"Teka, alam mo namang nandito lang tayo para mag-observe sa crime scene at bumuo ng theories tungkol sa kaso." Hininaan ko ang boses ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga classmate namin. Pati si Morrie, nakuha namin ang atensyon. "Trabaho ng mga pulis na lutasin ang kasong 'to."
"We don't think alike kaya hindi tayo bagay na mag-partner," sagot niya. Daig ko pa ang nasampal nang sabihan niya 'yon. "We are a few steps away from the truth! May observation na tayo sa crime scene, ang kulang na lang ay ang maka-face-to-face natin ang tatlong suspek."
"'Yong housekeeping staff, pizza delivery guy at laundry personnel?"
Tumango si Harriet at pasimpleng sumulyap kina Morrie at Mina. "Pareho ang ginamit na method ng pagpatay kina Juan at Erwin kaya nasa tatlong 'yon ang serial killer natin. Baka hinihintay niya na ma-dismiss sila ng mga pulis para tuluyan nang makatakas!"
"Kung talagang gusto mong ma-solve ang kaso, bakit hindi mo na lang sabihin kay SPO1 Cosmiano ang mga deduction mo?" tanong ko. Hindi sa ayaw ko itong mabigyan ng solusyon. Mga estudyante pa lang kami, wala pa kaming sapat na experience para makipag-deal sa mga mapanganib na sitwasyon. "Sabi mo nga, serial killer ang nasa likod nito kaya ipaubaya na natin sa mga pulis."
"Hindi ka kasi masyadong competitive kaya hindi in-sync ang pag-iisip natin," tugon niya. Talaga bang dapat niyang ipamukha sa akin na hindi kami comfortable sa isa't isa? "If we solve this case with minimal help from the police, imagine the reaction of our classmates—particularly Morrie—and the school."
Naiintindihan ko na kung bakit gusto niyang gawin 'yon. Gusto niyang malamangan si Morrie at ipamukhang mas magaling siya kaysa sa karibal. Matagal ko nang alam na competitive itong si Harriet, pero sobra na yata ang pinaplano niyang gawin.
"Kung ayaw mong sumama sa akin, ikaw ang bahala," bulong niya sabay silip sa iba naming kaklase. "Basta huwag mo akong isusumbong kay SPO1 Cosmiano. If you tell her, you know what will happen to you."
Habang abala ang mga kaklase ko sa kanya-kanyang business nila, pasimpleng naglakad paurong si Harriet hanggang sa marating niya ang elevator. Napadalawang-isip ako kung ano ang dapat kong gawin. Isusumbong ko ba siya, susundan o magpapanggap na walang alam? Hay naku! Ang hirap din pala niyang maging partner!
Fine! Susundan ko siya. Baligtarin mo man ang mundo, mag-partner kaming dalawa sa activity na 'to. Bago ako lumiko sa hallway patungong elevator, nakita kong napasulyap sa akin si Morrie. Wala siyang isinenyales kaya nagpatuloy ako sa pagsunod kay Harriet.
Sana tama ang desisyon ko. Sana tamang hindi ko pinigilan ang babaeng 'to.
Nasorpresa si Harriet nang sunod akong pumasok sa elevator. Wala siyang sinabi sa akin. Nakangisi lang siya na parang tuwang-tuwa na na-predict niya kung ano ang gagawin ko.
Pagdating namin sa ground floor, nadatnan naming nakatambay sa lobby ang dalawang police officer na nagbubulungan.
"Uhm... Excuse me?" Inilabas ni Harriet ang kanyang ID at ipinakita sa kanila. Nakigaya na rin ako sa kanya. "Pinababa kami rito ni SPO1 Cosmiano para interviewin 'yong tatlong huling nakakita sa biktima sa tenth floor. Nasaan na sila?"
Kahit mga detective-in-training pa lang kami, kinikilala na kami ng mga pulis sa mga crime scene investigation. Hindi nila kami basta-basta ineetsapuwera lalo na kapag ipinakita na ang mga ID namin. Kumbaga sa isang concert, parang VIP pass ito.
"Kakatapos pa lang ng interview namin sa kanila kaya pinaalis na namin. Tatawagan namin sila kapag may tanong pa kami," sabi ng matabang pulis.
"Ba-Bakit n'yo sila pinaalis? Hindi n'yo ba alam na posibleng suspek sila sa pagpatay sa tenant n'yo?" Tumaas ang boses ni Harriet na ikinagulat ng mga pulis.
"Teka, chill ka lang," bulong ko sa kanya. Kahit na pwede kaming magtanong-tanong tungkol sa kaso, hindi niya dapat basta-basta sigawan ang mga awtoridad. Nakalimutan yata niyang wala talaga kaming clearance mula kay SPO1 Cosmiano para bumaba rito.
Huminga nang malalim si Harriet bago nagpatuloy. "Pwede ba naming makita ang notes n'yo sa interview sa kanila? We can still use that as basis to form a theory... as long as you took note of the important details.
Walang pag-aalinlangang iniabot sa amin ang notebook ng isang pulis. Dahil siguro sa pagmamadali kaya hindi gano'n kagandahan ang sulat-kamay niya. Nababasa pa rin naman ito.
Noah Nograles
· Newly hired hotel staff about three weeks ago.
· Went to the victim's unit after the hotel front desk received a call to clean Room 1010.
· Reached the tenth floor at 8:04 a.m., based on the CCTV footage time stamp inside the elevator.
· Went straight to the eighth floor via elevator at 8:22 a.m. to fix the faulty faucet in Room 808.
· From the eighth floor, he returned to the lobby at 8:40 a.m.
Lito Liwanag
· Shokey's Pizza delivery guy, frequently goes to the hotel.
· Said the victim called their shop at 8:08 a.m. to order one box of pizza.
· Arrived in the hotel at 8:26 a.m.
· When front desk called the victim at 8:28 a.m. to confirm if he ordered pizza, the latter answered.
· He reached the tenth floor at 8:30 a.m., based on the CCTV footage time stamp.
· According to him, the victim was taking a shower when he entered the unit. Door was left unlocked.
· The victim, while in the bathroom, shouted the payment (P500) was on the table and told the delivery guy to keep the change.
· Left the hotel lobby at 8:36 a.m.
Enchong Enriquez
· Lavandera laundry shop personnel.
· Received text message from the victim at 8:24 a.m., telling him to pick-up his dirty laundry.
· Arrived in the hotel at 8:38 a.m.
· Since he always picks-up and delivers laundry, the front desk no longer called the victim's unit.
· Reached the tenth floor at 8:40 a.m., based on the CCTV footage time stamp.
· Tried opening the door when he got no response from knocking. Door was left unlocked.
· Came rushing down to the front desk and told them that the victim is dead at 8:50 a.m.
· Was still carrying the basket of the victim's dirty laundry when he reached the lobby
Naningkit ang mga mata ni Harriet habang binabasa ang tatlong pahina ng police interrogation sa tatlong suspek. Nang matapos na siya, ibinalik niya ito sa mga pulis.
"Kino-confirm pa namin ang mga nabanggit nilang detalye," sabi ng isang police officer. "Sinubukan naming tawagan ang tenant ng Room 808 para kumpirmahin ang sinabi ng hotel staff pero kakaalis lang niya. Hinihintay din namin ang tawag ng pizza shop dahil medyo busy ang line nila ngayon."
"Wala bang CCTV camera sa mga hallway ng bawat floor?"
Umiling ang isa sa dalawang pulis. "Tinanong na namin 'yan sa front desk. Ang sabi nila, dito lang sa lobby at sa loob ng elevator merong camera. Sa mga hallway, wala pa silang ini-install."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Harriet. Nabasa ko sa mga mata niya ang tanong na, "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Kaya hayun, tumango ako.
"Kung pagbabasehan ang notes, may isang bagay na hindi nagma-match sa crime scene," komento ko. Sumagi sa isip ko ang ilang detalye mula sa pinuntahan naming unit kanina. May isang bagay na hindi nagtutugma. "Kumbaga sa isang taong nagka-disguise, 'yon ang hinahanap nating inconsistency sa kanyang act."
Sumang-ayon ang aking partner. "Tama, mukhang may mali siyang nagawa o nakalimutang gawin. He probably did not have enough time to do that thing."
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top