Chapter 09: Game of Chance


HARRIET

"THE NUMBER you have dialled is out of coverage area. Please try again later."

Ugh! Bakit kung kailangan ko siya, doon siya hindi available?! I have a lot of questions for him and I needed his answers as soon as I could! Nakabenteng tawag na ako sa kanya, ngunit hindi pa rin niya pini-pick-up! Kaunting-kaunti na lang, mababato ko na ang phone ko kay Morrie.

"Hoy, Rie! Pumasok ka na sa loob! Baka maiwan ka na!" Dumungaw sa bintana ng van si Sherry para paalalahanan ako. Halos kakarating ko lang sa tapat ng Baker Building kung saan naka-park ang van na sasakyan namin. Remember the assignment given by SPO1 Cosmiano? Ngayong araw naka-schedule ang pagpunta namin sa crime scene. Actual crime scene.

Dahil mukhang busy pa ang taong 'yon para sagutin ang mga tawag ko, ibinulsa ko muna ang phone ko at pumasok sa loob ng sasakyan. I hope that person pick up my call the next time I dial his number.

Oh, my golly—

Ako na lang pala ang hinihintay ng mga classmate ko. Ang kaso, iisang seat na lang ang bakante sa twelve-passenger van. And guess who did not have a seatmate yet?

Morrie? No.

Aiden? Yes.

Kapag nakikita ko ang blonde niyang buhok na gusto kong sabunutan, naalala ko ang pambabaliktad na ginawa niya sa akin sa harap ng student regent. Ako pa talaga ang pinagmukhang masama. Nang magkasalubong ang tingin namin, he flashed a bright smile at me. Kung ibang babae ang nginitian niya, nahimatay na siguro sila. Pero ako? Aba, nangilabot pa nga ako e!

Mas gugustuhin ko pang sumabit sa bubong ng van kaysa makatabi ang mapaglinlang na lalaking 'to. Teka, bakit ba ako ang umuurong e may atraso ang Aiden na 'to sa 'kin? Dapat nga siya pa ang mahiya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling.

"Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana," sabi niya bago pa ako tuluyang makaupo. Hindi pa rin nawawala ang killer smile niya kaya ang sarap niyang bigwasan. "Noong una, sa gymnasium. Sunod, sa office of the student regent. At ngayon, magkatabi tayo sa van. Coincidence?"

I rolled my eyes and averted my gaze to my Holmesian classmates who were seated in front. Sherry formed a heart by her hands while Aiden wasn't looking. Locke had no taste for nonsense so he might be sitting quietly with his earphones on, listening to his favorite music.

I glared at Sherry to stop her from pushing a ridiculous idea. She may be my friend, but the next time she does that heart-shape thing, I would pull her short hair until she begs for mercy. Simula nang sabay kaming pumasok sa klase nitong blonde na 'to, sinimulan na nila kaming i-ship dalawa. Halos masuka nga ako nang sabihin nilang bagay "daw" kami.

Sumilip ako sa rearview mirror at napansing nakatingin sa akin si Morrie na nakaupo sa pang-anim na row sa pinakadulo. Our eyes briefly met before we looked to opposite directions. Either may gusto siya sa akin kaya siya nakatingin o inoobserbahan niya ako. It might be the latter, I guess.

Umandar na ang van pagpatak ng alas-siyete ng umaga. Our destination was at Barangay Marisol in Angeles City where the crime scene is located. Dinaanan ng aming sasakyan ang maluwag na kalsada sa New Clark City bago na-stuck sa traffic.

"Harriet, pupunta ka ba sa Sherrinford Soiree? Sa Biyernes na 'yon, 'di ba?" Aiden asked out of the blue. Halos magdikit ang mga kilay ko habang nagtatakang nakatitig sa kanya. Why would he bring that topic out of nowhere? Papunta kami sa isang crime scene upang imbestigahan ang isang kaso. That might be his way of engaging me in a small talk, but I was not that interested.

"Busy ako sa Biyernes. Mag-aaral ako ng codes." Mukhang alam ko na kung saan patungo ang conversation namin. Ano ang tingin niya sa akin, hindi ko nakikita ang ulterior motives niya? I'm not a Holmesian for nothing.

"Sayang, yayayain sana kitang maging date ko sa soiree," may paghihinayang na sagot niya, may kasama pang mabagal na pag-iling. I knew it. "Ikaw pa lang ang tinanong ko nito, 'yong iba nga niyaya akong maging date nila pero tinurn down ko para sa 'yo."

Aba! So pinagmumukha niyang dapat pa akong magpasalamat dahil ininvite niya ako? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Even if he were the last person on earth, I would never entertain the thought of dating him. Pinagkakaguluhan siya ng ibang babae, but don't count me among that crowd.

"Hoy, Aiden. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa Holmes Hall kaysa pumunta sa Sherrinford Soiree na kasama ka."

For your information: Ang Sherrinford Soiree ay annual event sa Q.E.D. University na ginagawa sa start ng second semester. Parang ito ang mid-year acquaintance party ng mga student-detective kung saan pabonggahan ng mga gown at coat-and-tie ang bawat attendee. Merong drinks, may ball, may live band. Depende sa pinagplanuhan ng student regent.

Pupunta naman talaga ako sa event, but I wouldn't want to give this blonde any chance of pestering me about it. Isa nga sa mga pinoproblema ko sa event ay ang susuotin ko. Hindi kasi pwedeng inverness cape din ang suotin ko doon. Kailangang naka-gown, kailangang nakaayos ang buhok, kailangang naka-makeup. In short, kailangang gumastos.

At ano ang pumasok sa isip ng lalaking 'to? Bakit bigla niya akong niyayang maging ka-"date" niya? Did he really think that I would come to the party with him after what he did back at the student regent's office? No way!

Something's fishy. Feeling ko, may kinalaman ang imbitasyon ni Aiden doon sa pakikipagsabwatan niya kay Morrie. I still had no idea what their connection was or what's the motive behind the sudden moves but I would definitely find out. Sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag.

May ilan pang sinabi si Aiden na talagang nakasira ng araw ko. He was trying to condition my mind how fortunate I was to be chosen as his date. Tumindig ang mga balahibo ko. Kahit sabihin nating may looks siya, kung bagsak naman siya pagdating sa attitude, wala rin. Hindi ko sinasabing masamang tao siya, but he was sketchy for me. Nagsuot na lang ako ng earphones kahit walang music na nagpe-play para iwasan na niya akong kausapin.

After thirty minutes of being stuck in traffic, nakarating ang van namin sa isang barangay at tumigil sa tapat ng isang three-story apartment. A police car was parked outside and the area was cordoned off by the police. May mga kapit-bahay na nakikiusyoso, nagbubulungan kung ano ang pakay namin doon.

SPO1 Cosmiano stood firmly at the gate, waiting for our arrival. As usual, matikas pa rin ang tindig niya, bahagyang nakataas-noo at nasa likod ang mga kamay.

"Good morning, class," she greeted the moment everyone got off the van. "As discussed, today you will be allowed to inspect a real crime scene."

Isa-isang ipinasa at ipinasuot ang latex gloves sa amin. Once we were ready, we raised the yellow cordon and entered the apartment building. SPO1 Cosmiano led the way to the second floor where two police officers stood by the door. Our CSI instructor motioned to the room and let us in.

Parehong-pareho ang ayos ng mga gamit dito at ng mga nakita namin sa simulation room. The noticeable difference would be the wooden table where a pool of blood has dried. Wala ang bangkay ng biktima but his body position was marked using chalk. May ibang chalk marks din sa mesa kung saan may mga number na iniwan doon.

"Keep in mind that a detective never works alone," SPO1 Cosmiano spoke as she stood at the doorway. "So you will work in pairs, sharing information with each other. No, you won't be paired with your classmates belonging to the same House."

"EH?" pagulat naming reaksyon sa huling sinabi ni ma'am. Did that mean there's a possibility that I would work with Aiden? Or worse, Morrie?

"In a real detective work, you do not get to choose people you wanna work with kaya dapat masanay na kayo." Ignoring our murmurs of disapproval, SPO1 Cosmiano revealed a piece of paper where our names were probably written. "So let's start! First pair: Sherry and Andre. Second pair: Locke and Joanna. Third pair..."

Kailangan ko bang mag-worry? There's two out of nine chances that I would be paired with either Aiden or Morrie. Walang problema sa akin kung taga-ibang House ang maka-partner ko, basta hindi ang dalawang 'yon.

"Fifth pair: Morrie and Wilhelmina," SPO1 Cosmiano announced. Pinigilan kong tumawa, hindi dahil minamaliit ko silang dalawa. I could not imagine how those two would communicate effectively. Sana sumakit ang ulo ng Moriartard na 'yon sa kaka-decode ng mga pinagsasabi ni Mina.

"Sixth pair: Harriet and Aiden."

Ta-Talaga?! Nanlaki ang mga mata ko pagkatawag sa aking pangalan. I was glad that Morrie got paired off with someone else. Naiwasan ko nga ang Moriartard, natapat naman ako sa Adlerian na ayaw ko.

"Ma'am!" I raised my hand before she could proceed announcing the names. I could not let myself be partnered with that blonde guy! "Pwede bang magpapalit ng ka-partner?"

"Miss Harrison, kung papayagan kitang magpalit ng partner, dapat payagan ko rin ang iba na gawin 'yon," SPO1 Cosmiano answered. She was annoyed by my seemingly stupid question. "I've come up with this list scientifically so we will stick to it. Next pair..."

Bakit ba ako ang laging pinagtitripan ng tadhana? Magmula nang mag-start ang semester, lagi na akong minamalas sa mga bagay-bagay, kahit gaano man kasimple or kaliit. Did someone cast a curse on me? May nagawa ba akong mali sa past life ko?

"Told yah," bulong ni Aiden nang lumapit siya sa kinatatayuan ko. I'd like to punch him in the face to erase that smug. He should be thankful that I couldn't because our instructor was in front and that would be unladylike. "Pinagsasama talaga tayo ng tadhana. Kahit anong pagtutol mo, gagawa at gagawa siya ng paraan para magkasama tayong dalawa."

Nangilabot ako sa mga sinabi niya. May tadhana pa siyang nalalaman, ang corny. Dapat talaga iwasan ko ang lalaking 'to dahil baka mahawa ako ng virus niya.

But considering the misfortune that befell on me, I'd rather be with Aiden than the other man. Do not misinterpret what I thought. If given a chance, I'd rather work alone than to be with any of them. If I had no choice but to choose between them, I'd go with the lesser evil, which was Aiden.

"When you arrive at a crime scene, identify yourself first to the officer-in-charge," SPO1 Cosmiano instructed. "Huwag kayong basta-basta papasok at humawak ng kung ano-ano. You can be sued by the officer no matter how noble your intentions are."

"Yes, ma'am!"

Tuluyan nang pumasok sa crime scene ang aming instructor habang nakalagay sa likod ang mga kamay. "Once you have established communication with the officer-in-charge, you can ask for information such as the victim's identification or if there are any witnesses to the crime."

Since the initial information about the case was already presented to us days before, mukhang wala na kaming ibang maitatanong tungkol sa kaso. The victim's name is Juan dela Cruz (how common, by the way), a 31 year-old high school teacher. According to his case files, he raped and murdered his 17 year-old student. Later on, however, the court ruled that the evidence against him was not enough for conviction.

"Afterwards, you can do a walkthrough of the crime scene, observe if something doesn't feel quite right. Dito n'yo na maa-apply ang pagiging observant n'yong mga detective. Take note of everything na mapapansin n'yo dahil baka 'yon ang maging susi sa krimen."

My other classmates started taking notes of SPO1 Cosmiano's crime scene investigation procedures. Hindi ko na kailangang isulat ang mga sinasabi niya dahil confident ako sa memory ko.

"You can start searching for trace evidence or any material that can be associated with an individual na posibleng konektado sa crime scene. Ang mga karaniwang trace evidence na nae-encounter namin ay mga hibla ng buhok, bubog ng baso o buhangin mula sa sapatos ng biktima o ng suspek."

Our instructor showed us her phone, took a photo of a cigarette butt on the floor, picked it up using a tweezer and placed it inside a plastic bag. "For example, kung hindi smoker ang biktima pero may nakita kayong cigarette butt sa crime scene, posibleng galing ito sa suspek. You must take a photo where you found the evidence, secure it in a plastic bag and note its condition."

Most of us nodded as SPO1 Cosmiano handed the plastic bag to the police officer outside.

"We will discuss more about evidence collection techniques in our next lessons. But for today, gusto kong maging exposed muna kayo kung ano ang itsura ng isang actual crime scene. Gusto ko ring malaman kung ano ang inyong final theory matapos n'yong mag-observe dito. Any questions? None? Then you may begin."

"Saan tayo magsisimula, Harriet?" kaagad na tanong ni Aiden. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin na parang close talaga kami. I took one step away from him. "Or can I call you Rie?"

"No," mabilis kong sagot. Only Sherry and Locke could call me by that name. And hello? Napasobra na yata sa pagiging feeling close ang lalaking 'to kaya sa tingin, okay na tawagin ako sa palayaw ko. "You haven't earned the right to call me by my nickname."

"Paano kung Harry? Medyo cute ding pakinggan." Wala pa yata talaga siyang balak na itikom ang bibig niya.

"Isa pang may marinig akong hindi related sa class activity natin, makakatikim ka na talaga sa akin," nakangiti kong sabi, my left eye twitching. He was not that dumb to not realize that I threatened him kaya nanahimik na lang siya.

I have already made sense of some facts about the case, based on the reports SPO1 Cosmiano provided a few days ago. Kahit wala akong ka-partner para sa activity na 'to, kaya kong makapagbuo ng isa o dalawang theory. I had no actual need for Aiden's input. Nagiging pabigat pa nga siya, eh.

Ang natitirang bumabagabag sa isip ko ay ang murder weapon. The placement of the bullets in the cylinder still baffles me. Bakit kailangan 'yong gawin ng killer? Anong dahilan kung bakit magkahiwalay ang dalawang bala? Pati 'yong resulta ng paraffin test. It only proved that the victim was the one who pulled the trigger.

"Hey, i-share mo naman ang naiisip mo," biglang hirit ni Aiden kaya naputol tuloy ang train of thought ko. I hate it when someone disturbs me while on deduction mode. "Remember, partners tayo rito kaya dapat magtulungan tayo."

Masyado siyang dumikit sa akin kaya lumayo pa ako sa kanya. He was trying to use his charm on me. Unfortunately, that tactic wouldn't work. Kung sa ibang babae siguro, baka gumana. But on me? No, not in a million years.

Gusto niyang magtulungan kami? Fine! Let me see what insight he could share to me. "Bakit magkahiwalay ang dalawang balang inilagay sa revolver na ginamit ng biktima?"

"May dalawang possibilities na pwede nating i-consider," Aiden started explaining, raising two fingers. Ang akala ko, puro pagpapa-cute lang ang alam niya. Nakapag-review naman pala siya. "Una, hindi napansin ng may hawak ng revolver na meron nang bala sa isang chamber. Pangalawa, kung sinuman ang nasa likod nito, gusto niyang makipaglaro sa biktima."

"I'm more interested in possibility two," I replied. The second option may sound ridiculous, but it was nonetheless an angle worth looking into. Let me see kung hanggang papogi lang ang kaya ng Adlerian na 'to. "Paano makikipaglaro sa biktima ang killer?"

"Pamilyar ka ba sa Russian roulette?" tanong ni Aiden.

Of course, I am. Isa 'yong larong sumusubok sa suwerte ng isang tao. Ipinapasok ang bala sa isang chamber ng revolver, pinapaikot ang cylinder nito at saka pipindutin ang gatilyo habang nakatutok sa ulo ang baril.

"Hindi ba 'yon isang stupid way ng pagpatay sa isang tao?" I snickered, watching his facial reaction closely. Kunwari, hindi ko pa naisip ang ganon'g anggulo. "Kung talagang may intensyon ang killer na patayin ang mga biktima niya, bakit siya makikipaglaro ng Russian roulette sa kanila? Unless he wanted to make his victims believe that they have a chance of survival, I see no point to it."

Aiden slowly shook his head as his pale lips formed a smile. "Hindi lahat ng mga murderer, pare-pareho ang way of thinking na basta-basta pumatay. May iilan sa kanila na gustong makipaglaro at enjoy-in ang desperasyon sa mukha ng mga biktima nila."

"So the killer loads a bullet into a chamber, spins the cylinder, gives the revolver to his victim and lets him pull the trigger? Groundbreaking. Dahil ba hindi sinuwerte si Juan dela Cruz kaya patay na siya ngayon? Paano kung blangko ang chamber na ipinutok niya? Pababayaan ba siyang mabuhay ng killer?"

Umangat ang parehong balikat ni Aiden. "Malabong malaman natin ang sagot diyan kasi lahat ng mga biktima niya'y patay na. Siguro kung may iba pa siyang biktima na makaka-survive doon, malalaman natin kung ano ang rules ng laro niya."

Not bad. Hindi ko naman siya minamaliit, pero inakala kong wala siyang maibibigay na matinong input.

"Don't worry, one hundred percent sure ako na hindi pa rito nagtatapos ang so-called serial suicides." Binuksan ko ang isang PDF document sa aking phone. Nakalista roon ang pangalan ng mga suspek na pinalaya ng Angeles City Regional Trial Court dahil sa kakulangan ng ebidensya. Ang apat sa sampung nasa listahan, patay na.

"Saan mo nakuha 'yan? Kasama ba 'yan sa mga report na ibinigay ni SPO1 Cosmiano?" nagtatakang tanong ni Aiden, sinadya niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko para makita ang naka-flash sa screen ng phone. Inilayo ko ang aking ulo sa kanya, baka bigla niya akong tuklawin.

"Ako lang ang may kopya ng report na 'to galing sa mismong Angeles City RTC na humatol sa apat na biktima," pagyayabang ko. As they call it in the media industry, this would be my exclusive scoop. No one could have gotten access to this file.

"Paano mo nakuha 'yan?" pamimilit ni Aiden. Sinubukan niyang hablutin ang phone ko, ngunit mabuting naiwas ko ito mula sa kanya.

"Secret!" Hindi ko pwedeng sabihin kung paano. There are things in life that we must never share to anyone. And the source of this information is one of them. "Ang importante, alam natin kung sino ang mga posibleng target ng killer. Kaso mahihirapan tayong i-deduce kung sino ang next."

Napatingin ako sa isang banda ng crime scene kung saan nakatayo sina Morrie at Mina. Sila lang ang hindi nag-uusap na mag-partner. Nagtitigan silang dalawa na tila kaya nilang makipag-communicate via telepathy. I knew that would happen.

"Good morning. SP01 Cosmiano speaking."

Napalingon kaming lahat sa aming instructor na may biglang kinausap sa kanyang phone. I watched her reaction the moment she received the call. At first her face was relaxed, then there was a hint of confusion.

"Si-Sigurado ba kayo riyan? You think the two cases are related? Yes, we will be there in fifteen minutes."

Tumahimik ang lahat habang kinakausap ng instructor namin ang taong nasa kabilang linya. When the call was finished, humarap sa amin si SPO1 Cosmiano. There was a sense of urgency etched in her face. Something happened.

"Just got a call from a fellow officer who responded to another crime scene. I suggest that we wrap things up here. We need to leave immediately."

"Babalik na ba tayo sa university, ma'am?" tanong ng isa naming classmate.

SPO1 Cosmiano was about to reach for the door, but she turned around to reply. "No, we're not yet going back to school. We're going to a fresh crime scene where the victim apparently shot himself using a revolver... just like what happened here."

I knew it. The serial murders would not stop here.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top