Chapter 10: Three Versus One

AIDEN

MAY "DATE" kami dapat ni Hadley ngayong gabi para mas makilala ko siya, kaso kinailangan ko munang i-postpone. Disappointed nga siya noong sinabihan kong i-reschedule namin bukas. Parang nase-sense kong magiging clingy siya. Teka, hindi sa pagiging defensive, pero hindi totoong date 'yon. Kita n'yo naman siguro 'yong quotes, 'no?

I'd deal with her later. For now, ito munang Akyat Bahay Operation ang pagkakaabalahan ko. Alam kong ilegal ang balak naming gawin, pero wala na kaming ibang choice kundi gawin ito. Meron naman kasing "justifiable reason" para sa ikikilos namin. Hindi namin balak pasukan ang Manor ng House Moriarty para pagnakawan sila ng pera o alahas. Balak naming kunin ang blackmailing materials na magagamit nila sa pandaraya at pagmamanipula sa ibang estudyante.

Speaking of blackmail, gets ko na kung bakit inutusan ako ni Morrie na makipag-close kay Harriet at humanap ng kahinaan niya. Ilang months bago ang start ng tournament, pinlano na niyang hanapan ng dumi ang Holmesian. Malamang, balak din niyang paurungin si Harriet bilang representative gaya ng ginawa ng mga kasama niya sa seniors namin. Grabe, ang advance talagang mag-isip ng Moriartians!

'Yon nga lang, medyo hindi successful ang attempt ko kasi napaka-suspicious ko sa kanya. Bawat galaw ko, inisip niyang may hidden agenda ako—which was totoo naman. Nahirapan nga akong lumapit sa kanya, makipagkaibigan pa kaya?

Kaya rin game na game akong tulungan si Harriet sa plano niya. If I could get hold of the secret that House Moriarty had on me, Morrie or anyone else would no longer be able to ask me to do something for them. Kaya lang ako sumusunod kay Morrie kasi may hawak siya laban sa akin. Our deal? Harriet's secret in exchange for my secret. Kapag wala na siyang leverage, malaya na akong gawin ang gusto ko.

Ngunit bago namin mapasukan ang kanilang Manor, kailangan muna naming malaman kung ano ang layout nito at kung anong klaseng security ang nakaabang sa amin. Hindi pwedeng basta-basta kami pumasok doon at isa-isahin ang mga kuwarto. Bukod sa time consuming, delikado pa lalo na't iniiwasan naming malaman ng House Moriarty na may hinala kami sa kanila.

Naghintay kaming tatlo nina Harriet at Mina sa tapat ng clock tower. I had no idea kung saan galing ang dala-dalang foldable chair ng Holmesian. May nakatago pang lubid na gagamitin mamaya bilang panggapos sa target namin. Lubos ang pasasalamat ko kasi hindi ako ang uupo ro'n.

Ang kailangan naming gawin ay hintayin ang pagdating ni Morrie. M-in-essage ko siya agad nang utusan ako ng boss namin. Ayaw kong mabatukan kaya mabilis akong sumunod. Nag-reply agad si Morrie at tinanong kung saan kami magkikita. Sinabi kong sa clock tower. Mukhang hindi siya nanghinala.

How did I lure him? Sinabi ko sa kanya na may impormasyon ako tungkol kay Harriet na pwede niyang gamitin. Bale ginamit ko ang bagay na hinihingi niya sa akin para ma-trap namin siya. See how the tables had turned? Alam kong may consequences ang ginawa kong panlilinlang sa kanya. Pwede niyang ilabas kung anuman ang hawak niya sa akin. Pero kung magiging successful ang mission namin today, wala na akong dapat na ikabahala pa.

Five-thirty ang usapan, pero hanggang ngayo'y wala pa rin si Morrie. We waited for ten minutes, then another ten minutes. Palubog na nga ang araw at nagkulay orange na ang kalangitan. Sobrang importante ng info na ibibigay ko sa kanya, alam kong magmamadali siyang pumunta rito.

"Naaksidente ba siya habang papunta rito o talagang mabagal siyang maglakad?" reklamo ni Harriet na palakad-lakad sa harapan namin. Nakakrus ang mga braso niya at tinatapik-tapik ng mga daliri ang mga siko. "Hindi mo naman siguro sinabi sa kanya kung ano talagang pakay natin?"

"Kung may duda kayo sa akin, basahin n'yo ang ch-in-at ko sa kanya. I typed the message word for word, kung anuman ang sinabi n'yo," depensa ko sabay labas ng aking phone. Ipinakita ko pa sa kanya ang naka-flash sa screen. Bakit ba sobra ang duda niya sa akin? Couldn't she trust me just this once? "Hindi rin ako gumamit ng kahit anong code para balaan siya. I'm on your side, remember?"

"You should be, kung ayaw mong ikaw ang igapos namin," banta ni Harriet, sandaling huminto sa paglalakad. How could she be scary and cute at the same time?

"Baka may ibang pinagkakaabalahan si Morrie?" Tumanaw ako sa malayo, pero wala pa rin akong nakikitang lalaki na naglalakad patungo sa direksyon namin. "Baka may iba pa siyang bina-blackmail na students? I don't know."

Hindi naman siya siguro nanghinala sa akin at pinaghihintay kami sa wala. Malakas ang kutob kong magpapakita siya, pero late nga lang.

"Mina, you're bringing your stun pen, right?" tanong ni Harriet sa kasama naming Watsonian. "Can you use it to tranquilize our target? Hindi naman kailangan dahil imposibleng makapalag si Morrie sa atin. Ang hina-hina kaya niya. But I wanna make sure na walang magiging gusot sa plano natin."

Tila nagdalawang-isip muna si Mina, tinitimbang kung tama ba na sundin ang pinapagawa sa kanya. Grabeng moral dilemma siguro nito. Ramdam kong ayaw niyang mag-resort sa violence o extreme measures. Ako rin naman. Pero ano ba'ng magagawa namin? A lot's at stake here. In the end, tumango siya sabay hawak sa bagay na nasa kanyang bulsa.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago ko natanaw si Morrie sa may 'di kalayuan. Habang papalapit ang Moriartian sa amin, mabilis na nagtago sa likod ng bush sina Harriet at Mina. Sinenyasan akong humanda na.

Don't worry! Alam ko na ang gagawin ko. Kaya kong mag-improvise kung kailangan.

"Yo, Morrie!" may kaway na bati ko sa bagong dating na kasama namin. Inakbayan ko pa siya para kung sakaling targetin siya ni Mina gamit ang long-range stun pen, wala na siyang kawala.

"I wonder why you asked to meet me in this forsaken place." Inilibot ni Morrie ang kanyang tingin sa paligid. Kung hindi pa niya natunugan na may inihanda kaming trap para sa kanya, huli na ang lahat. Hindi na siya basta-basta makatatakas sa amin. "The information you have about Harriet, is it legit?"

"Of course, it is! Ipatatawag ba kita rito kung hindi totoo?"

"Let me hear it. I need to make sure that—"

Biglang sumulpot si Harriet mula sa aming likuran. Sumunod sa kanya si Mina na patagong hawak-hawak ang stun pen. Lalo ko pang hinigpitan ang aking hawak sa katabi ko. Para siyang butterfly na na-trap sa sapot ng gagamba. Kahit anong pagpupumiglas niya, hindi na siya makatatakas pa.

"What are they doing here?" Naningkit ang mga mata ni Morrie. Patuloy pa rin ang pagpupumiglas niya. Tama nga si Harriet. Ang hina-hina niya. O baka sadyang malakas ako? "I thought this conversation is supposed to be private? Why is the subject of our discussion here?"

"Sorry, Morrie, pero kailangan naming gawin 'to."

"What do you—"

Napahawak sa leeg ang Moriartian na parang may kumagat dito. Nabaling ang kanyang tingin kay Mina na inilabas na ang hawak-hawak na stun pen. At that moment, he realized what's going on, but it's too late for him. Tuluyan na siyang nahulog sa patibong namin. Pumikit ang mga mata niya't nawalan na siya ng malay.

Dali-dali kong ipinasok sa loob ng clock tower ang aming hostage at isinet-up ang foldable na upuan. Harriet quickly tied his arms and feet to the chair. Sa sobrang higpit yata ng tali, siniguro niyang hindi ito basta-basta makawawala kahit anong pagpupumiglas ang gawin nito

Halos fifteen minutes din ang hinintay namin bago bumalik ang malay ni Morrie. Lumubog na ang araw at dumilim na sa labas. Kami'y nandito pa, pursigidong malaman ang mga sagot na hinahanap namin.

Nang subukang hilahin ni Morrie ang kanyang mga kamay, doon niya napagtanto na mahigpit na nakatali ang mga 'yon sa upuan. Iniangat niya ang kanyang tingin sa amin at tinitigan kami ng mga mapanuri niyang mata.

"What's the meaning of this?" tanong niya. Kahit na hindi pumapabor sa kanya ang sitwasyon, napanatili niya ang pagiging kalmado. Kahit ano yatang klase ng pressure, hindi basta-basta tatalab sa kanya.

"May gusto kaming malaman mula sa 'yo, Moriartian." Nakapamaywang na lumapit sa kanya si Harriet. "You know something that can put an end to the troubles of our Houses. All we're asking for is your cooperation. Understood?"

"Why then did you have to tie me? I can answer whatever question you wanna ask."

"My questions concern your beloved House," sagot ni Harriet. "Naisip kong mas effective kung igagapos ka namin dito habang tinatanong ka. It might loosen your tongue a bit, sakaling piliin mo na magmatigas sa amin."

"You know that this is against the school rules," banta ni Morrie. "I can file a complaint and have you three punished for illegally detaining me. Are you also complicit in this conspiracy, Wilhelmina? If yes, that would greatly disappoint me."

"It has to be done," matapang na sagot ni Mina. "Our actions are . . . not without reason."

Akala ko tatanungin niya rin ako, pero ini-skip niya ako. Disappointed na siguro siya sa 'kin.

Bumaling ang tingin ni Morrie kay Harriet. "Let's be done with this already. What questions do you wanna ask?"

"I'll get straight to the point since time is of the essence," panimula ni Harriet. "Some of my Holmesian seniors have been blackmailed to not participate in the Quadetective Tournament should they be chosen as our representative. Maging ako, naka-receive din ng blackmail threat. Apparently, hindi exclusive ang case na 'to sa House Holmes. Maging sa Houses Watson at Adler, may gano'ng incidents din."

Nagkatitigan ang dalawa. Ramdam ko ang pagtaas ng tensyon sa paligid. Masuwerte talaga na hindi ako ang nasa posisyon ni Morrie. Baka tumiklop na ako sa Holmesian na nakatitig sa 'kin.

"It's obvious that the person or people behind it must be so desperate to win the tournament," pagpapatuloy ni Harriet. Hindi pa rin niya nilulubayan ng tingin ang lalaking nakagapos. "Then I remembered, defending champion nga pala ang House n'yo. I assume you wanna win a back-to-back championship for your House. And you'd do everything to bring home the trophy, right?"

"So you're suspecting that we're behind the blackmailing incidents?" Umiling-iling habang nakangiti si Morrie. Kalmado pa rin kahit na tumitig at pumostura na ang kaharap niya. "When will you ever run out of theories against my House?"

"Once House Moriarty decides to play fair and square," sagot ni Harriet. "Halata na masyado ang mga galawan n'yo. I can smell the stench of your foul strategy miles away."

"I assure you that our House has no hand in this dirty strategy," kumpiyansang giit ni Morrie. "In fact, our House leader told us earlier that some of my seniors were also encouraged to back out from the tournament. Tell me, why would we blackmail ourselves if we're truly the brains behind it?"

"Para hindi masyadong obvious. You wanna look less suspicious so you claim that you're also victims here. Who else would target the noble House Moriarty? Definitely none of the other three Houses. Sino pa ba'ng may pinakatusong pag-iisip dito?"

Gano'n din ang naisip ko. Masyadong obvious kung sa House Moriarty lang walang na-blackmail na estudyante. Para magmukhang apektado ang lahat ng Houses, kailangang palabasin na pati sila ay biktima. Ang tataba talaga ng utak ng Moriartians na 'to, kung totoo man ang hinala namin.

"I see." Umismid si Morrie. "This is getting personal. Your vendetta against my House and my fellow Moriartians is becoming unreasonable. Yes, we may be cunning in most cases, but this is not one of them."

"Spare me the drama, Morrie!" Lalo tuloy nagmukhang iritable si Harriet. Nabawasan tuloy ang cuteness niya. "You can lie through your teeth, but the truth will come out. At gagawa namin lahat para maging maayos ang takbo ng tournament."

"Are you done? You asked me a question, I answered with all honesty. Am I free to go? Can you untie me?"

"Not yet. There's another thing that I wanna ask you."

"Fire away. I hope this isn't one of your crazy conspiracy theories."

Parang mag-boyfriend at mag-girlfriend na may lover's quarrel ang dalawang 'to sa sagutan nila, ah? Kung hindi lang ako babatukan ni Harriet, I'd tell them to get a room.

"Meron bang area sa Manor n'yo kung saan pwedeng magtago ng blackmailing materials?" diretsang tanong ni Harriet. "Oh, don't try to deny it! Malakas ang kutob kong nangongolekta kayo ng mga impormasyon na magagamit n'yo laban sa ilang estudyante rito sa campus."

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Morrie. "And why will I answer that question?"

"Kung gano'n, meron nga. You could have easily denied it, but you did not." Ngumisi si Harriet, mukhang naka-bullsye sa ipinupunto niya. "Tell us where we can find it."

Itinikom ni Morrie ang kanyang bibig at tinitigan ang interrogator. Hindi ba niya ide-deny?

"Tell us," mabagal na pag-uulit ni Harriet, litaw ang mga ngipin.

"That's one of our House's secrets. Why would I voluntarily give away that information to outsiders? It's a crime against our code to spill what we are not allowed to spill."

"If you don't tell us anything, I'm gonna tape your mouth and leave you in this forsaken tower until someone finds you here. Or you can tell us what we want and you will be free to go."

"Do you think your threats will work against me?" Hindi natinag si Morrie, walang bahid ng takot o pagkabahala sa mukha niya. Ni hindi man nanginginig ang mga tuhod niya. "You can do better than that, Holmesian."

"Morrie, please cooperate," biglang nagsalita ang walang imik na si Mina. Seryoso ang kanyang tono, mahirap na i-distinguish kung request ba ang sinambit niya o isa nang utos.

"Oo nga, Morrie! Makipag-cooperate ka na sa amin," dagdag ko sabay kamot ng ulo. Nilalamok na rin kasi ako kaya gusto ko nang lumabas mula sa lugar na 'to. "Gusto mo bang mag-stay rito hanggang mamaya? Sige ka. Gagawin kang pulutan ng mga lamok!"

Ipinikit ni Morrie ang kanyang mga mata, malamang pinag-iisipan kung dapat ba niyang pagtaksilan ang kanyang code bilang Moriartian. Kung ako ang nasa posisyon niya, bibigay na agad ako. Mas importante ang comfort ko kaysa sa code-code na 'yan.

Pagkamulat ng mga mata niya, huminga siya nang malalim. "Fine, I'll give you what you want. But this doesn't mean you're right about your accusation against my House."

"Oo na, oo na." Tumango-tango si Harriet, excited nang marinig ang sagot na kanina pa namin hinihintay. "Let us be the judge kung tama ba ang hinala namin. Spill the beans, Moriartian."

"There's what we call the Pandoran Library in the Manor," panimula ni Morrie, iginagala ang tingin sa aming tatlo. "You can find it on the west wing of the second floor. The place looks like an ordinary library. But there's a secret switch that you have to search among the rows of bookshelves."

"And what is that switch?"

"Must I spoonfeed you everything?" Iniangat ni Morrie ang kanyang tingin kay Harriet. "Once you find what needs to be solved, you will have no problem dealing with it."

"Then? What will we find inside?"

"Once you activate the hidden door, you'll be led into a smaller library. But instead of books, you'll find document racks, film negatives, memory cards appropriately labeled, et cetera. What you're looking for may or may not be there."

"Thank you for the info." May ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Harriet. Nakuha na niya sa wakas ang gusto niya. "Ngayon, kailangan naming makapasok sa mismong Manor n'yo. Any tips on how we can get inside without being detected?"

"You must wear our red uniform." Tiningnan ni Morrie mula ulo hanggang paa ang Holmesian. "It will be too easy to spot you if you wear anything that has no color red on it."

"Since you've been very helpful, who do you think can provide us with the bloody red uniform of Moriartians?"

"You can ask our classmate Andrei. You have my phone, don't you? You can send him a message asking him to bring a pair of my uniform and two female uniforms."

Inilabas ko ang kanyang phone at pumunta sa messages. Punong-puno ng mga mensaheng naka-code ang inbox niya. Ang tanging message na nabasa kong matino ay ang s-in-end ko sa kanya kanina.

Nang nai-send ko na ang request, tumingin ako kay Morrie. "Message sent!"

"Now can you untie me and let me walk free?" tanong niya.

"Not yet," sagot ni Harriet.

"What?" protesta ni Morrie. "I answered your questions. I betrayed my oath under the crimson standard and you still refused to let me go?"

"Tanga kami kung palalayain ka namin basta-basta. You can run back to your Manor and inform your fellow Moriartians that your secret has been compromised. At saka hindi pa kami nakasisiguro kung legit ang impormasyong ibinigay mo sa amin. What if you were only misleading us?"

"So what do you intend to do to me?"

Naglakad na palayo si Harriet, pero napaikot siya para muling harapin ang Moriartian. "We're gonna keep you hostage until we check the so-called Pandoran Library. Once we're done infiltrating your Manor and we get what we aim to find, pwede ka nang makalaya."

"You want me to stay in this abysmal place while you're busy running around our library?" Iginala ni Morrie ang tingin niya sa madilim na paligid. "I was hoping that you'd be true to your word, Holmesian. If you can't, I would be terribly disappointed."

"Huwag kang mag-alala. Ililipat ka namin ng lugar," tugon ni Harriet. "Somewhere more comfortable, somewhere you can breathe fresh air. Medyo nakasu-suffocate ang atmosphere sa clock tower na 'to. Baka may makita ka pang multo kung dito ka namin ikukulong."

"Saan mo siya balak dalhin?" tanong ko.

"In our Hall," sagot ni Harriet. "We have a basement there where Morrie can wait. May alam akong shortcut para makapasok tayo sa Hall nang hindi dumaraan sa guard. He might ask kung bakit magkakasama tayong apat at kung ano-ano pang tanong."

That would make things a lot easier. Kahit paano, naaawa rin ako kay Morrie kung dito siya sa clock tower maghihintay habang isinasagawa namin ang Operation Akyat Bahay.

"You're gonna be our hostage in the next few hours," Harriet told Morrie. "Try to make yourself comfortable."

Today was the day I was thankful that I'm not Morrie Moreno.

♣ ♣ ♣ ♣

The next update will be posted when this chapter reaches 222 VOTES.

If you've enjoyed this update, let me know what you think by tweeting with the hashtag #QEDUniversity!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top