Chapter 07: One Face, Four Bodies

A/N: I know that it's been a while since I updated this story, so I'll make up to you!

AIDEN

LAGI AKONG kinakabahan kapag ipinapatawag ako ng House leader namin. Dalawang rason kasi ang naiisip ko: Una, may ginawa akong mali o labag sa rules kaya kailangan akong disiplinahin. Pangalawa, qualified ako sa isang award kaya gusto nila akong i-inform tungkol doon.

Alin kaya sa dalawa ang most likely scenario? Kung ako ang papapiliin, mas gusto ko ang pangalawa kaysa ro'n sa una. Baka kung anong punishment ang ipataw sa akin. Minsan na akong pinagbantaang itatali sa puno at ipakakagat sa daan-daang langgam. Ayaw ko namang ma-experience ngayon 'yon.

Sa Adler Apartments nag-i-stay ang mga Housemate ko. Modern architecture ang dating nito kumpara sa Holmesian Hall at Moriartian Manor. Glass, steel at reinforced concrete ang mga ginamit na materyales. May pagka-minimalistic ang design sa labas, walang complicated na ornaments. Pero sa loob, halos kasing-level nito ang ambiance ng isang five-star hotel. May kani-kaniyang room ang tenants dito para daw may privacy ang bawat isa. Meron ding common areas kung saan pwedeng makipag-bond sa mga kapwa ko Adlerian.

Six o'clock ng gabi nang ipatawag ako sa principal's office—este, sa House leader's office. Nasa first floor ito ng apartment. Kinailangan kong sumakay ng elevator mula sa third floor para marating 'yon. Of course, I was looking super confident kahit hindi ko alam kung bakit ako kailangang kausapin. Pa-suspense kasi 'tong si Angelique, ayaw raw niyang i-spoil sa akin ang rason.

Kakatok na sana ako sa pinto nang automatic itong bumukas. W-in-elcome ako ng pitong lalaki't babaeng nakasuot ng green sweatshirt gaya ko. Tatlo sa kanila'y nakaupo sa harapan ng desk kung saan nakapuwesto ang House leader namin habang ang apat nama'y nakatayo sa likuran niya. Sa coat rack sa tabi nito naka-hang ang cape na sinusuot niya tuwing may school event kami.

Hindi ko in-expect na marami pala kaming ipinatawag. 'Yong apat na nakatayo ay House officers habang 'yong tatlong nakaupo ay mga Adlerian na nakikita ko rito sa apartment, pero never ko pang nakausap. Nagawi ang tingin ko sa bakanteng upuan. Mukhang reserved 'yon para sa akin. Dumiretso ako roon at saka kumaway sa mga kasama ko. "Good evening—"

"You're two minutes late, Aiden," sabi ni Angelique sabay tingin sa relo niya. May pagkaasar sa mukha niya. Malamang kanina pa nila ako hinihintay.

"Sorry!" Napakamot ako ng ulo. Automatic na sumara ang pinto sa likod ko nang tuluyan na akong nakapasok. "Sa sobrang laki ng apartment natin, muntik na akong maligaw. Alam n'yo naman na good boy ako kaya hindi madalas ang punta ko rito. This is just my—pang-ilan na ba? Ah, basta!"

"Ang mabuti pa, sumali ka na sa discussion namin para kaagad tayong matapos at makapag-dinner na tayo. Take your seat."

"Sure!" Umupo na ako sa natitirang bakanteng seat sa harapan ng mesa niya. Nginitian ko ang mga katabi ko na ngumiti rin pabalik sa akin. "May I now know kung bakit ako kasama sa mga ipinatawag dito?"

"This is about the upcoming Quadetective Tournament."

Mabuti naman. Nakahinga ako nang maluwag. At least, alam kong hindi ako pinapunta rito para pagalitan. Last time akong ipinatawag sa office na 'to ay noong kumalat ang video namin ni Harriet habang pinagpapalo niya ako ng singlestick sa Gladstone Gymnasium. Grabe ang sermon na inabot ko no'n. Muntik pa nga akong paluhurin sa isang bilao ng munggo bilang punishment.

Kung ipinatawag ako rito dahil do'n, ang ibig bang sabihi'y kino-consider ako bilang representative ng House namin?

"As you all know, our House is not that competitive in that contest," pagpapatuloy ni Angelique na may pagbuntong-hininga. "Never pa nating naiuwi ang trophy at nahirang na champion. Our seniors tried, but they failed. Now it's our turn."

Ganyan din ang narinig ko mula sa seniors namin noon. Pagdating sa pasiklaban ng apat na Houses, laging nasa third o fourth place ang House Adler. Pinagbibigyan kasi namin ang mga kalaban para may mai-consider silang achievements dito sa university. Joke lang! Baka mayabangan ang supporters ng ibang Houses diyan. The truth was, hindi namin nama-maximize ang potential namin kaya hindi kami masyadong makabuwelo at makaporma tuwing may competition.

"But this year, I want us to take this tournament seriously." Naging kumpiyansa ang boses ni Angelique at naging seryoso ang tingin sa amin. "Susubukan nating mapanalunan ang championship. Ipakikita natin sa lahat na hindi lang dalawang kulay—blue at red—ang naglalaban. Kasama rin ang green."

"Pero 'di ba sinubukan na rin ng seniors natin ang manalo sa tournament na 'to?" tanong ko. Wala namang Adlerian na gustong mapahiya kami lalo na sa ganitong event kaya alam kong ginalingan din nila, pero kinulang talaga. Ika nga, their best was not enough. "What makes this year different from our House's previous attempt?"

"Kung uulitin natin ang strategy ng nakaraan, mataas ang chance na maging same pa rin ang result sa kasalukuyan at hinaharap," sagot ni Angelique. "You know the saying that doing the same thing over and over again and expecting a different result is insanity? Kailangan nating maging mas mautak this year. Kailangan nating mas maging creative. After all, that's what our House is all about. Adaptability. Creativity."

Naningkit ang mga mata ko. Mukhang pinag-isipan niya at ng council namin ang strategy na nabanggit niya, ah? Gusto kong malaman kung paano namin tatangkaing manalo sa larong 'to. Angelique didn't strike me as someone who would just wave the white flag and accept our defeat before the game would even start.

"May isang champion dapat na present sa bawat stage ng tournament, 'di ba?" panimulang paliwanag niya. Tumayo siya't naglakad nang paikot sa amin habang nakakrus ang mga braso. Sinundan namin siya ng tingin. "Medyo disadvantageous 'yon sa atin kasi hindi naman magaling sa halos lahat ng subjects at aspects ang mga gaya natin. Street-smart kasi tayo, hindi book-smart. Kaya naisip namin: What if magsa-substitute tayo ng representative sa bawat stage depende sa strengths and expertise ng nasa roster natin? 'Yong magaling sa codes and ciphers, siya ang ipapasok natin sa round na 'yon. 'Yong magaling sa deductions, siya ang gagawing manok natin. Gets n'yo ba?"

Nagkatinginan kami ng mga katabi ko. Medyo hindi namin naintindihan.

"'Di ba bawal ang substitution unless maging incapacitated talaga ang representative ng isang House?" tanong ng katabi ko na napataas ng kamay. "Will our representative pretend to be seriously ill or unavailable para ma-invoke natin ang substitution clause sa rules ng tournament?"

Umiling si Angelique, sandaling huminto sa tapat namin. Mabuti nama't tumigil muna siya sa paglalakd kasi nakahihilong sundan siya. "Masyadong suspicious kung bawat stage ay magsa-substitute tayo ng representative. What I mean is, unofficially, magkakaroon ng substitution. Tayo-tayo lang ang makaaalam no'n. Hindi dapat malaman ng officiating authorities para wala tayong sabit."

"Through disguise?" bulalas ko. Napatingin ang halos lahat ng mga taong nasa room sa akin. "'Yon lang ang naiisip kong paraan para ma-execute ang condition na nabanggit mo. Walang makaaalam na napalitan na ang representative natin kung may magpapanggap na siya, tama?"

Mabagal na tumango sa akin si Angelique. "Tama ang sinabi ni Aiden. Gagamitin natin ang isa sa skills na pinagmamalaki ng House natin—disguise. Ilang years na nating pine-perfect ang art na 'yan. Walang basta-basta makatatalo sa atin pagdating diyan."

"But how will that exactly work?" tanong ng isa ko pang katabi.

"Ganito. We will choose one representative na normal ang body build at wala masyadong distinguishable features. Parang generic na character sa isang game. Siya ang magiging mukha ng House Adler. Depende sa stage na paglalabanan, pwede natin siyang palihim na palitan sa pamamagitan ng paggaya sa mukha, boses at mannerisms niya, at pag-take over sa place niya sa tournament. That way, walang makapapansin na napalitan na siya ng mas capable nating representative."

May mga napa-Ah! sa mga katabi ko. Gets ko na kung paano niya gustong laruin 'to. And I must say na creative nga ang approach niya. If we could pull that off without a hitch, baka mas tumaas ang chance naming manalo this season.

"Bale paano 'yon related sa pagpapatawag n'yo sa amin dito?" tanong ko. "I'm assuming na hindi n'yo kami inabala sa oras na 'to para lang i-share sa amin ang strategy ng House natin?"

"Para maging successful ang plan, we need Adlerians who are not only competitive, but are also good at disguising as someone else and mimicking almost everything about that person. Base sa screening namin, kayong apat ang pasok sa criteria. You're doing well in academics and extra-curricular activities."

Dapat ba akong maging proud kasi napili ako? It's an honor na ma-consider sa mission na 'to, pero parang masyadong mabigat ang responsibility na maging unseen substitute ng representative namin. Don't get me wrong though. Hindi ako umiiwas sa responsibilidad. Umiiwas lang ako sa backlash sakaling hindi ko magampanan nang maayos ang trabaho ko.

"Can we back out from this?" tanong ko matapos magtaas ng kamay. Napatingin na naman sila sa akin. "Wait! Before you get the wrong idea, I'm not saying na magba-backout mismo ako, pero baka may kasama tayo rito sa room na hindi comfortable na maging part nito. Alam n'yo na, baka may Adlerian na mas gustong enjoy-in ang pagiging audience kaysa pagiging unofficial participant."

"Pwede namang mag-back out," nakangiting sagot ni Angelique, pero ramdam kong peke 'yon. "Pero siyempre, may kapalit 'yon. Pwede naming bawasan ang House credits n'yo. Pwede rin namin kayong tanggalan ng privileges at i-restrict ang access n'yo sa ilang amenities dito sa apartment."

"What?! Hindi ba unfair 'yon?"

"Oo nga! Dapat tinanong n'yo muna kung game kami."

"Hindi namin ginusto na ma-consider para sa mission na 'to—"

"—Siyempre, kapag um-agree kayong mag-participate, tatanawin na malaking utang na loob ng House 'yon sa inyo," nilakasan ni Angelique ang boses niya para masapawan ang sa amin. "Bibigyan namin kayo ng exclusive green card kung saan magiging priority kayo sa lahat ng amenities at magkakaroon kayo ng unlimited access sa resources natin. But wait, there's more! Meron ding dagdag na House credits para sa inyo! Maliit na bagay ang mga 'yan compared sa sakripisyo n'yo para ipanalo ang House natin sa tournament."

"'Yon naman pala, eh! May reward ang pagsali natin!"

"Dapat 'yon ang intro mo para wala na kaming reklamo."

"E 'di maayos agad ang usapan natin!"

Just like that, on board na ang mga katabi ko sa plano. Kahit sinong Adlerian ang offer-an ng gano'n, siguradong papayag na agad. Sino ba naman ang ayaw enjoy-in ang student life dito sa apartment?

Sa bawat residence hall ng university, ang House Council officers ang nagma-manage ng mga 'to. Sila ang nagse-set ng rules and regulations. Sila rin ang nag-e-enforce ng rewards at punishment system dito. Ang Housemates namin na may green card ay ang VIP Adlerians. Kadalasa'y sila ang top achievers sa amin. Sa pagkakaalam ko, may special food at drinks na isine-serve sa kanila tuwing mealtime. Pwede rin silang mag-cut sa line dahil sila ang priority. Walang duda na special treatment 'yon, but they earned it through hard work.

Hindi rin mawawala ang access sa amenities dito sa apartment. May swimming pool at gym kami sa fourth floor, may movie theater at amusement arcade sa third floor, at may karaoke booths sa second floor. Dahil marami ang gustong mag-enjoy sa mga 'yon, marami rin ang reservations kada araw. Kaya ang mga VIP ay pwedeng sumingit sa queue. May ilang times nang naunahan ako ng VIPs dahil nasa priority lane sila.

Meron din kaming House credits kada member dito. Ito ang ginagamit naming pambili ng mga pagkain sa Hudson's Hub at mga gamit sa university mall. Hindi kailangan ng totoong pera para makabili ng gusto namin. Ang kailangan ay maging mabait at masipag na estudyante.

Lahat ng ito'y ino-offer ng House Council para ma-motivate ang bawat isa sa amin na maging active sa academics at extra-curriculars. Kung may kapalit, talagang gaganahan ang mga estudyante na paghusayan ang kanilang performance. At marapat na bigyan ng reward ang mga nagsisikap na pataasin ang ranking ng House namin.

Me? Well, hindi ako masyadong concerned sa pagiging top performer sa class namin at sa House. Wala namang problem sa akin kung hindi ako maging green card holder. Masaya na akong nakasu-survive ako sa daily classes at nagagawa ko ang tasks na ina-assign sa akin. All I wanted to do here was to have fun and enjoy my student-detective years.

"Meron bang balak na mag-back out sa inyo?" nakangiti pa ring tanong ni Angelique. Hindi man halata, pero may halong pagbabanta ang kurba sa mga labi niya.

Nagtinginan kaming apat na nakaupo, wala ni isang sumagot o nagtaas ng kamay sa amin. Kung wala masyadong consequences, baka ako na ang unang umurong at lumabas ng office na 'to. At saka isa pa, mukhang magiging fun ang tournament this season. Nase-sense ko sa mga sinabi ng House leader namin na hindi kami sasali this year just for fun. Talagang seseryosohin namin ang laban.

"Kung wala na kayong concern regarding sa participation n'yo, ipakikilala na namin ang magiging official representative natin." Dalawang beses na pumalakpak si Angelique. "Lo and behold!"

Bumukas ang pinto sa kanan at lumabas ang isang babaeng naka-twin pigtails ang buhok. Nakasuot siya ng green sweatshirt gaya namin. Oblong ang hugis ng mukha niya, rectangle ang body shape at nasa five feet and six inches siguro ang tangkad.

"Hello!" Nakangiting kumaway ang babae sa amin. Medyo high-pitch ang kanyang boses. Parang familiar din ang mukha niya. Sabagay, hindi gano'n karami ang mga Housemate namin kaya posibleng nakita ko na siya noon. Malamang na-encounter namin ang isa't isa sa common spaces dito sa apartment.

Tumayo sa tabi niya si Angelique. "I want you to meet Hadley Ireneo, our champion for the upcoming Quadetective Tournament. She's a third year Adlerian who volunteered to be part of our mission to win the championship."

Muli ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Medyo gets ko kung bakit siya ang napili at kung bakit kami ang kinuhang substitutes. Kung iko-compare sa akin, halos kasing-height ko siya at kasing-body frame din. Halos pareho rin ang hubog ng mukha namin. Magkaiba ang kulay ng buhok namin kasi blonde ang akin habang light brown ang kanya, pero pwede namang idaan sa wig 'yon.

"She'll be the subject of your disguise," dagdag ni Angelique. Ipinatong niya ang isang kamay sa kaliwang balikat ni Hadley. "Gusto ko kayong bigyan ng assignment. I want you all to spend time with her so you can study her mannerisms and be able to mimic her voice. Pwede n'yo siyang samahan tuwing breakfast, lunch or dinner. Pwede n'yo rin siyang sabayan habang nagwo-workout. Basta dapat, magkaroon kayo ng opportunity para ma-observe siya at ma-study ang lahat ng tungkol sa kanya. Madaling gayahin ang appearance niya gamit ang disguise, pero hindi madaling gayahin ang kilos at salita niya."

"I look forward to working with all of you!" nakangiting sabi ni Hadley na yumuko sa amin. She looked and sounded cute. "Please take care of me."

"Keep her identity as a secret for now," paalala ni Angelique. "Ayaw nating matunugan tayo ng mga taga-ibang House. Baka makaisip sila ng way para i-sabotage ang representative natin. Nabalitaan n'yo na siguro ang tsismis sa seniors natin, 'no? We don't want Hadley here to be targeted and be forced to withdraw from the tournament."

Ah! Tinutukoy niya siguro ang pamba-blackmail sa seniors namin. Binantaan sila na kapag tinanggap nila ang nomination bilang representative namin, ikakalat ang kanilang mga pinakatatagong sikreto. Kaya tuloy halos lahat sa kanila'y umurong o inayawan ang offer na kumatawan sa amin.

"Teka, hindi ba magiging weird sa mga kakilala namin kung makita kaming magkasama?" tanong ng katabi kong lalaki. "Baka may mag-suspect na may something suspicious kaya bigla kaming naging close?"

"Wala namang masama kung makipagkaibigan ang isang Adlerian sa kapwa niya Adlerian, 'di ba?" tugon ng House leader namin. "Basta huwag n'yong pag-uusapan in public kung ano ang plano natin para sa tournament. Baka may maka-overhear sa inyo o worse, may nakatagong recording device doon sa place na pinuntahan n'yo. Just always be careful, okay? There must be no slip-up."

"Yes, Ma'am!"

"Hey, don't call me Ma'am! Parang pinatatanda ako niyan, eh!" reklamo ni Angelique. "Sa ngayon, magpakilala muna kayo sa isa't isa. Mas mabuti kung maging familiar na kayo as early as now para hindi kayo mahirapan sa mga susunod na araw."

Lumapit sa amin si Hadley na ipinakilala ulit ang sarili niya. I must say na nakagagaan ang aura niya, tapos may kasama pang malawak na ngiti at malambing na boses. Nang dumating na ang turn ko, iniabot niya sa akin ang kanang kamay niya. Right-handed pala siya? That might come in handy during the games.

"I'm Hadley! I look forward to working with you! Please be gentle to me," nakangiting sabi niya sa akin.

Kinamayan ko siya at ngumiti rin ako sa kanya. "Me too! Let's try to win this thing, okay?"

♣ ♣ ♣ ♣

If you've enjoyed this update, let me know what you think by tweeting with the hashtag #QEDUniversity!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top