Chapter 06: Hive Mind
WILHELMINA
I LIKE spending my free time in the Watsonian Library. This area with rows of bookshelves and study rooms seemed like a happy and comfortable place to me. Ayon sa mga narinig ko, kami ang may pinakamalaking library sa apat na Houses. Hindi na kataka-taka dahil marami sa mga kapwa ko Watsonian ang mahilig gumawa ng research at maghanap ng references para sa kanilang studies.
I always go here whenever it's not crowded. Hindi sa pagiging madamot, ngunit mas komportable ako kung solo ko ang mesa at bakante ang ibang upuan. Tila hinihimasok ang private space ko kapag may katabi ako, lalo na kung hindi ko kakilala.
Kumuha ako ng leatherbound na aklat mula sa bookshelf at maingat na inilapag sa mesa. The book's title is A Werewolf in the Village. There's something in this story that made me pick it up. Wala naman sa intensyon kong basahin ang ganitong klaseng aklat. Baka napukaw ng pamagat ang interes ko. Werewolf... Hindi ako mahilig sa mga kuwento tungkol sa taong-lobo, ngunit nagawa ako nitong palingunin nang unang madaanan ko sa bookshelf kanina.
Maybe the title reminded me of the dilemma that I and the others were in. Someone tried to do us harm, and they could be here in the campus. That someone might be putting up a friendly face whenever we see each other in the classroom or along the hallways. Ngunit sa likod ng nakangiting maskara ay ang intensyong saktan kami. Halos magkatulad sa larong Werewolf kung saan nagpapanggap na villager ang isang taong-lobo at umaatake tuwing gabi kung kailan tulog na ang lahat.
Who among the people in this university was a werewolf disguised as a villager?
"I didn't know you like reading fiction."
My eyes raised their gaze at the figure that appeared before me. Bumungad sa akin ang mukha ni Sean. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya sa aking puwesto. Wala namang panganib sa palagid ko, ngunit mas mainam kung palagi akong alerto at mapagmatyag.
My lips parted and I was about to reply to him, but no words would come out of my mouth. Heto na naman. Kapag ibang tao ang kaharap ako, parang umuurong ang dila ko at nawawalan ako ng boses. Ngunit kapag sina Harriet, Aiden at Morrie na ang mga kasama ko, wala akong problema sa pagsasalita kahit mahina ang boses ko.
I grabbed my tablet on the side and drew some dots and dashes. This was the only way I could communicate with him.
-• --- - •-• • •- •-•• •-•• -•--
"Do you mind if I sit here?" My classmate Sean asked, to which I shook my head. Kulot ang kanyang buhok at lagpas ang bangs niya sa kanang mata kaya halos natatakpan. He always had this calm and confident look.
I've known Sean since my freshman year here. Isa siya sa mga pinakamatalino at resourceful na Watsonian na nakilala ko. Some even called him the "Strategist Sean." Nasaksihan ko nang personal kung gaano siya kagaling sa pagpaplano. Noong nasa isla kami para sa teambuilding activity, nakipag-alyansa siya sa amin para talunin ang isa pang grupo na pinamumunuan ni Joanna. Sinubukan niya kaming isahan ngunit mabuti't agad 'yong natunugan ni Morrie at naunahan siyang kumilos. Pumalpak man ang plano niya sa amin, hindi pa rin mapagkakailang tuso ang plano niya.
Seeing him share the table with me was odd. Hindi rin siya ang tipo ng tao na basta-basta makikiupo sa mesa nang may mesa para lamang makipagkuwentuhan. Nangyayari lamang ito kapag may schoolwork kaming kailangang pag-usapan. Meron siyang kailangan sa akin kaya siya naparito. At 'yon ang hinihintay kong ibunyag niya sa akin.
•• ••• - •••• • •-• • •- -• -•-- - •••• •• -• --• •• -•-• •- -• •••• • •-•• •--• -•-- --- ••- •-- •• - •••• ••--••
Sean chuckled, running his fingers through his hair. "You think I'm here because I need something from you?"
I gave him a nod. Wala nang dahilan para magpanggap akong hindi alam na may pakay siya sa 'kin. Mas mabuti kung magiging honest siya.
"You do know me very well," he said. "I want to invite you to the laboratory where our team is waiting. Pwede ka ba naming maabala sa pagbabasa mo?"
My gaze lingered on him before I decided to close the book. Ibinalik ko muna sa bookshelf ang mabigat at makapal na aklat bago ako sumama sa kanya. Lumabas kami ng library at umakyat sa hagdanan patungo sa third floor. Umasa akong ipaliliwanag niya ang sitwasyon sa akin, ngunit tahimik lamang kaming naglakad hanggang sa marating ang entrance ng lab. Itinapat namin ang aming ID cards sa sensor para bumukas ang pinto.
Inside, three Watsonians huddled around a long, rectangular table. May iba't ibang equipment sa gilid gaya ng computer at monitor. Ginagamit lamang namin ang area na 't kapag may kailangan kaming i-test na gadget o machine. Mas malaki pa rin ang laboratory sa Baker Building.
They all turned to me as we walked toward them. Kilala ko ang tatlong mukhang bumati sa akin. Mukhang meron silang sinusuri na isang maliit na bagay sa mesa.
"Tamang-tama ang pagdating mo, Mina," bati ni Joanna bago pa man ako makalapit sa kanila. Nagliwanag ang mga lente ng kanyang salamin at mas naging prominente ang highlights ng kanyang buhok dahil sa liwanag mula sa itaas.
Joanna is one of my classmates. Kagaya rin ni Sean, may pagka-mautak din siya. Magaling din siya sa pagbuo ng mga plano at pag-execute ng mga ito. Nakita ko rin ang galing niya noong nasa isla kami para sa teambuilding activity. Kumpara kay Sean, madalas ay may pagka-aggressive ang approach niya.
"Sana'y hindi kami masyadong nakaistorbo sa free time mo," sabi ni Keano, ang tumatayong leader ng House Watson. He's easy to identify among the three because of his broad frame and the hound-shaped pin on his chest.
Instead of writing "It's okay" in Morse code, I shook my head to give him a reassuring answer.
"So who's gonna tell her?" Sean asked. Napatingin ako sa kanya, at ang kanyang mga mata'y palipat-lipat sa tatlo naming kasama. Meron bang announcement na dapat kong malaman?
"Well..." Keano cleared his throat first before speaking. Lumingon ako sa kanya at seryoso siyang tiningnan. "We all know that the Quadetective Tournament is coming up, right? Kailangang may isang representative ang bawat House sa kompetisyon."
"Don't worry," Joanna butt in. "We're not choosing you as our representative. You can relax, Mina."
The thought did not cross my mind, but I appreciate her telling me outright the truth. Ayaw ko rin naman na sumali sa gano'ng tournament. Mas bababa ang tiyansa naming manalo kung ako ang kanilang ilalaban.
"Naisip naming pumili ng isang Watsonian na above average ang intelligence at skills," pagpapatuloy ni Keano. "'Yong hindi mukhang threat kapag nakita siya ng ibang representatives. 'Yong tipong mamaliitin ng mga kalaban natin."
My eyes slightly squinted at him. Sinusubukan kong sundan kung ano ang sinabi niya, ngunit hindi ko makuha kung ano ang punto nito. Kung tournament ang pinag-uusapan, mukhang hindi maganda ang strategy na naisip niya. Hangga't maaari, ang pinakamagaling na member ang ipinanlalaban ng isang House. Napaisip tuloy ako kung bakit average lamang ang balak niyang piliin.
"I'm not sure kung narinig mo na ang tsismis," sabi ni Joanna, "pero may na-receive na blackmail letter ang mga senior natin na nagbabantang kapag tinanggap nila ang nomination para maging representative natin, mae-expose ang bahong itinatago nila."
I haven't heard of that rumor. Hindi ako mahilig makinig sa mga tsismis. Para sa akin, walang mabuting maidudulot ang pakikinig at paniniwala sa mga bagay na hindi pa verified.
"But that's not the reason why we're making this decision," Keano added. "Ilang buwan na rin naming pinag-iisipan kung paano natin maipapanalo ang tournament. At mukhang may nahanap na kaming paraan."
Our House leader turned to the boy on his right. Tila bunot ang kanyang buhok, may suot na salamin, prominente ang cheekbones at payat ang pangangatawan. Siya ang kanang kamay ni Keano at ang deputy leader ng House Watson—si Cyrus.
He pushed back his glasses that rested on the bridge of his nose. "We all know na ang tournament ay tunggalian sa pagitan ng apat na indibidwal. Nakaasa ang bawat House sa galing at kakayahan ng kani-kanilang representatives. Kung may isang challenge na nahihirapan o hindi nito alam, maaapektuhan ang kanilang score at performance."
Taimtim akong nakinig sa kanya kahit hindi ko pa rin mawari kung bakit kailangan ang presensya ko rito.
"Kaya sa tournament ngayong season," pagpapatuloy ni Cyrus, "naisip namin na gawing collective effort ang attempt nating mapanalunan ang title."
I did not have to draw some dots and dashes on my tablet just to ask them what they meant. Sapat na ang facial expression ko para humingi ng elaboration mula sa kanila.
May kinuhang maliit na kahon si Cyrus at maingat na binuksan sa harap ko. Isang device na mukhang wireless earbud ang nasa loob. Nang mas malapitan kong tingnan, doon ko napagtanto kung ano 'yon.
"Isang modified hearing aide," sabi ni Cyrus habang hawak-hawak ang device. Inilapit niya ito sa mga mukha namin para mas malinaw na makita. "Kapag suot ito ng representative natin, pwede nating i-feed ang mga sagot sa kanya o tulungan siya sa challenges na haharapin niya. That way, hindi lang tayo basta-basta nakaasa sa kanya. Magiging collective ang effort natin."
"Meron na kaming napiling Watsonian na magsusuot ng hearing aide na 'yan," dagdag ni Keano. "Masyadong suspicious kung ang magsusuot niyan ay walang history ng hearing difficulty. Kaya naghanap kami ng member natin na may problema sa pandinig at hindi basta-basta paghihinalaan ng kahit sinuman."
"Hindi nga lang siya kasing talino at galing ng mga top performing Watsonian natin," singit ni Joanna. "That person's the only one who fits our minimum requirement, so she will suffice for this mission."
"To simply put it," Sean spoke, "she will be just the face and the voice of House Watson. We will be the brains behind her."
My gaze bounced from one person to another in the lab. Lahat sila'y nakatitig sa akin na parang tinatantiya kung naintindihan ko ba o hindi.
My right forefinger quickly doodled on my tablet.
•-- •••• •- - •-- •• •-•• •-•• -••• • -- -•-- •-• --- •-•• • •••• • •-• •
"We want you to join the team that will coach our representative," Keano said, looking at me directly in the eye. "Ina-acknowledge namin ang talino at husay mo kaya gusto ka naming maging bahagi ng historic moment na 'to."
"We call it Operation Hive Mind," Cyrus added as he put the hearing aide back in the box. "This dramatically increases our chances of winning the tournament, lalo na kung magsasama-sama sa coaching team ang mga pinakamagaling nating member."
I averted my gaze for a moment. Something did not quite feel right to me. Mabilis na nagsulat ang daliri ko sa tablet.
•• ••• - •••• •- - -• --- - -•-• •••• • •- - •• -• --•
"Don't worry about that, Mina," Joanna answered me. "Pinag-aralan namin ang rules at nakahanap kami ng loophole na pwede nating i-exploit."
"That's right." Sean nodded. "The rules and regulations of the tournament explicitly state that only one representative per House is allowed in the game venue. We have one representative who will be physically present during the competition. Our coach team will only be virtually present."
"And don't worry about being detected," Cyrus added. "We made sure na hindi made-detect at mai-intercept ang electromagnetic wave frequencies na gagamitin para ma-contact ang representative natin. Ilang linggo rin naming t-in-est 'to kaya walang magiging aberya sa mismong araw ng competition."
"The only way for the organizers to find out about our secret operation is if someone privy to this discussion will expose it to them." Joanna's gaze lingered on me. "Basta walang mag-e-expose sa gagawin natin, safe na safe tayo."
"Remember that what we're about to do is not strictly against the rules." Sean also stared at me. "It will surely raise some debatable points which, once resolved, can close the loopholes. At kapag nangyari doon, doon pa lang magiging illegal ang balak nating gawin."
Muli na namang nabaling sa ibang direksyon ang aking tingin. I could not say if what they told me was assuring enough. As much as I wanted our House to win the tournament, I did not want to resort to dirty tactics. Para saan pa ang tagumpay kung nakamit ito sa marumi at hindi patas na paraan?
"What do you think, Mina?" Keano asked. Ramdam kong nakatitig siya sa akin kaya sinagot ko rin siya ng tingin. "Pwede ka ba naming asahan dito?"
I felt like the walls of the laboratory were starting to close in on me. Tila nababawasan na rin ang oxygen sa loob. Lahat sila'y nakatingin sa akin. Lahat's sila'y naghihintay sa mga salitang lalabas sa aking bibig. Lahat sila'y umaasang makikisama ako sa kanilang plano.
Maybe that's the reason why they wanted me to join the coaching team. Hindi lamang dahil gusto nila akong makatulong, kundi dahil na rin gusto nila akong manahimik. Alam nila na kapag nalaman ko ang tungkol sa Operation Hive Mind, pwede kong kuwestiyonin ang kanilang aksyon. At kung hindi sila makikinig sa akin, pwede kong idulog ito sa mismong organizers ng tournament.
To prevent me from exposing them, they needed me to be complicit in this strictly not illegal operation. Kapag pumayag ako at sumali ako sa coaching team, guilty na rin ako sa kung anuman ang tawag sa gagawin namin.
I would always do the right thing, even though there's a chance that I would be ostracized for it. Pwedeng ituring nila akong traydor. Pwede rin nila akong patalsikin mula rito. They had the power to make that decision.
So what should my answer be? Dapat ko bang tanggapin ang kanilang alok? O dapat ko ba 'tong tanggihan at gawin ang sa tingin ko'y tama?
My eyes raised their gaze at them. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang mga mukha.
I took a deep breath before I looked down at my tablet as I wrote the following symbols.
•• •- -- •• -•
They all smiled at me. Nilapitan pa ako ni Joanna at niyakap nang mahigpit.
"Thank you, Mina," Joanna whispered in my ear. "Dahil sa 'yo... dahil sa atin... matutupad na ang pangarap nating matalo ang ibang House. It's time to show everyone that we're not just side characters in this story."
I may have said yes, but I wasn't totally in this plan. Mas mabuti kung kasama ako sa team at nasa loob mismo ako para mabantayan ko ang kanilang kilos.
If they would try to do something that is against the rules, I would not hesitate to report them all.
♦ ♦ ♦ ♦
If you've enjoyed this update, let me know what you think by tweeting with the hashtag #QEDUniversity!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top