Chapter 04: Four of a Kind

A/N: Tapos na sina Harriet, Morrie at Mina! Now's the turn of our boy Aiden!

AIDEN

MAS MASAYA kung magkakasundo ang lahat, 'di ba? Mas magiging maayos kung mawawala ang mga bangayan o kung hindi man, at least mababawasan. Hindi naman basta-basta mawawala 'yon sa isang grupo. Darating sa punto na magkakaroon ng misunderstandings.

Talagang p-in-ush ko na mas maging malapit kaming apat sa Team WHAM. Marami na kaming pinagdaanan. Niligtas namin ang isa sa mga VIP noong Sherrinford Soiree. Niligtas din namin ang mga sarili namin sa island trip. Duda ako na roon na nagtatapos ang lahat. Sa espesyal na sitwasyon namin, marami pa kaming pagdaraanan.

Teka, baka isipin n'yo, may ulterior motive ako. Wala. Gusto ko lang talaga na magkaroon kami ng closeness at unity. Kahit na inaaway ako lagi ni Harriet, kahit na pinapasakit ni Mina ang ulo ko sa Morse code at kahit na ginagamit ako ni Morrie sa kung anumang dahilan na hindi niya isine-share sa akin, mas nangingibabaw sa akin ang koneksyon naming apat. Hindi naman lahat ng magbabarkada, pare-pareho ang ugali. At hindi lahat ng magkakabarkada, agad na nagkakasundo. We're just starting out.

Isipin n'yo na lang na nasa getting-to-know-each-other pa kami. Tiyak na mandidiri si Harriet sa choice of words ko. Wala naman akong dapat ipangamba. Hindi naman niya kayang basahin ang isip ko.

Sabay-sabay kaming pumasok sa klase nitong umaga. Meron pa kaming formation para ipakita sa ibang estudyante na united kaming apat kahit na iba't iba ang Houses na pinanggalingan namin. Heto naman talaga ang gustong mangyari ng university officials, na magkasundo at magkalapit kami sa isa't isa kahit ano pa ang House na kinabibilangan namin.

Kadalasan kasi, nasa loob mismo ng kani-kaniyang House ang clique namin. Madalang na may makita akong estudyanteng nakiki-hang out kasama ang mga taga-kabila. Ganyan katindi ang kompetisyon dito. Kung hindi mo kakulay, hindi siya belong sa circle mo.

So I guess we're the very first group to display this statement of unity in the campus? Talagang todo ang tinginan sa amin habang paakyat kami sa hagdanan at naglalakad sa hallway. Parang mga artista kaming bumisita sa campus. Kulang na lang ay magpa-autograph ang mga nakakita sa amin. Nag-joke pa nga ako sa mga kasama ko na baka kunin kaming ambassadors ng university dahil sa ipinapakita namin.

Hindi pa talaga gano'n ka-solid ang samahan namin. Kung magpapakatotoo ako, pakitang-tao ang ginawa namin kanina. Kinailangan ko pang i-convince ang mga kasama ko para maki-ride sila sa aking trip. Sa ngayon, gusto lang naming magpadala ng message sa kung sinuman na gustong magtangka sa buhay o samahan namin.

"Hanggang kailan tayo maghihintay rito?" naiinip na tanong ni Harriet. Kanina pa niya paulit-ulit na tina-tap ang mga daliri niya sa mesa. Pasulyap-sulyap din siya sa wall clock. "I still need to finish my assignment in Toxicology."

"Relax ka lang, Rie," sabi ko. "Hindi pa nga nag-iinit ang mga upuan natin, gusto mo na agad umalis?"

Fifteen minutes pa lang ang lumipas mula nang pumasok kami rito sa Diogenes Cafe. Oo, magkakasama na naman kaming apat at nakaupo sa palibot ng mesa. Pero hindi kami pumunta rito ngayong lunch time para mag-chill at mag-bonding.

"Huwag mo nga akong matawag sa nickname ko," banta ni Harriet sa akin. "Isa pang beses na tawagin mo akong Rie, malalaman natin kung gaano katibay ang mga upuan dito kapag hinampas ko sa 'yo."

Inaasar ko lang siya, agad naman siyang napikon. Malabong magawa niya akong hampasin ng upuan lalo na't maraming customers dito. Kapag itinuloy niya, baka mag-viral ulit siya sa campus gaya ng pamamalo niya sa akin sa gymnasium noon. Pero ayaw ko namang sagarin ang pasensya niya. May iba pa siyang pwedeng gawin sa akin na mas masakit at hindi mahahalata ng mga tao sa paligid namin.

Sa tatlo kong kasama, si Harriet ang may pinaka-complicated na relationship sa akin. Kadalasa'y against siya sa suggestions ko. Ewan ko ba, parang hihinga pa lang ako, tututol na agad siya. Simula nang paghinalaan niyang may sabwatan kami ni Morrie, ekis na ako sa kanya. Siya lang yata ang immune sa charms ko. My smile and wink wouldn't work against her. Kung ibang babae siguro ang pinakiusapan ko, malamang agad na papayag 'yon. But to be honest, I kinda liked that about her. Medyo pa-hard to get. Kailangan pang suyuin. Mas interesting at challenging siya para sa 'kin.

"Pwede naman tayong kausapin ni Sir Dred sa hallway o kaya sa office niya," reklamo ni Harriet. "Bakit kailangang dito pa sa cafe? Pinalakad niya pa tuloy tayo papunta rito sa Hudson's Hub."

"Maybe..." Nagsimulang magsalita si Mina kaya sabay kaming napatingin sa kanya. Hindi pa rin ako gano'n kasanay na marinig ang kanyang boses. "Maybe... Sir Dred will tell us... something confidential about the case."

"Posible," may pagtangong tugon ni Harriet. "Pero kung sobrang confidential ng sasabihin niya, bakit sa isang public na lugar niya tayo ipinatawag? He could have told us in a private room somewhere in Baker Building. Baka may makarinig pa sa gusto niyang sabihin. Alam n'yo naman kung gaano katsismoso ang ilang tao rito."

"There must be a reason... why he chose to meet us here," tugon ni Mina. "Sir won't make a random suggestion."

Si Wilhelmina, o Mina, ang literal na "voice of reason" sa aming grupo. Madalas na clouded ang judgment namin sa isa't isa—lalo na si Harriet pagdating sa 'kin at kay Morrie—dahil sa biases namin. Kumbaga isa siyang impartial judge na matimbang ang opinyon. Tumitigil ang mundo namin para pakinggan kung anuman ang sasabihin niya, este ang isusulat niya sa tablet. Pero nitong nakaraan, kapag magkakasama kaming apat, nagagawa na niyang magsalita. Talagang nag-e-effort siya na kausapin kami. Kung anuman ang pumipigil sa kanya na magsalita nang normal, nilalabanan niya. And I admired her for that.

"Sabagay." Napabuntong-hininga si Harriet, muling napasulyap sa pintuan. May mga pumapasok pa sa cafe, pero puro estudyante. "I just hope that he comes here sooner. 'Di bale sana kung after class niya tayo ipinatawag."

"Maybe he's busy," sabi ni Mina.

"O baka may nangyaring masama sa kanya habang papunta siya rito," sabi ko na may seryosong tono at mukha. "'Di ba ganyan minsan sa mga drama? Kapag may importanteng sasabihin ang isang character, biglang may mangyayaring masama sa kanya?" Of course, I was just kidding! Hindi ako naniniwalang may gano'ng unexpected turn of events dito.

Tinaasan ako ng kilay ni Harriet. Heto na naman siya. "Ano bang klase ng drama ang bini-binge watch n'yo sa House Adler?"

"From classic to modern films!" proud kong sagot. "Pinag-aaralan namin kung paano ang effective na acting. Kaya nga pang-world class ang skills namin, 'di ba?"

Inirapan lang ako ni Harriet at muli siyang napatingin sa pintuan. Kahit ilang sulyap niya roon, hindi magically na susulpot si Sir Dred.

"You've been glancing at the doorway," nagsalita na rin si Morrie na kanina pa tahimik sa kanyang upuan. Busy siya sa binabasa niyang book. Sandali niyang iniangat ang kanyang tingin kay Harriet. "Have you considered the possibility that Sir Dred might be here already and is observing us?"

"That is possible," sabi ni Mina.

Hindi malabong gawin 'yon ng Special Arts instructor namin. He has a knack for theatrics. Minsan nga, bago mag-start ang klase namin, nagdi-disguise muna siya bilang furniture o kung anumang bagay ang magma-match sa costume niya. Hindi niya ire-reveal ang sarili niya hangga't hindi namin siya napapansin.

Napangalumbaba si Harriet sa mesa at may nang-aasar na ngiti. "Napansin mong kanina pa ako pasulyap-sulyap sa pinto, so kanina mo pa ako pinagmamasdan? Tapos kaninang umaga, tinanong mo kung okay lang ba ang pakiramdam ko. Iba na yata 'yan, Moriartian?"

Muling nag-angat si Morrie ng tingin sa kanya. "I can see what you and the others are doing in my peripherals. It's starting to annoy me that's why I pointed it out."

Medyo complicated din ang relationship ko kay Morrie. Gaya ng hinala ni Harriet, may alyansa kaming dalawa, pero hindi bukal sa loob ko. Pwede akong humindi o umayaw, 'di ba? Kaso komplikado ang sitwasyon. Wala akong choice kundi ang tulungan siya sa kung anuman ang binabalak niya. Kapag hindi ako sumunod... sabihin na nating may hindi magandang mangyayari. Inutusan niya akong makipag-close kay Harriet at alamin ang kahinaan nito. I had no idea why, but I followed his request. Sa kasamaang palad, wala pa akong masyadong progress doon dahil suspicious si Harriet sa akin.

"Maybe if you turn the other way, hindi mo na ako masasagap sa peripherals mo at hindi ka na maa-annoy. Nakakahiya naman kasi sa 'yo."

"If I do what you've suggested, my body posture will suffer and I will feel uncomfortable in my seat. I need to recline my body against the chair's backrest to make it feel relaxed."

"So sino'ng mag-a-adjust sa ating dalawa?"

"Just stop looking at the door every minute."

Parang aso't pusa kung magbangayan ang dalawang 'to. At least, hindi muna ako ang pinagti-trip-an ni Harriet ngayon. It's either me or Morrie talaga. Safe si Mina kaya never siyang aawayin nito.

Tiwala ako na darating ang araw na magiging legit ang bonding namin. Panigurado namang may darating pang test na susubok sa samahan naming apat. Baka roon namin ma-realize na kailangan naming isantabi ang pagkakaiba namin at mag-focus sa pagkakatulad namin. It would take time to reach that level, but we're on the way there.

"Excuse me?" Lumapit ang isang waiter na may kulot na buhok sa amin. may hawak-hawak na tray.

Umangat ang kunot-noong tingin sa kanya ni Harriet. "Sorry, pero hindi pa kami umo-order. Tama ba?" Sa amin sunod na napunta ang tingin niya. Umiling ako pati sina Mina at Morrie. Wala pa namang nagtawag sa amin ng waiter para magbigay ng order. Isa pa, hinihintay pa namin si Sir Dred na dumating. Nakakahiya kung mauuna kami sa kanya.

"In-order ito ng mabait n'yong prof," sagot ng waiter, maingat na inilapag sa mesa ang bawat isang mug na may steam pa. "Bayad na rin 'to kaya e-enjoy-in n'yo na lang ang hot choco n'yo."

Nagkatinginan kaming apat. Napakibit-balikat ako habang nagbato ng nagtatakang tingin sa isa't isa ang mga kasama ko. Kinuha ko ang mug, halatang bagong timpla dahil mainit-init pa, at hinipan palayo ang steam. Iinom na sana ako.

"Teka!" Biglang hinawakan ni Harriet ang kamay ko. Napa-aray ako, hindi dahil sa hawak niya, kundi dahil sa tumulong patak ng mainit na chocolate sa pants ko. Agad din niyang inalis ang hawak niya sa akin. "Sino'ng prof namin ang um-order sa inyo?"

"Basta may tumawag sa amin tapos sabi niya o-order daw siya para sa apat na estudyanteng iba't iba ang kulay ng mga uniform. Kayo lang kasi ang nandito na gano'n," agad na sagot ng waiter. "Okay na ba? O may concern pa kayo? Kung wala na, enjoy your—"

"Ah, yes." Itinaas ni Morrie ang kamay niya at ibinaba ang binabasang libro. "Do you mind checking if the chocolate's taste is okay?"

"Eh?" Napakurap ang mga mata ng waiter. Natawa siya pagkatapos na parang nag-joke ang seryosong Moriartian. "Papatikim n'yo sa 'kin? Tinikman ko na kanina ang blend na 'yan. Pasado sa panlasa! It's the best choco that you'll ever have today."

"We must insist," pilit ni Morrie, hindi nilubayan ng tingin ang waiter.

Gets ko na kung saan patungo ang usapin na 'to. Napakrus ang aking mga braso at pinanood kung ano ang susunod na galaw ng lalaking nakatayo sa tabi namin.

"Sorry, pero hindi namin pwedeng inumin ang drinks ng customers," tugon ng waiter, humakbang paatras. "Ang mabuti pa, tikman n'yo muna. Papalitan ko na lang kung ayaw n'yo sa lasa. May gano'ng policy kami rito sa cafe."

"You've heard what he said, right?" Tumayo si Harriet, nakapameywang ang mga kamay. Kung ako kay Kuya Waiter, kakabahan na 'ko. "Tikman mo muna bago namin inumin."

"Sorry, miss, pero hindi talaga pwede—"

Mabilis na hinawakan ni Harriet ang braso ng lalaki mula sa likuran at isinubsob ang katawan nito sa mesa namin. Muntik nang tumalon ang mga braso sa lakas ng impact. Napaurong pa kami ni Mina dahil baka matalsikan kami ng mainit na choco. Pinagtinginan na tuloy kami ng iba pang customers.

"Aray!" inda ng waiter. Napapikit na yata siya sa sakit. It sucked to be him right now.

"Titikman mo ba o babaliin ko 'tong braso mo?" banta ni Harriet. Mas nakatatakot siya kapag nakangiti siya habang sinasabi 'yon. I wouldn't want to mess around her kapag gano'n ang mood niya.

"Sir..." sabi ni Mina.

"Okay, I yield. I yield!" Paulit-ulit na hinampas ng waiter ang isa pa niyang kamay sa mesa. Binitawan na siya ni Harriet. Napa-aray ulit siya habang minamasahe ang kanyang braso. "Congratulations, Team WHAM. You've passed the test kahit na muntikan n'yo na akong balian ng kamay."

Napabuntong-hininga muna si Harriet bago nag-slide paupo sa upuan. "Ano na naman ba ang trip n'yo, sir?"

The waiter pinched the skin of his face and slowly pulled it up, revealing another layer of skin underneath. Pagkatanggal ng balat, bumati sa amin ang isang pamilyar na mukha. Sir Mordred Tyler—or Sir Dred as how he wanted to be called—was smiling at us. Kahit kailan talaga, itong si sir, ang lakas ng trip.

Kumuha siya ng upuan mula sa kabilang table at pumagitna sa aming dalawa ni Harriet. "Pasensya na kung pinaghintay ko kayo. Naisipan kong i-test muna kung gaano ba kayo kaingat sa paligid n'yo. Alam n'yo naman ang sitwasyon ngayon."

"At talagang nanghiram pa kayo ng uniform sa mga waiter dito?" tanong ni Harriet, nakatitig sa black vest at bowtie na suot nito. "Ang effort n'yo naman masyado."

"Close kami ng may-ari at mga empleyado ng cafe na 'to," sagot ni sir, napalingon sa may counter. "Sinabihan ko sila na may mini-exercise tayo kaya pumayag silang mag-disguise ako bilang waiter. Hindi ko lang in-expect na magiging agaw-pansin pala ang naisip kong skit."

"Uhm, sir?" Napaturo ang daliri ko sa mug na nasa harapan ko. "Safe bang inumin ang mga 'to? O may inilagay kayong chemical o kung anuman dito?"

"Please don't drink them!" Kumaway si sir sa staff na nasa counter. Dali-daling lumapit ang isang waitress at inalis ang mga mug namin. "May instant pampatulog ang mga 'yan. Kung sakaling natuloy ang pag-inom mo niyan, instant knockout ka na sana ngayon."

Nagawi ang tingin ko sa babaeng katabi ni sir. "Dapat pala magpasalamat ako kay Rie kasi pinigilan niya ako."

"Hindi ka man napatulog ng hot choco, baka gusto mong ang kamao ko ang magpatulog sa 'yo?" banta niya sabay pakita sa pag-crack ng mga daliri niya. "Hindi mo man mararamdaman. Isang move lang, knockout ka na."

"Pass muna ako riyan," pilit ngiti kong sabi. "Pero magandang example ang ginawa ni Ri—este Harriet—kung paano natin babantayin ang isa't isa. Kung ako lang mag-isa rito, baka nakatulog na ako. Pero dahil nandito kayo, nakaligtas ako. O 'di ba? Working ang suggestion ko."

Tumango si Mina sa akin habang wala namang reaksyon sina Harriet at Morrie. For sure, na-realize din nila ang point ko.

Lumapit sa amin ang waitress at i-s-in-erve ang tig-isang mug sa harapan namin. Siniguro sa amin ni Sir Dred na ligtas nang inumin ang mga 'to. Sayang naman 'yong unang in-order niya, itinapon lang sa sink. Sabagay, siya naman ang bumili no'n, pero nakakapanghinayang pa rin.

"So what updates do you have for us, sir?" tanong ni Morrie habang umiihip sa drink niya. "You won't be calling us out here if there isn't any."

"Tatapatin ko na kayo," tugon ni Sir Dred matapos bumuntong-hininga, "wala pang kahit anong breakthrough sa case. But I feel that I owe you an update just to keep you informed that we're working on it."

Hindi 'yon ang ine-expect namin, pero mas mabuti nang may update kaysa wala?

"A day before tayo pumunta sa isla, ch-in-eck ng island keeper ang area. Nanghiram siya ng motorboat mula sa port kung saan dumaong ang barko natin. Meron daw siyang dalang malaking kahon na kinailangan ipasok sa bangka."

"Pero...?"

"Our investigators visited the island keeper to verify the story." Nag-iba ang tono ng boses ni sir, naging seryoso. "But it turned out that he was hospitalized two days before the island trip. Imposibleng makapag-conduct siya ng ocular isang araw bago tayo dumating doon."

"So someone disguised as him?" tanong ko. 'Yon lang ang naiisip kong explanation doon.

Mariing tumango si Sir Dred. "Mukhang gano'n ang nangyari. Ang laman siguro ng box na dala niya ay ang hound na umatake sa inyo at ang ahas na kumagat kay Harriet."

Napatingin kami sa aming kasama na napasulyap naman sa kanyang binti. Isang linggo na ang lumipas mula nang makagat siya. Ang balita ko, wala namang kakaibang resulta sa test niya. Wala na raw dapat ikabahala.

"Heto pa," dugtong ni sir. "We checked the area after the event and found a dilapidated cabin in the woods. Base sa mga bagay na nakita namin sa loob, mukhang doon nag-stay ang hound bago niya kayo hinabol o inatake. Here's what's more disturbing: we found some clothes and undergarments belonging to students. Hindi pa namin sigurado kung kanino ang mga 'yon. Pero may hinala na ako." Palipat-lipat ang tingin niya sa aming apat.

Napatakip ng bibig si Harriet, napakurap si Mina at naningkit ang mga mata ni Morrie. Sinubukan kong alalahanin kung meron ba akong nawawalang damit. Sa dami ng dala ko sa Adlerian Apartments, hindi ko na tanda.

"I did lose something," nahihiyang sabi ni Harriet.

"I also did," sabi ni Morrie.

Marahang tumango si Mina.

Napakamot naman ako ng ulo. "Maybe me too. Hindi ko na tanda. Sorry."

"I'll be calling you again to confirm kung sa inyo nga ang mga 'yon. Pinadaan na namin sa analysis to check for clues—DNA, fingerprint, etc. We're just waiting for the results to come back," sagot ni sir. "Alam n'yo naman siguro kung ano ang ibig sabihin nito."

"Someone sneaked into our residence halls, got inside our rooms, and stole some of our stuff," sabi ni Morrie, maingat na ipinatong sa mesa ang kanyang mug. "Whoever's behind it isn't just some petty thief."

"They have inside knowledge and they also know how to disguise themselves." Nabaling ang tingin ni Harriet kay sir. "They seem to be incredibly skilled."

"That's why you have to be extra careful," paalala ni Sir Dred. "The stunt that I pulled earlier was something that they can do to you." Humarap siya sa akin na parang may kasalanan ako. "Kung may lason ang mga hot choco kanina, siguradong may napuruhan na sa inyo."

I'd be dead by now if that's the case. Or maybe not? Kasi napigilan ako ni Harriet mula sa pag-inom.

"Kapag tapos na ang imbestigasyon ni Roanoke sa Sherrinford Soiree incident at bumalik na ang results mula sa lab, we will reconcile the details. I will keep you posted of any developments."

Tumayo na si Sir Dred at nagpaalam na mauuna na sa amin. Naiwan kaming apat sa cafe. Tumigil na sa pag-inom ang mga kasama ko habang nakakahalati ko pa lang ang akin.

"So what now?" tanong ni Harriet, isa-isa kaming binato ng tingin. "Should we wait for any updates? Or should we do something about it?"

"If you mean investigating on our own, then that's something we both can agree with," sagot ni Morrie.

Ibinaba ko na ang aking mug at pinunasan ang mga labi ko. "Game kayo na tayo na mismo ang mag-imbestiga nito?"

"Kaysa naman maghintay tayo sa mabagal na updates mula kina Sir Dred," sagot ni Harriet.

"We already have some details to work with anyway, thanks to sir," tugon naman ni Morrie.

"I'm in," sabi ni Mina.

Mukhang may collab na naman ang Team WHAM. And I was all for it.

♣ ♣ ♣ ♣

If you've enjoyed this update, let me know what you think by tweeting with the hashtag #QEDUniversity!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top