SIMULA
In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.
Proverbs 3:6
ILANG beses pa akong huminga ng malalim sabay punas ng pawis sa aking noo. Bago ipinagpatuloy ang pagseserve ng pagkain sa mga customer.
Hindi ko alam kung anong oras na, kaya tumingin ako sa orasan at hindi ko mapigilang mapamura nang makita kong alas-otso na ng gabi.
Siguradong naghihintay na iyon sa akin...
Kaya mas binilisan ko pa ang aking paglalakad para matapos na.
Nang may nabangga ako at natapon ko ang juice at spaghetti sa mismong damit nito.
Narinig ko pa ang pagsinghap ng ilang mga tao na nasa loob ng restaurant at ang pagtawag sa akin nang mga katrabaho. Pero mas nangibabaw sa pandinig ko ang malutong na mura ng lalaking nasa harapan ko.
Hindi ko naman maiwasang kabahan at mapapikit.
Siguradong bawas sweldo na naman ito o baka tanggalin na ako nito sa trabaho...
Sana naman hindi, may anak pa ako...
“Look at what you did. Now!” sigaw nito na dumagundong sa loob ng restaurant.
Hindi ko maiwasang mapa-atras dahil sa takot at parang sirang plaka na bumalik ang lahat ng sakit na nangyari galing sa nakaraan na pilit kong kinalimutan.
Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo at pagyakap sa sarili. Na para bang nakakatulong ito sa pagprotekta laban sa taong nasa harapan.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakaupo habang yakap-yakap ng kaibigan ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumahan kaya inangat ko ang paningin ko. Bumungad sa akin ang maamong mukha ng kaibigan ko na mababakas ang pag-alala.
Ngumiti naman ito nang marahan habang hinahaplos ang mga mata ko, na hula ko ay namamaga na sa kakaiyak.
“Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at nagmamadali ka?” tanong nito sa galit na boses pero iba ang sinasabi ng mga mata.
Tinanggal ko muna ang kamay nito na nasa mata ko. “Baka kasi hinahanap na ako ni Baby Zac. Alam mo naman iyon, kapag matagal akong umuwi maghihintay iyon sa labas ng bahay.” Nakatungo kong saad habang patingin-tingin sa orasan.
“Hindi ba nandoon naman si Marcus? Huwag ka ng mag-alala, hindi niya naman papabayaan ang anak mo,” nakangiti nitong saad na nagpagaan sa kalooban ko.
Nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang katrabaho namin.
May dala-dala itong...
Cellphone ko yun ah?
Binigay naman kaagad nito sa akin ang cellphone.
Hinihingal man dahil halatang galing ito sa pagtakbo nagawa pa nitong magsalita. “Tumatawag si Marcus, Amber.” Umupo naman ito sa harapan ko. “May emergency daw,” dagdag pa nito na nagpabingi sa akin at nagpamanhid.
Napakurap-kurap naman ako ng hilahin ako ng kaibigan ko.
Nilingon ko ito at nakita ko ang pag-alala at unti-unting pagkawala ng kulay ng mukha nito.
Nag-unahan naman sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko pa man alam kung ano ang nangyayari at ayaw kong isipin na may nangyaring masama. Pero hindi ko maiwasan dahil na din sa mukha na pinapakita ng kaibigan ko.
“Anong nangyari?” halos bulong kong tanong dito.
Nilingon ako nito at hinila palabas ng restaurant. “Nawawala si Zac.” Pumara ito ng taxi na dumaan. “Sabi niya lumabas daw sila kanina. Actually kanina pa nawawala si Zac pe-”
Hindi ko na gusto pang marinig ang sunod nitong sasabihin. Kaya tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at tumakbo.
Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ko na ito nilingon pa.
Kapag may nangyaring masama sa kanya hindi ko na alam ang gagawin ko...
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa park. Kung saan kami palaging namamasyal ng anak ko.
Hinanap ko siya sa bawat sulok, pero wala akong makita ni bakas o anino. Nang makarinig ako ng mahinang iyak na nanggagaling sa madilim na parte ng park.
Ito na lang ang hindi ko napuntahan...
Pero agad ding nawala ang mahinang iyak. Tumigil muna ako saglit bago nagpatuloy sa paglalakad.
May nakikita na akong bulto ng tao. Nakatalikod siya sa akin, tatawagin ko na sana ito pero agad itong tumakbo.
Tiningnan ko ang papalayo nitong bulto nang makarinig ako ulit ng mahinang iyak.
Doon ko nakita ang anak ko sa pwesto ng lalaki kanina.
Hindi kaya may ginawa siyang masama sa anak ko?
No, hindi pwede...
“Baby!” Linapitan ko naman agad ito at niyakap na ginantihan din naman nito. “Bakit ka ba nandito? Ha? Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra? Huwag ka namang manakot oh?” umiiyak kong saad.
Nang wala akong makuhang sagot dito tiningnan ko ito. “Wala bang masakit sa iyo? Sinaktan ka ba? Ok ka lang ba baby?” sunod sunod kong tanong dito. Habang tsinecheck kung may galos ba ito gamit ang flashlight.
Umiling naman ito at ipinakita sa akin ang hawak nitong ice cream.
“Paano ka nagkaroon niyan?” taka kong tanong.
“Give p-pa p-pa,”
“Ano?” gulat na tanong ko dito.
Tila hindi maproseso ng utak ko ang aking narinig. Baka mali lamang ako ng pagkakarinig, kailangan ko sigurong linisan ulit ang tainga ko.
“P-pa-”
Hindi na nito natapos ang sasabihin ng may tumawag sa amin. Kinarga ko naman ang anak ko papunta kina Marcus.
Pagkalapit na pagkalapit namin, kinuha sa akin ni Marcus si baby Zac. Habang lumapit sa akin si Mia.
Ang kaibigan ko.
Galit ang makikita ngayon sa mukha ni Mia pero hindi mawawala ang pag-alala.
Hinampas ako nito sa braso pero mahina at niyakap nang mahigpit. “Nag-alala ako sa iyo akala ko mawawala ka din o kung ano. Bakit ka ba kasi tumakbo! Nakakainis ka!” naramdaman ko naman ang unti-unting pagkabasa ng damit ko.
“Amber,” tawag sa akin ni Marcus.
Tiningnan ko naman ito. ”Sorry akala ko kasi hindi siya aalis e-”
Nginitian ko naman ito ng kaunti, “Hindi ok lang. Ang mahalaga nakita na natin siya ngayon,” putol ko dito at pinagmasdan ang anak kong kumakain na ngayon ng ice cream.
“P-pap-a,” mahina nitong usal.
Humiwalay kaagad sa akin ang kaibigan ko pagkatapos marinig ang sinabi ni baby Zac. Habang si Marcus ay napako sa kinatatayuan.
Hindi kaya siya iyon?
“Tara na, umuwi na tayo. Gabi na,” tawag pansin ko sa kanila.
Nakita kong ngumiti ang anak ko kaya lumabas ang dalawang dimple nito. Si Marcus naman ay lumapit sa amin at hinawakan ang kamay ko. Nilingon ko si Mia at nahuli kong nakatitig ito sa kamay namin ni Marcus. Pero agad din itong ngumiti ng makita akong nakatitig sa kanya.
“Tara na.” Nakangiti nitong sabi at nauna pang sumakay sa sasakyan na tinabihan ko naman.
Hindi pa nakakapasok ng sasakyan si Marcus nang may humaharurot na sasakyan na dumaan.
Narinig ko pa ang mura ni Marcus bago pumasok. “Ok lang ba kayo diyan?” tanong nito na may pag-alala.
“Yes,” sagot naman ni Mia habang busy sa pakikipaglaro sa anak ko.
Tumango si Marcus bago pinaandar ang sasakyan. Nilingon pa ako nito sa side mirror. “Gutom ka na ba?” he mouthed na sinagot ko ng tipid na iling.
Ipinikit ko ang mga mata ko at doon ko naramdaman lahat ng pagod simula kaninang umaga dahil sa trabaho.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina at ang pamilyar nitong boses.
Matagal-tagal na din pala simula ng marinig ko ang boses niya...
Matagal-tagal na din pala simula ng makatakas ako sa kaniya...
Paano pa kaya kapag nalaman nya-
Biglang huminto ang sasakyan kaya napamulat ako. Tiningnan ko naman ang anak kong katabi ko. Narinig ko pa itong umusal ng salita na nakapagpatigil sa akin habang nakatingin sa labas ng bintana.
Sinundan ko naman ang tingin nito at doon ko siya nakita.
Nakapamulsa ito habang nakasandal sa likod ng sasakyan na humaharang sa dadaanan sana namin.
“Papa!” Sigaw ng anak ko habang pumapalakpak.
“T-theo,” bulong ko naman.
Hindi ko maiwasan ang panginginig ng kamay ko, na hinawakan agad ni Mia. Nilingon ko ito at nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito.
Nag-umpisa ng umikot ang paningin ko dahil sa mga imaheng nagpapakita sa akin. Imaheng punong puno ng sakit at hirap na pilit kong binaon sa limot pero kusang nagpapakita. Mga alaalang pinakaayaw ko ng maalala.
Tiningnan kong muli ang aking kaibigan at anak na halatang nagkakagulo sa huling pagkakataon.
Hindi ko na kaya pa ang sakit ng aking ulo kaya unti-unti ko ng naipikit ang aking mga mata. Pero bago yun naramdaman kong para akong lumutang sa hangin, kaya iniyakap ko ang aking braso at hiniga ang ulo sa kung sino mang tao ang dala-dala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top