KABANATA 8
Happiness were too fast, too fast that I was scared to feel pain again...
FOUR A.M. in the morning, hindi na ulit dinalaw ng antok si Amber dahil sa isang panaginip. 'Di mawari kung totoo ba o hindi, but one thing is for sure ang sakit at takot na nararamdaman niya sa oras na ito ay totoo.
Instead of going back to bed and sleep, bumangon si Amber at nagsimula ng mag-ayos ng kaniyang gamit para sa klase niya mamayang alas-sais. Today is Friday, imbes na ang suotin ang kanilang uniporme. She prepared her hood, jeans and her favorite black pairs of shoes.
Everyone knew her in their school as the nerdy girl. She is also pro in bullying. Ni isang beses hindi niya naisipang pumatol o makipag-away sa mga taong maraming nagawang masama at masakit sa kaniya. She always think that there's always a reason kung bakit nila ginagawa iyon at kapag papansinin niya ang mga ito ay maaaring mas lumaki lamang ang maliit na away o hindi pagkakaintindihan.
Hindi niya matatawag na masaya ang kanilang pamilya at maayos ang kanilang samahan. Pero kahit na ganon she knew and always prayed that someday, magiging maayos din ang lahat.
She was now done cooking for their breakfast and off to school, when her father called her.
"Amber!"
Nakaupo ito sa pang-isahang sofa habang nagbabasa ng diyaryo. May kape na nabawasan na nakalagay sa lamesa na nasa harap ng sofa.
Kagat ang pang-ibabang labi na tumugon si Amber, nakatingin sa paahan ng ama, hindi alam kung sasalubungin ba ang tingin o iiwas, "Tay, b-bakit po?"
"Bilisan mong umuwi mamaya, dadating ang kuya Kenzo niyo." Just by hearing the name of her kuya, her face lits up. Talaga, uuwi na si kuya!?
Ngumiti si Amber hindi pa rin ginagawi ang tingin sa ama, takot na baka mapagalitan, "Sige po Tay, mauna na po ako!"
Hindi hinihintay ang tugon ng ama, nagmamadaling lumabas si Amber at mabilis ang lakad na patungo sa eskwelahan.
"AMBER!" isang malakas na sigaw na tumawag sa kaniyang pangalan ang kaniyang narinig.
Tiningnan niya ang pinanggalingan nang boses at doon niya nakita ang kaniyang kaibigan na si Gold. Pinapalibutan ito ng mga lalaki na may dala-dalang iba't-ibang klase ng regalo. Mga manliligaw.
Hindi pinapansin ang mga halos tumusok na tingin sa kaniya, inayos niya ang kaniyang suot na hood at naglakad patungo sa kaniyang kaibigan na hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit, nang may babaeng humila sa kaniya.
Hindi pa siya nakakareact nang may malakas na kamay na humila sa kamay niya, palayo sa sumabunot sa kaniya. "Aray!" daing niya nang bumagsak siya.
Dalawang kamay at pares ng mata ang tumulong sa kaniya sa pagtayo. "Okay ka lang ba, Amber? Dapat pala 'di na kita tinawag."
Bakas ang pag-alala at namumuong luha sa mukha ni Gold. Talagang sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari kay Amber. Kitang-kita niya kung paano ngumiwi sa sakit si Amber, idagdag pa na may sugat si Amber sa leeg at pasa sa katawan, talagang napakasakit niyon.
Kahit na nasaktan dahil sa pagkakabagsak, ngumiti si Amber kay Gold upang iparating dito na okay lang siya. Sanay na siya, pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan.
"Tara na sa classroom Amber." Aya ni Gold sabay hila ng marahan kay Amber, palayo sa kumpol ng mga taong nagkakagulo dahil sa isang tao.
"YOU sure 'di ka sasabay sa'kin?" pangungulit ni Gold kay Amber habang papalabas na sila sa kanilang department. Kanina pa kinukulit ni Gold si Amber na sumabay sa kaniya, pero talagang ayaw nitong makaistorbo.
Tumango si Amber at ngumiti kay Gold. Kahit na nakukulitan, hindi niya magawang mainis dito dahil mas gugustuhin pa niyang makita itong makulit kaysa sa tahimik. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang makita siyang malungkot at bumalik sa dati. Siya lang ang tumanggap sa akin kahit na kakaiba ako sa ibang tao...
"Sige. If that what's you want," pagsuko nito at may kinuha sa bag na dala bago ibinigay sa kaniya. "Here, take this. Call me if naka-uwi ka na ng safe. Don't forget to send my regards to kuya Kenzo!" She demanded, but when she saw that she was not moving she added, "Take it or kukunin mo." while smiling sheepishly then back to serious.
Nagdadalawang-isip si Amber kung tatanggapin ba ito pero ng makita niya ang seryosong mukha at hindi papaawat na mukha ng kaibigan ay kinuha niya na din ito.
Again Amber smiles and said, "Sobra-sobra na 'to, but thank you...for being always there for me. Sorry for making you feel worried and responsible for me. Promise I'll take care of myself and send my regards to kuya, just take care also. Your like a sister to me, and I don't want to lose someone like you."
Pigil ang luhang bumagsak na tumawa si Gold to light up the mood of Amber. She's also like a sister to her, a family to be exact. Ayaw niya ding mawala ito dahil ito lang ang kaniyang kaibigan na alam niyang totoo. Pero minsan may mga bagay talagang mangyayari na hindi natin ine-expect.
"Hey! Don't make me cry! No, no, no, hindi ako iiyak," reklamo ni Gold habang pinapaypayan ang mata, pero sadyang may sariling isip ang mga mata niya dahil nag-unahan ito sa pagtulo.
Tinawanan ni Amber ang mukha ni Gold kaya maraming mga estudyante na katulad nila na papauwi ang lumingon sa kanilang direksyon.
Habang naghihintay sa sundo ni Gold. Nilibot ni Amber ang kaniyang paningin sa kanilang eskwelahan. Maraming mga estudyante ang naglalabas-masok. Ang iba ay katulad nila na papauwi meron ding iba na pang-gabi ang klase na napili.
Being a student in this school is the best experience that happened to her. Receiving a full scholarship from the most well known prestigious university, makes her cry and beamed with joy and excitement.
Nang ibalita niya ito sa kaniyang mga magulang, the happiness she felt and excitement earlier vanished like a bubble. Walang ipinakitang reaksyon sa kaniya ang kaniyang mga magulang, except sa mga sinabi nito na talagang tumatak sa kaniyang isipan.
"Wala kaming pakialam kung scholar ka, basta't 'wag mong kakalimutang maghanap ng trabaho. Malaki ka na, tumulong ka naman."
That day, she lost her hope na magkaayos sila ng pamilya niya. But she is Amber, she always think of the things in other way. Siguro pagod lang sila kaya ganun ang nasabi nila. Konting sikap at kapag nakagraduate siya tiyak na mas mapapabilis ang pagkakaayos nila ng pamilya niya.
BEEP BEEP!
Isang malakas na busina ang nagpapitlag kay Amber sa kaniyang kinatatayuan. Tiningnan niya ang nagmamay-ari ng busina at nakita niyang ito ang sundo ni Gold.
"Hey Goldy," tawag pansin niya kay Gold at bahagyang inuuga ang balikat.
Nakadungo ito habang may nakalagay na headphone sa ulo. Nang inangat ni Gold ang ulo ay sumalubong sa kaniya ang nakangiti nitong mukha pero nababakasan ng pagod ang mga mata. "Hmm?"
"Nandiyan na ang sundo mo,"
"Oh, you sure 'di ka sasabay? 'Di ba pinapamadali ka ng papa mo?" Tanong nito habang inaayos ang gamit.
"Oo, may dadaanan din kasi ako. I don't want to disturb you. I know your tired, you need to rest first Goldy," nakangiti niyang sabi sa naka-pout na mukha ni Gold.
"Ok, ok. Basta don't forget to text me when you get there na. Okay?" tumango siya dito at marahang kumaway sa papasakay na si Gold. "Take care love!"
"Ikaw din!" sigaw din niya, at nagsimula ng maglakad pauwi.
THREE P.M. in the afternoon. Sa ilalim nang napaka-init ng sikat ng araw naglalakad si Amber. Patingin-tingin sa paligid, tanging mga naglalakihang puno at bahay lamang ang naroroon. Kakadaan niya lang sa Isla na kaniyang nakita noong naglalakad-lakad siya. Tanging ang lugar na iyon ang nagbibigay ng kapayapaan sa puso niya.
Malapit na siya sa eskinita patungo sa bahay nila ng may mamataan siyang bulto ng tao na nakatingin sa kaniya. Hindi niya makita ang parte na iyon dahil nakatago ito sa likod ng puno at madilim din ang pwesto na pinagtataguan nito.
Kinurap niya ang kaniyang mga mata at ng tingnan ulit ang pwesto kung saan ito nakatago, pero wala na ito. Siguro namamalikmata lang ako...
Nagpatuloy sa paglalakad si Amber ng may marinig siyang mga yabag na nanggaling sa kaniyang likuran. Mas binilisan niya ang kaniyang paglalakad at inayos ang hood na suot.
Hindi pa siya nakaka-apat ng hakbang ng isang malakas na kamay ang humila sa suot niyang hood at tinakpan ang kaniyang bibig. Nakakahilong amoy ang kaniyang nalanghap na nanggagaling sa salarin. And the next thing she knew karga na siya nito at tuluyang nang nagdilim ang kaniyang paningin.
Natatawang napa-iling ang taong may karga sa kaniya, habang nakatingin sa kaniyang mahimbing na natutulog na mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top