Storytime: Ep. 1

Ako nga pala si Ivan, 16, at eto ang storya ko...

Ipapakilala ko pala si Gng. Sanchez, siya ang aming paboritong guro, mabait, matalino, at syempre di nag bibigay ng masyadong takdang-alarin.

Ewan ko ba at isang araw na lang pinalabas ang lahat sa klase, at inanunsyo na... "Patay na si Gng. Sanchez", syempre masakit sa amin na mawala siya dahil sya ang punong guro namin.

Isang linggo pagkatapos sinabi ang balita sa tv, ang annunsyo sa pagkamatay ni Gng. Sanchez sa eskuelahan, ang hinala Ng mga police may pumatay daw sa kanya at hanggang ngayon Hindi pa matuklasan...

Dumating ang ikadalawang linggo at dun pinakila ang babaeng papalit sa aming punong guro, si Binibining Maria Lourdes. Sa unang tingin ko lang may hindi na maganda aking nararamdaman sa kanya. Hindi ko siya agad-agad na pinagkatiwalaan. At pagkatapos, sunod-sunod kaming tinawag niya isa-isa.

"Mark?"

"Andito po."

"Clea?"

"Andito po"

Nang matapos kaming tawagin isa-isa, ngumiti siya biglaan at dun ako natakot. Bakit? Ano ang dahilan at bigla siyang ngumiti na para bang may balak siya? Di na ko nag-taka at sinunod ko na lang ang aming huling pinag-aralan at itinuloy namin.

• • •

At pagkatapos ng ikalawang linggo, doon nangyari ang di kapani-paniwala. Isa-isa nawala ang aking mga ka-klase, sabi ko baka normal lang yan, pero pagkatapos ng isang araw, iba naman ang umabsent at di na bumalik pagkatapos ng una nilang absent. Nag-taka, nag-alala, bakit ba nawala siya isa-isa?

Lumipas uli ng limang linggo at pito na lang kami pumasok sa klase, natakot, nangnig, ano ba ang nangyari sa kanila? Dumating ang araw na pito na lang kami, at pinaghiwalay-hiwalay kami sa mga upuan. Ang saktong-sakto ipwinesto ako sa tapat ng amin bintana sa silid.

Pagkatapos ng isang araw, Hindi pa dumadating Ang aming guro, ako na nag cellphone at naghintay. Di ko namalayan may taong naghuhukay malapit say mga punong kakatubo lang noon napalitan ang aming guro. At nalaman ko na ang problema. Naghinala, tumama at natuklasan ang nangyari sa mga ka-klase kong umabsent.

Naaalala ninyo pa ba ang sinabi ko nang sinabi sa news ang nangyari sa aming guro? Si Gng. Sanchez ay ang nag iisa na lang sa KANILANG pamilya, Hindi na sya nag asawa at sya lang ang huling anak Ng kanyang mga magulang. Kaya ako nag taka, bakit nila kinuha SI Binibining Maria bilang kapalit Kung Hindi Naman sila magkadugo?

Hindi ko na muna inintindi Ang mga nangyayari sa akin mga paligid, at isang araw na Lang ipinatawag ako SA council nang uwian. SI ma'am Qui daw Ang tumatawag sakin, Ang among presendente sa school.

"Ma'am Qui bat ninyo po ako napatawag?"

"Nak, umamin ka, may nahahalata ka ba na Hindi maganda Kay Binibining Maria?" Tanong Ni ma'am.

Nag-isip, at maya maya sinabi ko ang aking nakita.

"Uh... Eh kasi po, bago po umabsent Isa Isa Ang aking mga ka-klase.... Eh, kinausap muna sila Ni Binibining Maria tapos paguwian di ko na sila nakita."

"Ahh, sige salamat nak, uwi ka na." Sagot niya, na parang Hindi may nangyayari na maayos.

Pagkatapos Ng sabado at linggo Hindi kami pinapapasok dahil may nangyari daw?

• • •

Dugo, kalat sa amin eskuelahan. Ang Daming mga police daw kahapon dahil may krimen na nangyari. Dahil sa cctv, nakita nila na ako Ang huling estudyante na kinausap Ni ma'am Qui bago siya tinadtad sa likod Ng labing-tatlo na saksak. Gulad at namamanhid sa takot, "Ayoko ko na, di ko Kaya to" Sabi ko sa sarili ko.

Pero pag di ako nagsalita Hindi matatapos at mahuhuli Ang gumawa Ng crimen, sinabi ko sa mga police ang nangyari at pakatapos ipinauwi na ko. Pero ako lang, ako lang naghihinala...

Naghihinala na SI Binibining Maria Ang pumatay sa mga staff members, ibang guro, at mga estudyante na Hindi nakauwi noon Biyernes. Rinig na rinig ko Ang mga pinaguusapan nila tungkol sa mga kwinento na nangyari nung biyernes, habang papasok ako sa aming bahay pagkatapos Ng mga sunod-sunod na tanong nila tinawag at kumain na kami Ng among pamilya.

Alam ko nagiging magulo, pero malapit na, patapos na. Malalaman ninyo din Kung Sino.

"KUNG MAMAMATAY AKO, ISASAMA KO KAYO SA IMPIYERNO!!!!"

"SINO YUNG SUMIGAW???"
TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top