Writing-A-Thon Challenge(NovemberEntry)

Teach You To See Her Again
(NovemberEntry)

Ilang ulit na 'kong naglalakad sa aking kwarto. Hindi ko kasi alam na makikita ko na ang nanay ko next month, Sinabi lang ni tito sa akin kanina. Si tito pala ang nag-aalaga sa akin ngayon kasama ang kanyang asawa. Wala silang anak kaya kinuha nila ako sa mga totoo kung magulang dahil marami akong kapatid at hindi na masuportahan ni mama ang mga pangangailangan ko.

Ako nga pala si Kiole Uno Serilo, 20 y/o at nag-aaral sa course na Arkitektura. Panganay na anak ng totoo kung nanay pati na rin sa umampon sa akin. Pasalamat nga kasi mahal ako ng mga ito at sinu-suportahan palagi.

Siya nga pala makikita ko na ulit ang nanay ko next month kaya dapat ay humanda na 'ko, Narinig ko kasi kina tito na hindi na pala nakakapag-salita at nakakarinig si nanay Gella ang totoo kung ina dahil sa isang car accident at nag-sa-sign langauge ito para makapag-comminicate sa mga tao.

Gusto ko siyang surpresahin ng isang regalo at gusto ko ring alamin ang pag-sasign-language para hindi na siya mahirapan pagkausap ko siya.
_________

Nandito ako ngayon sa University, kailangan ko kasing i-pass ang mga projects ko at baka ma-late.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang classroom, kita ko ang isang babaeng naka-upo at nakikipag-usap kay Ma'am Lea gamit ang kamay niya, Sign language. May gantong course pala dito haha minsan lang kasi ako dumadaan sa hallway na 'to sa kabila kasi ako palagi.

Ngumiti na ang babae at nagpa-alam na rin kay ma'am Lea. Sa tingin ko ay ka-edaran ko lang ito. Pero pwede kaya ako mag-paturo? Magpapa-turo lang naman diba, wala namang mali roon.
____________

Hapon na at pasalamat na lang dahil nakita ko siyang papa-uwi na rin, Hindi niya yata ako napapansin kaya nagsalita muna ako.

"Hi mi-" hindi pa nakokompleto ang sinabi ko nang bigla itong tumakbo. Iniisip niya bang r*apis o kidnapper ako!?

Hinabol ko siya hanggang sa nakita ko itong kinuha ang bike niya kaya nagsalita na 'ko agad.

"Miss! Gusto ko lang magpaturo sayo ng sign laguage!" Sigaw ko para marinig nito. Ikaw kasi selp! Para kang kidnapper!

Buti na lang at tumigil ito at humarap sa 'kin. Lumapit ako sa kanya.

"Uhm, gusto ko lang magpaturo, para sa nanay ko" sabi ko. Minamaseha ko pa ang batok ko dahil sa kahihiyan. Nakakahiya kasi!

Bigla naman itong tumawa kahit wala kang naririnig sa kaniyang bibig. Oo na, nakakatawa na ako. Nagulat lang ako dahil tumango ito at ngumiti. Ang cute..... Nagtawanan na kaming dalawa at niyaya naman ako nitong pumunta sa cafe raw nila.

Nag-bike kami papunta roon, siya ang nasa harap at ako ang nasa-likod. 'Di ko naman kasi alam mag-bike kahit lalaki ako no!

Agad kaming pumasok nang nakapunta kami roon. Maganda naman ang cafe nila, gawa ito sa kahoy at sabi niya ay siya ang nagdesign at nagdecorate nito.

Pinaupo niya 'ko at binigyan ng kape at nagsimula na kami. Sa una ay nahihirapan pa 'ko pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na rin. Ang hirap din nang gantong buhay pero amaze ako sa kanya dahil nagustuhan niya din ang paghahand gesture n'ong bata pa siya hanggang ngayon.

3 weeks akong pumupunta sa kanilang cafe at nagpapaturo ng sign language. Basic lang naman ang itinuro niya sakin kaya na-aral ko agad. Salamat na lang sa kaniya dahil makakausap ko na ang nanay ko gamit ang pagsasign language.

__________

At eto na ang araw para makita ko ang nanay ko at maka-usap, naka polo lang ako ngayon at jeans pero okay na 'to basta hindi mukhang basahan.

"Tara na boy" sabi ni tito. Lumabas na kami at agad pumunta kung saan ang kinaroroonan ng nanay.

Nang hinahanap namin siya ay kita ko ang isang babaeng naka-wheel chair. Si mama.

"Ma!" Sigaw ko para marinig nito, agad naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. Tatayo na sana siya at matutumba pero naglakad ako ng mabilis para mahawakan ko ang kamay niyo. May naririnig pa rin pala siya kahit kunti.

Ma, ako 'to ang panganay mo. Sabi ko gamit ang kamay.

Kita ko ang mukha niyang nakangiti at halong saya. Nag-yakapan kaming dalawa hanggang nag-iyakan. Hahaha ganto pala pag nakita mo na ang nanay mo, ang sarap sa pakiramdam at mapapangiti ka na lang ng malawak.

Nag-hand gesture ulit ako.

I love you ma.

Kahit pina-ampon mo ang gwapo mong anak. Kahit nagkalayo tayong dalawa. Alam kung ikaw pa rin ang maganda kung nanay na mabait.

Nakita ko naman si Mia sa labas ang babaeng tumulong sa akin.

Thank you.

Ang huli kung sabi gamit ang kamay.

Welcome.

Aniya gamit ang kamay.














Thanks for reading!
©️Miktot

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top