TATLO
NAG-AAYOS na siya ng kaniyang mga gamit sa loob ng kwarto kung saan siya itinuro. Hindi niya malaman ang gagawin o iisipin kung tama nga ba ang kanyang naging desisyon. May bahagi kasi sa kanya na daat na muna niyang tawagan ang kanyang Toya o ang kanyang mga magulang ngunit wala naman signal sa kanyang kinaroroonan.
Nasa ikalawang palapag siya at kung titingin naman siya sa papag na kaniyang kinatatayuan ay halos kita niya ang nasa ibaba dahil yari nga lang ito sa kawayan.
Ang buong akala niya rin ay maaabutan niya pa ang bantay ng dalawang matanda ngunit tila hindi na. Hindi man lang silannagkita upang makumpirma niya man lang na nasa tamang lugar na nga siya. Gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili dahil sa kung ano-ano lang ang pumapasok sa kanyang isipan.
"Huwag kang gagawa ng kung ano man, Kristina," bulong niya sa kanyang sarili.
Nang makita niyang ayos na ang lahat ay agad niyang kinuha ang kaniyang selpon at tiningnan kung may signal na. Laking tuwa niya at kahit papaano ay may isang bar ng signal sa kaniyang pwesto marahil ay nasa itaas siyang puwesto.
Lumapit siya sa bintanang yari rin sa kahoy at binuksan ito. Tanaw mula sa kaniyang kinatatayuan ang labasan kung saan siya kanina tumayo upang magtanong.
Mayayabong ang mga puno pati mga kawayan na kahit saan lang makikita. Halos palayan na rin ang ilang mga dako at matataas ang mga damo ngunit malamig sa lugar kung nasaan siya ngayon.
Agad naman siyang tumipa sa kaniyang keypad upang i-text ang kaniyang mga magulang ganoon na rin ang kaniyang Tiya.
Tumitingkayad pa ang dalaga habang sine-send ang text. “Ang hirap ng signal dito,” bulong niya nang makitang nai-send na niya ang mga mensahe.
Natigil siya sa kaniyang ginagawa nang narinig niyang tinatawag siya.
“Ina? Tara kumain ka na muna at hindi pa rin naman kami kumakain.” Pag-aanyaya sa kaniya ni lola Mauring at kasabay noon ay ang mga tunog ng mga plato at kutsara sa ibaba.
Napabuntong-hininga naman siya dahil na rin sa hindi siya gaanong sanay makisalamuha sa ibang tao. Hindi naman ibang tao ang kanyang lolo at lola ngunit ngayon pa lang naman niya ito nakilala. Marahil ay kailangan niya ring ibahin kahit na sa maliit na paraan ang kanyang kinagisnan.
Nang makababa na siya ay agad siyang tumungo kung saan ang kusina at dahil maliit lang naman ang bahay ay hindi naman niya iyon ikakaligaw. Nakapwesto na pala ang dalawang matanda at tila hinihintay na lamang ang kaniyang pagbaba.
Humila siya ng bangko at agad na umupo.
“Sana ay kumakain ka ng bopis, apo,” wika ni Lolo Pilo nang buksan niya ang halos umuusok na ulam sa kanilang harapan.
Halatang bagong luto lang ito ganoon na rin ang kanin.
Tumango naman ang dalaga kahit na hindi naman talaga ngunit hindi dapat siya maging maarte dahil alam niyang inihanda ng mga matanda iyon para sa kaniya at alam niyang walang-wala naman sila.
Sumandok na siya ng kanin pati na rin ulam at nagsimula nang kumain. Pansin ng dalaga ang kanilang pagkakamay sa pagkain at siya lamang ang gumagamit ng kubyertos. Halos hindi malulon ng dalaga ang kaniyang nginunguya dahil sa ingay ng mga bagang at pagnguya ng dalawa sa hapag.
“Mabuti naman at napapasyal ka rito, apo. Ilang taon ka na rin naming hinihintay,” wika ni Lola Mauring kahit na may pagkain pa sa kaniyang bunganga. Kitang-kita rin ng dalaga ang pagtalsik ng kanin at ng kaniyang laway sa kaniyang pinggan.
“Susunod din po sila mama at papa rito,” ani ng dalaga at nagkatinginan naman ang dalawa na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.
Tumango naman ang matandang babae at ngumisi. "Susunod din ang mga iyon, Ina. Kumain ka nang kumain ha huwag kang mahiya dahil ang bahay na ito ay bahay mo an rin kahit na medyo maliit lamang," wika niya at ngumiti naman ang dalaga.
"Opo," tipid niyang sagot at tiningnan ang kaning halos malamig na at ang isang kutsarang bopis na inilagay niya sa gilid ng kanyang kanin.
Nagdadalawang-isip siya kung kakainin niya ba ang ulam o hindi. Sa huli ay kinain niya lamang ito na hindi gaanong nginunguya kasama ang kanin at agad ding nilunok. Kailabgan niya rin kahit papaano ng lakas dahil na rin sa kanyang nilakad kanina at tangin biskwet lamang at tubig ang laman ng kanyang tiyan. Madali pa naman siyang mahilo kapag hinfi siya nakakain sa wastong oras o hindi gaanong sapat ang kanyang kinain.
"Kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ng matandang lalaki at kitang-kita ng dalaga ang pagtalsik ng kanin mula sa kanyang bibig at ang mga karneng naiwan sa gilagid ng kanyang maiitim na mga ngipin.
Hindi na lamang ito pinansin ng dalaga at nakatingin na lamang siya sa kanyang pinggan. "Ayos lang po Lolo, medyo mahirap po pero kinakaya," sagot niya at ilang subo na lang ay ubos na ang nasa kanyang pinggan at maaari na siyang pumanhik sa itaas at magpahinga.
"Naku! Ganyan talaga ang nag-aaral, Ina. Ngunit pasasaan ba at makakapagtapos na rin sa iyong pag-aaral. Ano bang gusto mong trabaho?" wika ni Lolo Pilo sabay subo ng kanin.
"Balak ko po sanang magtrabaho bilang guro dahil iyon naman talaga ang gusto ko noon pa man. Malaki rin po ang sweldo kaya alam ko pong mabubuhay ko rin ang sarili ko roon," wika niya dahil noon pa man ay iyon na talaga ang gusto niyang trabaho at bukod pa roon ay ang kikitain niya.
Praktilal kung mag-isip si Kristina dahil alam niya kung anon ang ibig sabihin ng salitang mahirap. Hindi naman masyadong mataas ang gusto niya sa kanyang sarili ngunit ang nais lamang niya ay kahit papaano ay hindi siya magiging salat sa salapi.
"Magana ang napili mo, Ina at tiyak ako na makukuha mo ang pangarap mong iyan," wika ni Lola Mauring bago lumagok ng tubig.
Iinom n rin sana si Kristina ng tubig nang mapansin niyng tila manilaw-nilaw ang tubig o dahil lamang sa repleksyon ng baso iyon. Sa huli ay hindi siya uminom at iinom na lamang siya sa itaas kung nasaan ang kanyang biniling tubig.
GABI NA at handa na siyang matulog.
Binigyan din siya ni Lola Mauring ng ilang mga kumot, kulambo at unan. Sa ibaba natutulog ang dalawa dahil hirap din kasi na umakyat si Lola Mauring dahil sa kaniyang tuhod dala ng katandaan.
Napasilip si Kristina sa kaniyang selpon kung may mensahe ba siyang natanggap ngunit wala siyang natanggap ni isa.
Napatingin siya sa signal bar at natuklasang wala man lang signal ni isa. Susubukan na lamang niya siguro bukas ng umaga. Hindi man lamang sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang na walang signal sa lugar na kanyang pupuntahan.
Sa huli ay natulog na lamang siya dala na rin ng kaniyang kapagodan. Nasa himbing na pagkakatulog na ang dalaga nang tila may naamoy siya masangsang na amoy na parang dahan-dahang pumapasok sa kaniyang sikmura at nakasusulasok at para bang maduduwal siya.
Nang buksan niya ang kaniyang mga mata ay halos mahagip ang kaniyang paghinga at para bang hindi siya makagalaw sa kaniyang pagkakahiga. Dilat na dilat ang kaniyang mga mata at taas baba rin ang kaniyang dibdib sa takot.
Nasa harapan niya si Lola Mauring at nakangiti, kitang-kita ang maiitim nitong mga ngipin at parang bang tutulo ang laway nito.
Paanong nakaakyat ang matanda kung gayon ay hindi nga nito kaya? Buong pwersa niyang ginalaw ang kaniyang ulo dahil tila may nagsasabing tumingin siya sa ibaba at doon ay nakita niya sa hindi gaanong dikit na kawayan ang mukha ni Lollo Pilo na nakatingala at nakatingin na mismo sa kaniya. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi man lang niya maibuka ang kanyang mga bibig. Puros paghinga lamang ang kanyang ginagawa at taas-baba, taas-baba ang kanyang dibdib sa kaba.
Pilit niyang ibinubuka ang kanyang bibig at nang mabuksan niya ito sa hindi gaanong kalakihan ay pilit siyang sumigaw.
Halos mapapikit na siya sa kasisigaw ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Para ring hinuhugot siya ng antok dahil sa gustong pumikit ng kanyang mga mata at halos humihina ang pagtibok ng kanyang puso.
Pikit na pikit siya dahil amoy at dama niya ang paglapit ng mukha ng matanda.
May naririnig din siyang mga yabag na para bang paakyat sa hagdan dahil na rin sa gawang ingay ng kawayan na hagdan.
Alam niyang walang iba kung hindi si Lolo Pilo lamang iyon.
Humugot sjya ng lakas at nagbilang ng tatlo dahil doon ay kakaripas siya ng takbo.
Isa . . .
Papalapit na nang papalapit!
Dalawa . . .
Nakakaramdam na siya ng lamig!
Tatlo!
Wala sa oras na nagising ang dalaga at napasapo sa noo nang malamang pawisan ito. Butil-butil na pawis ang namumuo at pansin niya rin ang pagbasa ng kaniyang unan.
Panaginip lang pala ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top