DALAWA
NAG-AAYOS na siya ng kaniyang sarili dahil agad-agad din naman pala siyang aalis pagkatapos ng meryenda nila. May pupuntahan kasi raw muna sila kaya siya na muna ang mauuna dahil aalis din ang bantay no'ng dalawang matanda pagkadating na pagkadating niya mismo.
Habang nagsusuklay ay tila nakaramdam siya ng mga titig sa kanyang likjran at nang lingonin niya ito wala ay wala namang tao at nakasira naman ang pinto ng kanyang kwarto.
Napabuntong-hininga na lamang siya at marahil ay nagugutom lamang siya sa mga oras na ito. Hindi pa kasi siya nakakakain ng maayos. Siguro ay bibili na lamang siya sa madadaanan mamaya upang makakain siya habang nasa biyahe.
"Mag-iingat ka roon, anak. Huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo ang lolo at lola mo ha. Susunod din kami kaagad," wika ng kanyang ina atsaka hinalikan siya nito sa pisgi.
Malamig ang mga labi ng kanyang ina at inisip na baka ay uminom lamang ito kanina ng malamig na inumin.
Pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay iginiya na siya ng kanyang ama sa sasakyan upang ihatid.
Inihatid siya ng kaniyang ama sa sakayan ng traysikel dahil iyon lamang ang sasakyan papuntang President Quirino maliban na lang din kung gusto niyang sumakay sa habal-habal ngunit mas pinili ni Kristina ang traysikel dahil mukhang babagsak ang kalangitan.
Madilim masyado at ayaw na ayaw niyang nababasa ng ulan dahil madali diyang kapitan ng sakit.
"Tumawag ka kung may kailangan ka agad, anak," paalam ng kaniyang ama pagkatapos niyang humalik sa pisngi nito at katulad din ng kaniyang ina ay hindi rin ito makatingin ng diritso sa kaniyang mga mata at malamig din ang mga labi nito.
Nang iwanan na siya ng kanyang ama ay nakakita siya ng isang maliit na tindahan kaya nagpasya siyang bumili kahit na biskwet at tubig na maiinom man lang.
"Pabili nga po tatlong biskwet ito po," wika niya sabay turo ng biskwet na nasa isang garapon. "Saka tubig na rin po."
Titig na titig ang matandang babaeng tindera sa kanya ngunit kumukuha na ito ng biskwet na siyang itinuro niya.
"Kaano-ano mo yung naghatid sa iyo kanina lamang?" tanong ng matanda na siyang ikinakunot ng noo ni Kristina.
"Papa ko po. Bakit po?" tanong niya kahit na may pag-aalinlangan.
Walang ano-ano ay kumuha siya ng kung ano sa kanyang maliit na bag at agad itong iniabot sa dalaga.
Nagtatanong naman ang mga mata ng dalaga nang malaman niyang isang luya ito na nahiwa.
"Lagi mong ilalagay yan sa bulsa mo at baka kako ay inililigaw ka magdasal ka," wika nito at magsasalita pa sana siya nang magsalita ang isang drayber na nakatoda na.
"Isa na lang at paalis na!"
Nagpasalamat na lamang siya sa matanda at nagmamadaling tumungo sa sakayan.
Nang makasakay na siya ay halos kalahating oras lang naman ang byahe bago siya nakarating sa kaniyang paroroonan na siyang sinabi niya mismo sa drayber.
Mag-isa na lang siya sa traysikel at halos lahat kasi ng pasahero ay malapit lang pala ang babaan. Halos liblib din pala ang bahay kung saan sila patungo hanggang sa tumigil na lamang ang sasakyan at nagsalita ang drayber.
"Sigurado ka ba sa address na babaan mo?" tanong ng drayber ngunit hindi ito nakatingin sa kaniya bagkus sa daan lamang patungo sa tila walang katao-taong daan.
Inilinga-linga naman ni Kristina ang kaniyang mata sa paligid at nakita niya ang isang poste na may pangalan ng daan. Nasa Katiko na nga siya at agad naman siyang tumango sa drayber.
Tila hindi mapalagay ang drayber ngunit ngumiti na lamang ito ng alanganin. "Hindi na ako makakapasok diyan, kasi mahirap mag-backing. Dito na lang ha," wika niya at kahit na ayaw ni Kristina ay wala naman siyang magagawa kung ganoon.
Total ay maaga pa naman ay ayos lang at lalakarin na lamang niya. Sa tingin naman niya ay malapit na lang naman din ang bahay ng lolo at lola niya. Binigyan niya ng isang-daan ang drayber dahil iyon lang naman ang hiningi sa kaniya.
Habang tinatahak ang daan bitbit-bitbit ang kaniyang hindi gaanong kabigatan na bag sa kaniyang balikat ay hindi niya mapigilang hindi mapailing.
Habang naglalakad din ay kumain na rin siya ng kanyang biniling biskwet dahil hindi siya makakain kanina sa loob ng traysikel dahil sa sikip.
Habang kumakain ay nakapa niya ang bukol sa kanyang bulsa, iyon ang luyang ibinigay sa kanya ng matanda sa tindahan. Hindi siya pamilyar sa mga pamahiin ngunit wala rin namang mawawala sa kanya kung susundin niya ang sinabi ng matanda sa kanya. Ni hindi niya man lang naitanong kng bakit niya natanong kung sino ang kasama niya kanina.
Sana ay nagbabakasyon siya ngayon at hindi siya nagpapakahirap sa isang bagay na ngayon lang naman niya makikita. Ngunit sa kabila noon ay maaaring kahit papaano ay dapat niya ring makilala ang mga ito.
Kinuha niya ang kaniyang selpon sa bulsa ng kaniyang bag at napamura nang makita niyang walang signal. Gusto niya sanang tawagan ang kaniyang Tiya upang sabihin kung saan siya naroroon hindi niya kasi ito nagawa kanina dahil minamadali siya ng kaniyang ina.
Tila maghahanap siya mamaya ng signal pagkarating nang pagkarating niya mamaya sa bahay ng kaniyang lola at lolo.
Napakamot siya sa kaniyang batok nang halos mapagtanto niyang ilang minuto na siyang naglalakad ay wala pa siyang nakikitang kahit ni isang bahay. Namamawis na rin siya sa kakalakad ngunit patuloy pa rin siya.
Napangiti siya nang may nakita na siyang tila maliit na bahay ngunit may ikalawang palapag ito at yari sa kawayan ang lahat ng materyales maliban sa bubong. May matandang lalaki nagwawalis sa labas ng bahay nito at marahil ay makakapagtanong siya.
"Magandang umaga ho, pwede ho bang magtanong?" tanong ni Kristina nang nasa harapan na siya mismo ng bahay.
Isang nakatalikod at nakayuko na matandang lalaki habang nagwawalis ay natigilan.
Dahan-dahan itong umayos sa pagkakatayo at doon lamang napansin ng dalaga ang angking katangkaran nito ngunit payat. Lumingon ito sa kaniyang gawi at kapansin-pansin din ang lubog niyang mga mata na may kapulahan at maiitim nitong mga ngipin at tila malalagkit nitong laway nang ngumiti ito sa kaniya.
"Naimbag met nga bigat,Neng. Apay anya ajay? (Magandang umaga rin sayo, Ineng. Bakit ano iyon?)" tanong niya at hindi alam ni Kristina kung ano ang kaniyang isasagot dahil hindi niya man lang ito maintindihan ngunit alam niyang Ilokano ang diyalektong iyon.
Napansin din naman ng matanda ang kaniyang pagkalito kaya napakamot ito sa likod ng kaniyang ulo na halos wala ng buhok at iilang mga hibla na lamang ang natira.
"Pasensya ka na, Ineng. Akala ko ay nakakaintindi ka ngunit tila naliligaw ka yata?" puna ng matanda sa kaniya nang pasadahan niya ng tingin ang kaniyang kabuuan at pati na rin ang daan na kaniyang tinahak.
Pinunasan niya ang namumuong pawis sa kaniyang noo gamit ang likod ng kaniyang kamay at tumango. "Parang ganoon na nga po. Hinahanap ko po kasi si Lolo Pilo at Lola Mauring, baka kako kilala ninyo po sila?"tanong niya at tila natigilan naman ang matanda.
Maya-maya pa ay may sumigaw at tila patungo sa kanilang direksyon. "Pilo! May tao ba riyan?" sigaw ng tila matandang babae.
Lumabas ang hindi katabaang babae na may payong na dala-dala na tila ginawa niyang tungkod sa kaniyang paglalakad. Pansin ng dalaga ang hirap nito sa paglalakad at kapansin-pansin din ang mga lubog nitong mga mata at puting-puti ng mga buhok.
Kung hindi siya nagkakamali ay tinawag ng babaeng matanda ang taong nasa harap niyang Pilo.
Pinasadahan nang tingin ng matandang babae si Kristina at unti-unting may sumilay na ngiti sa kaniyang maninipis na labi. Maiitim na rin ang kaniyang mga ngipin at tila malagkit din ang kaniyang mga laway na kumikinang sa kaniyang pagngiti.
"Ina?" mahinang sambit ng matanda katamtaman lang na marinig niya iyon.
"Kristina po," sagot ng dalaga at tila hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin dahil naiilang siya sa mga tingin ng matandang lalaki.
"Ako si Lola Mauring at ito naman si Lolo Pilo mo," wika ng matanda na ngayon ay nagngangalang si Lola Mauring.
Hindi makapaniwala ang dalaga at nagpalinga-linga pa kung mayroon pang mga bahay na makikita ngunit tila matataas lamang na mga damuhan at puro kakahoyan na lamang ang naroroon.
Nang lingonin niya ulit ang dalawa ay halos tumalon ang pagtibok ng kaniyang puso nang halos nasa harapan na niya mismo ang mga ito at dilat na dilat pa ang mga mata at halos binat na binat ang pagkakangiti sa kanilang mga labi.
"Apo, pumasok ka na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top