Chapter 2 (Insulting)
| Chapter 2 (Insulting) |
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Dara's Point Of View,
Inayos ko na ang mga gamit ko sa kwarto na inihanda sa akin. Sobrang namangha ako dahil sa ganda ng bahay nila. Talagang mukha itong isang palasyo. Nalungkot namn ako nang ilagay ko sa lamesang nasa gilid ng higaan ko ang litrato naming buong pamilya. Napangiti na lamang ako at inisip na balang araw ay magkakasama sama ulit kami..
"Hija, ano pang ginagawa mo diyan? Andito na si Sir Ethan,hindi ba't ikaw ang magiging personal niyang alalay? Bumaba ka na at pagsilbihan mo siya!"nagmamadaling sabi sa akin ni Manang. Napatango na lang ako at bumababa na.
Sa bawat paghakbang ko ay kakambal namn nito ang matinding kaba at takot . Kinakabahan ako....
"Manang? Where's mom?"nakasimangot na sabi nung gwapong lalaki at medyo may pagkataas ng boses na sabi niya kay Manang
"Ah Sir Ethan,sumandali lamang siya sa mall dahil may bibilin daw siya"mahinahong sabi naman ni Manang
"Ah Okay!"maikling tugon nung gwapong lalaki. Magtutuloy tuloy na sana siya sa paglalakad niya pero napatigil siya nang mapatingin siya sa akin. Napagilid tuloy ako sa sulok sabay yuko
"And who is she?"tanong ulit niya kay Manang. Magsasalita na sana si Manang kaso nagsalita ulit ang lalaki
"Ah. I remembered. She's my PA!. Okay okay come with me!"sabi pa niya. Nanginginig na ang mga tuhod ko ngayon dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay ako. Mas lalo pa tuloy akong napayuko dahil na rin sa sobrang hiya
Bakit ba niya ako tinititigan?
"Ano pang hinihintay mo diyan Dara?. Sumunod ka na kay Sir Ethan!"suway sa akin ni Manang kaya nataranta ako at dahan dahang naglakad para sumunod kay Sir Ethan? Ethan pala ang pangalan niya
"Ah. O-opo!"utal kong sabi dahil sa kaba. Ang lakas pa ng pintig ng puso ko habang papalapit na ako sa kaniya.
Habang umaakyat kami ramdam kong tumutulo na ang mga pawis ko ngayon,nauuna namn siya sa akin habang ako ay nasa likuran niya kaya di namn niya mahahalata na sobrang kinakabahan ako
Sumunod lang ako sa kaniya,nasa ikalawang palapag na kami ng bahay nilang mala palasyo. At lumiko siya sa kanang bahagi nito at pumasok sa pintuan. Di ko alam kung papasok din ako dahil baka hindi namn ako kailangan pang pumasok pa
"What are you doing there?. Uutusan sana kita para gawin yung assignments ko kaso napansin kong di ka naman mukang katiwa tiwala para pasagutan ko ito sayo. Ah by the way! Nag aaral kaba?"nagulat ako sa mga sinabi niya. Napabuntong hininga namn ako bago makapagsalita
"Ah 4th year high school lang po ang natapos ko sir"sabi ko Habang nakayuko. Nasa labas pa rin ako ng pintuan ng kwarto niya
"Tss. What type of family are you include?"nakangisi niyang sabi. Tinitigan ko namn siya mata sa mata. Nararamdaman kong minamaliit niya ako
"Sir. M-my p-pamili p-p-po is i-n t-the bukid!"yun buti kaya kaya ko pa mag English!. Huu!
"Stupid. Anong pinagsasasabi mo diyan?. Ang tanga mo mag English accent.. Palibhasa Probinsiyana!"sigaw nito sa akin kaya napapikit na lamang ako. Sinasabi ko na nga ba't mamaliitin niya lang ako
"Prepared milk na lang for me!"sabi niya habang kunot-noo. Haaays. Maloloka na ako sa kaniya
"S-sige po!"tipid kong sabi habang nakayuko. Tatalikod na sana ako para bumaba ng hagdan nang bigla siyang magsalita
"May alam ka namn ba sa m-math?"di ko mabasa ang ekspresiyon ng mata siya dahil sa tono ng boses niya ay parang nahihiya siya.... Waaat? Bakit namn mahihiya ang amo sa alalay niya?. Dara mahiya ka nga!!!
Napalunok ako sabay harap sa kaniya at tinitigan ko siya. Kinabahan na namn ulit ako dahil isang taon na akong naghinto sa pag aaral ko. Pero may natatandaan pa namn ako sa natutunan ko. At isa pa nung mga panahong nag aaral ako ay hindi ko talaga sinasayang ang pagkakataong iyon kaya minsan na rin akong napabilang sa pinanlalaban sa katalinuhan. Kaso science namn iyon.
"Kinakausap kita.! Tanga ka ba talaga?!"sigaw pa niya kaya natauhan ako dahil kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya
"Ah. S-sir? M-may I see What type of math is that?!"Yooown. Nakakapag English pa ang lola niyooo. Wuhuuu. Nagulat ako dahil nag iba ang ekspresiyon ng mukha niya
"Ah. Y-yes!" Sabi niya habang nakayuko. Bakit namn siya napayuko?. Inilapag niya sa kama niya ang math notebook niya.... Ah. Ano nga ba tawag sa math notebook na may box box na kulay green? (Dara's mean:graphic notebook)
Nag aalangan pa akong pumasok sa kwarto niya dahil nahihiya namn ako. Nag dahan dahan ako naglakad papunta sa kwarto niya para tignan ang math problem na iyon
"Algebraic E-expression??.!"gulat kong sabi nang mabasa ko iyon. Inalala ko yung topic na iyon. May kakaunti namn akong naalala sa math problem na yun. Naalala ko topic namin iyon nung 3rd year high school ako
"Aha!. Madali lang to' sir! "Sabi ko nang maalala ko nga kung paano ito sagutan. Halatang gulat na gulat ang reaksiyon niya
"R-really? Kaya mong sagutan y-yan?"Nag uutal utal pa niyang tanong. Napatango na lang ako habang nakatitig sa math notebook niya. Graabe porket ba Probinsiyana ako at hanggang 4th year high school lang ang natapos ko eh di ko na kayang sagutan to'?
"May you sit there!"sabi niya at lumapit sa lamesang may computer at may hinilang upuan doon na umiikot (Dara's mean: computer chair)
Nagaalangan akong maupo dahil sa sobra na ring hiya. Tinitigan ko ang Algebraic Expression na sasagutan ko. Napakamot namn ako sa ulo ko dahil halatang mahirap din ang problem na yun.
Lumabas naman na yung boss sungit na 'yun at isinarado ang pinto, hahawakan ko na sana ang ballpen niya nang bumukas ulit 'yon at dumangaw siya.
"Remember, pag may nawala sa mga gamit ko diyan,you're the one that I will blame, okay?" a ito at isinarado na ulit ang pinto
Tsk, hindi naman ako magnanakaw
Ilang oras pa natapos ko na ang 5 equation at nakailang scratch ako ng notebook dahil sobrang hirap talaga, at isa pa inalala ko pa ang mga dati naming lesson, at saka di naman ako masyadong magaling sa math, pati yung formula inalala ko pa. May lecture naman sa notebook ni ser kaya nasundan ko naman, O diba ang talas ng memorya ko?
.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top