Promise: Six

THIRD PERSON

BELLA TRIED TO stand her own feet.
Napahawak siya agad sa lababo bilang suporta sa pagtayo ng kanyang katawan mula sa malamig na sahig. Nanginginig ang mga tuhod nito nang tuluyan na ito tumayo.

Nag pakawala siya ng isang malalim na paghinga mula sa bigbig nito tila nahihirapan na siya sa mga sandali na iyon.

Halong halo ang naramdaman ni Bella mula sa sarili. Ang kanyang pisngi namumula na sa sakit dahil sa pagsampal ng malakas nito ni Stacey habang buhok niya tila masakit parin ang paghila sa kanya malapit sa anit nito na parang hinihiwa ang ulo niya ng isang matalim na kutsilyo.

Minadali niyang hinubad ang suot nitong bridal gown mula sa kanyang katawan sabay tinapon ito sa may trash bin na nakatayo malapit sa bintana.

Naghilamos ng mukha si Bella at pinusan ang sarili gamit ang isang tissue paper. Sinuklayan niya ang kanyang magulong buhok sa harap ng salamin sabay siya nag bugtong hininga ng makita ang sarili na tila kaawa-awa ang dating nito.

Nang tapos na niyang ayusan ang sarili. Lumakad siya patungo sa may pintuan,  sabay lumabas ito papunta sa hallway.

                           

                            ******

Bilinisan ni Bella ang mga hakbang niya habang lumalakad sa school hallway sa mga oras na iyon. Lalo't na ayaw niya makasulubong si Brian sa daanan.

This day made her life miserable as hell, especially crossing paths with that fiery bitch named Stacey Watson, who also happens to be a jealous girlfriend of Brian Castillo.

Pinilit niya pakalmahin ang sarili na kalimutan na lang lahat ang nangyari noon na araw na iyon sapagkat napakasakit sa kanya na hindi na niya ulit malalapitan ang kanyang crush na si Brian. Hindi na pigilan na umiyak ng luha sa mata si Bella nang napagtanto niya na siya ang puno't dulo ng lahat kung bakit nangyari iyon sa kanila ni Brian sa loob marriage booth. She didn't mean to steal the moment from Stacey, especially with Brian. Nagkataon laman iyon. Wala siyang kaalam - alam tungkol doon.

It's like fate played a major trick on them. Which a unexpected scenario could possibly make a worst outcome to Bella, Brian, and Stacey that created a big problem into their peaceful lives.

But it occurred instantly and become much worst what Bella had thought could be.

Mas mabuti na lang ilayo ang sarili niya kay Brian para wala nang gulo sa pagitan nila ni Stacey at para na din sa ikakatahimik ng kanyang buhay sa eskwelahan.

She must accept the bitter reality, a truth that is indeed painful to feel and to live with.Pero kailanganin ni Bella na maging matatag sa kabila ng pagsubok na dumating sa kanya. Kahit anong man mangyari.

She could stand firmly into the solid ground with no fear and could face the unpredictable tomorrow with confidence.

"Bella!" a manly deep voice called from the school hallway.

Bella thoughts had crumbled into dusts when someone from the hallway called her name.

Agad napahinto siya sabay lumingon ito sa naroonan ng boses banda sa kanyang likuran.

Nanlaki ang mga mata ni Bella nang nakita niya ang presenya ni Brian na nakasandal malapit sa isang locker door. Nakapamusal ang binata at deretsyong nakatingin ito patungo sa kanya.

Nanlambot ang mga magkabilang tuhod nito at parang hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya sa mga sandali na iyon.

"Brian." bulong na sabi ni Bella habang mga mata niya ay nakatitig sa nakapamulsa na binata malapit sa locker door. Nang bumilis ang pagtakbo ng puso niya halos bumangon ang kaba nito mula sa kanyang dibdib tila napapahinto ang paghinga niya.

Nang lumakad si Brian palapit sa kanya ay agad naman siya'y napaatras ng hakbang sabay hinigpitan sa paghawak niya sa strap mula sa kanyang  backpack dahil naramdaman niya ang kuryente na bumabalot sa kanyang buong katawan.

"Bella. Pwede ba tayo mag usap na tayong lang dalawa? Please?" Brian pleaded, nang unti unting ito lumapit sa dalaga.

Ginusto naman ni Bella na kausapin ang binata pero ayaw niyang gawin iyon kasi may pinag usapan na sila ni Stacey na wag daw siyang lumapit or makipagusap pa sa boyfriend nito si Brian dahil ibubully lang siya ng mga ito hanggan't hindi niya tuluyan na layuan ang Binata para hindi lang maging buhay impyerno siya rito sa eskwelahan.

Tamihik na tiningnan ni Bella si Brian. Nakita niya sa mga mata nito ang pag kalito at pag alala sa kanya ng Binata pero mali parin kung papansin niya pa ito.

Napakuyom na lang siya ng palad sa inis na nadarama niya dahil sa bigat ng kanyang kalooban at tila pinipigalan niya na hindi itong pansinin sapagkat ayaw na niyang makipagkaibigan sa Binata kahit masakit man sa kanya, eto lang ang tangin paraan para tumahimik ang buhay niya at bumalik na sa dati ang lahat.

Pero hindi ganun iyon kadali sa dalaga.

Napatalikod si Bella at naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata nito sabay naramdaman niya na may parang isang kutsilyo na bumaon mula sa kanyang dibdib na tila pa ulit - ulit ang pagkasaksak nito paloob  kaya sobrang sakit nadarama ng dalaga sa mga oras na iyon.

"Pakiusap. Wag mo kong talikuran, gusto ko lang malaman ang katotohan mula sayo para matapos na problema na ito." na mamakaawang sabi ni Brian nang hinablot ang braso ng dalaga.

Without saying a word, hindi parin sumagot si Bella at pumiglas pa ito sa paghahawak ni Brian sa kanya sabay kumaripas siya ng takbo palayo sa Binata.

Kahit naramdaman niya ang pagkahingal patuloy parin ang takbo nito ng bilis hanggang sa lumayo na ito.

Bella's tears sprinkled out from her eyes sabay tumibok ang puso niya sa bilis habang tumatakbo siya pabalas ng exit door na hindi man lang ginawang nilingonan nito ang Binata na nakatayong tulala na mag isa sa school hallway.

                           *******

Napasandal siya muna sa isang     malaking puno at pinilit habulin ang paghinga nito. Naramdaman parin ni Bella ang paglambot ng mga tuhod niya at sa pagsikip ng kanyang dibdib dahil sa kaba na bumabalot sa buong katawan niya.

Napahagolgul ng iyak ang dalaga sa mga sandali na iyon. Napakasakit ang nadarama niya mula sa dibdib hanggang sa puso nito tila patuloy parin ang pagpintig ng mabilis.

"Bella. Ayusin mo nga ang sarili mo. Wake up, hindi ito fantasy, kailangan mong tanggapin ang sampal na katotohanan na hindi ka gusto ni Brian. Tama na ang pagiging tanga!" sigaw sa loob ng kanyang isipan.

Maraming bumaksak na luha sa mata ng dalaga like she was a broken dam with a big crack, same as the water overflowed the broken walls into half. Hindi niya kinayang pigilan ang kanyang naramdaman na emosyon kaya napahagulgol siya na parang isang bata na nawawala sa gitna ng maraming tao sa isang amusement park sa mga sandali iyon.
 

"Bella! Magpakita ka na!" sigaw ni Brian na lumalakad sa pathway habang ang kanyang mga mata ay nakamasid sa buong paligid na kung sakali mahahanap na din nito ang dalaga.

"Gusto ko lang makipag usap sayo. Hindi mo na kailangan magtago. Harapin mo na lang ako para matapos na!" natatarantang dagdag nito.

Bella nervously bit her lower lip. Her tears continue to pour down on her cheeks. Napahawak na lamang siya sa dibdib, naramdaman nito ang pagsikip at pag kabaon ng isang matalim na kutsilyo papasok sa loob niya tila masakit na parang hiniwa na ang kanyang katawan. Natatakot at kinakabahan siyang harapin ang Binata sa mga sandali iyon. Alam niya ang mangyayari sa kanya kung ipapatuloy pa nito ang paglapit kay Brian.

Gustong gusto sana ni Bella hawakan, yakapin, at sabihin ang tunay nararamdaman niya sa lalaking tumibok ng kanyang puso ng husto, pero huli na ang lahat. Hindi niya pwedeng baguhin ang tadhana tila napatanto niya na isa lamang siyang extra or supporting actress sa story nina Stacey at Brian.

Oo, tanga si Bella pagdating sa mga ganitong bagay to the point na iiyak at masasaktan siya sa isang sulok na parang na abandona na lamang. Higit sa crush ang pagtingin niya sa Binata kundi may namumuong damdamin siyang para kay Brian, kaya nasasaktan  siya kung pati ang sarili niya ilayo pa sa lalaking matagal na niyang minahal at hinahangaan noon pa man. 

Hindi siya susuko pagdating sa pagibig, ipaglalaban parin niya ang kanyang nararamdaman kay Brian. Pero bakit mali ang oras para sa kanila? Tinagpo nga sila pero bakit hindi tinadhana para sa isat isa?

She was a hopeless case when comes to love.

Nang may narinig si Bella na isang boses na babae tila familiar sa  tenga niya kaya bahagyang dumungaw ito para silipin ang kaganapan sa  ginta ng pathway.

"Brian Dear! Andyan ka na pala! Uwi na tayong dalawa," masiglang bati ni Stacey sa kanyang gwapong nobyo na may halong endearment sa boses nito. Napakunot na lang siya ng noo nung napansin niya ang naguguluhan expression sa mukha ni Brian. "Hey, What are you doing here? Anyway. Let's go home."

Inakbayan niya ang nobyo nito sa balikat sabay hinalikan ito sa malapit pisngi.

Kita kitang sa mata ni Bella kung paano halikan ni Stacey ang pisngi ni Brian. Sa mga sandali iyon tila gumuho ang buong mundo niya kasabay paglambot ng tuhod nito. Hindi alam ng dalaga kung paano siya mag react sa nakita nito. Either magalit or magselos siya sa ganoon bagay pero isang tingin niya lang doon sa ginawa ng dalawa parang natutunaw na siya at hindi makahinga ng mabuti dahil nga hindi siya mapaniwala na ganoon ang mangyayari.

Hindi niya namalayan na nagtama ang paningin nila ni Brian tila tumigil ang oras sa mga ilang segundo. Naramdaman ng dalaga ang bilis ng takbo ng puso niya kaya agad ito napaiwas ng tingin at tuluyan napasandal ulit sa puno para umiiyak ng luha sa mata nito.

"Bakit tadhana ang napakasama mo sa akin!? Anong ginawa kong kalokohan sayo? Kung bakit nangyayari ito sa akin? Bakit nasasaktan ako? Wala ba akong karapatan maging masaya kahit isang araw man lang!?" sigaw nito sa loob ng kanyang isipan sabay tinakpan ang mukha at patuloy ang paghagulgol na parang bata. Doon  nilabas ng dalaga ang lahat ng masama na nararamdaman niya.

Kahit ilan timba ang pagiiyak nito hindi parin mawawala ang sakit sa kanyang puso na halos punit at sugatan na malapit nang mawasak ng anumang oras. Pero pinigilan lamang nito ang sarili sabay ang paghinga ng malalim para kumawala ang sakit nadarama niya mula sa dibdib.

Napantanto ni Bella na kahit paulit ulit niya isipin na isang masamang panaginip laman ito hindi parin maalis ang sampal ng katotohanan mula sa sarili at dahilan kung bakit siya ay nasasaktan at umaasa parin na si Brian ay may pagtingin sa kanya kahit minamahal itong iba.

Nang nawala na ang dalawang magsyota. Iyon ang pagkakataon ng dalaga ang lumabas sa kanyang pinagtataguan sa isang puno. Pinunas ang sarili gamit ang isang panyo at inayos niya ang backpack pabalik sa balikat nito. Huminga siya ng malalim bago lumakad ito mag isa sa pathway.

                            ******

"Oh anak bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba? Sinong nambully sayo sa school?" pambungad na sabi ng kanyang Ina nang makapasok ito sa loob ng kanilang bahay. Napamewang ito at tinitigan sa mata  ang dalaga.

Nagbugtong hininga si Bella bago sumagot at tiningnan ang nagaalalang mama niya. "Ma, pasenyahan mo na ako. Medyo busy sa school kaya napalate akong umuwi." tuloy lakad nito papunta sa may hagdan nang hinawakan siya sa braso.

"Bella, kilala kita. Alam ko may bumabagabag sa loob ng isipan mo kaya ka nagkakaganyan," naalalang sabi ng mama niya. Narinig nito ang pagbugtong hininga. "Anak wag kang matakot sabihin sa amin ang problema mo. Andito naman kami ng ama mo para pakinggan ka anumang oras."

Napangiti ang dalaga sa sinabi ng mama niya "Salamat ma. Kahit papaano andito parin kayo ni tatay para gabayin ako," Napatigil ito saglit sabay huminga ng malalim. "Pero sa ngayon ma, pagod ang katawan ko at kinakailangan ko nang magpahinga sa itaas."

Napatango ito sa anak tila naiitindihan ang sinabi nito "Sige anak, umakyak ka na sa kwarto mo," sabay tinapik ang balikat ng dalaga. "Tumulog ka na at kumain ka mayamaya ng dinner kasama ng ama mo ok?"

Napataas si Bella ng kilay. "Saan ka pupunta ma?" 

Tumawa ito ng mahina at tumingin ulit sa dalaga. "Hindi mo ba naalala anak? Lead vocalist ako sa isang banda at kinakailangan kong mag ayos para makapaunta doon sa bar mayamaya."

"Ah! Oo naalala ko na!" she said with a fake laugh. "Sorry ma. Maraming kaganapan sa school lately, kaya nalilimutan ko na ang bagay bagay."

"Ano ka ba anak! Ok lang iyon," sabay hinampas ng mahina ang braso ng dalaga. "Alam ko naman na nag aaral ka ng mabuti para makascholar ka at makaenroll sa paborito mong kolehiyo."

"Ma. I love you!" sabay niyakap ng dalaga ang mama nito ng mahigpit.

"Love you too anak. Sandali hindi na ako makahinga! Haha. Grabi ang pagmamahal mo sa akin ah? " sabi niya sabay tumawa ng malakas.

"Ay sorry!" kaagad kumawala si Bella sa pagkayakap sa kanya ina.

Tumawa ng malakas ang mag ina sa mga sandali iyon.

Nang matapos na ang paguusap ng dalawa, nagpaalam ang dalaga sa nanay niya na umakyak sa itaas at tinanguan siya nito.

                           ******

Pumasok si Bella sa kwarto nito sa itaas at tuluyan pumasok ang dalaga sa loob.

Inilapag niya kaagad ang dalang backpack sabay pinatong ito sa study table na malapit naman sa nakatayong bookshelf na kung saan hilehilerang libro ang nakalagay sa bawat row nito.

Sa unang tingin mo pa lang doon, mahahalata mo agad ang pagkahilig ni Bella ang mangolekta ng mga books eversince. 

Minsan nga kung may natitira siyang pera mula sa ibinibigay na school allowance ng kanyang mga magulang araw - araw, imbes na gastusin niya para magshopping sa mall ng damit at sapatos. Iniipon na lamang niya ang mga barya nito sa loob ng kanyang alkansiya para lang makabili ng libro na gusto gustong bilhin niya sa national bookstore. Kahit may kaya ang mga magulang ng dalaga para bigyan ang gusto nito. Natutunan niya parin ang mag ipon ng pera at hindi siya gaano nagwawaldas ng salapi parang mabili lang ang isang bagay na gusto niya.

Mas pinili ni Bella na pinaghihirapan nito ang mga bagay na gusto niya tulad ng pagiipon ng pera at syempre naman ang magtyaga siya sa pag aaral sa eskwelahan. Lumaki siya na hindi isang spoiled brat. Kontento na ang dalaga kung anong meron siya ngayon at iyon ang pinakamamahal niyang libro tila labis ang kanyang kasiyahan pag tuwing kasama nito ang mga libro.

Mapa pocket book,hardbound,soft bound, novel or even the whole book set of her favorite series like harry potter and lord of the rings.

Doon palang masasabi mo na book lover siya. Kulang na lang magiging library na ang buong kwarto niya imbes na bedroom dahil sa maraming libro nitong nakadisplay.

Bella stifled a yawn nang naramdaman niya ang antok na bumabalot sa kanyang katawan, nag stretch muna siya ng braso sa itaas bago bumuntong hininga ito.

Dumeritso ang dalaga sa higaan at tuluyan nang humiga ito sa bedsheets. Tinakluban niya ang sarili ng isang kumot sabay pinatay nito ang lampshade na nakapatong sa side drawer.

Nang pinikit ni Bella ang mga mata niya, tuluyan na siyang nilamon ng antok at muling naghari ang katahimikan sa kanyang silid.

She was fast asleep in her own bed peacefully.

                            ******

                          
A/N: first time ko itong isulat ang POV ni Bella sa short story.  Dito ko ilalabas ang nararamdaman niya since nanaginip lang siya. Sana maisulat ko siyang maayos.

                              BELLA

May naririnig akong ibat - ibang ingay mula sa  magkabilang tenga ko, not just any noise.

I heard different voices, clinking of champagne glasses, slow ballad music, the giggles, and the murmurs in the atmosphere on where I stood.

Out of curiosity, idinilat ko ang akin mga mata at bumungad sa akin harapan ang isang lalaking enstranghero na nakasuot na masquerade sa mukha nito.

Hinahawakan niya ang kamay at beywang ko habang nakatitig sa akin.

That moment I knew, I was dancing with a total stranger in front of me.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko kilala ko ang taong nasa harapan ko.

I began to search some familiarity through his eyes, somewhere I could feel something that could remind me of someone. But all I saw his mysterious smile crept into his lips.  

Napakunot ang noo ko sa pagtataka.

First of all, 

Saan na lugar ito?  Bakit andito ako? 

At sinong lalaki nasa harapan ko?

Natatandaan ko lang kasi kanina nasa kwarto ako natutulog sa kama ng mahimbing.

Wait!--

Unti unting nag sink in sa aking isipan nang napantanto ko na nasa loob ako ng isang panaginip. Hindi lang basta panaginip.

Sarili kong panaginip!

Eh halos kabisado ko lahat ang pinapaginipan ko tuwing gabi sa pagtulog ko pero paano naman ito hindi ko man lang natandaan? Ibig sabihin ba nito, may bago akong panaginip?

Sandali ah, hindi ako na inform rito!

Iginala ko ang tingin ko sa paligid, hindi ko maiwasan ang mamangha sa lugar, na kung saan kaming dalawa nagsasayaw sa mga sandali na iyon.

Maraming colorful lantern lights na nakasabit sa bawat banderitas. May mga iba't ibang bulaklak na nakadisplay sa paligid namin.The motif was color blue and black, mixture of elagance and royalty. There were silver chandeliers hanged in every ceiling. In the far side of the room, may nakita akong bumubuga na crystal fountain. May ilan din na mag partners nagsasayaw sa gitna na may suot din na masquerades sa mga mukha nila.

It was definitely breathtaking.

Hindi ko namalayan na sumandal na pala ang ulo ko sa dibdib ng lalaki na kasayaw ko habang sumasabay kami sa tugtog ng isang ballad music.

We're slowly pacing back and forth with our fingers intertwined.

Nawala ang kaba ko nang naramdaman ko ang pintig ng puso sa loob ng dibdib ko. 

Bawat ritmo at galaw namin sa mga sandali iyon, tila pakiramdam ko nasa langit na ako. Sa ganitong position namin, sana tumagal kahit ilang minuto lang.

Ilang minuto na kasama ko ang lalaking estranghero sa pagsasayaw ng waltz sa gitna ng dance floor.

Every second counts and it was meant a lot to me to experience this kind of scenario which is unforgettable and my first official dance with a total stranger. 

Kahit na nasa panaginip ko naranasan ang unang pagsayaw ko, parang sa totoong buhay ko din ito naranasan ang ganitong klaseng experience na mala enchanted na eksena tila napapanood at nababasa ko sa mga pelikula, libro, at magazines.

It could also possibly happens to me and I didn't expect that this moment will come true somehow.

Matagal ko na itong pinangarap noon bata pa ako, kaya masaya ako kasi natutupad na isa sa mga hiling ko.

Ang makasayaw ang lalaki sa dance floor kahit na panaginip lang.

Naramdaman ko ang kilig na halos sagad sa buto ang kasiyahan ko sa mga oras na iyon.

"Bella," sambit ng lalaki sa akin.

Napaangat ang ulo ko para titigan siya sa mga mata.

Did he just say my name?

Why that voice sounds so familiar?

His hands climbed its way to my rosy cheeks as he gently pressed it that send cold shivers down to my back spine.

Naramdaman ko ang init ng palad niya na parang isang kuryente na kumalat agad sa buong katawan ko, nang hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

The way he uttered my name, parang kilalang kilala niya na ako at boses palang niya, napakasarap talaga pakinggan sa tenga.

It gives me a different spell of magic,  a magic that hypnotizes me into a lovely trance.

Isang musika tila lumikha ng isang napakagandang harmony sa loob ng puso ko.

Napataas baba ang dibdib ko sabay sa paglambot ng mga tuhod ko.

Hindi ko ma clarify kung bakit boses palang ng lalaki grabe na ang epekto sa systema ko parang ayaw nang tumigil sa pagtakbo ng mga nerves ko sa sobrang kilig.

Siguro sa likod ng maskara ng estranghero na iyon ay isang palang gwapong nilalang.

Mas lalo hindi ko kakayanin ng baga ko kung tatanggalin na ang sout niyang maskara sa mukha, atsaka wala pa naman akong dalang oxygen mask parang pakalmahin ang nagwawala kong puso.

Sayang lang ang moment na ito kung mamatay lamang ako sa kilig di ba?

Pinilit kong pigilan ang sarili ko na wag kabahan sa harap ng estranghero pero sadyang puso ko talaga ang nagwawala sa loob ng dibdib ko.

Pakiramdam ko mas landi pa itong puso ko kaysa sa akin.

Napatingin ako sa kanya na paawang ang bigbig ko sa pagtataka. Hinanap ko sa mga mata niya ang familiarity kung sakali man makilala ko kung sino talaga siya.

Bago man ibuka ko ang bigbig ko para sagutin ang tanong niya. Bigla na lang niya hinubad ang sout niyang maskara sa harapan ko.

Nan laki ang mga mata ko sa gulat, tila huminto ang pag kilos ng mga tao sa paligid namin at ang oras hindi na tumatakbo parang kami lang dalawa ang natitirang gumagalaw sa mga sandali na iyon.

"Brian?" I almost said in whisper. I tried my best not to cry in front of him.

He gave me a halfhearted smile.

A genuine one.

Hindi ko iniexpect na siya ang lalaking kasayaw ko sa loob ng panaginip ko. All this time hindi ko kayang pigilan ang bilis ng tibok ng puso ko, nang makaharap ko na ang matagal kong hinahangaan na basketball player sa pinapasukan kong eskwelahan.

Na si Brian Castillo.

My one and only crush, also my ideal boyfriend in real life.

Namula bigla ang pisngi ko sabay naramdaman ko ang pagkalat ng kilig sa ibat ibang parte ng aking katawan na halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko na parang may mga langgam na dumapo sa loob ng damit ko sa sobrang tamis ng ngiti ko.

Paano naman hindi ako kikiligin?

Eh biruin mo naman, nasa harapan ko ang crush ko!

Lupa! Please lamunin mo na ako. Hindi ko na kayang ang hiya at kilig na ito.

Eto naman si puso ayaw mag behave, laging nagwawala to the highest level.

Sarap talaga eh kadena para pakalmahin ko lang siya ng saglit.

Hay ano ba yan!

I'm definitely stuttering in front of him.

"Alam mo sa dami daming magagandang babae dito sa dance floor. Ikaw lang ang nakatuon ng atensyon ko?" sinabi ni Brian sa akin sabay kinuha ang palad ko at hinalikan niya iyon ng marahan.

My cheeks flamed in embrassment, as in pulang pula talaga. Kulang na lang maging kamukha ko ang kamatis sa sobrang kahihiyan.

Such a cliche line pero galing mismo sa bigbig ng crush ko ang lumabas. Hindi ko maiwasan na kiligin sa kinatatayuan ko, parang may anumo'y sumapi sa akin ng isang masamang espiritu sa loob ng katawan ko at maramdaman ang napanindig balahibo na kilabot feeling.

Ang feeling na lumulutang ang katawan ko sa hangin.

Naramdaman ko din ang paglipad ng mga paru paro sa loob ng tyan ko kasabay ng pagbe-beat box ng puso ko sa kaba.

Damn this love feelings. Ayaw talaga akong patahimikin ng mga ito.

Huminga ako ng malalim atsaka ngitian ko siya ng bahagya.

A plastered smile that hides my embrassment.

"Brian. Alam mo ba ikaw lang ang nilalaman ng mga panaginip ko?" panimula ko sabay huminga ng malalim, atsaka tumitig ulit sa mga mata niya.

Napakunot ang noo ni Brian nang tumingin siya sa akin, as his black beady eyes stared at me seriously. As if he demands a specific answer.

"Kasi ikaw ang dahilan kung bakit palaging may ngiti sa mga labi ko sa tuwing nakikita kita sa loob ng panaginip ko," sagot ko, nanlaki ang mata ko sa mga salitang binitawan ko.

What did I just said!? This is so not me.

"Sana totoo nalang lahat ang mga ito. Sana makasama kita at makilala ng lubusan. Kahit isang araw lang na tayong dalawa, kasi.." naputol ang sasabahin ko nang naramdaman ko ang pagbaksak ng luha ko papunta sa pisngi ko.

This tears of mine spells happiness.

Mas mabuti alam na ni Brian agad kahit nasa panaginip lang ang sinabi ko sa kanya, na siya ang dahilan kung bakit ako masaya kasi kasama ko siya ulit.

Sana din masabi ko sa kanya ang mga ito sa totoong buhay na gusto ko siya, na may nararamdaman akong pagtingin sa kanya. Kaso wala akong  lakas na loob para harapin siya at sabihin iyon because I was a bit shy and I can't help it.

Natatakot parin ako kung anong magiging reaksyon niya in real life, Baka tuluyan niya akong iwasan dahil doon.

It's just so hard to tell the truth in real life. Well at least nasabi ko sa kanya sa loob ng panaginip ko.

"Bella. You're beautiful when you smile. Please smile for me. Just once," He said in pleading tone, directly looking into my eyes.

Without no reason or any hesitations.

I smiled at him pleasantly.

"See. Sabi ko sayo ang ganda mo pag ngumiti ka. Sana ganon ka palagi," ngiting na sabi niya while showing his pearly white teeth.

Sana

That word darted me inside.  As if tinamaan ako doon sa sinabi niya.

Hindi sa kinilig ako ng sobra, may ibang meaning iyon. A different meaning that bothers me in the moment.

Sana nga palagi akong nakangiti.

Not just in my dreams. But also in real life, which is hard to apply. 

Since andito si Brian sa harapan ko, nahahawakan at nakakausap ko naman siya kahit nasa panaginip lang.

I think it's my chance to say the things I haven't told him before, ang mga bagay na nararamdaman ko para sa kanya.

I wanted to say I love you to Brian but the words seem stuck at my throat, as if it been drowned by an quicksand.

Brian was stared at me with a confused face. Napakunot ang kanyang noo nang hindi ako nag response sa sinabi niya.

"Bella, kahit hindi mo sabihin sa akin. Alam ko naguguluhan ka. Naiintindihan naman kita. I do respect it."  sabi ni Brian sa akin habang ang mata niya tila nalulungkot. 

What? No! That's not what I meant!

"Brian.." my voice trailed off.

Oh my! Bakit hindi ko masabi ang nararamdaman ko para sa kanya?

Is there a barrier or something that blocks me for saying those lovely words to him?  Bakit ba ako nauutal? 

"Hmm?" His eyebrows arched.

"I'm really happy that you're here with me. You made my moment so unforgettable," sagot ko sabay kinagat ang lower lip ko.

There I said it. I don't know on how will he react by my words.

Brian smiled at me dearly, a smile that puts warmth into my mind and soul. 

                          
                           ******

Ilang minuto na kami nagsasayaw sa gitna ng dancefloor na walang kumikibo sa amin dalawa kundi tumitig lang sa isa't isa.

We're pacing back and forth, then twirled ourselves around, the dance scene goes on and on, like it was repeated by a tape recorder.

Nagulat na lang ako nang hinawakan ni Brian ang pisngi ko. Sa paghawak niya, naramdaman ko ang kuryente na dumampi agad sa balat ko dahil sa init ng kanyang palad.

Napahinto ako at napatigtig sa mga mata niya. 

His eyes glued at me for three seconds, as he moved inch closer to my face.

Naramdaman ko ang lalim ng paghinga niya papunta sa labi ko.

He was about to kiss me on the lips!

Nanlaki ang mata ko, halos lumundag ang puso ko palabas ng dibdib ko sa nerbiyos.

Tagaktak ng pawis ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

This is too much. I couldn't ask for more.

I know this is only a dream but why it felt so real in this moment? 

Ipinikit ko ang aking mata, halos na malfunction ang utak ko sa nerbiyos, parang may mabigat na bagay nasa loob ng dibdib ko sa dahilan na hirap akong makahinga ng maayos. May kung anong gumagalaw sa loob ng sikmura ko, na parang nakabara ito malapit sa lalamunan ko.

Tapos yung puso ko walang tigil sa pagwawala nito.

Naramdaman ko ang pagsabog ng mga fireworks sa palagid namin nang lumapat ang labi niya sa labi ko.

One second kiss pero pakiramdam ko lifetime ang inabot bago maglapat ang mga labi namin.

Nang idinilat ko na ang dalawang mata ko bigla na lang nawala siya na parang bula sa harapan ko. 

Paanong nangyari iyon?

How did he disappear?

Parte ba ito ng panaginip ko? 

I stood there frozen in shock, nakabukas ang bigbig ko sa labis na pagkagulat.

Halong kaba, inis, at pagtataka ang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko sa mga oras iyon.

Isang bagay lang ang pumasok agad sa isipan ko.

Kailangan ko hanapin si Brian sa ginta ng dance floor bago matapos ang panaginip ko. 

Bago gumising na ako sa realidad...

                             ******

Author's Note : What do you think about this chapter?

Hope you readers enjoy reading it.

More surprises on the last chapters in my short story.  So stay tuned!

Vote and Comments are highly appreciated.

Thanks :)

MmTt11

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top