CHAPTER 9 🌾

"AND THE PEACE of the Lord be with you always," anas ng pari sabay buka ng dalawang palad niya.

"And also with you," tugon ng mga parokyano.

"Let's share each other the sign of peace."

"Peace..peace..peace," ngiti pa ni Ellaine bilang pagpapakita ng simbolo ng kapayapaan sa harap, kaliwa at likod niyang kapwa nagsisimba.

Nang madako ang tingin niya sa kanang bahagi ay naiilang siyang mag-peace sign kay Raymond. Isang dangkal lang ang layo nila dahil magkatabi sila at nahihiya siyang ngumiti. Nang mag-abot ang paningin nila ng ilang segundo, napansin niya ang mga mata ni Raymond na tila nangungusap. Agad naman siyang yumuko para makaiwas dito. Kabaliktaran naman nito ay ang napakatamis na ngiti ng binata na ipinukol niya para kay Ellaine. Mapuputi ang mga ngipin na naka-braces pa na siyang napansin ng dalaga.

Biglang sumagi sa isipan ni Ellaine ang nangyari kahapon sa internet cafe.

.

.

.

Please come now I think I'm falling
I'm holding on to all I think is safe
It seems I found the road to nowhere
And I'm trying to escape
I yelled back when I heard thunder
But I'm down to one last breath
And with it let me say, let me say

Hold me now I'm six feet from the edge and I'm thinking
Maybe six feet ain't so far down.

Bumungad na kanta nang buksan ni Ellaine ang Friendster ni Alex. One Last Breath by Creed. May bughaw na dragon ito na background bilang theme. Namangha si Ellaine, napaka-masculine ng dating sa kaniya ng napiling theme at song nito. At nang tingnan niya ang profile picture. 'Shocks! Ang gwapo!' nasambit niya habang napatutop sa bibig niya. Parang isa siyang fan na nakakita ng paborito niyang artista. May mala-asul na kulay na mga mata, matangos na ilong, makapal na kilay. Idagdag pa ang natural na mapupulang mga labi at maputing kutis.

'Pero wait, baka hindi 'yan siya sa picture. Pwede namang gano'n. Isip-isip Ellaine. Mag-isip kang mabuti,' pagsesermon niya sa sarili na nilamukos pa ang kanyang buhok.

Nang mabalik sa kanyang huwisyo, tiningnan niya ulit ang profile ng binata. Sa kanang bahagi ng profile picture ay may mga detalyeng nakalagay,

Male, 25, It's complicated

Interested in: Friends

Member since: January 2008

Location: Cebu City, Philippines

'Hmm teka so kagagawa lang niya ng bagong account nitong taon? Pero bakit it's complicated?' bahagya siyang nalungkot. 'Baka nga may girlfriend na siya at nagkaalitan lang sila,' nakangiwi siyang pinaikot ang mga mata niya.

Tiningnan ulit ang YM niya. May mga nagpadala ng mensahe na mga dayuhan. May mga mapuputi at may mga Arabong tila hayok sa laman. Binalewala niya lang ang mga ito at 'di ni-replyan. Total ay sanay na siya sa mga ganoong mga estranghero na naghahanap ng mga Pinay na mapapangasawa kuno. Nang biglang may nag-pop up na dialogue window.

'Hi Ellaine, ctc?'

'At sino na naman kaya 'tong mokong na ito?' tanong sa kanyang isip.

Alex_83. Account name iyon ng sender. Avatar lang kasi ang picture nito. Kinilig ang dalaga ngunit kunot-noo siyang napaisip kung saan nito nakakuha na naman ng YM account niya. Aba'y malamang kay Dessa ulit. Napangiti na lamang siya.

'Hi, good afternoon.' - Ellaine

'Buti at online ka ngayon. Nag-try lang akong i-message kita dito sa YM. Hindi ka busy?' - Alex

'Oo kasi rest day namin ngayon. Ikaw hindi ka ba busy? - E.

'Ah hindi rin. Day off ko. Saan ka nag-work nga pala Ellaine?' - A.

'Sa San Miguel Brewery, Inc. Ikaw? - E.

'Sa isang resort ako ngtatrabaho ngayon dito sa Cebu. Ilan kayong magkakapatid?' - A.

'Apat kami at ako ang panganay. Ikaw ba?' - E.

'Nag-iisang anak lang ako. Ang saya siguro nyan 'no marami kayo sa pamilya?' - A.

'Ahm oo masaya rin na malungkot pag nagkahiwalay kayo.' - E.

'Bakit nagkahiwalay ba kayo ngayon Ellaine?' - A.

'Nasa probinsya kasi sila Inay, Itay at mga kapatid ko. Nasa siyudad ako ng Davao ngayon Alex, dito ako nagtatrabaho.' - E.

'Ah ganun ba? 'Di bale pwede ka namang uuwi kung restday mo. Ah Ellaine, pwede ba tayo mag-cam to cam? Gusto lang kitang makita.' - A.

'Ngeks 'wag na Alex nahihiya ako.' - E.

'Hay naku huwag ka ng mahiya. Sige na. On ko na ha.'- A.

Laking gulat ni Ellaine nang makita niya ang lalaking ka-chat. 'Omg! Siya pala talaga 'yung nasa profile picture ng Friendster niya! Ang gwapo! Naka-white tshirt ito na may suot na malaking black headset. Binuksan naman niya ang kanyang camera na siyang nakita rin ni Alex. Nahihiya pa siya nang nakatuon na sa kanya ang camera.

'Wow, ang ganda niya! I like her beauty.' Sambit ni Alex sa sarili. Simple lang ang beauty ni Ellaine. Nakapambahay lang ito na yellow sleeveless top at brown cotton short na three inches above the knee. Kahit nakapulbo lang siya at may konting pink lipgloss ay napahanga si Alex. Maamo ang mukha ng dalaga, may matangos ngunit maliit na ilong, bilugang pisngi at may cute na dimples sa gilid ng bibig, may mahaba at tuwid na buhok na tinali niya. Kayumangging mata at balat na repleksiyon ng isang purong dalagang Pilipina.

Napansin din ni Alex ang malulusog na dibdib ng dalaga at 'di niya maiwasang mapalunok sa init na bumubuhay ng pagkalalaki niya. Lalaki rin siya na nagaganahang makikita lalo pa't sa isang babaeng unti-unting pumupukaw sa natutulog niyang pag-ibig.

'Sh*t!' bulalas sa sarili nang maramdaman niyang nakausli na ang alagang dragon niya.

'Alex, may problema ba?' chat ni Ellaine nang makitang yumuko ang lalaki at may hinimas. Parang na-shock ito. Hindi na kasi kuha ng camera ang bandang ibaba dahil ulo hanggang dibdib lang ang nakikita nito.

'Ah wala Ellaine. Ang tuta ko kasi.' - A.

'Anong pangalan ng tuta mo? Marami rin kasi kaming aso sa probinsya.' - E.

'Si Browny.' - A.

'Ah ok. Ang cute. Hi Browny.' - E.

'Say hello to Ate Ellaine, Browny.' - A.

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa kanilang buhay. Magaan ang pakiramdam ni Ellaine kay Alex at tila pinagkakatiwalaan na niya agad itong sabihin ang mga karanasan niya. Ramdam niya na tunay at seryoso ang pakay ni Alex na mapalapit sa kanya kahit pa man na ilang milya ang layo nila sa isa't isa.

.

.

.

TUMIKHIM si Raymond. "Ellaine," tawag nito sa kanya. Nang hindi siya kaagad ay saka inulit nito, "Ellaine..."

"A-aaah yes, Raymond," parang nabuhusan siya ng malamig na tubig nang magbalik sa kanyang huwesyo matapos maisip niya si Alex.

"Our Father na, kamay mo," magiliw na inilahad ng binata ang kamay niya sa dalaga para maghawakan sila. Nahihiyang nanlalamig ang kamay ni Ellaine. Naiilang tuloy siya. Pinikit na lang niya ang kanyang mga mata para di 'yon mapansin.

Pagkatapos ng misa at naglalakad na sila patungo sa sasakyan ni Raymond. "Ellaine, are you okay? Ang lamig ng kamay mo kanina parang yelo," pag-aalalang tanong ng binata.

"A-aah yes, Raymond. No worries, ganyan lang talaga ako madalas pawisin ang kamay," pagkakaila niya sa binata na mapaklang ngumiti rito. "Kain na muna tayo, nagugutom na ako," pag-iibang tanong niya para makaiwas at saka hinimas-himas pa ang tiyan niya.

"Okay, saan ba ang gusto mo?' tanong ng binata sa kanya nang lulan na sila ng sasakyan nito.

"Ikaw lang, ok naman ako kahit saan, kahit diyan tayo sa turo-turo ay game ako. Sanay ako sa ganiyan. Tubong probinsya kaya 'to," aniya sabay turo sa mga nadaraanang kainan sa kalye.

Marahang umiling ito. "No, no. Sa Gaisano Mall na lang tayo para diretso na rin tayo manonood ng sine pagkatapos kumain," suhestiyon nito.

Tumango naman siya bilang tugon at saka mapaklang ngumiti.

Kahit na magkasama sila ni Raymond ay si Alex ang nasaisip niya. Ang malambing na boses nito, ang gwapong mukhang gusto niyang mahawakan at ang bruskong katawang gusto niyang mayakap.

'Oh my Alex!' Kailan pa kaya tayo magkikita sa personal?'

Nagagalak ang puso ni Ellaine at malawak na ngumiti, sabay yakap sa shoulder bag na dala niya.

**************************************

Featured song: Sana ay Mahalin Mo Rin Ako
By: April Boys

SHARE. VOTE. COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top