CHAPTER 7 🌾
"HEY MAN, I can sense na inspired tayo ngayon ah," pansin ni Ryan sa kaibigang si Alex nang nasa bar na sila. Kaakbay pa nito ang isang mestisang babaeng kasama na maputi at naka-black mini bodycon dress at 4-inch high heels black sandals.
"Iba talaga pag isang Alexander Robertson na ang inlove. Hmm teka pakilala mo naman kami," dagdag pa rito at kumuha pa ng isang boteng alak mula sa stainless na pitsel na puno ng yelo.
"A-ahh k-kasi, kasi ano bro eh. Parang malabo. Malayo kasi siya," anito at saka tumungga .
"Naku, walang malayo ni walang malabo pag dikta na ng puso," turan naman ni Ryan na kinumpas pa ang isang kamay sa kawalan.
"Hindi ba, sweetie?" Baling nito sa mestisang babaeng kasama at mapang-akit namang tumango ang huli.
"Ganun pala ''yon?" pambubuskang inulit ni Alex at naghalakhakan silang magbarkada.
"Oh ikaw Charles, anong masasabi mo? Ang tahimik mo riyan ah," baling niya sa isang kaibigan.
"Alex, marami namang babae. Hindi mo na kailangan ng malayo. Tingnan mo ako oh, abot-kamay ko na," saad ni Charles at dinampian pa ng halik ang katabing babaeng sexy na matangkad na suot ang isang white halter top at mini denim pencil skirt.
"Haay kayo talaga oh. Kilala niyo naman ako pag nagmahal, wagas!" aniya na diniinan pa ang huling salita.
"Tama na ngang drama iyan. Shot na! For your victory, Man!" bulalas ni Ryan na tinagayan ang basyong baso at binigay ulit kay Alex.
Nagtawanan at naghiyawan nang magsimula na ang DJ sa pagpatugtog ng party music at sumayaw sila. Aliw na aliw ang lahat ang nandoon dagdagan pa ng kumikinang at umiikot na mga ilaw na may iba't ibang kulay.
Hi Ellaine, pyag u b? Nbasa m nman cgro 'un l8r q? Raymond hir. ^_^
Text iyon galing kay Raymond.
"Hoy, friend loka ka. Binigay mo cellphone number ko kay Raymond 'no?" Sikmat sa kaibigan matapos basahin ang text message.
Nasa bahay na sila at kasalukuyang nakaupo sa kani-kanilang higaan matapos maghapunan sa karendirya.
"At bakit naman hindi ko ibigay? Kawawa naman 'yong tao. Alam kong seryoso siya sa'yo," paliwanag naman ni Ann.
"Sa tingin mo kaya friend ay seryoso siya? Ano ire-reply ko, okay bang makipag-movie date sa kaniya?" hinging opinyon niya sa kaibigan.
"Oo naman Ellaine. Hindi ka naman bata. At saka manood lang, manood lang. Walang tsansingan. Kung ikiss ka, aba'y lamutakin mo rin. Mmmm ganiyan, ganiyan," muwestra ni Ann sa kaniya.
"Kahit kailan ka talaga Ann, loka ka rin 'no?" napahalakhak si Ellaine sa kapilyahan ng kaibigan.
"Di, 'yong totoo. Sige go, wala naman tayong pasok eh. Uuwi ako sa atin naman nitong Sabado. May mga ipapabili kasi si Mama para sa darating na piyesta sa baryo natin sa susunod na Linggo," anito.
Pinag-iisipan muna niya bago mag-reply kay Raymond. Nagdalawang-isip siya kasi kahit papaano ay sumagi na naman sa kaniyang isip si Alex.
'Hay Alex, ikaw na kaya ang lalaking nasa panaginip ko? Ikaw kaya ang ibibigay ni Lord sa'kin sa kahilingan ko?' muni-muni niya.
At ilang minuto ay nakapagdesisyon na siya.
'Hello, Rymond. Cge ok, ds Sunday aftrnun kasi mgccmb p me s mrning. Pwd?' - Ellaine
'Ok sure, smhan n kta mgcmb. Mrning din aq ngccmb s San Pedro Chrch.' -Raymond
'No 8s ok. Bka ndi aq mkconcntr8 nyan. Bsta txt nlng me aftr ng mass. Ok? -Ellaine
'Cge n, sbay n tau. Wla nman msama dun. 11am to 12 noon mass pra aftr ay sbay n tau mglunch at mgmovie. Daanan n kta jan s apt nu. F ok lng? - Raymond
"Ann, ano ba sabay ba kami magsimba? Sabi niya kasi dito sa text oh. Nahihiya ako," hinging payo niya sa kaibigan.
"Go friend, basta ba ang punta mo sa simbahan ay si Lord. Hindi ang makipagharutan," pagbibigay-linaw ni Ann na bahagyang dinilat pa ang mata para mas maintindihan ni Ellaine. Pagkatapos ay busy ulit sa pakikipagtext sa nobyong LDR.
Napakibit-balikat na lamang siya at napasinghap bago nagreply ulit sa ka-text.
'Ok cge.' - reply niya kay Raymond
'Cge. Well, c u on Sunday Ellaine. Excited n aq.'- Raymond
'Mgkkta p nman tau 2mrw s ofiz. :D '- Ellaine
'Ha3x. Oo ngapala. Sori xcitd lng. Gudnyt. Sliptyt! Switdrimz! ^_^ - Raymond
NASA GITNA na sila ng kasiyahan at medyo horny na ang dalawang kaibigan ni Alex. Mapapansin nito sa mga ikinikilos na minsang paghahalik at paghihilod sa malulusog na dibdib ng mga kasama. Hindi niya ito pinansin sapagkat nasanay na rin siya sa mga ito. Napalatak na lamang siya. Kaya iniwan niya sila sa table at sumayaw siya nang mag-isa.
May nakita siyang grupo ng mga babae na sumasayaw.
"Girls, can I join?" paalam niya sa mga ito.
"Oh sure, com'on!" Sagot naman ng isang babae na halatang tipsy na rin. Namumula na ang pisngi.
"By the way I'm Alex," pakilala niya sa mga babaeng kasayawan.
Nagpakilala rin ang mga babae. Biglang sa tingin niya ay nag-iba ang hitsura ng isang babae. Nakikita niya ang mukha ni Ellaine. Hinila niya ito at mataman na tiningnan sa mata at hinawakan ang baywang.
'Ellaine, hawak na kita ngayon. Hindi ako makapaniwala,' nagdiwang ang kaniyang isipan.
Ilang minuti pa ay naramdaman ni Alex na may kamaong humagupit sa panga niya. "Oh holy sh*t," napamura siya sa sakit at nasapo niya ang kanyang mukha.
"Hoy g*go, 'wag mong mahawak-hawakan ang girlfriend ko ha," galit na galit na anas ng isang lalaking tinuru-turo pa siya.
"Babe, tama na. Nakainom lang siya," awat naman ng girlfriend nitong sekreto ring nagkagusto sa angking kagwapuhan at katikasan ni Alex sa suot nitong black longsleeves na tinupi hanggang siko na pinaresan ng light faded denim jeans at white Lacoste shoes.
"Hindi babe, dapat turuan ng leksiyon ang ganitong mang-aagaw eh," giit ng lalaki.
"Teka anong kaguluhan 'to?" Awat nina Ryan at Charles.
"Bro ka-shiii, ka-shiiii," putol-putol na wika ni Alex.
Nang mapagsino ang lalaki ni Ryan. "Bro, Jeff, si Ryan 'to. Kilala mo pa ba ako? Nagkasama tayo nuon sa isang liga ng basketball noong high school. Remember?" magiliw na pakilala niya sa nagngingitngit na lalaki.
Tiningnang maigi muna ng lalaki si Ryan na nakipagkilala sa kaniya.
"Yep, Bro Ryan. Kumusta? Where are you connected right now? Long time no see. Pasensiya ka na. Itong kaibigan mo kasi eh. Napuruhan ko tuloy," hinging paumanhin ni Jeffrey kay Ryan sabay abot ng kamay.
"Pa - shen - sya ka na din phaaa- re," lulugu-lugong tumatawa si Alex na humihingi ng paumanhin at nag-peace sign.
Nakipagkamayan naman si Jeffrey kay Alex bilang tugon na ayos na sila. Napayakap si Alex sa lalaking kanina'y napasugod sa kaniya at muntik na silang matumba nang ma-out of balance ito.
"Bro, pagpasensiyahan mo na itong kaibigan ko. May pinagdadaanan lang 'to sa lovelife nya. Spare him for me. Okay? By the way, I'm working now at MDC as an Architect. Two years na rin ako sa kompanya. We'll better catch up again next time bro ha, ihahatid ko lang 'tong si Alex. Single pa rin ako till now."
Mahabang kwento ni Ryan sabay tapik sa balikat ni Jeff. Pagkatapos ng tagpong iyon ay inihatid na niya si Alex sa kanila. Siya na ang nagmaneho ng BMW ni Alex buti na lang at 'di niya dinala ang sasakyan niya. Mabilis na pinasibad niya ang minanehong sasakyan ng kaibigan.
"Oh God, hijo what happened to my son?" Alalang tanong ng Mommy ni Alex nang makarating sila sa kanilang bahay. Nakita niyang nakatulog sa kotse at may pasa sa mukha.
"Good evening po Tita. Ah kasi, napaaway 'tong si Alex eh. But don't you worry. Naayos naman po," saad ni Ryan.
Inalalayan ni Ryan ang kaibigan papunta sa kwarto nito. Pagkatapos ay umuwi na siya. Naiwan ang mag-ina sa kwarto ni Alex at inaasikaso siya ng ina. Nilagyan iyon ng maligamgam na bimpo ang kanyang mukhang may pasa.
"Ellaine, Ellaine..." mahinang aniya na napalinga-lingang dinilat ang mga mata at nakita ang puting kisame. Napagtanto niyang nasa kwarto na pala siya.
"I think I love you."
Huling sambit ni Alex bago tuluyang pumikit.
*************************************
Featured song: Sana'y Bigyan Mo ng Pansin
By: J Brothers
SHARE. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top