CHAPTER 5 🌾

PININDOT ni Alex ang message button ng Friendster ngunit sinarado agad. Napabuntong hininga siya at nagdadalawang-isip. Ilang segundo pa ang nakalipas ay napagpasyahan na niyang imessage si Dessa. Final!

'Hi, Ms. Beautiful!'- Alex

'Yes hello.'- Dessa

'If you don't mind, magtatanong lang sana ako kung friends kayo ni Ellaine de Guzman?'- Alex

'Yeah! Classmate ko siya noong high school sa Davao at isa sa mga close friends ko. Why did you ask?'- Dessa

'Ahm, ahh kasi gusto ko sanang makahingi ng cellphone number niya. Please.' - Alex

'Lolz. Hay naku! Excuse me mister, hindi ako nagbibigay kung kani-kanino lang ng cellphone numbers ng mga friends ko. Baka mamaya ay miyembro ka ng sindikato at ibenta mo pa ang kaibigan ko.' - Dessa

'No, hindi sa ganoon iyon. Hmm kasi I find her beautiful kagaya mo and I have a strong feeling that she has a good heart too. Gusto ko lang makipagkilala sa kanya. Total ay binata pa naman ako.' - Alex

'Hmmm okay sige, basta promise hindi mo sasaktan ang friend ko ha, kundi lagot ka sa Tito kong nasa NBI. Pwede kitang ipa-trace.' - Dessa

'Hahaha. Oo naman, you can trust me Dessa. By the way, you can call me Alex. Pareho lang din tayong taga-Cebu.' - Alex

'Okay,okay. Alex, mabuti kung ganun. Sige ito cellphone number ni Ellaine. 09210******.'- Dessa

'Thanks a lot Dessa! You can have my word. By the way, saan ka sa Cebu? I'm from Lapu-Lapu.' - Alex

'Nasa Lapu-Lapu rin ako nag-stay ngayon. Sa auntie ko.' - Dessa

'Oh really, same lang pala tayo? Salamat sa time mo Dessa. I have to go back to my work. Have a good day!'- Alex

Biglang napasigaw si Alex, "Yessss!"

Para itong batang tuwang-tuwa sa saya. Hindi siya makapaniwalang nabigyan siya ng cellphone number ng dalagang nagustuhan niya sa unang tingin pa lang. Ang mga ngiting parang tumutunaw sa kaniyang kaibuturan. Ang mga mapupulang labing sarap halikan. Ang balingkinitang katawang sarap yakapin. Hindi niya maiiwasang mag-isip nito.

Nang tingnan niya ang kanyang orasang pambisig ay ala-una na ng hapon. Oras na para bumalik sa trabaho.

Naging abala siya ng hapong iyon. Hindi maiiwasan ng binata na mapangiti sa panaka-nakang pagpasok sa kaniyang isipan, si Ellaine. Gusto na niya itong i-text ngunit pinili niya munang tapusin ang mga gawain. He is happy and kinda inlove. Napansin iyon ng sekretarya ang pagiging smiling ng kaniyang boss sa hapong iyon.

"Sir, napakaganda ng mood natin ngayon ah. Parang inspired na inspired ka," papuri ni Milet sa kaniya pagkatapos mailapag sa mesa ng boss ang tasa ng kape.

"Well, sabihin na lang natin na I found a girl. Sana ay siya na," anito at humigop ng kape. Kapagkuwa'y tumayo at tumungo sa balkonahe na konektado ng opisina niya. Tanaw ang malawak na asul na karagatan, huminga siya nang malalim at hindi napuknat ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Wish you all the best, Sir Alex. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka," paalam ng sekretarya bago tuluyang lumisan sa opisina niya.

Tumunog ang cellphone niya. Hindi niya agad ito napansin dahil masuri pa niyang tinitingnan ang mga papeles na sinumite ng kanilang accountant. Mga disbursements ito sa kasalukuyang buwan. Patuloy sa pagtunog pa rin ito at nang tingnan niya ay pangalan ni Ryan ang nakalagay sa screen.

"Hey Bro, busy ka pa yata eh. Man, almost 6 o'clock na oh. Super hardworking naman. Daig mo pa ang pamilyadong tao. 'Wag mong kalimutan mamaya, seven PM. Sa dating gawi pa rin. Come on, let's enjoy the night."

Mahabang litanya ng kaniyang matalik na kaibigan. Bagay na bagay ito sa motto na: Work hard, party harder. Magkaiba sila ng prinsipyo kasi siya nakatutok muna sa trabaho bago ang ibang gawain sa labas.

"Yes Bro, tatapusin ko lang 'to. Then I will be there later. Don't worry. Just ping Charles. Okay?" aniya.

"Alright. See you," saad ng kaibigan saka binaba ang cellphone.

Pagkatapos sinarado ang kaniyang laptop ay excited na siyang i-text ang kanina'y cellphone number na binigay ni Dessa- "Hi". Ilang minuto pa ay hinintay niya itong may sagot ngunit nabigo siya. Nang walang makuhang reply, ay umalis na ng opisina.

SAKTONG alas siyete ng gabi ay nakarating na siya sa isang restobar kung saan tinukoy ni Ryan na pagkikitaan nilang magkakaibigan. Mausok, madilim at klase-klaseng amoy ng inumin ang nabungaran niya.

Natanaw nito mula sa 'di kalayuan ang dalawang lalaking nakaakbay sa tatlong seksing babaeng mga kasama. Alam na niyang ito ang kaniyang mga kaibigan.

"Bro, kumusta ka na? Welcome back! Parang mas naging macho ka yata ngayon ah," mapanudyong bati niya sa kaibigang si Charles nang umupo na siya sa table at nakipag-high five.

"Well ito Bro, gwapo pa rin," anito na sinundan ng halakhak, saka kumindat sa dalawang babaeng kasama.

Tinapik siya ni Ryan sa balikat, "Sige na, umorder ka na," saad nito. Bro, si Helena," pakilala nito sa kaniya at ngumuso sa isang nakakaakit na  babaeng kasama. Naka puting tube top na pinaresan ng maiksing denim skirt at 5-inch high heels sandals. May makapal na make up rin ito. Halos luluwa na ang dibdib dahil sa kalakihan ng hinaharap.

"Hi, Helena," matipid niyang tugon sa babaeng katabi niya. Hindi niya maistema ang sarili kung bakit wala siyang kaamor-amor nito kahit pa man sa kaseksihan at kagandahan. Halata ang pagpapa-cute ng babae sa kaniya. Humahawak pa ito sa maskuladong braso niya ngunit hindi niya ito pinatulan.

Nang umalis ang mga babae upang magbanyo. "Bro, parang nag-iba na yata ang ihip ng hangin ngayon ah. Bakit mailap ka na sa mga chicks? Hmm may bago na ba?" usisa ni Charles.

Ngumiting napailing na lamang na sinundan ng halakhakan nilang magkakaibigan. Hindi niya mapagkaila sa mga kaibigan kasi matagal na silang magkakakilala nito.

Pagkatapos niyang umorder at kumain ay patuloy ang kanilang kasiyahan. Nagkukwentuhan habang nag-iinuman sila at may live band na tumutugtog. Aliw na aliw sila sa reggae na musikang saliw nito.

"Bro, sa 'yo na," bigay ng baso ni Ryan sa kaniya at mabilis niyang nilagok ang beer.

Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isip si Ellaine, gusto niya itong tawagan.

"Saglit lang mga Bro, lalabas muna ako ha," paalam niya sa mga kasama nang makahanap ng tiyempo.

Sabik na siyang idayal ang number ni Ellaine. Matagal na sinagot iyon. Ibababa na sana niya nang sagutin ng isang babaeng may matinis na boses sa kabilang linya.

"Yes hello, sino to?" tinig ni Ellaine.

'Ang suplada naman. Pero 'di pa rin kita susukuan,' bulong niya sa sarili.

Gusto pa sanang makausap niya nang matagal at mas makilala si Ellaine ngunit agad namang nagpaalam ito sa kaniya. Wala na siyang magawa at napabuntong hininga na lamang.

Pagbalik niya sa loob ay nakitang enjoy na enjoy ang dalawang kaibigan sa loob habang patuloy na tumatagay. Sinipat nya ang kaniyang orasang pambisig. Malapit ng mag alas diyes ng gabi.

Nauna na siyang nagpaalam sa kanila. "Guys, mauna na ako. Thanks for the time," aniya. "Psst kayo diretso ang uwi," mariing turan niya sa dalawang kaibigan na tinuro pa ang mga ito. Alam niya kasi kung saan ang punta dahil kalong-kalong na nito ang mga seksing babae at minsang paghahalik sa mga labi na tila nag-iinit na.

"Bro, kami na ang bahala. Ingat ka sa pagmamaneho," tuminigin sa mga babae na tila naglalaway na asong gustong makatikim ng masarap na pagkain. Kumaway at nagpaalam na siya sa kanila.

NANG MAKARATING sa bahay ay naabutang gising pa ang kaniyang Mommy na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magasin. Humalik siya sa pisngi nito.

"Oh son, where have you been? Kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong ng Mommy niya.

Tumango siya at ngumiti. "Yes Mom. Tapos na. Nagkita lang kami saglit nila Ryan at Charles. Kabababa lang kasi ni Charles. Kaya ayun nagyaya," pagbibigay-alam niya. "Good night, Mom!" Humalik ito sa pisngi bago umakyat papunta sa silid niya.

NAKAHIGA na siya sa kaniyang malapad na kama at yakap-yakap ang kaniyang unan. 'Haay Ellaine, bakit hindi ka maalis sa isip ko,' sambit sa sarili.

Bumangon siya at nakangiting kinuha ang cellphone. Naisipan niyang tumawag ulit sa babaeng unti-unting nagpapatibok na ng kaniyang puso.

"Hello, Ellaine. Busy ka pa ba? Baka pwede na tayong mag-usap?" pangunguna niya nang masagot na ng dalaga ang kaniyang tawag.

**********************************

Featured song: Iniibig Kita
By: Roel Cortez


SHARE. VOTE. COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top